Chapter 1 Tereese Arcambel

2597 Words
Tereese' POV "Okay class, dismissed," Isa-isa naman kaming nagsitayuan pagkalabas ni Ma'am Sofia, ang Prof namin sa PE. Lumabas na ako ng classroom saka na rin sana didiretso ng uwi nang maalala kong kailangan ko pa palang dumaan sa may library para ibalik ang librong hiniram ko. Naglakad na ako patungo sa library at hindi naman iyon kalayuan sa department namin, kakaunti nalang ang mga estudyante dahilan narin sa gabi na at kakaunti lang ang mga nagna-night shift sa eskwelahang ito, mejo creepy pero marami namang ilaw at kahit gabi na ay alam kong bukas pa rin ang library. Bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng slacks ko kaya naman agad ko itong binuksan, isang mensahe galing kay Tito. Ang stepfather ko. "Tere, bilhan mo nga ako ng Gin bago ka umuwi," Pagbasa ko sa mensahe, hindi kona iyon tinapos dahil kung ano lang naman ang mababasa ko doon. Kahit kailan talaga, Ilang minuto lang ay napang-abot ko na ang library, pagpasok ko ay kaagad bumungad saakin ang librarian na mukhang naghahanda na rin sa pag-uwi, "Ma'am, eto na po 'yung libro, manghihiram po sana ulit ako ng isa pang libro," Kaagad na lapit ko rito, ngumiti naman ito saka tumango bago kuhanin ang Library ID ko at ang libro na hiniram ko, "Sige kunin mo na 'yung librong kakailangan mo habang pinoproseso ko 'to," Nagpaalam muna ako bago pumasok ng tuluyan sa napakaraming libro sa loob. PE Physics Math Biology "History Section," Saad ko saka na nag-umpisang hinanap ang librong kakailangan ko. BS in Chemistry ang course ko at 3rd year college na ako, may subject parin kami na History at may test kami bukas kaya kailangan ko talaga ng librong hinahanap ko, Hindi ko alam na sa patuloy kong paghahanap ay bigla akong nakaramdam ng hilo, aba'y grabi naman. Napahawak ako sa ulo ko at hinimas iyon, pagod lang siguro ito. Mas binilisan kopa ang paghahanap nang bigla nanaman akong nahilo at sa pagkakataong ito ay pawang gumagalaw o nagwa-wave ang paligid kaya napahawak ako sa bookshelf. Nang bigla nalang nagliwanag ang librong nasa harapan ko at parang magic na bumukas iyon at ang mga letra ay pawang nagsilabasan patungo sa direksyon ko, napaupo na ako sa sahigan dahil hindi kona makaya ang nararamdaman kong hilo at pawang nasusuka. Napatingin ako sa mga braso ko na napapalibutan ng sulat at hindi ko maintindihan ang mga iyon, anong nangyayari? Hanggang sa bigla nalang tumigil ang lahat, tumigil ang paggalaw ng paligid, nawala ang sulat sa buong katawan ko ngunit bago mandilim ang paningin ko ay may nahagip ang mga mata ko sa likod ng palad ng kanang kamay ko, para iyong sulat ngunit hindi ko naiintindihan, pawang alpabeto ng ibang lenggwahe. Wan. "Ms. Arcambel?" Sa isang iglap lamang ay pawang nabalik ako sa realidad dahil sa biglang pagtawag sa'kin ng kung sino, kumurap-kurap ako saka bumaling ng tingin rito, ang librarian. "Okay ka lang Ms.Arcambel? Magsasara na ang library, halos 30 minutes ka ng nandito kaya't hinanap na kita," Pawang nagulat naman ako sa narinig, 30 minutes? Ang OA naman pakinggan pero bakit gano'n? Pawang totoo ang sinasabi nito. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa paligid, nagd-daydream ba ko? "Nakita mona ba ang hinahanap mo?" Tanong ulit nito, "A-ah," Hindi pa po, gusto ko sanang sabihin pero tumingin tingin nalang ako sa paligid na kunwari ay naghahanap hanggang sa napatingin ako sa librong nasa harapan ko, mejo gulat man ay hindi ko ipinahalata, kailan pa napunta 'to rito? Kinuha ko iyon dahil iyon ang librong hinahanap ko. "Yes po, eto na, pasensia na po kung natagalan, naaliw lang po ako sa pagbabasa," Pahinging paumanhin ko, napailing-iling naman ito, "Sige Hija, sa susunod agahan mo nalang ang pagpunta rito, iyan ba ang hihiramin mong libro? Bukas ko nalang itatala sa listahan sakin muna 'yung ID mo, umuwi kana," Tumango nalang ako saka yumuko at umalis, nang makaramdam ako ng panginginig sa kanang kamay ko kaya't pinigilan ko iyon saka na nagmamadalig lumabas ng library. Ano 'yon? Daydream? Gabi na ah, ano ba naman 'yan Tere, kailangan mo na talaga ng sapat na pahinga, pag-uwi mo matulog ka kaagad maaga ka pa naman bukas sa trabaho mo. Nagmamadali ang mga hakbang ko palabas ng eskwelahan, kakaunti nalang ang mga tao at disoras na talaga ng gabi, kaya't tumingin ako sa oras ng cellphone ko at alas nueve na nga, 8:30 ang huling klase ko so totoo nga ang sinasabi nung librarian na halos 30 minutos na akong nandoon? Hayy, ibang klase. Pagod lang siguro talaga ako. Pag-uwi ko ng bahay ay kaagad na bumungad saakin ang Tito Ed ko, saka ko lang naalala ang pinapabili nito, Away nanaman ito. "Nasaan na?" Bungad nito, ni wala man lang magpahinga kana Tere, kamusta araw mo, kumain kana. Huminga nalang ako ng malalim saka na yumuko, "Pasensia na Tito nakalimutan ko kase saka malalim na rin ang gab-- "Walang kwenta! At bakit disoras ka nakauwi, nagboboyfriend kana ba Tere?!" Sigaw nito. Kaagad akong umiling, "May dinaanan lang ako sa Library-- "Sinungaling! Alas nueve ang uwi mo at magaalas diyes na!" OA naman nito, manghihingi lang naman ng pera. "Ed, Tere, ano 'yan? Gabi na marami nang natutulog, Tere kumain kana ba anak?" Mula naman sa likod ni Tito Ed ay lumabas si Nanay na mukhang kakagising lang. "Itong walang kwenta mong anak, wala pa ngang napapatunayan sa buhay lumalandi na, disoras na nakakauwi, pati simpleng utos ko hindi pa nagawa!" Sigaw pa nito saka pumalad sa harap ko. "Akin na nga ang pera! Ako na bibili! Mga peste!" Sigaw pa nito, Mula sa likod ay tiningnan ako ni Nanay na pawang naaawa, bumuntong hininga lang ako saka na kumapa ng pera sa may bulsa ko sa pants. Binigyan ko siya ng singkwenta dahil iyon nalang ang natitira sa bulsa ko. "Eto lang?!" Pagalit pang tanong nito bago umalis ng padabog, pagkaalis nito ay saka naman bumagsak ang balikat ko at pagod na naglakad patungo kay Nanay, pawang naiiyak ito at naawa sakin. "Pasensia na anak." Bulong nito saka hinawakan ang pisngi ko, kita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatitig sakin, kaya ngumiti nalang ako. "Ano ka ba Nay, okay lang 'yon, sanay na ako do'n." Umiling ito. "Ibabalik ko nalang ang perang hiningi ng Tito Ed mo sa'yo." Sambit nito kaya ako naman ang umiling. "Hayaan mo na 'yun Nay, okay lang 'yon, kumain na kayo Nay?" Pag-iiba ko ng usapan, tumango lang ito. "Mabuti naman po kung gano'n, ako po kumain na po ako, dumaan po ako sa library at napatagal kaya nadisoras ako ng uwi tapos dumaan nalang ako sa may isang convinience store at doon na kumain." Pagsisinungaling ko dahil wala akong ganang kumain. Tumango nalang ang Nanay kaya't nagpaalam na magpapahinga na ako, dumiretso ako aa kwarto ko, itong bahay namin ay old-fashioned, iyong mga bahay na nakikita o nadadaanan niyo na gawa sa kahoy pero second floor, iyon ay dahil pamana pa ito ni Nanay mula sa ancestors niya, walang trabaho ang stepfather ko at si Nanay ay nakikipagtrabaho lang sa isang carenderial. Maging ako ay nagtatrabaho rin sa isang restaurant malapit sa unibersidad na pinapasukan ko nakakapagtrabaho ako roon bilang working student dahil na rin sa kaibigan ko noong first year college na si Arvis ngunit pagkatapak ng second year college ay lumipad na ito patungong ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya, kaya malaki ang utang na loob ko sa taong 'yon. Huminga ako ng malalim 'yung tipong mailalabas ko ang buong araw na pagod ko saka na umupo sa kama, itianabi ko ang bag ko saka naman napadako ang tingin ko sa libro na dala ko mula kanina. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ako, pero 'yung OA na daydreaming na naranasan ko kanina, pawang totoo iyon, pero imposible, napaka wierd. Tumingin ako sa likod ng palad ko, malinis naman iyon, walang kahit na ano, hay naku Tere, stress kalang dahil sa papalapit na finals. Napailing ako, bukas nako magrereview, kailangan ko ngayon ay sapat na pahinga. Tumayo na ako para makapagpalit na ng damit at ilagay na ang mga gamit ko sa tamang pwesto, binuksan ko na din ang bentilador at tila naginhawan ako paghilata ko sa may kama. Ilang minuto lang akong nakatingin sa may lumang kisame hanggang sa inabot na ako ng antok. "Tereese..." "Tereese can you hear me, my dear?" "Tereese, come..." "Hear me..." "Tereese..." Habol ang hiningang napabangon ako at napahawak sa magkabilang sentido ko, panaginip? Wait a minute kapeng mainit..... Panaginip? Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ko, si Nanay. "Oh Tere, gising kana pala." "Nay....Nay..." Bulong ko saka dali-daling tumayo at lumapit sakaniya, nakita ko naman na parang nawirduhan ito sakin, "NAAYYY!! NANAGINIPP AKOO! FOR REALL!!" Excited na kwento ko sakaniya, nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya dahil may payugyog pa sa balikat effect ang pagkugwento ko sakaniya. Bigla naman niyang tinampal ang braso ko. "Ano kabang bata ka, akala ko kung napapano kana." Singhal nito saken. Ganito pala 'yung feeling ng nanaginip, woah, it feels amazing! Nandito 'yung feeling na may bagay kang naranasan pero hindi mo alam kung ano 'yon, pero iba 'yung feeling. "Maghanda kana nga, kakain na tayo, hintayin kita sa ibaba." Kunot noong sabi pa nito pero nakangiti lang akong tumango. Wierd, unang beses kong magkaroon ngg panaginip sa buong buhay ko, ahhh galinngggg. Ang saya ng umpisa ng araw ko, masaya akong naligo at nagbihis, pababa na ako ng hagdan para mag-almusal at saka naman nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang stepfather ko. Tiningnan ako nito ng matalim kaya't tiningnan ko rin siya ng walang ekspresyon, ilang saglit lang ay umalis na ito at lumabas ng bahay, ako naman ay dumiretso lang sa may kusina. "Kumain kana anak." Sambit ni Nanay saka naman ako umupo kaharap ng mesang may nakahain na pritong itlog at tocino at sinangag. "Nay, kumain na rin kayo." Aya ko, umupo na rin naman ito sa tabi ko, 'yung stepfather ko ay bihira lang namin makasabay na kumain, wala na itong ginawa kung hindi puro inom at paglabas ng bahay ang inaatupag sa buhay. Pagtapos naming kumain ay saka naman ako naghandang pumasok sa trabaho, nagpaalam ako kay Nanay saka na lumabas ng bahay. Malapit sa eskwelahan ang pinagtatrabauhan ko kaya't pagkatapos ng duty ko mula 9 am hanggang 3 pm ay dumidiretso na ako sa school. Sumakay ako ng jeep at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Seattle D' Resto. Pumasok nako sa backdoor at dumiretso sa locker room, nakita ako ng mga iilan kong kasamahan at binati nila ako, binati ko din sila saka na nagbihis ng pang-waitress. Checkered white and black long sleeve lang naman saka apron na may tatak ng resto at hairnet. Pagkatapos kong manalamin ay saka na sana ako lalabas ng locker room nang may mahagip ang mata ko sa may binatana sa labas, at hindi nga ako nagkakamali, isang babaeng naka itim, mahaba ang buhok at halos kaedaran kolang ang nakatitig saakin ng matalim mula sa labas, mejo kinabahan ako ng kaunti ngunit ilang minuto lang ay umalis na rin ito nang magtama ang paningin namin. Nangunot ang noo ko at kinusot ang mga mata ko, namamalik mata ba ako? So wierd. Lumabas na ako ng locker room at sinimulan ang trabaho ko, iilang mga estudyante at mga naka civilians na ang laman ng restaurant. Naging mapayapa naman ang daloy ng buong araw ko, pagkatapos ko ay saka nako nagpalit ng dapit pang-eskwela, pinuntahan ko ang manager para makuha ang sahod ko sa araw araw, 500 ang sahod ko sa araw-araw at may 5k pa akong natatanggap every month at iyon ang binibigay ko kay Nanay, kapag may nakatakda naman akong bayarin sa eskwelahan ay ako nalang din ang nagbabayad, scholar ako dahil sa 95 average ko noong nag-enroll ako sa sa university, 4 years scholar na 'yon hanggang makatapos na ako. Nagpasalamat ako sa manager pagkaabot nito sa sahod ko saka naman ako lumagda at nagbiometrics. Nagpaalam na ako na mauuna na ako, pati narin sa mga kasama ko na hindi pa tapos ang duty. Paglabas ko ng Resto ay naglakad na ako sa may eskinita, sa dulo ng eskinitang ito ay tatawid lang ako sa may high way at doon na ang eskwelahan na pinapasukan ko. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay bigla nalang may babaeng lumabas mula sa isang kanto na ikinagulat ko kaya't napatigil ako. Ito 'yung babae kaninang umaga. Matalim ang titig nito saakin habang nakatayo lamang sa may daraanan ko. "Yes po?" Pagsasalita ko, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang kaba. "Hindi kana pwedeng mabuhay." Mahina ngunit mapanganib ang tono ng boses nito habang sinasabi iyon. Okay lang ba si Ate? Takas ata 'to sa mental. "Come again ate?" Sambit ko kahit sa kaloob looban ko ay kinakabahan na ako. Nagulat ako, oo tama, nagulat talaga ako, gulat na gulat, paano ba naman kase bigla nalang humaba 'yung mga kuko niya, kasing haba yata ng mga daliri niya, gulat na may takot ko siyang tinignan, totoo ba 'to? Anong nangyayari? Panaginip ba 'to? Masyado kanaman atang naging excited sa pananaginip Tere, ano-ano na naiimagine mo. "Papatayin na kita!" Sambit nito, napasigaw ako nang patakbo itong lumapit saakin at dadakmain na ako, napapikit lang ako dahil sa takot. Ngunit hindi ko alam kung bakit wala naman akong maramdamang kahit ano, ilang segundo akong nakiramdam kaya't dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Gulat, oo, mas nagulat ako ngayon, gulat na gulat, parang may shield na ewan sa harapan ko at doon, nakita ko ang claw marks na gumuhit mula sa mga kuko ng babae at sa dulo nito ay ang mga kuko nito na mukhang na stock at hindi niya mahugot ang mga ito, nakita ko ang gulat sa mga mata ng babae. Naramdaman ko naman ang panginginig ng tuhod ko sa takot habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko, papatayin niya talaga ako. At salamat sa kung anong humarang sa harapan ko na mukhang glass na parang shield at buhay padin ako ngayon na walang galos. Napahawak ako sa may dibdib ko, naninikip iyon, natatakot ako. "You will die. We will kill you." Nahigop ko ang hininga ko sa talim ng pagkakasabi niya no'n, m-may utang ba ako sakaniya? "Tere!" Napalingon naman ako nang may tumawag saakin, isa sa mga katrabaho ko sa resto. "D-Dave?" Sambit ko, patakbo itong lumapit saakin saka naman inilahad ang isang libro sa harapan ko. "Naiwan mo, buti nalang naabutan pa kita." Sambit nito, napabuga ako ng hangin saka inabot iyon. "S-salamat." Saad ko saka naman lumingon ulit sa may babae ngunit ganoon ang gulat ko nang makita walang kahit na sino doon. "Mabuti nalang at hinabol kita, mukhang babalikan mo iyang libro dahil kanina kapa dyan mula sa kalayuan nakita na kita." Pagsasalita pa nito sa likod ko, 'yung babae nasaan na? Anong nangyayari? Kanina lang ay hindi iyon nakagalaw at parang naka stock ang mga kuko nito sa pawang shield. "Dave! Kanina, mula sa kalayuan, wala ka bang nakitang babae dito? Nakaitim, mahaba ang buhok," Baling ko dito, nakita ko naman na parang napatigil ito. "Wa...la?" Parang nawiwirduhan itong nakatingin sakin habang sumasagot. Napahinga ako ng malalim saka napapikit ng mariin, ipinukpok ko ang libro sa may ulo ko "Woah, anong ginagawa mo?" Pigil sa'kin nito pero tiningnan ko lang siya. Minamaligno yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD