Nakatayo si Hunter sa gilid ng pinto habang pinapanuod si Heaven na nakayuko at mukhang nagpu-punas ng kanyang mukha. Heaven don't have any idea how he badly wanted to kiss and wipe those tears away, na alam niyang siya ang dahilan. How he badly wanted to hug her. But he knows he can't, he just can't and he knew that this is his choice.
"Hunt." Pagtawag sa kanya ni Dani, ang manager ng banda nila.
"May susunod pa ba tayong gagawin?" Tanong niya dito at tumalikod na sa pinto para harapin ang manager niya.
"Wala na, why?" Tanong nito.
"Good. May pupuntahan lang ako." Anito at hindi na inantay na sumagot ang manager. Mabilis siyang nakababa sa building sa tulong na rin ng mga bouncer na nasa labas ng classroom. Nagpahatid siya sa driver nila sa bahay ng H2B at dumiretso sa garahe. Kinuha niya ang susi ng kanyang silver na audi sa marble table at pinatunog iyon. Nagsuot muna siya ng hoodie jacket saka sumakay ng sasakyan at agad pinasibad.
Bago umuwi nila Aki at Heaven ay naisipan muna nilang dumaan sa grocery store para bumili ng stocks nila at para na rin sa lulutuin ni Heaven na pasta para sa mga anak dahil for them, wednesday is their pasta day!
Naisip ni Heaven na piliin ang araw na wednesday para kapag lumaki na ang mga anak at maging abala na sa kanya-kanyang buhay ay wala itong dahilan na hindi kumain ng pasta every wednesday at makisalo sa kanila.
Napangiti na lang si Heaven sa naisip.
Pinili ni Heaven ang magluto ng carbonara dahil favorite ng mga anak niya ang mushroom, kahit na alam niyang puwede naman maglagay ng mushroom sa spaghetti ay iyon parin ang kinuha niya. Akiko told her a while ago na nagke-crave ang kaibigan sa white sauce.
Nang makompleto niya ang ingredients ay pumila na siya sa counter habang si Aki ay namimili pa ng toiletries.
"Okay ka na?" Tanong niya dito. Tumango si Aki at pinakita ang basket nito na may laman kaya napatango rin siya.
They are heading now sa mansion ng mga Andrade nang tumunog ang phone ni Akiko.
"Hello?" Anito habang si Heaven ay tahimik lang na nagda-drive.
"What?!" Malakas na sabi ni Akiko na nagpalingon kay Heaven at napakunot ang noo. Agad naman binaba ni Aki ang phone niya at hindi mapakali na patingin-tingin sa labas.
"Why Aki?" Tanong niya.
"Hurry up, Heaven! Kailangan na natin makauwi agad!" Sabi pa nito at hindi pa rin mapakali. Bigla naman kinabahan si Heaven kaya dinoble niya ang pagpapatakbo kaya madali silang nakarating.
Nagmadali sila sa pababa at hindi na nag-abala na i-park ang sasakyan at agad pumasok sa malaking gate.
"Neil? Ovin?" Pagtawag niya sa mga anak hanggang sa makapasok sa main door at mapatigil dahil sa nakita.
Nang makabawi ay agad siyang lumapit sa kambal at hinawakan ito sa mga kamay.
"What are you doing here, Hunter?" Takhang tanong niya. Saktong pagpasok ni Akiko kasama pa ang apat na miyembro ng H2B.
"What the hell, RJ! Ivo! Jake! Vin!" Sigaw ni Hunter na agad sinamaan ni Heaven ng tingin dahil sa pagmumura nito sa harap ng kambal.
'Sorry' Hunter mouthed and Heaven just rolled her eyes.
"Hello Heaven! Happy Birthday!" Sigaw ni Jake na agad na lumapit sa kanya at niyakap siya.
Lalong natigilan si Heaven kasabay ng isa-isang pagyakap sa kanya nina RJ. Hindi niya malaman ang ire-react dahil talagang nakalimutan niya na ang birthday niya! Simula kasi ng manganak siya sa kambal ay lagi niyang sinasabay ang birthday niya sa birthday ng kambal dahil sa isang linggo lang naman ang pagitan.
"Oh my god!" Bulaslas niya.
"Nakalimutan mo na naman, Heaven? Akala ko pa naman pinaghandaan mo dahil nag-ayos ka kanina." Wika ni Akiko ng yakapin siya at halikan sa pisngi.
"Happy Birthday, mommy! May cake ka po doon sa dining room." Sabi ni Ovin at niyakap siya sa leeg. Hinalikan niya ang kambal sa pisngi at wala ng pakialam kung magmarka ang lipstick sa pisngi ng mga ito.
"Happy birthday, baby." Bulong sa kanya ni Hunter, tumango lang siya at ngumiti saka nagpahila sa mga anak niya papunta sa dining room.
"Mommy look..." Agad tinignan ni Heaven ang tinuro ng anak at mapait na napangiti.
It was a round chocolate cake na may birthday greeting. May dalawang boxes din ng hawaiian at pepperoni pizza at lechong manok.
"Tito Hunter bought this all for you..." Sa t'wing tinatawag na tito ng mga anak niya si Hunter ay hindi niya maiwasang maramdaman ng kirot sa puso niya. Naaawa siya sa mga anak na wala na ngang nakagisnan na ama ay hindi pa puwedeng ipakilala.
Last month lang ng ipakilala ni Heaven ang kambal sa buong H2B matapos makauwi ng mga ito sa Pilipinas pagkalipas ng mahabang panahon. Ninong ang pakilala nito sa mga kaibigan na sina RJ, Ivo, Jake at Vin habang Tito ang pakilala niya kay Hunter as her friend. Ayon na din sa pakiusap ni Hunter na privacy para sa buong banda.
After the introduction ay bumalik agad ng ibang bansa ang buong banda for an urgent matter at nalaman na lamang nila ang muling pagbabalik ng mga ito dahil sa music video na kinuhaan kanina sa school nila.
Nakilala niya sina Hunter at Jake nang lumipat sila sa village na Sandoval ang developer. They are her first boy best friend na sinundan nila Ivo dahil sina RJ at Vin ay sa kabilang village.
Bata pa lamang ay mahal na ni Hunter ang musika. It's his first love na hindi pwedeng kuhanin sa kanya.
Hunter was Heaven's first love kaya dala narin ng matinding pagmamahal sa isa't-isa ay nakagawa sila ng isang bagay na naging bunga ang kambal. At the very young age ay nanganak si Heaven kaya kinailangan niyang huminto ng senior high school at nagpatuloy nalang ng maayos na ang lahat.
At dahil hindi kilala ng kambal ang kanilang ama ay hindi niya maiwasan ang mga ito na magtanong, at ang safe na sinasabi niya ay nasa malayong lugar ito at doon nagta-trabaho. She's just so lucky to have a smart and understanding twins, 'yon nga lang ay makulit at pilyo.
"Say thank you to Tito Hunter, mommy!" Wika pa ni Neil. She just nodded at bumaling kay Hunter na nakatingin ngayon sa mga anak niya.
"Thank you, Hunter." Aniya dito saka bumaling sa mga anak at tinulungan ang mga ito na sumampa sa upuan. Umupo narin siya sa tabi ng mga ito at inasikaso sa pagkain habang pinapanuod sila ni Hunter na may lungkot sa mga mata.
"Ang lalaki na nila no?" Komento ni Hunter habang pinagmamasdan ang kambal na natutulog sa magkaibang higaan. Superman ang design ng higaan ni Ovin habang airplanes naman ang kay Neil dahil sa pangarap nitong maging piloto paglaki.
"You should go home na, Hunter. May trabaho ka pa bukas at galing ka sa shoot ngayon." Wika ni Heaven at ngumiti, para itago ang lungkot na nararamdaman para sa mga anak.
Tinitigan ni Heaven si Hunter pagkuwa'y niyakap ng mahigpit. Sobrang miss na miss na niya ng lalaking minamahal. Bakit kahit anong gawin ni Hunter ay mahal na mahal pa din siya ni Heaven?
"I miss you baby." Bulong nito na nagtayo ng balahibo niya sa batok. Niyakap niya rin ito ng pabalik at hinagod ang likod.
"Umuwi ka na, Hunter..." Pagtataboy niya pa dito.
"Pwede ba akong matulog dito?" Tanong ni Hunter na nagpahiwalay kay Heaven sa pagkakayakap sakanya. Five years ago nang magkahiwalay sila, at after ng mga ito na makabalik sa Pilipinas ay nanatili lang ang mga ito sa bahay ng banda nila at guwardiyado ni Dani na manager nila. Para raw makaiwas sa issues dahil alam nito ang sikreto ni Hunter at Heaven.
"Baka magalit si Dani..." Sabi niya ng nakalabi.
Hindi pinansin ni Hunter ang sinabi niya at mabilis na kinabig at sinakop ang mga labi niya. Agad naman niya itong tinulak nang maramdaman ang labi nito at mabilis na tinakpannang bibig.
"Hunter!" Suway niya dito.
"I love you, Heaven."
And just like that, lahat ng sakit at lungkot na dinulot sa kanya ay bigla na lamang nawala. Parang isang magic na naglaho ang mga iyon sa dibdib niya.
Bahagyang lumapit si Heaven sa asawa at lumingkis sa leeg nito. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha dito. Agad naman siyang niyakap ni Hunter saka ngumiti.
"I love you so much, baby..." Bulong pa ni Hunter sa kanya.
"I love you too, Hunter, always..." Puno ng pagmamahal niyang tugon.