Chapter 3

1369 Words
Bata pa lamang sina Akiko at Heaven ay ramdam na nila na kailangan nila ang isa't-isa. Akiko has a strong aura and fierce look while Heaven has an angelic face at puno ng poise sa katawan, ngunit kapag nasubukan silang banggain ay doon mo malalaman ang pagka-kaiba nila kasabay ng pagpapatunay sa salitang, looks can be deceiving. Heaven is the maldita, bitchy, and bratinela, she has everything she always wanted, kaya niyang gawin ang lahat ng nais-in niya lalo na at wala namang magulang na magagalit sa kanya. She's smart kaya ayos lang sa kanya na hindi pumasok basta ay nare-review niya ang mga notes ni Aki kinagabihan. While Akiko on the other hand, is just a simple girl at may pagka-mahiyain. She has a lot of thoughts in mind. She quite feel envious towards Heaven. Ngunit katulad nga ng laging sinasabi ng lahat, marami ang napabago ng pag-ibig. Heaven learned to change her own self for the sake of love. The old selfish bitchy Heaven is already gone and change into a selfless, loving and caring mother and a very understanding wife to Hunter. Third day as freshmen college student nila ni Akiko. Tamad na tamad na pumasok si Heaven dahil na rin sa mga naririnig niya kahapon, at iniisip pa lamang niya ang muli nilang pagkikita ay ramdan na niya ang pagsikip ng dibdib niya. "Kung bakit ko pa kasi napili ang Celestine sa mga choices of university ko..." Angil niya sa kanyang sarili habang nakaupo sa dresser at mataman na nakatitig sa kanyang repleksyon sa salamin. Kalalabas lamang niya ng banyo at nakasuot pa din ng bathroom robe at may towel pa sa ulo. "Paano kung mag-transfer out nalang kaya ako, sabihin ko kay daddy? Kaso kasi baka magtaka iyon dahil Celestine ang isa sa prestihiyoso dito sa Metro." Sabi niya pa sa sarili na sinabayan ng buntong hininga. Napailing nalang siya at tumayo nang mapagtanto ang ginagawa. Nagtungo siya sa kanyang walk-in closet at nag-umpisahang maghanap ng i-su-suot. Napahinto siya sa paghahanap ng ma-i-su-suot at tumayo lang sa gilid ng closet habang nag-iisip, at nang may ideya na pumasok sa isipan niya ay agad niyang kinuha ang Uniqlo green off shoulder and pull over. Napangiti siya at saka bumalik sa dresser niya para mag-ayos. She wore a smokey eye make up, na tinernuhan niya ng pinkish cheek at pure rogue matte lipstick. She combs her hair at sinikop sa kanyang kaliwa para ma-exposed ang kan'yang off shoulder. She wore a green stilleto na may three inches ang taas. Hindi na niya kailangan pang maghanap ng bag o clutch na ipa-pares sa damit niya dahil okay na sakanya ang leather back pack nila ni Akiko. Lumabas siya ng kanyang kwarto, siya namang pag-salubong sa kanya ng kanyang mga anak at ni Aki. "Nice dress, nice hair, nice make up and nice shoes. Lemme guess, you want to impress someone, right?" Inirapan niya si Akiko at nilagpasan ito saka hinarap ang mga anak. Narinig nya ang mahinang pag-tawa ng kaibigan. "You are so pretty Mommy!" Ani Neil na nag-pangiti sa kanya. "Thank you, baby." Sagot niya at nginitian ito sabay magaan na kinurot sa pisngi. Gustuhin man niya halikan ang mga anak ay hindi niya magawa dahil sa lipstick niya. "Mommy, we're done eating na. Papasok na po ba kami sa school?" Tanong naman sakanya ni Ovin kaya tumango siya. Inaya niya ang kambal na lumabas na ng mansyon para hintayin sa tapat ng gate ang school bus ng mga ito na saktong kararating lamang. "Take care. I love you, kambal! Be good." Aniya at kumaway sa mga ito. Nakangiti siyang kinawayan pabalik ni Neil habang nakasimangot naman si Ovin dahil hindi ito nakahalik sa mommy niya. Pumasok sa loob ng mansyon si Heaven nang hindi na niya matanaw ang school bus ng mga anak at naupo sa sofa. Eleven A.M pa ang klase nila at nine A.M pa lamang kaya mamaya sila pupunta ni Aki sa school. Tinignan niya ang sarili sa kanyang compact powder at na-isipan na kumain na lamang muna at ayusin na lang muli ang lipstick niya kung sakaling mabura. Naupo siya sa kabisera ng hapag na saktong pagpasok ni Akiko sa dining room at sinaluhan siya sa pagkain na ngayon ay nakabihis na at handa narin sa pagpasok. "Ang sarap ng bacon no? Saka ng hotdog at itong scrambled egg ni nanay." Wika ni Aki habang maganang kumakain at pa-sulyap-sulyap kay Heaven na nasa gilid niya na mukhang malalim ang iniisip dahil nakatitig lang ito sa platong may toasted bread at eggs. "Hindi ka ba nasasarapan, Heaven?" Sabi niya pa. Nag-angat ito ng tingin sakanya saka bumuntong-hininga. "Gusto mo subuan, kita? Tuloy-tuloy ang klase natin ngayon. Wala tayong vacant..." "Shut up, Aki! May iniisip lang ako." Depensa ni Heaven sa sarili at sinamaan ng tingin ang kaibigan na tinawanan lamang siya. "Anong iniisip mo? Kung gaano kaganda si Angelyn Aquino? Kung may kissing scene ba sa shooting nila mamaya or worst, baka bed scene?" Lalo niya itong sinamaan ng tingin at hindi nalang pinansin. Nagpatuloy siya sa pagkain hanggang sa maubos niya ang laman ng plato niya at muling nag-retouch ng kaniyang make up. Ilang sandali pa ay kapwa na sila nakasakay ni Akiko sa porsche niya habang binabagtas ang daan patungo sa university nila. "Easyhan mo lang, Heaven. Kalma ka lang." Wika ni Aki na nagpa-kunot ng noo niya at pansamantalang binalingan ito. "What are you trying to say?" Takhang tanong niya dito. "Baka kasi mag-eskandalo ka kapag nag-kiss sina Hunter at yung Angelyn sa shooting nila. Alam mo na, legal wife feels." Anito at bahagyang natawa. Napakunot lalo ang noo niya pagkuway nagtaas ng kilay. "Excuse me! May breeding naman ako no! At hindi ako ganon kababa para mag-eskandalo. Bahala siyang gawin ang kahit na ano, ginusto niya yan..." Aniya. Tatawa-tawa lang si Aki sa tabi niya kaya binato niya ito ng tissue roll na nakita niya sa gilid niya. Pagpasok pa lamang nila sa university ay mapapansin mo na agad na may artista na naroon dahil sa dami ng tao at ang isang malaking kumpulan. May mga van din na naka-parada sa loob ng university na mula pa sa iba't-ibang news station, kasama ang van ng H2B na may mukha nilang lima. Hindi maiwasang kabahan ni Heaven habang naglalakad sila papalapit sa kumpulan kung nasaan din ang building nila. Kanina ay napag-kasunduan nila na hinding-hindi sila manunuod pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil mula sa kinatatayuan nila ni Aki ay tanaw na niya ang lalaking iniibig. Huminto sa paglalakad si Heaven at mahigpit na napahawak kay Akiko. "Pwede bang huwag nalang muna pumasok?" Tanong niya sa kaibigan na agad sumagot ng iling. "Third day palang natin, Heaven!" Giit nito kaya napabuntong-hininga na lamang siya. "Alam mo ba na sa Business Administration building ang buong setting ng shoot?! Oh, my! Swerte ng mga BA noh?" Dinig ni Heaven mula sa kanyang harapan na lalong nag-patindi ng kaba niya. She let a loud sigh at hinila si Aki paalis sa lugar na iyon. "Heaven!" "Sorry, Aki. Hindi ko kayang makita siya kasama ang iba. Kailan ba ako nanuod ng mga music videos at tv guesting nila? Kailan ba ako nagbasa ng magazine na sila ang cover? Hindi pa diba? Kasi ayoko, masakit kasi Aki!" Maluha-luhang wika ni Heaven. Hinayaan nalang ni Aki na tumakbo si Heaven papalayo, ngunit hindi pa siya masyadong nakakalabas ng Celestine nang may humarang sa kanya. "Hello, my heaven." Anito at matamis na ngumiti sakanya. "Homer.." Kapwa nabahala si Heaven at Akiko nang palibutan sila ng mga tao. Biglang nag-umpisa ang mga bulung-bulungan. Luminga siya sa paligid at nangilid ang luha nang makita ang disgusto at pang-hu-husga sa mga mata ng mga tao kahit na wala naman silang ginagawa. Nakita niya ang bahagyang pag-hakbang ni Homer palapit sakanila na agad niyang iki-naatras. Lalong lumakas ang bulungan kaya napayuko na lamang siya at mahigpit na napahawak sa kamay ni Akiko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD