Chapter 3: Brokenhearted

1532 Words
Nakatayo lang ako sa harap ng pinto ng isa sa mga silid ng hotel na 'yon. Sampung minuto. Sampung minuto na ata akong nakatayo doon at hindi pa rin tumitigil ang pagdagundong ng dibdib ko sa labis na kaba. H-Heto na nga kaya... ang kwarto kung nasaan silang dalawa? Huminga ako ng malalim kasabay ng mariing pagtikom ng aking bibig. Hawak-hawak ko ang key card na binigay ni Zieke sa akin at nag-aalangan pa din akong buksan ang pinto. Iniisip ko kung tama ba ang ginagawa kong ito? Paano kung nagkakamali lang ako ng inaakala? Paano kung wala naman talaga silang ginagawang masama— 'Can you please just be quiet!? Don't waste my effort! Just go. Good luck.' Parang bigla ko namang narinig ang boses ni Zieke. Siguradong magagalit siya sa akin kung malalaman niyang hindi ako tumuloy! Oh sh*t! At bakit nga ba hindi ako tutuloy!? Nandito na ako! Bakit pa ako aatras? Kung nagkakamali man ako ay makukumpirma ko naman ito kung papasok ako sa loob! Kung hindi totoo ang hinala ko ay mabuti! Kung totoo naman ay... tsk! Huwag naman sana talaga! Humigpit ang hawak ko sa key card. Lakas-loob kong ginamit ito upang buksan ang pinto. Bahagya pa akong nagulat nang maalis nga ito sa pagkakakandado. Napalunok na lang saka ko marahang binuksan ang pinto. Walang ingay akong pumasok sa loob na animo'y isa akong magnanakaw habang pinakikiramdaman ang paligid. Sa ganda ng silid, ang mga mata ko ay doon napabaling sa pares ng pulang sapatos na may mataas na takong at itim na mini-dress. Nasa sahig ang mga ito sa paahan ng kama na natatanaw ko sa di kalayuan. Muli na naman akong kinutuban ng masama dahil pamilyar sa akin ang mga iyon. Sandali pa akong natigilan sa paglalakad nang marinig ko ang mga boses na tila ba naghaharutan. "Oh, babe... stop it! It's ticklish!" ani ng boses ng babae na tumawa pa pagkatapos. A-Ang damit na iyon... at a-ang boses na 'yon... hindi ako pwedeng magkamali! Iyon ay... kay Ate Via! Nanginginig na ako sa totoo lang dahil sa pagpipigil ko ng aking emosyon. Ganoon pa man, nais ko pa ring makumpirma kung... k-kung ang lalaki ngang kasama nya dito ay ang lalaking nakatakda kong pakasalan—si Lester! Pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa kung saan ko naririnig ang kanilang halinghingan. Walang pinto at tanging ang eleganteng divider na may frosted na salamin lamang ang nagkukubli sa kama ng suite na iyon, ngunit may kurtina din itong nakaharang kaya hindi ko pa rin naaaninag kung ano ang ginagawa nila. Habang palapit ako sa kanila ng papalapit, pakiramdam ko'y may kung anong sumasakal sa akin; naninikip ang dibdib ko at nahihirapan ako sa paghinga pero patuloy pa din ako sa aking paghakbang. Hindi ko man lang magawang kumurap habang nakatitig sa aking harapan hanggang sa makita na nga mismo ng dalawa kong mga mata... a-ang ginagawa nilang kahalayan! H-Hindi!!! Titig na titig lamang ako sa kanila habang pinanunuod ko silang magkayakap at naghahalikan. Nakahiga si Ate Via sa kama na tila wala ng suot na kahit ano sa kaniyang katawan at si Lester naman ay halos pumaimbabaw na sa kaniya. Bumagsak ang mga balikat ko sa labis na pagkadismaya kasabay ng mabilis na pagpatak ng aking mga luha. Sa totoo lang ay pinapanalangin ko talagang hindi ito totoo! Na binabangungot lamang ako! Pero sa sobrang sakit ng dibdib ko... alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip! Na totoong ginagag0 nila ako! Mga walang hiya!!! "A-Ate... Via?" nanginginig ang boses ko nang sambitin ko ang pangalan niya. Nanginginig ang laman ko sa magkahalong galit at pagkabigo ko sa kanilang dalawa. Nagulat sila at napahinto. Agad na bumangon si Lester na walang pangtaas na damit. Si ate Via naman ay hinatak ang puting kumot at tinakpan ang kaniyang katawan, ngunit tila hindi man lamang siya kinikilabutan sa kaniyang nagawa. "A-Anong ginagawa mo dito!?" bulalas ni Lester sa pagkabigla at agad na inayos pa ang kaniyang pantalon. "Anong ginagawa ko dito? Eh kayo? ANONG GINAGAWA NYO!?" mariin kong tanong at muling pumatak ang mga luha ko sa labis na kapighatian at galit na nararamdaman ko dahil sa kawalang hiyaan nila! Hinatak ni Lester ang braso ko at akma nya sana akong hahatakin palabas, "Huwag kang mag-iskandalo dito! Mag-usap tayo sa labas!" Sa galit ko ay kinalas ko kaagad ang kamay nyang nakahawak sa akin at tinitigan ko sya ng masama. "Mag-iskandalo? Wala namang ibang nandidito kung hindi tayo lang tatlo! Bakit hindi tayo dito mag-usap!? Sige, sabihin mo! Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin! Idetalye mo pa kung paano kayo naglandian ng kapatid ko! DALIAN MO!" Napahiyaw na ako sa nag-uumapaw na galit at ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan pa sa pagpatak. Litong-lito ako. Gusto kong kausapin sila sa mapayapang paraan at pakinggan ang dahilan nila, maging ang paghingi nila sa akin ng tawad ngunit hindi ko talaga kayang pigilan ang panggagalaiti ko sa kanila! "Rhian, stop it! Shut up!!!" utos sa akin ni Lester ngunit sya ang napahinto nang biglang tumayo si ate Via. Nanlaki ang mga mata ko dahil tila wala naman pala syang pakealam na ilantad ang kahubaran nya sa harapan naming dalawa ni Lester. Naka-panty lamang siya ngunit wala na siyang suot na pang-itaas. I-Ibang klase! Ganito na ba siyang talaga!? Hindi ko na siya makilala! Hindi ganyan si Ate Via noon! Tila balewala lang kay Ate Via ang nangyayari at kalmado nya lang na isinuot ang kanyang itim at hapit na damit. Sinuklay pa ng kaniyang mga daliri ang kaniyang maganda at maalong buhok bago niya kami tinapunan ng tingin. "Hayaan mo syang humiyaw, Lester, karapatan nya yan," ngisi niya at dinampot ang kaniyang sapatos. "V-Via! Wait! Saan ka pupunta?" habol ni Lester sa kapatid ko nang makitang suotin na niya ito."Huwag kang umalis Via!" Dumaan si Ate Via sa gilid ko at sa galit ko sa kaniya ay hinablot ko ang braso niya. "Oo nga naman, huwag kang umalis!" pandidilat ko sa kaniya ng mga mata. "MAGPALIWANAG KA! Anong kagagahann 'to, ate!?" Umasa ako na magpapaliwanag siya at hihingi ng tawad sa akin tulad ng dati, sa tuwing masasaktan niya ako ng hindi sinasadya ngunit... bigo ako dahil kahit bakas ng pagsisisi ay wala akong nakita sa kaniyang mga mata. Binawi niya ang kaniyang braso at naglakad ng mahinahon palayo sa amin. "Why do I need to explain? Eh hindi pa naman kayo kasal?" ngisi niya at sinukbit ang kaniyang maliit na bag. "Believe what you want to believe. It's up to you, my dear sister. Bye." Kumuyom ang mga kamao ko at tila umapaw na ng husto ang galit ko sa kaniya. "Walang hiya ka!!! Malandi kang babae ka!!! Bakit ka pa bumalik!? Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana hiniling na umuwi ka! Hindi ka na sana nagpakita pa sa akin kahit kailan! Via!!!" Akma ko sana siyang susugurin ngunit agad naman akong pinigilan ni Lester. "Stop it, Rhian—" Hindi nya naituloy ang kaniyang sasabihin nang isang malutong na sampal ang iginawad ko sa kaniyang makapal na mukha. "How dare you!? HOW DARE YOU!?" iyak ko ng paghihinagpis. Sunud-sunod ang pagpatak ng luha ko kasabay ng malalalim kong paghinga. Pinaghahampas ko ang dibdib niya sa labis kong galit. "You jerk!!! Sinabi ko sayo na ibibigay ko ang sarili ko sayo pagkatapos ng kasal natin! Dalawang linggo! Dalawang linggo na lang, hindi ka pa nakapaghintay!? Napakawalang hiya niyo! NAPAKABABOY NIYO!" Hinawakan naman niya ng mahigpit ang dalawa kong braso at sinigawan ako, "I said ENOUGH!" Nang hindi pa rin ako nagpaawat, nagulat na lang ako nang lumapat sa mukha ko ang kaniyang malapad na palad. Sa lakas no'n ay tila naalog ang utak ko at napabalikwas ako sa kamang hinihigaan nila kanina. Halos lumuwa ang aking mga mata sa pagkabigla habang iniisip kung paano niya ako nagawang saktan ng ganoon!? Hindi!!! "Napakaarte mo kasi! Kahit halik nga lang ay ayaw mo! You're playing hard to get, acting like a virgin even though I know you're not! Huh! Mabuti pang si Via na lang ang pakasalan ko! Kung hindi lang sana kita— bwisit!," mariing sabi ni Lester at padabog niyang hinablot ang kaniyang polo. Nang mapansin niyang wala na si Ate Via ay nagmadali na din siyang umalis doon. "Via! Via!!!" Tumakbo na siya palabas ng silid at ako... ako ay naiwan doon mag-isa. Nakasubsob pa din ako sa kama habang hawak-hawak ang pisngi kong sinampal niya. Nanginig akong muli kasabay ng tuluyang pag-agos ng aking mga luha. Hindi ko lubos maisip na masasabi sa akin ni Lester iyon! Bakit? Bakit nangyayari ang lahat ng ito!? Alam ko naman. Alam ko naman na mas maganda at matalino ang nakakatanda kong kapatid kaysa sa akin. Alam ko naman na kumpara sa kaniya, walang-wala talaga akong sinabi. Simula pagkabata, siya na ang paborito ni papa. Siya ang laging hinahanap ni lola. Ang laging may honor sa school. Ang maraming manliligaw. Siya na! Siya na ang perpekto! Tanggap ko naman 'yon at pinilit kong maging masaya para sa kaniya. Oo, tinanggap ko dahil kapatid ko siya, pero— pero pati ba ito kailangan kong tanggapin? H-Hindi! Hindi ko kaya! A-Ate Via... k-kinamumuhian kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD