Chapter 4: Bar

1695 Words
Yael’s Pov: I was driving my car when suddenly, my cellphone rang. Sinulyapan ko ito at nakita ko ang pangalang ‘General Sherman’ kaya pinindot ko ang maliit na button ng Bluetooth earphone ko. Sinagot ko ang kaniyang tawag saka ko in-adjust ang device ng tila isang mikroponong nakaipit sa aking dyaket na siyang nagpapabago sa timbre ng boses ko. “Hello, natanggap mo na ba ang susunod niyong misyon!?” tanong niya sa akin kaagad. Inaasahan ko ng tungkol doon ang sasabihin niya. Nasilip ko na kanina ang secret files na pinadala nila kanina kay Cloud. "Yes, we have received it," I replied in my seemingly fifty-year-old voice. “Kailan niyo gagawin ‘yon?” tanong niya na maawtoridad. “Malaki na ang perwisyo na dinudulot ng taong ‘yon! Dapat nyo ng tapusin siya kaagad!” “Bakit parang atat na atat ka ata ngayon, heneral?” ngisi ko. "When did we disappoint you? I don't seem to recall." “Oo na, alam ko! Sinisiguro ko lang na magagawa niyo agad!” aniya na ikinailing ko. Kung si Zieke ang nakatanggap ng tawag niya siguradong pipikunin niya pa ito lalo. “Wala kang dapat ipag-alala. Kami na ang bahala,” sabi ko kasabay ng pagpihit ko sa manebela. “Ipapadala ko ang pera niyo ngayon din. Dating gawi, siguraduhin niyong malinis at walang magiging balik sa gobyerno ang inyong gagawin,” sabi niya pa sa akin. “Kayo na ang bahala, Joker.” Ngumisi akong muli at saka ko ibinaba ang tawag. Ito na ata ang ikaapat na misyon namin ngayong linggong ito. Mukhang nanggagalaiti din si tanda sa next target namin kaya nagmamadali siyang ipapaslang ito. Makautos wagas. Hindi ko naman siya boss! Hmn! Inihinto ko ang aking kotse sa tapat ng bar kung saan kami magkikita ng pinsan kong si Zieke. Pasado alas siyete na ng gabi nang makarating ako doon. Ngunit bago ako bumaba ay tinawagan ko muna si Cloud. “Good evening my labs! Kumain ka na ba?” agad niyang bungad sa akin. “Baka gutom ka na, pwede kitang kainin… este pakainin! Eheh!” Napabuntong-hininga na lamang ako sa kalokohan niya at napasapo sa aking noo. Si Cloud ay isang babae… na nasa katawan ng isang maskuladong katawan ng lalake. Sa madaling salita… may sapi siya. Sa tagal naming magkakasama, nasanay na lang kami sa kabaliwan niyang gaya nito. “Para ka talagang sira! May ipapagawa ako sayo—” “Ay saan tayo!? May alam akong maganda at 'shalang' hotel! G na!? My gosh! Sabi ko na bet mo din ako eh!” hagikgik niya ng tawa sa kabilang linya. “Manahimik ka d’yan kung ayaw mong putulin ko ang lahat ng mahaba sayo,” naniningkit na ang mga mata ko sa pagkapikon kahit hindi ko naman siya nakikita. “Hahaha! Ito naman, nagjo-joke lang eh! Ano ba kasi ‘yon!?” pagbawi niya. “Kamusta ang pinapatrabaho ko sa inyo!? Tapos na ba!?” direkta kong tanong. “Ah ‘yon ba? Tapos na, hintayin na lang natin sa headline!” tugon niya at tiyak kong malapad ang ngiti niya nang sabihin niya ‘yon. “Okay! Mabuti," sabi ko at bumaba na ako ng aking sasakyan. "Tawagan mo ang Spade Suit. Ipatrabaho mo sa kanila ang bagong misyon na natanggap natin kanina." “Alin? Yung Chinese Drug Lord sa San Alfonzo? Si Mr. Zhang?” paninigurado niya sa akin. “Gumawa na ako ng research tungkol sa kaniya. May mansyon siya sa Angeles at doon siya namamalagi. Sa tantya ko ay nasa tatlo hanggang limang daan ang tauhan niyang naroroon upang magbantay sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Bukod doon, may mga naglipana pa siyang mga alipores sa lugar na 'yon." "So what?" I grinned as I casually walked towards the bar. "I'm sure Kent can handle them." "Alam ko, alam ko, my labs! Gwapo din sana 'yon si Kent kaya lang he's too soft for me! Gusto ko 'yong mashigas at meleke! Parang tipo mo... saka 'yong pinsan mo! Ang gwapo-gwapo din no'n! What's his name again? Hihih!" "I said stop it, Cloud!" mariin kong sabi sa kaniya. "Puro ka kalokohan! Gawin mo na lang 'yong sinasabi ko! Bye!" Tinapos ko na ang tawag at muling nagbuntong-hininga ng malalim. Pasaway talaga! Pagpasok ko ng bar ay agad akong binati ng mga waiter nila doon. Tinanguan ko lamang sila at naghanap na ako ng pwesto na aking mauupuan. Bakit ba dito pa namin kailangang magkita? The waiter approached me and took my order. I sat quietly, waiting, while I shuffled the deck of cards that I always brought with me. It had become a habit for Zieke and me to play and bet whenever we met up and had drinks. Wait, where is that idiot, anyway!? Dumating na ang inorder kong isang bucket ng beer ngunit wala pa rin siya. Inaaliw ko na lamang ang sarili ko sa mga barahang nilalaro ko. Napapalingon din ako sa aking paligid dahil nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. Nahuhuli ko lamang ang ilang mga magagandang babaeng nagpapapungay ng kanilang mga mata at ngumingiti sa akin. Kinakawayan pa nila ako at bahagya ko na lamang silang tinatanguan bago ko alisan ng tingin. Hay, Zieke! Nasaan ka na naman bang ugok ka! Tatawagan ko na sana siya nang isang kamay ang humablot sa hawak kong mga baraha. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya; hindi ko na naman naramdamang naririto na pala siya. Nakangisi siya nang umupo sa harapan ko saka niya marahang binuklat ang ilang pirasong baraha na hawak ko kanina. “Nah! Last year pa ako nandito!” pabalang kong sagot at kumuha ako sa deck ng ilang baraha. “You jerk! Bakit ba ang tagal mo?” Napansin ko ang pag-iling niya na tila ba dismayado siya sa nakuha niyang mga baraha. Pinintahan ko naman ang mga barahang binunot ko at napangisi ako sa ganda ng set na nakuha ko. Siguro naman sa pagkakataong ito ay mananalo na ako sa kaniya!? “I just finished some errands,” he said after he drew a card from the deck. "Huwag ka ngang magsinungaling! Sigurado akong nakatulog ka na naman kaya ka natagalan! Bwisit ka," ismid ko sa kaniya saka ko tinapon ang King of Clubs. Tinawanan niya lang ako ng mahina na kumukumpirma ng akusasyon ko sa kaniya. Sira ulo talaga! "Napakabugnutin mo ngayon, may regla ka ba?" pang-aasar pa niya at pinanlisikan ko lang siya ng mga mata. Mabubwisit lang ako lalo kung papatulan ko siya kaya naisip kong ibahin na lamang ang usapan. “Tigilan mo ako! Ano na pala ang nangyari? Kamusta ang lakad mo?" seryoso kong tanong sa kaniya. "Nakita mo na ba... ang target mo?" Pinagsama-sama niya ang kaniyang mga baraha gamit lamang ang isang kamay at itinaob ito nang magkakapatong. Muli siyang bumunot ng baraha at napansin kong tila natigilan siya sandali. Hindi ako kumibo at naghintay lamang ako. Mapait siyang ngumisi at tinapon ang barahang nabunot niya. Ang Ace of Hearts. “Yeah, I found her.” **** Rhian’s Pov: Hindi ko alam kung gaano na ba kalayo ang nilakad ko. Tulala lamang ako habang patuloy na humahakbang ng mabagal ang aking mga paa. Wala ako sa aking sarili dahil sa mga nangyari kanina. Pilit na sumisiksik sa isip ko ang masasakit na kaganapang iyon, pati na rin ang mga mabibigat na salitang binitiwan sa akin ni Lester na syang dumurog ng husto sa aking puso. Hindi ko na din namalayang gabi na. Maging ang gutom sa maghapon ay hindi ko nga din naramdaman. Lutang ang isip ko at hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Maglalakad ako at kapag napagod ay uupo sa sulok na wala sa sarili. Hindi ko namamamalayang lipas na ang oras sa pagkakatulala ko tapos maglalakad akong muli ng walang direksyon. Ayaw kong umuwi. Ayaw kong makita ang walang hiyang babaeng 'yon! H-Hindi ko alam baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya! A-Ayaw kong mag-alala sa si tiya. Muling pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Bagamat ayaw kong may makakita sa akin na ganito ako, tila wala na akong lakas. Pagud na pagod na akong pahidin pa ang mga luha ko. Sa tingin ko ay kailangan kong maghanap ng lugar kung saan ko mailalabas ang sama ng loob kong ito. Napatigil ako ng paglalakad at malamya kong nilingon ang isang bar na nasa aking kanan. Hindi na ako nagdalawang-isip pa; kahit mag-isa lamang ako ay pumasok ako doon. Hindi ko na inisip pa na maaga pa ang duty ko sa ospital bukas o kung paano ako uuwi pagkatapos, ang tanging nais ko lamang ng mga oras na iyon ay lunurin ang sarili ko sa alak upang hindi ko na maramdaman ang sobrang kapighatiang lumalamon sa akin ng buo. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa bar ay naupo ako sa may counter at nag-order agad ng vodka. Isang bote na ang hiningi ko at inabutan lamang niya ako ng baso na may yelo. Napakaingay ng lugar na iyon dahil sa malakas na tugtugin na sinasayawan naman ng mga tao. Napakadaming naroroon pero pakiramdam ko ay mag-isa lamang ako. Kinuha ko ang cellphone ko dahil naisip ko si Steffi. Gusto ko sana siyang tawagan at humingi ng tawad sa kaniya pero naisip ko baka maabala ko lamang siya. Naka-duty siya ngayon at kung ipapaalam ko sa kaniya na alam ko na ang totoo ay malamang na puntahan niya pa ako dito. Nakakahiya. Ayaw kong masayang ang oras niya sa trabaho dahil lang nag-aalala siya sa akin. Bukas na lamang siguro ako hihingi ng tawad sa kaniya. Wala pa atang isang oras ay nakalahati ko na ang bote. Hindi rin naman ako sanay uminom kaya naman nahihilo na din talaga ako ngunit ayaw ko pang tumigil. Natigilan na naman ako at napaisip. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nasaksihan ko ang kawalang-hiyaan nilang dalawa. Sa totoo lang sumagi na noon sa isip ko na baka mambabae si Lester dahil nga sa nais ko pa siyang paghintayin ngunit si ate? S-Si Ate Via? H-Hindi talaga ako makapaniwala. Bakit? Bakit... A-Ate Via!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD