"May bagong music video ang H2B and I heard na dito sila sa Celestine, mag-su-shoot!" Napatigil sa paglalakad si Heaven nang marinig niya ang pangalan ng sikat na banda sa buong asya sa kasalukuyan. Huminga siya ng malalim at sandaling napa-pikit para pa-kalma-hin ang dibdib na malakas na kumakabog. So it is confirmed, already. Tama ang nabasa niya sa poster kahapon.
"And I also read from the internet na si Angelyn Aquino ang leading lady nila sa music video! Siya ang dating leading lady ni Prince Alvarez base sa article. She's also a bit older than Hunter but may chemistry na agad sila at talagang maraming kinilig nang mag-post siya sa social media ng selfie nila ni Hunty-baby." Sandaling napapikit si Heaven at napa-hawak sa strap ng bag niya. Muli siyang napa-buntong-hininga saka mabilis na dumilat, umiling-iling siya at pilit na inalis sa isipan ang mga narinig at nag-patuloy sa pag-la-lakad. Muli siyang napa-hinto nang matanaw si Akiko at hinintay na lamang na makalapit ito sakanya.
"Bakit na naman, Heaven?" Bungad na tanong nito nang mapansin ang seryoso niyang mukha.
Agad siyang umiling at hinawakan ang kamay nito. "I'm hungry na, bessy, diba one PM pa naman ang next class natin?" Tumango naman si Akiko sa tanong niya. Tinignan niya ang wrist watch at napangiti dahil vacant pa din nila.
"Sa cafeteria ba tayo, kakain?" Balik-tanong ni Akiko.
"Yes. Gusto mo ba sa iba?" Tanong niya muli sa kaibigan. Mabilis naman itong umiling at agad siyang hinila patungo sa cafeteria.
Maraming issues at drama ang buhay ni Heaven Andrade simula pagka-bata. She came from a broken family dahil biktima ang parents niya ng fixed marriage para sa business expansion. They left Aldwyne with her Dad when she was just five years old at talagang hindi na sila muli pang nagkita ng mommy at kuya niya na matanda lamang sakanya ng ilang taon. She grew up sa piling nila Akiko at ng mga magulang nito, dahil ang nabili na bahay ng daddy niya sa Metro ay magulang ni Akiko ang care taker. Her Dad decided na huwag na lamang paalisin sina Akiko para na din may makasama siya lalo na kapag out-of-the country ang kanyang Daddy dahil sa mga business commitments nito. She calls Aki's parents nanay and tatay habang best friend-s***h-sister naman sila ni Aki. Kasama din sa mga nakilala niya sa paglipat nila sa Metro City at sa village na tinitirhan ay ang limang batang lalaki na sina RJ, Vin, Ivo, Jake at Hunter na miyembro ng bandang sikat na sikat na ngayon sa buong asya.
Walang masyadong tao nang makarating sila sa cafeteria. Agad na dumiretso ang magka-ibigan sa counter area at tinignan ang mga pagkain na nandoon.
"Mag-ra-rice ka, Heaven?" Tanong sa kanya ni Akiko. Mabilis niyang kinuha ang phone sa bag at binuksan ang note app niya. She has a diet plan dahil weight conscious siya at ayaw na niyang tumaba muli katulad noong mga panahon na pinag-bu-buntis niya pa ang kambal.
"Yes. Tanghali naman saka hindi ako nag-rice kaninang breakfast..." She responded at ibinalik ang phone sa bag niya. Tumango-tango naman si Akiko at humarap sa server ng cafeteria. Beef broccoli with rice ang in-order ni Aki with apple juice at dessert na blueberry cheesecake habang beef steak with rice ang kay Heaven with red iced tea at chocolate cake as her dessert. They preferred to eat beef and chicken than pork, dahil na din sa dami ng carbs niyon at ma-cholesterol.
They found their spot to eat sa gitna, two seats away sa may glass window dahil doon sila komportable. Nagsimula na silang kumain at nakakailang subo pa lamang si Heaven nang tumunog ang ringtone ng phone niya.
"Hello?" Wika niya nang sagutin niya ang phone at hindi na nag-abalang tignan kung sino ang caller dahil naka-press any key to answer naman siya.
"May I speak to Mrs. Isidro?" Sabi ng kabilang linya.
"This is Mrs Isidro..." Agad naman niyang sagot.
"This is teacher Roxanne of Celestine Pre-school at gusto ko lang po na malaman niyo na nasa clinic po ang inyong anak na si Mircovin dahil sa sinumpong po siya ng asthma."
Biglang naka-ramdam ng pan-la-lambot si Heaven kasabay nang pag-baba niya sa phone niya ng hindi sinasadya. Napahawak siya sa dibdib niya na agad naman napansin ni Akiko at agad siyang dinaluhan.
"Heaven, bakit?" Nag-pa-panic na wika ni Akiko. Nakita niya ang phone ni Heaven na may naka-dial pa kaya agad niya itong kinuha.
"Hello?"
"Mrs. Isidro, no need to worry about them dahil okay naman na ang anak niyo. He knows how to cure himself dahil ayaw daw niya na mag-alala kayo. He's okay na at nakauwi na sila ng kakambal niya na si Mirconeil..."
Agad na pinatay ni Aki ang tawag matapos mag-pasalamat at mag-paalam. Nanghingi siya ng service water sa counter area at pina-inum sa kaibigan para kumalma ito. Kabilin-bilinan kasi nito na once mag-hyperventilate ito dahil sa nerbiyos o pag-aalala ay h'wag itong papa-inumin ng gamot o spray-an ng inhaler dahil ayaw na raw nitong i-take iyon dahil sa mga side effects.
"Okay na si Ovin. He knows how to take care of himself unlike you. Big boy na talaga sila." Napabuntong hininga si Heaven as a sign of relief saka muling uminom ng tubig at ngumiti kay Aki.
"Grabe ka, mabuti na lang at nasanay na ako at hindi na nag-pa-panic sa t'wing nagkaka-ganyan ka." Sabi niya kahit ang totoo ay sobrang lakas ng t***k ng puso niya. Mahina naman na natawa si Heaven sa tinuran ng kaibigan dahil nahahalata niya ito.
"Sorry na. Alam mo naman na mahina ako kapag ang kambal ang involve."
"Of course, I know that. Na-a-amaze lang ako sa sarili ko." She said as she flips her imaginary hair dahil naka-bun ito. Napailing na lamang si Heaven at muling napabuntong-hininga para mas lumuwag pa ang dibdib niya.
"I'M HOME!" Mula sa paglalaro ng airplane toy ni Neil at panunuod ni Ovin sa disney channel ay agad tumayo at tumakbo ang dalawa patungo sa main door kung saan nila narinig ang boses ng kanilang ina.
"Mommy!" Sabay na wika nito at patalon na yumakap ng sabay sa kanya. Natawa siya pati na din si Aki na nasa likod niya at agad binuhat si Ovin at mabilis na pinugpog ng halik sa pisngi na ikinainis ng bata.
"Ninang!" Angil ni Ovin habang pilit na kumakawala sa pagkaka-yakap ni Akiko.
"You made your mom worried kaya ito ang punishment mo." Sabi ni Aki at walang tigil pa din sa paghalik kay Ovin na nagpu-pumiglas.
Lihim naman na humahagikgik si Neil na nasa kandungan ni Heaven.
"Tama na yan, bessy. Let's go to the dining room para makatulog na ang kambal." Aniya at kinuha si Ovin kay Aki.
Hawak niya sa magka-bilang kamay ang mga anak na dinala ito sa comfort room para hugasan ang mga kamay ng mga ito saka sila nag-tungo sa hapag.
Habang ina-asikaso ni Heaven ang mga anak ay tahimik lang na nag-ma-masid sa kanya ang kaibigan na si Akiko na hindi ma-iwasan na mapa-iling at mapa-buntong-hininga.
She feel so proud to her best friend dahil sa pag-pa-palaki nito sa kambal ng maayos kahit na walang katuwang, but still, naiinis parin siya sa pagiging tanga nito at pagha-hawak nito sa pangako ni Hunter sakanya na magiging sila rin hanggang sa huli at maga-gawa na siyang ipakilala sa lahat.
Pupusta siya, hindi iyon mangyayari.