Chapter 3 Cedric Ryui

1942 Words
Tereese' POV Nakatanga parin ako sa lalaking nasa harapan ko, matikas ang tayo higit sa lahat, pogi. Nang maalala ko ang lalaking nagtangka sa buhay ko, kaagad akong pumihit patalikod at halos mapalundag ako sa gulat nang makita ko ang nakadilat nitong mata, puro puti lang ang mga iyon, pawa itong nangisay, o nangisay talaga siya? Dahil ang katawan nito ay may kakaunting usok usok pa at ang balat nito ay pawang natusta maging ang suot nitong damit ay pawang nasunog din. "A-ah... anong nangyari?" Bulong ko saka dahan-dahang humakbang paatras rito. Patay na siya. Doon na ako binalot ng takot. Anong nangyayari? B-bakit nangyayari ang lahat ng ito? Patay na siya... Patay na siya... "Ayos ka lang ba?" Napasigaw ako at napakislot nang may humawak sa balikat ko kaya agad ko itong hinarap. 'Yung lalaking bigla nalang sumulpot, siya ba ang may kagagawan no'n? Tao ba siya? Wait pa'no niya nagawa 'yon? Linigtas ba talaga niya ang buhay ko? O isusunod na niya ako? Pinagkrus ko ang mga braso ko at lumayo rito. "A-anong kailangan mo sa'kin? P-papatayin mo ri  ba ako?" Utal na tanong ko rito. Nakita kong napatigil ito, ilang saglit lang itog nakatitig saakin saka napailing at biglang ngumiti. Ohmygoliness, ang gwapo. "Niligtas nga kita, bakit naman kita papatayin?" Sambit nito, doon naman ako napatigil. So hindi siya masamang tao- wait, hindi siya masamang nilalang? Kase hindi ako sure kung tao siya e, wait.. iniligtas niya ako.. "B-bakit? Bakit mo ako iniligtas? Hindi mo ba alam? Puwede ka ring mapahamak sa pagsulpot at pakikialam mo?" Pagsasalita ko. Bigla naman itong tumawa. Oh shet, ang gwapo niya talaga, ang sexy ng tawa niya. Crush ko na siya. "Alam ko ang ginagawa ko, at sinadya talaga kita rito, alam kong manganganib na ang buhay mo. By the way, I'm Cedric Ryui, and you are?" Napakunot naman ang noo ko, sinadya niya ako rito? Stalker ba siya? Omg ang ganda mo naman Tereese, ang haba naman ang buhok mo. Ilang segundo akong nakatitig sakaniya at hindi gumagalaw, inilahad naman nito ang kamay niya, hindi parin ako gumalaw. "You look so clueless, hayaan mo na. Sumama ka nalang sa'kin." Napasinghap ako sa narinig. "Sumama? Sabi ko na eh, stalker ba kita? Crush mo ako 'no?" Sambit ko. Ang assuming mo Tere, hindi ito ang tamang oras para diyan, ang lalim na ng gabi ngayon kalang nagbalik sa katinuan. Hayy naku Tere. Nakakasira naman kasi ng bait ang mga nangyayari. Ilang saglit lang bigla akong nakarinig ng tunog na wari'y minsan mannsa buhay ko ay hindi kopa naririnig. *Wolves growling* Nagsitaasan ang mga balahibo ko pagkarinig ko no'n. Rito sa City, may gano'n? Mga lobo? Kailan pa? Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa braso ng lalaking ito kaya't tiningnan ko siya, nakita ko ang seryosong mukha nito. "Kailangan na nating umalis." Seryosong sabi nito, umiling-iling naman ako. "Uuwi na ako, kailangan ko nang umuwi." Sambit ko at sinubukan alisin ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "No! You need to come with me!" Sambit pa nito, nagpumilit akong makaalis sa pagkakahawak niya ngunit ang higpit no'n. "Bitiwan mo ako, hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari, kung bakit bigla nalang may gustong pumatay saakin na hindi ko alam kung tao nga ba sila, hindi kita kilala pero salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko, alam mo bang kahit na anong oras ay maaari akong masiraan ng bait sa mga nasaksihan ko pero hindi puwede, hinihintay ako ni Nanay sa bahay." Pagsasalita ko at sinalubong ang mga mata niya, nakita kong  napatigil ako at hindi umimik ng ilang sandali. Nang bigla nalang may kung anong tunog akog naririnig mula sa hindi kalayuan na pawang nagtatakbuhan. "Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat, basta sumama ka lang sa'kin." Sambit niya at pawang naaalarma na ito, maging ako ay nakakaramdam na rin ng kakaibang kaba sa mga pawang papalapit ng nagsisitakbuhan. Hindi puwede, si Nanay. "Hindi, hindi ako sasama sa iyo, wala kang dapat na ipaliwanag, huwag niyo akong isali sa ano mang kaguluhan, huwag." Sambit ko na may halong pangamba sa tono ng pananalita ko. Naramdaman kong napahigpit ang hawak nito sa braso ko saka naman itong tumingin sa paligid, ilang sandali lang ay tumigil na 'yung tunog na pawang may nagsisistakbuhan. "Napapalibutan na nila tayo." Sambit nitong lalaki, binitan naman niya ako saka tumalikod na pawang pinoprotektahan ako sa kung ano. Doon ako nagtaka, anong pinagsasabi niya.... Napatigil ako nang may maaninag ako sa hindi kalayuang madilim na parte, there was certainly as blink of Red light, 1 pair.... 2 pairs.... 3 pairs... Napasinghap ako, anong nangyayari? "Diyan ka lang sa likod ko." Sambit naman nitong lalaki. I maybe dumb, pero tatanggapin kona ba ang lahat ng ito? Yes, I need answers but I still can't accept these wierd happenings lately. But now considering that I felt some very odd presence surrounding us, I felt that I need to trust this guy infront of me, if I come with him, I may have all the answers I need. "A-ano... kapang sumama ba ako sa'yo, makakatakas tayo rito?" Mahinang tanong ko sa lalaki. "Absolutely yes." Sagot nito. "T-take me with you." Mahinang sagot ko sakaniya. "Finally." Sambit nito. "AS IF I'd let you." Napatgil naman ako at napatingin sa gawing harapan ng lalaki, kung saan ang direksyong tinitingnan nito ay biglang may-- what the. There was a huge wolf coming out from the dark. Its eyes were glowing Red, not really glowing bright but there was that Red color of its orbs. A wolf, isang malaking lobo, kailan pa nagkaroon ng mga lobo rito sa Siyudad Lawin? Tumigil naman ang lobo sa harapan namin. "How are you Cedric?" Pagsasalita nito. Another shocking event, a wolf is talking. Boses babae pa ito ngunit ang boses nito ay pawang nagdadala ng panganib at pangamba sa makakakrinig. "I have no business to deal with you Arien." Sagot naman nitong lalaki. "Well then, pasensia na, hindi ikaw ang sinadya namin rito." Pagsasalita pa nito at biglang simalubong ang tingin, very intimidating and scary. "We've came for her." Sambit nito at dahan-dahan.... Dahan-dahang nagsilabasan ang mga lobog nakapalibot saamin na nagtatago mula sa dilim, ang dami nila. "As if I'd let you touch her." Sambit nitong lalaki at pumwesto na pawang pinoprotektahan ako. Yes! My knight in shining armor. Nagsilabasan naman ang pangil ng mga lobo na pawang handa na nila kaming lapain, nang bigla nalang kumulog at kumidlat, napaatras ako ng kaunti nang makita ko ang mumunting kidlat na bumabalot sa katawan nitong lalaki. I already have no time to be in shock, I've been in shock for a whole day and this whole thing isn't just a fiction anymore, it's real. "Come." Sambit nitong lalaki at isa-isang pawang uhaw na uhaw ang mga lobong umamba sakaniya. Pawa lang akong nanonood sa tv, bago naman makalapit at maglanding sa lalaki ang isang lobong sinugod siya ay may humulma namang espada na gawa sa tingin ko ay kidlat sa kanang kamay nitong lalaki, at walng pag aatubiling sinaksak ang lobo. With that, I gasp in silence, maging ang iilang lobo na rin ay pawang napatigil. "DO not undersestimate me Arien, I can kill all of you, just like how I killed your beloved Grand Alpha." Pagsasalita nitong lalaki. At pawang nagbell sakanilang mga tenga ang sinabi nitong lalaki at sabay-sabay na silang sumugod ng may pag-aasam na makapatay ng tao, but as if before they reached our spot, they suddenly.... stopped. "Hey cuties, long time no see." Ang mga kulog at kidlat ay tumigil narin nang may ibang boses naman ng lalaki ang narinig ko. "Zentis Porch." Dinig kong sambit nitong lalaking pinoprotektahan ako, nakatayo parin ito sa harapan ko, tumingin akong muli sa harapan nito, at may isang lalaki namang nakatayo roon at nakaharap sa lobo na sa tingin ko ay Leader ng mga lobong nakapalibot saamin na may pangalang Arien. Hindi ko alam pero pawang nagsiatrasan ang mga lobong nakapalibot saamin habang nakatingin rito sa lalaking bagong sulpot. Bigla naman pumihit paharap sa direksyon namin ang lalaki at pawang nag-slow motion ang lahat, another adonis sent from above. Ang gwapo. "You found her first." Sambit nito, this guy in front of me just chuckled in sarcasm. Woah, what's with that? "Ofcourse, I will always be better than you." Sagot naman nito pabalik, nakita ko ang pagtalim ng tingin ng lalaking bagong dating saka ito tumingin sa'kin kaya mejo nagulat ako ay hindi ko nang ipinahalata. "She looks dumb for a goddess." Pawang kutsilyong tumarak sa dibdib ko ang mga salitang sinabi nito. Don't judge the book by it's cover, because he is utterly rude. Muli naman itong humarap sa leader ng lobo na nasa harapan niya. "You can now go home." Pagsasalita nito, at biglang mas lumiwanag ang mga kulay pula sa mata ng mga lobo habang nakatigin ang mga ito sakaniya. Bigla nalang nagsiyukuan ang mga ito na pawang natatakot maging ang buntot ng mga ito ay nakababa na din. Amazing. Bigla nalang nagsitakbuhan palayo ang mga lobo habang humangulngol ang mga ito, ngunit pagkatapos ng ilang saglit ay natira nalamang ang mukhang leader ng mga ito, the wolf named Arien. Nakaharap lang ito at nakatingin sa lalaki ng walang pagbabago. "I'm now an Alpha. I can no longer be intimidated by you. It is you win for now, but the Dracules will also come for her soon." Pagsasalita nito at umatras, humangulgol muna ito bago tumakbo paalis. Can I breathe now? Wooh. I inhaled and exhaled, humarap naman sa gawi namin ang lalaking bagong dating, and there I saw it before it was deminished, his eyes were glowing red. Humarap naman din saakin ang lalaking kidlat, yes kidlat, dalawa na silang lalaking ngayon baka maguluhan kayo kaya't siya ang lalaking kidlat, and the other one is lalaking pula. "Let's go." Sambit nitong lalaking kidlat, bahagya naman akong tumango. Pasensia na Nay, hindi muna ako.makakauwi, hahanap muna ako ng sagot bakit nangyayari ito saakin. "Where are you taking her?" Tanong naman n'ung lalaking pula at lumapit saamin "Sa bahay ko." Simpleng sagot nitong lalaking kidlat. "I'm coming with you." Si lalaking pula. "You don't need to." Si lalaking kidlat. "I insist." Si lalaking pula. Saglit muna silang nagtagisan ng tingin, magkaaway ba sila? Mukhang hindi naman. Bumunting hininga naman si lalaking kidlat bago umiwas ng tingin at tiningnan ako. "Fine, we'll do teleport." Sambit nito, medyo nagulat naman ako, "Teleport?" Mahinang sambit ko. Teleport as in teleport 'yung ginagawa ni Son goku sa dragon ball? "Wait no, we'll ride my car." Sambit naman ulit ni lalaking pula. "Teleport." Tipid na sagot ni lalaking kidlat. "I won't leave my car." Si lalaking pula. "Then don't come with us." Si lalaking kidlat. Nakita ko kung paano ulit sila magtagisan ng tingin and this time mukhang walang magpapatalo sa kanilang dalawa. "Pasensia na ah, pero sobrang lalim na ng gabi. If may sasakyan naman, that will do, just an opinion." Pagsingit ko. Napatingin naman silang dalawa sa'kin, nakita ko ang pag-ngisi ni lalaking pula at pagbuntong hininga ni lalaking kidlat. "Fine." Sambit ni lalaking kidlat. "Good, you're not as dumb as you look." Sambit ni lalaking pula bago naman ito naglaho sa hangin, and that hit my nerve pero hindi ko nalang papansinin, ang sabi ni Nanay, huwag mapagpatol sa mga ganoong klase ng tao. Ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili ko na nakasakay sa isang backseat ng itim na Audi, ang gara ng sasakyan, pero hindi iyon ang kailangan kong isipin ngayon. Kung hindi, si Nanay. Alam kong nag-aalala na 'yon. Kahit sana maitext ko lang siya ayos na, ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay na drained battery ako na kanina namang umuwi ako ay halos kalahati pa ang battery ng cellphone ko. Napatingin naman ako sa mga kasama kong dalawang lalaki na mukhang may issue sa isa't isa, nasa passenger seat si lalaking kidlat at si lalaking pula ang nagdadrive, syempre sakaniya ang kotseng ito, at kanina pa hindi naglalansinan ang mga ito, hindi ko tuloy alam kung magkakampi ba talaga ang mga ito o magkaaway, pero isa lang ang malinaw, hindi sila magkasundo. "Hello? Puwedeng makahiram ng phone? Makikitext lang, kailangan kong ipaalam 'to sa Nanay ko." Pagbasag ko sa katahimikan. "No/Hindi puwede." Sabay na sagot nila. Doon naman nagunot ang noo ko, sumama ako sakanila hindi para kontrolin ako, ang damot naman nila. Tumahimik nalang ako, ipapaliwanag ko nalang kay Nanay pag-uwi ko, nang biglang magsalita si lalaking kidlat. "Simula ngayon ay hindi kana puwedeng lumapit sa pamilya mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD