"Homer.." Kahit nag-a-alangan ay pinilit pa rin na ngumiti ni Heaven dito na ikina-kislap ng mga mata ng binata. Hindi na ito nagtangka pang lumapit sa mag-kaibigan at nanatili na lamang sa kinatatayuan.
"Hello, my Heaven. Kumusta ka na?" Nakangiti nitong tanong sa kanya. Muli siyang luminga at napailing nang makitang nakalabas na ang mga cellphone ng mga taong pinalilibutan sila.
"I'm okay." Sabi niya at mabilis na tumalikod at pilit na tinakpan ang kanyang mukha. Agad naman siyang niyakap ni Akiko at pinilit na dumaan sa mga tao na pilit naman silang sinisiksik.
Patuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarinig sila ng tilian kasunod ang pagtawag sa kanila ng iilang miyembro ng H2B. Pinilit na hindi lumingon nila Akiko hanggang sa tuluyang makalayo at sabay na bumuntong-hininga. Ngumiti na lamang siya nang huminto sila sa paglalakad at napabaling kay Aki nang bigla siya nitong kalabitin.
"Ang sweet talaga ni Homer, no?" Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Buti pa siya, nagagawang tumakas sa mga bouncers makita ka lang, hindi katulad ng iba..." Napasimangot siya at napalabi kay Akiko.
"Sayang, sa kakambal ka niya na-inlove at nagpasakal..." Sabi pa ni Akiko.
"Huwag ka nga, Aki. Baka may makarinig sayo." Suway niya dito. Aki just rolled her eyes at hinila siya papunta sa building nila dahil hindi naman natuloy ang pag-uwi niya.
Hindi maiwasang mailang ni Akiko at Heaven habang naglalakad dahil ang tingin ay na sa kanila. Hindi maitatangi na they both have the beauty and the body, simple lang ang pananamit ni Aki kumpara kay Heaven pero litaw parin ang ganda niya. Laging ganito ang atensyon na natatanggap ni Heaven sa tuwing naiisipan niyang mag-ayos katulad ng dati, at hindi isipin ang mga dramas at issues niya. But aside of their looks and body, lingid sa kaalaman nila na ang dahilan ng mga tingin ng mga ito ay dahil sa pagiging instant celebrity nila matapos ang nangyaring eksena, kanina.
Nang makita nila ang designated room nila para sa subject na Philosophy ay agad silang pumasok doon at naupo sa harapan, may mga iilang estudyante narin sa loob na nag-aantay sakanilang Professor at hindi na naki-nuod sa kung anuman na ginagawa ng mga H2B sa oval.
Heaven let a sighed at kinuha ang filler notebook niya, kasabay ng pagpasok ng Professor nila.
"Good morning. I am Mr. De Leon, and I will be your instructor in Introduction to Philosophy and Logic."
Tahimik lamang ang magkaibigan na nakikinig lalo na nang mag-umpisa sila sa topic nila, at talagang nag-eenjoy ang lahat sa mga tinuturo ng instructor nang mapatigil ito sa pagsasalita nang maka-rinig malakas na pag-katok mula sa pinto ng silid. Lahat ay napabaling ang tingin doon at hinintay na bumukas iyon.
"Excuse me, Mr. De Leon?" Wika ng school dean nila kaya nagpa-alam sandali ang kanilang Instructor at ilang sandali pa ay muling bumalik sa harapan.
"We will resume our class, next week. Dito gaganapin ang shooting ng H2B kaya walang aalis dahil kasama kayo sa shots. That's all, thank you." Anito na nagpatigil kina Heaven at Aki.
Sunod na pumasok ang production staff na producer ng music video nang H2B, sinet-up ng mga ito ang camera at ilaw at kung ano pang mga gamit saka sunod na pumasok si Anton, ang maldita at feelingera na make up artist ng H2B. Lahat ng babaeng fans ng banda na nagta-tangkang lumapit ay sinu-sungitan nito na tila siya ang pinag-kakaguluhan. Heaven and Akiko hate him, too. Na-meet na ito ni Akiko once, at kinuwento sa kanya ang encounter nito dito kaya pati si Heaven ay nahawa na sa pagka-inis sa stylist.
"Hindi ba parang ang unfair? Bakit tayo kasali? Dapat may negotitation na magaganap between staffs and extras, diba? Bakit ganoon?" Takhang tanong ni Heaven at nilibot ang tingin. Binilang niya ang mga estudyante sa loob ng silid at nakitang thirteen lang sila, at halos lahat ay babae na may malalapad na ngiti habang nanunuod sa pag-se-set-up.
"Baka required sa subject natin?" Sabi naman ni Akiko.
"Anong klaseng school ang mag-re-required ng ganito sa minor subject? This is all nonsense..." Hindi napigilan ni Heaven ang pagtaas ng kanyang boses kaya napalingon ang iilang kaklase sakanya. Nakita niya ang pag-irap ng mga ito na mukhang narinig ang sinabi niya kaya napabuntong hininga na lamang siya.
"Heaven." Pagtawag sakanya ni Aki kaya napatingin siya dito.
"Bakit ba kung kailan pilit kang lumalayo ay mas lalo lang lumalapit?" Sabi niya pa na ikinailing ni Aki. Hindi na lamang siya nagsalita pang muli at nagtanong dahil siya lang naman ang tutol sa pagiging extra sa music video ng H2B. Nakapalumbaba na lamang niyang pinanuod ang mga ito na mabilis ang bawat pag-galaw.
Huling pumasok ang limang kalalakihan na kinagigiliwan ng lahat. Nakangiti sina Vin, RJ at Ivo habang seryoso lang si Jake at si Hunter ay hindi maipinta ang mukha. Dinig na dinig niya ang impit na tili ng mga kaklase. Napailing siya at bumuntong hininga.
"Okay, pwesto na, H2B! Bukas pa natin kukuhanan ang clip na kasama si Angelyn kaya kayo munang lima. Okay?" Wika ng babaeng director na may maikling buhok.
Nakita niya ang paglibot ng paningin ng lima sa buong silid kaya agad napaiwas ng tingin sina Aki at Heaven, at nang muli nilang tignan ang mga ito ay kapwa sila nagulat dahil nakatingin na ang mga ito sa kanila. Agad na lumapit sakanila sina Ivo, RJ, Vin at Jake at naupo sa gilid ni Heaven na may bakanteng apat na upuan.
"First scene na, direk." Sigaw ni Vin kaya napatingin si Heaven dito at kumindat naman ito sakanya. Nakarinig siya ng bulungan mula sa kaklase niya sa likod kaya napapikit na lamang siya.
"Okay. First scene ay nakaupo kayong apat d'yan habang si Hunter ay papasok pa lamang, remember na kumakanta kayo habang uma-aksyon, ha?" Tumango-tango sina Vin habang tahimik lang sina Heaven na nakikiramdam sakanila.
Nag-umpisa na ang pag-so-shoot nila, tahimik lamang ang buong silid at tanging naririnig ay ang boses ni Hunter at Jake na palitang kumakanta mula sa audio. Unang itinapat ang camera sa tatlo na ngayon ay tahimik na nagbabasa ng kung ano sa props nilang libro, sunod ay kay Homer naman ito itinapat na nasa malayo ang tingin at tila malalim ang iniisip. Punong-puno ang emosyon nito na nagpangiti sa director.
I remember all my life
Raining down as cold as ice
Shadows of a man
A face through a window
Crying in the night
The night goes into
Morning just another day
Happy people pass my way
Looking in their eyes
I see a memory
I never realized
How happy you made me
Oh Mandy
Second verse ng kanta ng dahan-dahan na naglakad papasok si Hunter. Lahat sila ay nakasuot ng school uniform, pero mas nag-stand out ito dahil may suot itong nerdy glasses at may akap-akap na libro. Palinga-linga ito sa paligid habang bahagyang bumubuka ang bibig.
When you came and you gave without taking
But I sent you away, oh Mandy
When you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today, oh Mandy
"Sino ang nagsulat ng kanta nila, bessy?" Tanong ni Aki. Heaven just shrugged her shoulders at itinuon nalang ang pansin sa notebook niya.
"May laman iyong lyrics, Heaven." Ani Aki.
"Shut up, Akiko Joanne!" Singhal niya na ikinatahimik ng kaibigan.
"Cut!" Hindi na nakita ni Heaven kung ano pa ang ginawa ng lima dahil mas pinili niyang magsuot na lamang earphones at pumikit.
Nang sabihin ng director na break time muna ay dali-daling tumayo si Heaven at sinikop ang mga gamit. Mabilis siyang nakalabas at napahawak sa dibdib niya dahil sa lakas ng t***k ng puso niya.
Hindi niya talaga kaya na makasama si Hunter sa iisang lugar. Masyadong malakas ang emosyon niya sa t'wing nakikita niya ito. Masyado niya itong mahal kaya naiiyak siya sa twing nakikita niya ito na hindi man lang mayakap o mahalikan.
She felt alone and broken. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito matitiis, lalo na kapag makitang may kasama pa ito na iba. Mukhang hindi niya kakayanin. Totoo talaga ang kasabihan na may hangganan ang lahat. Kung ang timba ay napupuno ng tubig na patuloy na tumutulo, paano pa kaya ang tao na patuloy na inaabuso ang kabaitan? May hanggaan ang pagtitimpi at pag-intindi ni Heaven sa asawa. May hangganan ang pagiging mabait niya.