Chapter 6: Volunteers

1751 Words
Rhian's POV "Miss, mukhang malungkot ka ata ah?" Kahit na naduduling na ang paningin ko ay nagawa ko pa ding lingunin ng bahagya ang boses ng lalaking nagsalita. Matangkad siya, sa tingin ko ay moreno at may kalakihan ang katawan. Bukod doon ay may ilan pa siyang mga kasama sa kaniyang likuran. Umupo siya sa bilugang upuan na nasa tabi ko at kinuha ang baso kong may natitira pang alak. "Sa tingin ko ay lasing ka na kaya ako na lamang ang iinom nito," aniya pa at nilagok ito. Nanalim ang tingin ko sa kaniya. Sino ba ang hudas na ito!? Wala ba siyang pambili ng alak at pati inumin ko ay pinakikialaman niya!? Sa inis ko ay nagpasya akong huwag na lamang siyang pansinin. Naalala ko, sa bar din kami nagkakilala ni Lester noon. Bwisit! Akala mo gwapo, mukha namang gorilya sa kapal ng balbas niya! Huh! "Wala. Panis ka pala, boss eh! Ini-snob ka lang ni Ms. Biyutipol! Hahahaha!" halakhak ng isa sa mga unggoy na kasama niya. Ngumisi ang antipatikong lalaki na uminom ng alak ko ngunit sa tingin ko ay napikon din siya sa tawanan at panunukso sa kaniya ng kaniyang mga kasama. Dumukot na ako ng pera sa aking pitaka at inilapag sa counter na nasa harapan ko. Alam kong wala na ako sa huwisyo pero alam ko din naman na kaya ko pang makauwi mag-isa. Akma na sana akong tatayo nang bigla namang hawakan ng mahigpit ng lalaki ang braso ko. "Sandali nga! Saan ka pupunta? Nakikipag-usap pa ako sa 'yo ah!?" dama ko ang inis niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Bakit ba mga sira-ulo ang mga lalaking nakakatagpo ko!? Huh! Binawi ko ang braso ko at walang pag-aalinlangan, isang malutong na sampal ang itinugon ko sa kaniya na kanila namang kinagulat. Maraming nakakita sa ginawa ko pero parang wala na akong pakealam sa mundo. Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat. Hindi na matuwid ang aking paglalakad. Pakiramdam ko ay gumagalaw ang paligid ko at matutumba ako, gayon pa man ay naglakad pa rin ako at dumaan sa kalagitnaan nila. "Boss, okay ka lang ba—" "Bitawan mo ako! Punyeta!!!" hiyaw ng lalaking halos tumabingi ang panga. "Hoy! Bumalik ka dito, walang hiya kang babae ka!!!" Ewan ko ba kung bakit tila wala akong nararamdamang ano mang emosyon nang mga oras na yun. Epektibo pala talagang pampamanhid ang alak, bakit hindi ito nirereseta ng mga doktor? Tsk! Animo'y wala akong naririnig at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Ang malamya kong mga mata ay nakatitig lamang sa may pintuan ng bar. Dahil sa sigaw ng gorilya, pinagtitinginan tuloy ako ng mga naroroon. Mas malakas pa yung sigaw niya kaysa doon sa tugtog. "Sir! Sir! Kalma lang po, huwag po sana tayong gumawa ng gulo dito, pakiusap—" "Tumahimik ka!!!" hiyaw ng lalaki at narinig ko ang pagkagulat ng mga tao kasabay ng pagbagsak ng waiter sa sahig. Doon na ako napahinto upang balingan sila ng tingin. Agad-agad namang nagsilapitan ang mga staff at bouncer ngunit lahat sila ay napahinto din. "Sige, subukan niyong lumapit at gigripuhan ko ang lalaking ito!" pagbabanta niya matapos maglabas ng patalim. Natigil ang malakas na tutog at nabalot ng tensyon ang paligid. Pero ako.. ewan ko pa rin. Piling ko nga hindi naman totoo ang lahat ng nangyayaring iyon kaya parang balewala pa rin sa akin ang lahat. Mukhang wala na ako sa aking sarili dahil sa alak. "Sir! S-Sir! Kung ayaw niyong tumawag kami ng pulis, itigil niyo na po ang kalokohang ito!" matatas na sabi ng bouncer. "Subukan niyo!" ngisi ng lalaki na tila hindi naman nag-aalala sa tinuran ng gwardya. "Gusto mo bang sabihin ko sa iyo kung ilang beses na akong labas-pasok sa kulungan? Hahaha! Ilang tao na ba ang binawian ko ng buhay gamit ko ang patalim na ito? Marami-rami na alam mo ba pero wala pang bente-kwatro oras, nakakalabas na ako ng kulungan! Hahahah!" Hmm!? Totoo ba? Paano naman kaya nangyari 'yon!? Nabalot ng takot ang mga tao kaya naman ang karamihan ay nagsitakbuhan na palabas ng bar. Ako? Nandoon pa din at walang buhay na nakatingin lang sa kanila. Marami pala sila. Bukod sa mga lalaking nasa likuran niya, may mga lalaki pang patuloy na umiinom sa ilan sa mga mesa at tila natutuwa sa nangyayari. Muling dumapo sa akin ang matatalim na mga mata ng baliw na lalaki. Pumwesto naman sa harapan ko ang dalawang bouncer na para bang pinoprotektahan ako. "Ma'am, maigi po sanang umalis na kayo! Baka kung ano lang ang mangyari sa inyong masama dito—" ani ng bouncer ngunit hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin nang mabilis na tumakbo ang lalaki papunta sa kaniya at akma sana siyang sasaksakin. Nakita ko 'yon kaya naman agad ko siyang tinulak. "Tabi!!!" hiyaw ko. Ewan ko sa sarili ko kung bakit bigla na lang kumilos ang katawan ko. Pakiramdam ko pa naman kanina ay lumulutang na ang kaluluwa ko, ngunit tila bigla itong bumalik sa aking katawan para maitulak ko yung bouncer at makaiwas din ako. Nadaplisan lamang sa braso ang bouncer. Hinawakan naman agad ng isa pang bouncer ang kamay ng lalaki na may hawak na patalim ngunit sinuntok lamang siya nito ng ilang ulit. Duguan at halos hindi na makilala ang mukha ng bouncer nang mawalan na ito ng malay. Napatitig ako sa kaawa-awang bouncer. Sinisiguro kung buhay pa siya. Nang makita ko ang mababaw niyang paghinga ay doon ko napagtanto na buhay pa siya. Mabuti naman! Tsk! B-Baliw ang bwisit na lalaking ito! "Ganiyan ang mga nangyayari sa mga pakialamero!" Ngumisi ang lalaki nang muli niya akong tignan. Marahan siyang humakbang palapit sa akin. Nahihilo pa rin ako at alam ko na hindi maganda ang nais niyang gawin. "Anong ginagawa mo d'yan? Bakit hindi ka pa kumakaripas ng takbo? Tapang-tapangan o gusto mo ng sumama sa akin? Hmn, sinasabi ko na nga ba, nagpapakipot ka lang." Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bakit nakatayo lang ako doon na para bang hinihintay ko pa siyang makalapit. Sa halip na takot ang maramdaman ko sa kaniya ay mas nangingibaw ang galit at pagkairita ko sa pagmumukha niya na para bang gusto ko ding gawin sa kaniya ang ginawa niya sa bouncer! Gusto ko ding suntukin ang mukha niya at durugin ng husto! "Sino ba sa ating dalawa ang lasing? Ako ba... o ikaw? Kahit siguro pulubi sa kanto hindi sasama sayo! Gorilya!" bawi ko sa kaniya na mabilis na ikinakunot ng kaniyang noo. Nagtawanan naman ang mga kasama niya na dahilan ng lalo niyang pagkapikon. "Manahimik kayo kung ayaw niyong pati kayo ay gilitan ko ng leeg!" angil ng lalaki habang nanggagalaiting nakatitig sa akin. "Binubwisit mo talaga akong walang hiya ka! Pumapatol ako sa babae at wala akong pakealam kung makapatay ako, alam mo ba!? KAYA MATAKOT KA SA AKIN! WALANG MAGLILIGTAS SAYO SA MGA KAMAY KO—" "Nah! I volunteer." "Ahhh!!! P0TANG-INA!!!" napabulalas ang siraulong lalaki na akma sanang sasakal sa akin matapos naming marinig ang isang boses ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may nakatarak na na baraha sa kamay nya at dumudugo na ito ng husto. Agad na napablikwas ng tingin ang mukhang gorilya sa kaniyang likuran, "SINONG GAG0NG GUMAWA NITO!? SINO!? PAPATAYIN KO!" Napatitig ako sa barahang yun at napakunot ang noo ko sa pag-iisip. Paanong naging ganoon katalim ang barahang 'yon para bumaon at humiwa ng husto sa tila napakakapal na balat ng impaktong ito? Joker. Ang baraha ay isa lamang typical na baraha na may naka-drawing na itim na Joker. Kahit nanlalabo ang mga mata ko, hindi lang dahil sa alak kung hindi dahil na rin sa may kadiliman ang bar, ay pilit ko ding hinagilap kung sino nga ba ang gumawa noon. Ang mga staff ng bar ay nakatumpok sa may counter at ang direksyon ng pinanggalingan ng baraha ay mula sa mga mesa na para sa mga customer. Ngunit hindi ba't ang naririto na lamang ay ang mga tauhan niya? "Hey, I did tell you not to meddle. We should have just gotten drunk on our own and let them be with their business," ani ng lalaking nakaupo ng patalikod sa amin. Nakapatong ang siko nya sa sandalan at may hawak siyang ilang mga baraha. Ang boses na 'yon... bakit parang pamilyar sa akin ang mga lalaking ito? Sila ba ang may gawa noon? "Didn't you also say that you know her? Ang sama mo namang kaibigan," ngisi ng lalaki na para bang hindi nababahala sa posibleng mangyari sa kanila. May hawak din siyang baraha at tila patuloy pa rin sila sa paglalaro dahil naglapag pa siya ng baraha sa kanilang mesa. Sa tingin ko ay siya ang nagsabi kanina na magbo-volunteer para iligtas ako? Sigurado akong kaniya ang boses na narinig namin kanina. Kung ganoon... sila nga ang may gawa no'n! Nakuha na nila ang atensyon ng lahat. Nag-aapoy na din ang nananalim na mga mata ng gorilyang nasa harapan ko. Nagsitayuan ang ang iba pa niyang mga tauhan at pinaikutan sila na para bang handa na nilang kuyugin ang dalawang lalaking iyon. "I said I know her, but I didn't say she's my friend. Those are two different things," tiim na sabi ng lalaking nakatalikod sa amin. Sandali nga, pamliyar talaga sa akin! Kilala niya din ako!? Teka nga! H-Huwag mong sabihing... ang tila masungit na lalaking nakatalikod sa amin ay ang lalaking 'yon!? Siya nga ba si— "HOY! Sabihin niyo," maangas na tanong ng mukhang gorilya saka binunot ang barahang nakatarak sa kaniyang kamay. Sumirit ang dugo kaya naman nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan niya at tinalian ito ng bandana. "KAYO BA ANG MAY GAWA NITO!? KAYO BA!? AMININ NIYO NA NANG MAIPADALA KO NA KAYO SA IMPYERNO!" Pinagbabantaan niya ang mga ito ngunit ang dalawang lalaki ay kalmado pa ding nakaupo doon sa harap ng kanilang mesa at naglalaro ng baraha. "Alam mo kasi... nakabakasyon kami ngayon ng dalawang araw kaya lang... sinira mo ang pagpapahinga namin, nakakaasar," ani ng lalaking nakatalikod. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at ang mga mata ko'y titig na titig lang sa kaniya. Inaabangan ko kung haharap ba siya dahil malakas ang kutob ko na siya nga ito, hanggang sa bahagya niya kaming nilingon. Doon ko nakumpirma ang hinala ko nang makita ko ang matalim niyang mga mata habang nakakakilabot na nakangisi sa gorilyang nasa tabi ko. "You want to send us to hell? Nah! Parang mas bagay ka do'n." ZIEKE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD