Chapter 2 Zentis Porch

2109 Words
Zentis' POV *background rock music playing* "Yeahh!" "Woohh!" "Come on, girls!" "Hey Z! Come here!" I diverted my attention towards the table maybe a meter away from my spot. I was surprised when I saw three idiotic faces, they're back? "Later babe," I said and then kissed this hot-ass chick on her lips before walking towards those bastards who were calling for me. "What do we have here?" I asked and then took my sit on the couch. "It's been a while dude, how are you? Serve us your best selling drink, maybe we can catch up with each other after a sip or two." Casper said, I just looked at him, with a bored face. "I am the owner, not the waiter," I hissed, it such a waste letting that hot chick a while ago get unto someone else'. Casper just chuckled, I called for a waiter and gave him some gestures that tell, 'give them the best drink we have', the waiter from afar just nodded. "So going back, what are you all doing here?" I asked. "You look so disappointed, don't you missed us?" The ever dramatic Callen said, I just gave him a shrugged. "Wala ka pading pinagbago Z, babaero kapa din, club-hopping padin ang buhay mo." Casper commented. "So?" Is all I can say to him. "Mean as ever," Warren while laughing. After some while, we ended up catching up with each other, these three weren't in the country for a year and I was left alone here in the  Philippines, I admit, I missed them a little but they're still dickheads after being detained overseas. Lol. *ringg* I gestured them, 'gotta answer' before leaving them for a while to answer this damn phone call, yes damn, because this is the old man we're talking about. "ZENT, COME HOME, NOW! NO BUTS!" My eardrums almost broke, that damn old man, what does he want from me now? I hissed while heading back to the bastard's table. "Hey dickheads! Gotta go, enjoy your ass' here, the old camp, tomorrow at 7, the old man," I said and showed them the phone, they just laughed and then nodded. They already understood what I was saying. I left the club and headed to the parking lot, I hopped in my Audi black and headed back home as fast as I can. I was still hoping to have a great night with that chick, guess I need to let it go for now. After a few minutes, I reached the Porch Mansion, the guards opened the gate widely as soon as they recognized their one and only young master. I parked my car in the parking space of the mansion, after parking it, I immediately headed to the door, maids were standing in the entrance, they bowed their heads as soon as I stepped in. "Surprised." I froze in my spot when I heard that voice, it wasn't my old man's voice, so to be sure, I gaze at the direction where the voice came from and I gaped. "L-lolo?" The grandmaster just laughed at me. "Look at you Zent, you've grown into a fine young man," He stated with an oldy voice, he's standing just a few meters away from me with my Dad in his side, he looks so old, wearing a hat and holding a stick to support his stance. I gazed at my father, and his look towards me is as deadly as the reaper. I secretly gulped and walked towards them, I immediately gave my respect and bowed to the grandmaster. I didn't see any royal guards outside, what is he doing here? "Zentis Porch, let's skip the greetings, the royal guards are waiting for us at the Porch Helis, you're going with me in England." He said with a British accent. Just w-what? "I'm going to make you a Prince Candidate for the Throne." My mouth gaped. W-what now? Putangina ano daw? Prince candidate? Puta 'yung club ko. Wala sa sariling umiling ako, there is no way I'm going with him, mapayapa ang pamumuhay ko rito, masarap at masaya, I don't need any royalty. We are one of the family Branch of the Royal Family in England, my mother was the eldest but since she married my father, she was kicked out, she lost her rights as the eldest, she was neglected, they lived here in the Philippines and got successful as businessman and woman, and we became very rich. When I was young, an old man visited the mansion, just finding out that we are royals. My mother was forgiven by my grandparents and they asked us to come with them and live a life in England but my mother chose to stay here, and since childhood I sometimes visit my Lolo in England, it was very noble, control and no freedom, I love my Lolo but not the royalty. But ever since my mother died, 5 years ago, because of a brain tumor, that was when everything in me changed. My lifestyle, my connections, and even my Lolo, I stopped visiting him. "I decline." I said and stood up in front of him as if I have all the confidence I need, sinalubong ko ang tingin ni Lolo. This is the Grandmaster we're talking about, the King of Nicoari Family in England, a family best known in Politics. Nakita ko ang pag-iiba ng aura niya, the Head of a Royal Family's aura, very intimidating. "I don't accept any kinds of objections, I didn't ask you, I'm ordering you." He said with authority. "I have no interest, not even a little interest," I answered back. "Zentis!" My father said, the tone of a warning. I shooked my head, "I said, no." Aalis na sana ako nang magsalita pa ito. "You will come begging me, I will crush your properties if you defy me, young man. I will give you a month, the Royal blood runs in you, you will not defy me." I let out a deep breath before going on in my way, with my fist clenched I left the mansion not minding those two old farts trying to take over me again. I drive my car as fast as I can as if it diminishes' my anger. I'm in a busy road when suddenly a big bat appeared in front of my windshield so I stepped in my break out of surprise. "What the fck?" I hissed and then suddenly a woman appeared in my passenger out of nowhere shocking the hell out of me. "Fck it Laurice!" I shouted out of my frustration. "Z, the third has been chosen, you need to find her as soon as possible." Tereese' POV Long test namin sa History pero kahit nagreview ako buong oras ng klase ay parang hindi naman pumapasok sa isip ko ang mga binabasa ko, pagdating sa History period ay pakapa-kapa pa ako. Ano ba 'to, hindi ako ganito, bahala na sila batman. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina, nangyari na hindi ko alam kung totoo o hindi, kung hindi man, ano 'yon? Hallucinate? Kailangan ko na bang magpatingin sa psychiatrist? Hindi ko hilig ang mga fantasy at action movies kaya nakakapagtaka na kung magd-daydream man ako, bakit gano'n pa. Hindi ko tuloy alam kong matatakot ba ako o ano. Pagkatapos ng pagsusulit ay saka na nagdismiss, napapikit ako ng mariin dahil sa frustration, ughhh anong nangyari? Hays sana naman ay pumasa naman iyon kahit papaano. Padabog akong tumayo sa desk ko dahilan para mapatingin sa'kin ang mga iilan kong kaklase, bagsak ang balikat kong lumabas ako ng room. Kanina ko pa ibinalik iyong libro sa library kaya't diretso nalang ang uwi ko. Paglabas ko ng school ay tumingin tingin muna ako sa paligid bago tumawid sa may highway. Matiwasay akong naglalakad, kahit gabi na ay alam kong safe, ilang years na akong nag aaral rito ni minsan ay hindi ako napahamak, pero ngayon hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako pero parang mag kung anong nakamasid sa'kin. 'Di naman ako nagbabatak bakit puro hallucinate nalang nararanasan ko. Napapalingon ako habang naglalakad ako hanggang sa makatawid nako sa kabilanng kanto, pumasok ako sa may kantong dinaanan ko kanina dahil sa dulo no'n ay ang sakayan ko ng jeep. Napapahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at habang naglalakad ako, pakiramdam ko may umaaligid talaga sa'kin. Gusto kong tumakbo, dahil wala namang tao sa buong eskinita, at dahil sinabi kong gusto ko ay ginawa ko. Tumakbo ako ngunit nakakailang hakbang palang ako at bounce ng buong katawan ko kasama na joga ko ay bigla akong bumangga sa kung ano, dahil narin sa lakas ng pwersa ko sa pagtakbo ay napaupo ako, naitukod ko pa ang palad ko sa may semento dahilan para maramdaman kong nagasgas yon. Nakangiwi akong napatingin sa kung anong nabanggaan ko ngunit gano'n nalang ang takot ko nang dalawang pares ng mata ang sumalubong sa paningin ko. Isang lalaking mukhang may katandaan sa'kin at nakaitim ito. Walang emosoyon ang mga mata nitong nakatingin sakin, doon nako binalot ng kaba at takot, ako lang mag-isa rito, pwede nya akong gawan ng masama kahit na anong oras, sa puntong ito alam ko at ramdam kong totoo na ito, hindi na hallucinate ito. "A-anong kailangan mo sa'kin?" Mahinang tanong ko, pasimple akong kumukuha ng tyansa para makatayo. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba. Wala itong naging sagot, ngunit gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang kamay nito na naghugis gaya ng dulo ng espada, napasinghap ako sa nasaksihan ko. Sa pangalawang pagkakataon, nakasaksi na naman ako ng hindi maipaliwanag na bagay. Umamba itong lumapit sa'kin kaya't kusa nang walang ano-anong tumayo ang katawan ko at mabilis na pumihit sa likod para tumakbo. Papatayin niya ako. Naalala ko naman 'yung babae kaninang umaga, hindi iyon hallucinate, totoo 'yon. Totoo. Pero bakit? Patuloy lang ako sa pagtakbo walang lingon-lingo hanggang sa makarating ulit ako sa dulo ng eskinitang pinasukan ko ngunit napasigaw ako nang bigla naman sumulpot sa harapan ko 'yung lalaki kanina. Doon na lumabas ang mga luhang pinipigilan ko dahil sa takot, mamamatay na ako. Hindi ako nakagalaw at parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang humakbang pa ito papalapit saakin, ramdam ko ang panginginig ng kalamnan at buong katawan ko sa kaba habang nakatitig ako sa mga mata ng nasa harapan ko ngayon, ang hugis espadang kamay nito ay kaniyang itinaas abot hanggang mukha ko. Dahan-dahan niyang inilapat sa pisngi ko ang dulo ng espada, doon ako napapikit dahil ramdam ko ang paggalos ng dulo nito sa balat ko. "Isa kana namang taong walang kamuwang-muwang ang madadamay sa kaguluhang ito, hindi kita maaaring pakawalan at kailangan na kitang patayin ngayon din." Pagsasalita nito sa isang malalim na boses. Nahigit ko ang hininga ko at nagsalita, "B-bakit?" Iyon nalamang ang tanging namutawi mula sa bibig ko. Ramdam ko ang pagguhit ng dulo ng espada sa pisngi ko kaya't napangiwi ako sa sakit. Nananaginip ba ako? Bakit nangyayari ito sa'kin? Kaninang umaga lang ay napakaganda ng gising ko, kasama ko pang nag-almusal si Nanay, ngayon bakit nangyayari ito sa'kin? Bigla nalang may mga taong gustong pumatay sa'kin. Hinintay kong wakasan na niya ang buhay ko, ano pa bang magagawa ko? Wala akong kalaban-laban, magiging isang bangkay ako kinabukasan at alam kong hindi nila malalaman kung sino ang pumatay sa'kin, ganito nalang ba magwawkas ang buhay ko? Nay, mahal na mahal kita... "Bitiwan mo siya."  Napamulat ako ng mga mata nang makarinig ako ng ibang boses, boses ng isang knight in shining armor. Yata. Napasinghap ako nang bigla akong sakalin ng lalaking nasa harapan ko, nawala na iyong hugis espada niyang braso sa mukha ko saka ito pumihit at pumunta sa likod ko, ngayon ay waring hostage niya ako habang nakapalibot ang braso niya sa leeg ko. At doon naaninag ko ang mukha ng isang hindi ko kilalang lalaki. Ay shet ang pogi. Nakatingin ito ng seryoso at pawang gustong mangain ng tao dito sa lalaking may hawak sa'kin. "T-tulong." Mahina ngunit sapat na upang marinig ako nitong lalaking bigla nalang sumulpot.  Nanlaki ang mga mata ko nang biglang maging umiilaw ng puti ang mga mata nito. "Sino ka? Huwag kang pakialamero, mamaya kanalang sa'kin dahil kailangan kong unahin ang babbaeng ito." Matigas na sambit nitong lalaking may hawak sakin. Napasinghap muli ako nang maghugis espada nanaman ang braso nito na nakatutok sa leeg ko, isang galaw nalang, ilang minuto nalang, hawak na ng lalaking ito ang buhay ko kaya't maaari niya itong mawakasan ano mang oras. "Let go of the Goddess, you dirty little piece of s**t!" Pagkatapos kong marinig ang sigaw na iyon ay nakarinig ako ng kulog at kidlat at sigaw ng lalaking may hawak saakin, muntik pang masira ang pandinig ko sa sigaw nito at ramdam ko ang katawan nitong pawang nanginginig. Ilang sandali lamang ay nabalot ng katahimikan ang paligid kaya't dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ganun nalamang ang pagkamangha ko nang sumalubong sa aking paningin ang pigura ng lalaki kanina, hindi na puti ang mata nito ngunit mga malalalim na titig ng normal na mata ng isang tao. Ang katawan naman nito ay pawang may pakislap-kislap pa ng kidlat at ilang sandali lamang ay tumigil na iyon. Sa mga pagkakataong ito ay maaari na akong masiraan ng bait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD