Chapter 1

1610 Words
Sabi nila, ang buhay ay parang isang pelikula, may mga bida at kontrabida, maraming problema at pag-subok ngunit katulad ng ibang pelikula, may happy ending din ito at makakamit din ng bida ang kasiyahan na matagal niyang hinahangad. Hindi mag-kanda-ugaga si Heaven sa pag-aayos sa kanyang sarili nang marinig ang sabay na pag-palahaw ng mga anak na sina Mirconeil at Mircovin. Dinig na dinig niya ito kahit na nasa kanyang kwarto siya habang nasa living room naman sa ibaba ang dalawa. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang mabibigat na yabag ng mga ito patungo sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya at tinapos ang pag-lalagay ng compact powder sa mukha. "Mommy! Si Neil mommy!" Umiiyak na sabi ng limang taong gulang niyang anak. Agad siyang tumayo mula sa vanity table at nilapitan ito, umupo siya kapantay nito at pinahid ang mga chocolate smudges na nasa pisngi nito gamit ang mga palad niya. "What's wrong, Ovin?" Malambing na tanong niya. "Si Neil, mommy! Nitapon niya 'yong chocolate na sabaw sa mukha ko kasi ayaw ko siyang bigyan!" Lalong lumakas ang iyak nito na ikina-iling na lamang niya. Agad niyang hinubad ang damit nito, kasabay nang pagsulpot ng isa niya pang anak sa harapan niya. "What's wrong?" Baling naman niya dito, ngunit hindi katulad ng isa niyang anak, wala itong dumi sa mukha o kahit na ano, puno lang ng luha ang mga pisngi nito. "Si Ovin, mommy!" Sumbong naman nito sabay baling sa ka-kambal at tinignan ito ng masama. Muli siyang huminga ng malalim. Hinawakan niya ang mga kamay ng mga ito at dinala sa bathroom ng kwarto niya. Muli niyang pinaliguan ang dalawa, at dahil likas sa mga ito ang pagiging makulit ay natagalan sila bago matapos at nabasa pa ang damit niya. Inuna niya munang bihisan ang dalawa ng uniform nito sa pre-school saka tinawag ang kasambahay nila. Bumalik siya sa kanyang kwarto at nag-bihis muli. Itinuloy niya ang pag-aayos ng sarili at nang makuntento ay lumabas na siya ng kwarto niya at bumaba sa dining area kung saan niya nakita na kumakain na ang mga anak. Agad siyang lumapit at na-upo katapat ng mga ito at mabilis na in-asikaso. "Today is your first day of school, kaya dapat ay behave kayo at hindi na dapat mag-away pa. You two are big boys, now. Dapat ay hindi ako makaka-rinig ng complaints or anything about your behaviours mula sa teacher niyo, or else, i-pupunta ko kayo sa states with papa. Alright? " Nakita niya ang sabay na pag-tango ng kambal sa mahabang lintanya niya na lihim niyang i-kina-ngiti. Nakagat niya ang ibabang labi at uminom ng fresh squeezed orange juice. Nasa ganoon silang tagpo ng pumasok sa dining area si Akiko, ang best friend forever ni Heaven. "Ninang Aki!" Sabay na sigaw ng kambal at akmang bababa mula sa kina-u-upuan nang tumikhim si Heaven, mabilis naman umayos ng upo ang kambal at muling humarap sa pagkain. Narinig niya ang mahinang tawa ni Akiko at na-upo sa tabi niya. "Ang hard mo bessy sa mga inaanak ko." Komento nito sabay baling sa kambal ng nakangiti. Heaven rolled her eyes to Akiko, at bumaling sa mga anak saka inalalayan ang mga itong kumain. "Take care sweeties! Behave, okay?" Hinatid ni Heaven ang mga anak sa labas ng kanilang magarang gate kung saan naghihintay ang school bus ng mga ito. "Yes mommy." Mag-kasabay na sagot ng mga ito na i-kina-lapad ng ngiti niya. Isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang kambal saka tinulungan na maka-sakay sa likod ng school bus. Pina-nuod niya ang papalayong bus at ng mawala na sa paningin niya ay muli siyang pumasok sa loob ng bahay at doon na-abutan si Akiko na naka-upo sa sofa habang hawak ang gold necklace nito na hindi niya nakitang sinuot nito kahit kailan. "Okay ka na, bessy?" Tumango siya sa tanong nito. Mataman niya itong pinanuod habang binabalik nito ang kwintas sa lalagyan at inilagay sa bag nito. Agad din itong tumayo at i-si-nuot ang leather back pack na katabi nito. Kinuha na din niya ang bag sa sofa na katabi ng sa kaibigan at i-si-nukbit sa likod. Pareho sila ng bag ni Akiko na i-n-order pa nila online. Ideya ito ng kaibigan para daw twinning silang dalawa. At para tuluyang ma-satisfied si Akiko ay nakatalikod silang nagpakuha ng litrato mula sa isa nilang kasambahay, mabilis nila itong pi-n-ost sa kanya-kanyang social media accounts habang naka-ngiti na tila aliw na aliw. "Hashtag bffgoals! I so love this, bessy!" Tili ni Akiko na may kasama pa na pag-palakpak. Malakas na natawa naman si Heaven at napailing na lang. Agad niyang hinila ang kaibigan nang makita ang oras at sabay na nag-tungo sa garage kung saan naghihintay ang shining pink porsche na padala pa ng papa ni Heaven mula sa U.S.A. "OMG! Grabe talaga ang pagka-spoiled mo kay Sir Lorenzo!" Hindi mapigilan na komento ni Akiko habang sinisiyasat ang bagong sasakyan. Nagkibit-balikat siya sa sinabi nito, habang naka-ngiting pinag-mamasdan ang sasakyan. "Hindi naman, natuwa lang siya dahil naisipan kong pumasok na sa Celestine University at mag-aral ulit…" Paliwanag naman ni Heaven at pinindot ang remote key, agad naman itong tumunog kasabay ng pagka-unlocked ng sasakyan. Sabay silang pumasok sa loob at natawa kay Akiko nang langhapin nito ang hangin ng loob ng kotse at pag-laruan ang mga plastic na nakabalot pa sa bawat upuan. "You're such a lucky girl, bessy!" Sabi pa nito. Mahina siyang natawa at napa-iling na lamang dito. Ipinasok niya ang susi sa ignition at agad na binuhay ang makina. Normal lang ang kanyang pag-pa-patakbo dahil first time niya nalang ulit mag-drive matapos makakuha ng driver's license. Lumiko sila sa gate ng parking lot ng school nang makarating sila dito. Mabilis naman naka-hanap ng parking space si Heaven kaya hindi na sila tumagal. Sabay silang nag-lakad ni Akiko patungo sa gate na sinabing papasukan nila as freshmen noong um-attend sila ng orientation para sa mga new students na ginanap last week. Tahimik na pumila ang dalawa at mabilis din na naka-pasok matapos i-checked ang gamit at certificate of registration nila. "Business Administration din ang course na kinuha mo, bessy?" Tanong niya kay Akiko na i-kina-tango naman nito. Tumigil pa ito sa paglalakad at tumayo sa harapan niya na naka-kunot ang noo. "Para saan pa at hinintay kita ng three years kung hindi rin tayo magiging mag-ka-kaklase. Ganyan kita kamahal bessy." Pagmamalaki nito at nag-finger heart pa sa kanya habang naka-pikit ang isang mata. Ginaya ang mga korean actors and idols na nakikita nito sa social media sites. "Oo na. Love you too, bessy." Sagot naman ni Heaven at nag-finger heart din sabay kindat dito. Biglang nanlaki ang mga mata ni Akiko pagkuwa'y malakas na tumawa. Napa-iling nalang si Heaven at lumingkis sa braso nito saka nag-patuloy muli sa pag-lalakad. Matapos nilang pumunta sa Registrar's office at kuhanin ang kanilang schedule ay nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa Business administration building. Mabilis silang naglakad at tumayo sa harap ng elevator habang binabasa ang kapirasong papel na hawak nila. "Room 504 ang first class natin at college algebra iyon." Wika ni Akiko habang hawak ang schedule niya. Napatingin siya kay Heaven nang mapansin ang pag-katahimik nito. Sinundan nito ang tingin ang tinitignan ng kaibigan at doon niya nakita ang malaking poster ng isang sikat na banda na nakasabit sa pader sa gilid ng elevator. "Dito sila mag-so-shoot ng music video?" Sabi ni Akiko na nag-palingon kay Heaven. Nagkibit-balikat lamang ito at hindi sumagot. Saktong bumukas ang pinto ng elevator kaya sabay silang napatingin doon. Pinanuod nila ang paglabas ng mga tao na sakay niyon. "Let's go, Aki. I don't want to be late on our first day." Maarteng sabi ni Heaven sabay hila sa kamay ni Akiko. Hindi nito pinansin ang ginawa ng kaibigan dahil alam niyang nag-pe-pretend ito at obvious na bothered sa nakita. Natahimik si Heaven nang hindi mag-komento si Akiko. Napatingin na lamang siya sa numbers na nag-papalit habang uma-akyat sila. Napa-buntong hininga siya at napa-isip sa poster na nakita niya kanina. Walang naba-banggit si Hunter tungkol sa bagay na iyon sa kanya. Katulad ng hindi niya pag-banggit tungkol sa pag-babalik niya sa pag-aaral. "Akiko!" Mabilis niyang hinawakan ang ulo at gulat na napa-tingin sa kaibigan nang hilahin nito ng malakas ang buhok niya. "Mary Heaven Catherine Andrade, hanggang kailan ka mag-pa-pa-ka-tanga sa gagong Hunter na iyon?! Hanggang kailan mo itatago sa kambal ang tatay nila? Tinatanong kita dahil ako ay na-i-inis na!" Malakas na sabi nito na sandali niyang ikinabigla. Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi siya naka-imik dahil guilty siya. Marahas siyang bumuntong hininga muli at humarap sa pinto ng elevator nang tumunog iyon. Sandali niyang sinulyapan ang kaibigan at tipid na ngumiti. "Hindi ko alam. Hayaan mo, sasabihan kita kapag na-overcome ko na ang stupidity ko.." Marahan na tumango-tango si Akiko kahit na hindi siya naniniwala dito. Kaya bago siya tuluyang lumabas ng elevator ay muli niyang hinila ng malakas at with feelings ang buhok nito na malakas nitong i-ki-na-tili. Mabilis namang lumabas ng elevator si Heaven at hinabol ang malditang kaibigan para gantihan. "Akiko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD