Chapter 7: Car Chase

2407 Words
Rhian's POV "Z-Zieke," mautal-utal kong sambit ng pangalan ng lalaking nakatalikod lamang kanina na ngayon ay nakatayo na paharap sa amin. Tila nawala ang kalasingan ko at agad na luminaw ang aking paningin nang makita ko siya. A-Anong ginagawa niya dito!? "Yeah, we met again, you fool," naniningkit ang mga mata niya nang balingan ako ng tingin. Napabuntong-hininga pa siya at napailing na para bang pinasasakit ko ang ulo niya. "Palagi mo na lang ba akong idadamay sa mga isyu mo sa buhay? Tch!" E-Eh? Anong sabi niya!? "S-Sandali! Hoy! HINDI KO NAMAN HININGI ANG TULONG MO NGAYON AH!? Hik!" Sh*t! Sininok pa ako! Pakiramdam ko masusuka pa nga ako eh! Hay! "Wow! How sweet!? Ganiyan na ganiyan mag-away ang lolo't lola ko noong—" "Shut the fvck up," ani Zieke sa lalaking kasama niya ngunit tinawanan lang siya nito ng pigil. M-Mga baliw! Napatingin ako sa lalaking kasama ni Zieke, alam ko sa sarili kong pamilyar siya sa akin. Napapaisip ako kung nagkita na nga ba kami dati? Tulad ni Zieke, gwapo din ito at matipuno ang pangangatawan pero mukhang pareho din silang sira-ulo. Saan ko nga kaya siya nakita noon? Tila lalo namang nanggalaiti sa galit ang mukhang gorilya na nasa tabi ko. Nagsibunot naman ng patalim at baril ang mga kasama niya at itinutok kina Zieke. Doon ako nagsimulang mangamba. Pati ang mga bouncer at mga staff, bakas na ang labis na takot at kaba sa kanilang mga mukha. Ano ba namang buhay 'to!? Hindi pa ba matatapos ang problema ko sa araw na ito!? Hinablot ako ng walang hiyang lalaki kaya napasigaw akong muli at ang patalim na hawak-hawak niya ay tinutok niya sa aking leeg. "B-Bitiwan mo ako!" Ngumisi ang mukhang gorilyang nakakabig sa akin at ang matatalim niyang mga mata ay hindi man lang nakikitaan ng pag-aalinlagan habang nakatitig kina Zieke. "Subukan niyong manlaban, papatayin ko ang babaeng ito—" "SABI KONG BITIWAN MO AKO!" Hindi natuloy ng lalaki ang kaniyang sinasabi nang mahigpit kong ikuyom ang kamao ko at buong pwersa kong siniko ang kaniyang sikmura. Nang mapayuko siya ay hinawakan ko pa ang kaniyang batok at inuntog siya sa aking tuhod. Nag-aral ako ng martial arts noong junior high, hindi ko akalaing magagamit ko dito ang mga natutunan ko noon! Huh! Nagulat silang lahat sa ginawa ko, ngunit si Zieke at ang kaniyang kasama, sa halip na manlaki ang mga mata sa pagkabigla ay napangisi pa. "Sinasabi ko na nga ba... isa kang reincarnation ng dinosaur," pang-aasar pa sa akin ni Zieke. Namilog ang mga mata ko sa kaniya ngunit kahit na gusto ko pa sanang mainis eh napahiyaw na lang ako nang makita kong sugurin na sila ng mga tauhan ng lalaking tinuhod ko. "Zieke!!!" Kaswal lang na nakatayo silang dalawa doon ngunit nang makalapit na ang mga tauhan ng gorilya, mabilis silang kumilos upang iwasan ang atake ng mga ito. Sandali akong napatanga nang makita ko kung paano nila kalabanin ang nasa humigit na dalawampung katao na nakapaligid sa kanila. Napakaswabe ng kanilang ginagawang pag-iwas na sinusundan naman din nila ng pagganti. Tila wala atang tumama ni dumaplis man lamang kina Zieke mula sa mga pagsugod ng mga mukhang goons na 'yon, samantalang ang mga suntok at sipa naman nila ay solidong tumatama sa kanila. A-Ang galing nila! Nakita ko namang napaubo ang mukhang gorilya at marahang tumatayo mula sa pagkatirapa sa sahig. Nakaramdam ako ng pangamba dahil alam kong hindi niya palalagpasin ang ginawa ko sa kaniya. Tinapunan niya ako ng tingin at napahakbang ako paatras dahil ramdam ko ang labis niyang galit. "IKAW! WALANG HIYA KANG BABAE KA! PAPATAYIN KITA!" pagsumpa niya sa akin at tumayo na siya ng tuluyan para muli akong hablutin. "M-Mas walang hiya ka! LUMAYO KA SA AKIN!" sigaw ko at pinilit kong tumakbo palayo. "Saan ka pupunta!? DITO KA LANG! PAPATAYIN KITA!" gigil niyang sabi at hinatak ang buhok ko. Napahiyaw ako sa labis na sakit at napaupo na lang ako sa sahig. "A-Ah, sh*t!" ani ko na napahawak pa sa aking ulo. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko at sa lakas ng paghablot niya sa akin. At dahil nga may espiritu pa ng alak ang katawan ko ay nahihilo pa din ako at hindi nakatayo agad. "MAMATAY KA!" aniya at mahigpit nyang hinawakan ang kaniyang patalim para itarak sa akin. "Not yet!" ani ng boses ng lalaking kasama ni Zieke. Nagulat na lang kami nang lumundag ito at mabilis na sipain sa mukha ang gorilya na siyang nagpatilapon sa kaniya palayo sa akin. Gulat na gulat ako ngunit manghang-mangha din sa nangyari. Muli na naman akong napamaang nang maramdaman ko ang mga brasong bumuhat sa akin at mabilis akong inilayo doon. "Kumapit ka," malamig na utos sa akin ng lalaking bumuhat sa akin. "Z-Zieke!" sambit ko nang mapagtanto kong ang lalaking bumuhat sa akin ay walang iba kung hindi siya. A-Ang init ng katawan niya. A-At amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. B-Bakit parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko? A-Ano ba naman ang iniisip kong ito!? Nasa gitna kami ng gulo pero nadi-distract ako sa presensya nya. Tsk! "Mamaya ka na dumada, tiyak na hahabulin nila tayo," aniya na tila mahinahon pa din sa mga oras na 'yon habang tumatakbo patungo sa pinto ng bar. Napalingon pa ako sa likuran namin bago kami tuluyang makalabas. Tinulungan ng mga tauhan niya na makatayo ang mukhang gorilya. Duguan ang nguso nito at nagngingitngit na sya sa labis na galit. "MGA TANGA! ANO PANG HINIHINTAY NIYO? HABULIN NIYO SILA! PATAYIN NIYO SILA!!!" hiyaw ng bakulaw at agad na sumunod sa kaniyang utos ang kaniyang mga tauhan. Nauna namang tumakbo ang lalaking kasama ni Zieke at binuksan ang pinto para sa amin. Hinigpitan ni Zieke ang pagkakahawak sa akin at napakapit na lang ako sa kaniyang leeg kasabay ng pagpikit ng aking mga mata dahil sa takot. Bigla na lang kasi silang lumundag paibaba ng gusaling iyon at pakiramdam ko ay iyon ang ikamamatay ko! "Zieke!!! A-AYAW KO PANG MAMATAY!!! ZIEKE!!! AHHH!" tili ko ngunit naramdaman ko na lang na maayos naman kaming nakababa. "Huwag ka ngang maingay," tila inis niyang sabi. Ibinaba niya ako at nilingon ang ikalawang palapag na pinanggalingan namin. "Ang sakit mo sa tainga." "A-ANO!? PAANO NAMAN KASING HINDI AKO SISIGAW? HALOS MAIWAN ANG KALULUWA KO SA GINAWA NIYO— Ahhh!!!" Napahiyaw ako nang biglang hawakan ni Zieke ang kamay ko at hatakin ako upang tumakbong muli palayo sa lugar na iyon. "They won't stop until they catch us!" tila walang emosyong sabi ni Zieke. "Let's go to the car!" ani ng lalaking kasama ni Zieke. Nagpatuloy kami sa pagtakbo at naririnig na din namin ang mga boses nilang pasunod na sa amin. Madilim ang daan at tanging ang ilang ilaw lamang mula sa mga poste ang nagbibigay liwanag sa aming dinadaanan. Malawak ang lugar na iyon patungo sa parking area. Wala ding dumadaan doon dahil mukhang malalim na ang gabi. Umihip pa ang malamig na hangin. Giniginaw ako ngunit... ang kamay ni Zieke na nakahawak sa akin ay mainit. Napakakumportable nitong hawakan. Marahil dahil sa suot nitong itim na gwantes... o baka mainit lang talaga ang kamay niya? Ano nga kaya? "Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" ani Zieke nang sandali niya akong masulyapan. Hindi ko napansing matagal na pala akong nakatitig sa kaniya kaya napasinghap ako sa gulat nang magsalita siya. "H-Ha? H-Hindi kita—" "Hindi ito oras para pagpantasyahan ako!" pagsusungit niya na naman sa akin. "A-Ano!? Hoy! Hindi kita pinagpapantasyahan! S-Siraulo k—" "What a nice couple," singit na naman ng lalaking kasama ni Zieke na para bang nambubwisit lang at agad namin siyang tinapunan ng matalim na tingin. "SHUT UP!" sabay naming angil ni Zieke sa pagkaasar sa kaniya ngunit muli lang syang natawa ng mahina. Hay! Parang wala kami sa gulo ah? Hmp! "Ahhh!!!" hiyaw ko nang makarinig ako ng ilang mga pagputok. Agad kaming nagtago sa gilid ng isang sasakyan. "Seryoso ba 'to!? Nagpapaputok sila ng baril!?" "Bakit? May pumuputok bang kutsilyo?" malamig na pambabara ni Zieke sa akin. Hayop na 'to! Napakapilosopo! Nanalim ang mga tingin ko sa kanya, "A-Alam mo, gusto ko sanang magpasalamat sa 'yo kaya lang napaka— eh! A-Ano ba!?" Binuksan niya ang likurang pinto ng sasakyan. Inilapat niya ang palad niya sa mukha ko at sapilitan akong itinulak papasok sa sasakyang iyon. "Get in and keep your mouth shut!" Dali-dali din silang pumasok sa loob ng sasakyan. Si Zieke ang naupo sa driver seat at ang kasama naman niya ang naupo sa kaniyang tabi. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinatakbo ito. Kabado pa din ako nang mga oras na iyon lalo na nang mapalingon ako sa aming likuran at matanaw kong nagsisakay din sila sa kani-kanilang sasakyan at mga motor! "Hindi ba nila talaga tayo lulubayan?" nangangamba kong tanong. "After what you did to their leader? Yeah, surely they won't," ani Zieke na ikinatikom ng mariin ng mga labi ko. "What a troublesome woman. Tsk!" Hindi na ako nakaimik dahil aminado naman ako. Dahil sa kalasingan ko ay tila ninais ko talagang ibuhos ang sama ng loob ko sa bakulaw na bastos na iyon pero... hindi ko naman inaasahang malalagay sa panganib ang buhay ko! "They are coming," sabi ng lalaking katabi ni Zieke at ngumisi ito. "Mukhang in-love na in-love sila sayo, miss ah?" Kunot-noo naman akong napabuntong hininga dahil sa pang-aasar niya. Ang sarap nilang pag-untugin dalawa ni Zieke. "Bwisit," sambit ni Zieke at kinabig ang kambyo ng sasakyan. Iniikot niya din ang manebela at tinahak ang daan patungong Sunrise Hill. Ang Sunrise Hill ay isang burol na mapuno at walang mga kabahayan. Dinadayo lamang ng iilang tao ang lugar na iyon upang mag-camping at mag-sightseeing ng pagbubukang-liwayway. Maganda sana ang lugar na iyon pero hindi naman kami paroroon para do'n. "S-Sandali! Bakit dito tayo dadaan? Walang tao sa lugar na iyon! Sinong tutulong sa atin do'n? Bakit hindi tayo magtungo sa mga pulis?" taranta kong suhestiyon. "Shut up! Didn't you hear what he said earlier? Labas-pasok na siya sa kulungan, it's pointless to go to the police," tugon sa akin ni Zieke na seryosong nagmamaneho. Sandali akong napaisip at napagtanto kong tama nga siya, pero... anong mangyayari sa amin nito? Anong gagawin namin!? "Hay, hindi ito ang pangarap kong day-off," ani ng lalaking kasama ni Zieke na sumandal pa sa kaniyang upuan at pinatong ng pa-ekis ang mga braso sa kaniyang harapan. D-Day-off? Kung ganoon, nagkataon lang pala talagang naroroon sila? Sabagay, ang bar na iyon ay medyo malapit nga sa hotel na tinuluyan ni Zieke. Mukhang pati ang pahinga nila ay nagulo ko. Nakakahiya pero hindi ko naman ginusto ang mga nangyaring ito! "Hey, foolish woman," tawag sa akin ni Zieke at muling napataas ang isa kong kilay sa kaniya. Hindi ako umimik at hinintay ko lamang siyang magsalita muli. "Bago ang arc ng Sunrise Hill, mayroon tayong madadaanang bus stop. Ibababa ka namin doon! Magtago ka hanggang sa makasunod na silang lahat sa amin. Alas tres na ng madaling araw ngayon, alasingko ang dating ng bus doon. You'll have to wait there for two hours to catch a ride and get home. O kung mayroon kang matatawagan para sumundo sa 'yo, mas mabuti." "H-Ha? S-Sandali! P-Pero paano kayo!?" "You don't have to worry about us, worry about yourself, miss," tugon ng kasama ni Zieke. "P-Pero—" "Just make sure you'll hide yourself very well dahil kapag nahuli ka nila, tiyak na hindi mo magugustuhan ang gagawin nila sa 'yo! Understand?" tila may pagbabanta sa pananalita ni Zieke na sandaling kinapigil ng paghinga ko. Wala na akong nagawa at tumango na lamang. Muli akong napalingon sa aming likuran. Malayo kami sa kanila pero naaaninag ko pa din ang mga humahabol sa amin! Napakadami nila! A-Ano bang nagawa ko para mangyari sa akin ito!? Tulad ng plano ni Zieke, hininto niya ang sasakyan sa may bus stop at mabilis nila akong pinababa. Agad-agad din silang umalis at ako naman ay kabadong nagtago sa likod ng malaking puno malapit sa bench ng bus stop. Madilim ang bahaging iyon at iisang poste lamang ng ilaw ang naroroon ngunit sa kinatataguan ko ay tiyak na hindi naman nila ako makikita. Hindi ko na natatanaw ang sasakyan nila Zieke. Mariin ko namang naipikit ang mga mata ko habang nananalangin na huwag sana akong makita ng mga taong humahabol sa amin nang sunod-sunod na silang dumaan doon. Matutulin ang pagpapaandar nila ng kani-kanilang sasakyan at tila sina Zieke talaga ang sinusundan nila. Z-Zieke. Nagpahabol sila para mawala ang atensyon sa akin ng mga walang hiyang iyon at makatakas ako. Kahit na masungit si Zieke... alam kong utang na loob ko sa kaniya ang kaligtsan ko ngayon. Sana... s-sana okay lang sila! Tuluyan ng nakalagpas ang grupo ng mga kalalakihang humahabol sa amin. Nagpalingun-lingon ako sa paligid, napakadilim, nakakatakot! H-Hindi ko kayang maghintay ng dalawang oras dito na ako lamang mag-isa! K-Kailangan kong magpasundo! P-Pero kanino? Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at nanginginig ang kamay kong nag-scroll ng screen. Inisa-isa ko ang contact number na nasa phone list ko. Una kong naisip tawagan si Lester... ngunit agad din akong natigilan sa pagpindot ng numero niya. Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina, galit siya sa akin dahil nahuli ko ang kataksilan nilang dalawa ni ate Via. S-Siguradong... h-hindi siya pupunta! Naluluha ako nang mga oras na iyon dahil sa isiping ang taong kailangan ko ay wala ng pakealam sa akin. Gayon pa man, pinilit kong magpakatatag at pinunasan na lamang ang mga nangingilid na mga luha sa aking mga mata. Hindi ako ligtas sa lugar na ito kaya kailangan kong makaalis kaagad! Naisip ko si tiya Amanda ngunit nag-alangan ako dahil alam kong tulog pa siya sa mga oras na ito. Hindi rin siya marunong magmaneho at nangangamba akong baka atakihin siya sa puso kapag nalaman niya ang nangyari. I-Isa pa... ayaw ko din umuwi sa bahay dahil tiyak... naroroon ang ate ko! Ang walang-hiyang kapatid ko! Isang tao na lang ang nasa isip ko na pwede kong asahan sa mga oras na ito— si Steffi. Alam kong naka-duty pa siya ng ganitong oras pero alam kong siya lang ang hindi magdadalawang isip na puntahan ako ngayon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, tinawagan ko siya at agad akong napangiti nang sagutin niya ang tawag ko. "Hello? Rhian? Bakit gising k—" "Steffi! Steffi!!! I-I need your help! Sunduin mo ako ngayon na! Please! Please, Steffi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD