Chapter 5 The Deities (Part 2)

2341 Words
Tereese' POV Halos buong gabi lang akong gising, binabasa ko ang librong pinahiram saakin ni Cedric, ayon sakaniya ay mula sa ninuno pa ng ninuno ng mga ninuno ng nuno ang libro na ito. There were sketches of the Three Deities, at nabasa ko rin na, magkakapatid ang tatlo, they were born as triplets. Ayon sa libro, Earth was originally named Andro, at mayroon itong Diyos, ang lumikha sa lahat, The God Sapin. The God loved his people unconditionally, he gives wealth, gifts, joy and so much more, there was nothing known as poor or poverty that time. Sana all. Hanggang sa naging mga makasalanan ang mga taong kaniyang nilikha, masyado niyang mahal ang mga tao kaya't ang ginawa niya ay hinati niya ang kaniyang buong kapangyarihan sa dalawa, creating a Husband and Wife to be the King and Queen of the Andro people, to control them once again in flesh and blood, creating he rules and the laws. At hindi nagtagal, nagkaroon ng anak ang mag-asawa, they were called the Triplets Limid, they were full-powered, and full-blooded deities as their parents gave them powers as soon as they were born. But they were born as humans by flesh. They were named, Wonelimid, Wanelimid and Winelimid or Won, Wan, and Win. While growing up, the triplets showed potential as rulers, they bears so much power, but greed engulfed their heart, naging ganid at nabulag sila sa kapangyarihan, inasam nila ang kapangyarihan upang kontrolin ang mundo, the power of the King and Queen. Sa sobrang pagkaganid nila sa kapangyarihan, nagawa nilang paslangin ang kanilang mga magulang, in that instance, the Land of Andro became a chaos land, but not too long after, ang natitirang napakalakas na kapangyarihan ng pinaka diyos na si Sapin ay binalot ang buong Andro at sinumpa ang tatlong magkakapatid upang mabura ang kanilang pagkakakilanlan sa mundo at upang tuluyan nang burahin ang mahika sa mundo, nakulong sila at tuluyan nang kinalimutan. Mula noon, namuhay ang mga tao ng walang kaalam-alam sa mahika, not even knowing about the Dark History of the Deities Families that once ruled the Land of Andro. Pero hindi nagtagal, after 200 years, may naipanganak na nagtataglay ng marka na may nakasulat na Won at Win, these children were extraordinaries, nagtataglay sila ng hindi kapani-paniwalang kapangyarihan, and soon after, it was known that they were summoned or born because the Deities called for them, they are the reincarnation of the Deities power, the children soon started to hear the Deities voices calling for help and rescue, that was when the Reincarnation of the Deities started to abide with the voices. They started to find the way on how to resurrect the Deities, and soon after, they found out that it needs also the reincarnation of the other Deity Wanelimid, to resurrect them, after long years, not able to resurrect the Deities, namatay ang mga reincarnations, pero ang mga naging pamilya nito o mga anak ay nagtaglay ng mga kakaibang kapangyarihan, nanatiling tago iyon pero mula noon, doon na nagsimula ang mga taong nagsitaglay ng mga iba't ibang kakayahan at kapangyarihan. And soon, after 300 years again, the reincarnations appeared again, and having to be confused with their birth, naghanap ang mga ito ng sagot kung bakit sila nabuhay ng gano'n, doon na naipasa ang mga sulatin ukol sa kwento at kasaysayan ng mga sinaunang diyos. Ngunit muli ay nabigo ang mga reincarnation upang mabuhay muli ang mga naisumpang Diyos, at iyon ay dahil wala paring reincarnation ni Wan ang nabuhay, doon na naman dumami ang mga taong napag-iwanan ng mga bakas ng kapangyarihan, and after long long long years, surprisingly 100 years ago, the first reincarnation of Wanelimid was born. Finally, the Deities can be resurrect, but having the people to discover that their powers will be taken away from them as soon as the Deities came back to life, pinigilan nila ang tatlong itinakda upang buhayin muli ang mga diyos. Dito sa libro nakasaad, the reincarnation of Win was killed by his loved ones. Since then, humupa ang away at sigalot ngunit nagkaroon ng pagkakabukod bukod ng mga uri, doon naitatag ang Deities' Hamlet, so this small village also has a great history? The Deities' Hamlet was known as the refugee for the Limids who chose to take the right path, and here in the Deities' Hamlet lies a great secret. (Limids- is what they decided to call the people who bears powers.) Napatigil ako sa pahinang iyon. Secret of the Deities' Hamlet? I was about to turn the page once more pero naramdaman kona ang antok, doon kona ito isinara itinabi sa may lamp table na nasa gilid ng kama saka na humiga. This is actually a nice room, first time kong hindi natulog sa kwarto ko. At sana naman, natutulog pa si Nanay ngayon at hindi ako inaalala,  pasensia na Nay, pero ipinapanagko kong babalikan kita, dito kung saan man ako napadpad, hindi ko magawang tumakbo o umalis, lalo na at nalaman kong, kabilang talaga ako dito lalo na ang Tatay. Hindi ko namalayan na nahila na ako ng antok. "Tereese..." I am in amidst of nowhere, pero may naririnig akong boses ng babae, I roam my eyes around but it's all black and nothing. "Hello?" Sambit ko. "Tereese...." Dinig ko ulit sa boses. "Magpakita ka." Sambit ko. "I'm not able to show myself, I'm glad I'm able to connect with you now, but I just want to warn you, whatever you see, find and hear, trust only your guts. Take care Tereese..." Napamulat ako at bumungad saakin ang puting kisame, I exhaled at dahan-dahang bumangon, napahawak pa ako sa ulo ko dahil mejo masakit iyon, dahil siguro ito sa puyat kagabi na umabot hanggang alas tres. I looked at the alarm clock that resides in the lamp table beside me. 11...26 ...am. Nagulat ko pagkakita ko no'n, it's almost noon! Bumangon ako saka dali-daling lumabas ng kwarto, dumiretso agad ako sa sala ng bahay at doon ako napatigil, Zentis is still sleeping, his face is covered in a handkerchief. Talagang buong gabi siyang natulog sa sofa na 'yon. Napahinga ako ng malalim, malamang sa malamang nag-aalala na si Nanay sa mga oras na ito, at 'yung trabaho ko. Kailangan ko ba talagang abandunahin ang buhay ko para rito? "Magandang umaga, kumain kana." As if an angel heard my rants, may isang anghel na lumabas mula sa tingin ko ay kusina, gwapo at napaka among mukha, nakasuot ito ng apron at naka white shirt at short. I can look at this goddamn beauty forever. Charing masyado kanang maharot sa part na 'yon Tere. "Pasensia na, ngayon lang ako nagising, Cedric gusto kong umuwi." Kaagad na entra ko sakaniya. Nakita kong napabuntong-hininga ito. "I told you, hindi kana puwedeng lumapit sa pamilya mo." Saad niya, bahagya naman akong nakaramdam ng inis. "Alam kona, alam kona ang lahat, ang dahilan kung bakit gusto nila akong patayin, pero hindi ibig sabihin nu'n e iiwan kona si Nanay, if I ask too much, puwedeng isama ko nalang dito si Nanay? Please Cedric, gusto ko rin siyang tanungin tungkol sa Papa ko, nagmamakaawa ako." I begged. Umiling lang siya. "You don't understand Tereese, hindi ka talaga puwedeng lumapit sa Nanay mo, not now, not forever, sorry to say this but you need to leave your Mom alone." Naikuyom ko ang kamao ko, no, hindi, hindi ko puwedeng hayaan si Nanay. "Hindi puwede, uuwi ako." Sagot ko rito na may pagkaseryoso. "Mas hindi puwede." "Ayaw ko rito." Sagot ko lang saka na sana siya lalagpasan nang magsalita pa ito. "She will die if you come near her." Doon ay pawang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. "Aware kana na maraming gustong pumatay sa'yo, as for now, they will only come after you, ang mga kalaban, hindi nila alam kung sino ang pamilya mo, kung sino ang mga magulang mo, they only know you as the Deity Wanelimid, ngayon kapag lumapit kapa sa Nanay mo, wherever you go, wherever you are, the enemies will find you, they will find out about your mother, they will kill her to trigger your emotions, as for now, your mother is safe, she can live peacefully as she was, so don't go near her anymore." Pagsasalita pa nito. Parang nanlulumo ako sa narinig. My mother. Hindi puwede, si Nanay, hindi ko na siya makakasama. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luhang pinipigilan ko kaya't napayuko ako. "B-bakit ako pa." Bulong ko. Akala ko tanggap ko na ang lahat, akala ko okay na. "As much as I want her to come here in the Deities Hamlet, only those who bears the power of Deity can enter here, she isn't allowed here, because your mother is just an ordinary human, I'm sorry Tereese, pero kailangan mong tanggapin ang kapalaran mo." Cedric continued. Kahit sandali lang. "K-kahit saglit lang, makasama ko lang siya sa huling sandali, hindi ako naging handa sa lahat ng ito, please consider it Cedric, consider this a favor, please gumawa ka ng paraan." Pakiusap ko saka siya tiningnan sa mata. I saw syampthy in his eyes. "Susubukan kong gumawa ng paraan." Sagot nito at doon ay mejo nabuhayan ako ng loob. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Maraming salamat." Sambit ko saka ngumiti ng tipid. "Ugh, Drama. You're so noisy." Napatingin kami sa biglang nagsalita, si Zentis. "Go home." Sambit lang ni Cedric saka umalis na sa tingin ko ay bumalik ng kusina. Nakatingin ako kay Zentis na parang irita ang mukhang nakatingin din sa'kin, napailing nalang ako saka sumunod kay Cedric, pagpasok ko sa kusina ng bahay niya ay tumambad agad sa'kin ang pagkain sa mesa. He cooks, I'm shook. "Kumain ka muna, ililibot kita sa buong Hamlet, this will be your life from now on." Labag man sa pandinig ko ay wala na akong magagawa sa sinabi ni Cedric. "I'm hungry, *yawn*." Nauna pang umupo sa'kin si Zentis, mejo may kakapalan ng mukha 'tong lalaking 'to. "Ano bang ginagawa mo rito, puwede kanang umuwi, ako nang bahala kay Tereese." Sambit ni Cedric na may pagkairita sa mukha. Sinenyasan na akong umupo kaya't umupo nalang din ako. "I wouldn't want to be here as well, but I don't have a choice." Tamad na sagot ni Zentis saka kumuha ng isang hatdog habang nakatingin sa'kin. I just want to ask. "Ilang taon kana?" Tanong ko sakaniya. As usual he looks at me as if he's irritated. "24." Tinignan ko siya na parang nadismaya, he doesn't act like one though. Nakita ko kung paano tumalim ang tingin niya sa'kin. "We all share the same birthday but not the year." Pagsasalita ni Cedric saka na rin ito umupo. Woah, is that for real? "Ilang taon kana ba?" Tanong ko sakaniya. "I'm 26." Saad niya  kaya pala medyo matured ang itsura niya, gwapo padin naman siya. "Let's eat." Cedric. Nag-umpisa na kaming kumain, hindi ko alam kung ano, but I feel already comfortable with him, maybe one of his charms, pero he feels so trustworthy. Hindi kagaya n'ung isa diyan, nakikita ko kung pa'no sila hindi magkasundo, pero hindi ko alam o hindi ko maintindihan, I can see friendship as I look at them arguing everytime, o naghahallucinate lang ako. Pagkatapos naming kumain, I insisted to take on the dishes which is hindi naman tinanggihan ni Cedric. Pagkatapos kong hugasin ang mga plato ay pumunta na ako ng sala, doon ko nakita si Zentis pero wala si Cedric. "Nasaan si Cedric?" Tanong ko. "I wouldn't care that much." Sagot lang nito. Pagkatapos makikain. Dumungaw naman ako sa labas ng bintana ng bahay, may nakikita akong iilang tao sa labas, parang gusto ko ding lumabas. "My power was awaken since I was 5 years old." Napatingin naman ako kay Zentis nang magsalita ito, his face looks irritated as usual but he looks as if he's talking to me kaya hinarap ko siya. "Since then, I was targeted by the enemies, I was nearly killed." Pagsasalita pa ulit nito, lumapit ako rito at umupo rin sa single sofa, nakaupo kasi siya sa malaking sofa sa usual. "Imagine my life since 5, without nothing but innocence, I was forced to accept this kind of life, I was forced to accept what you're experiencing now at the age of 5." Nakaramdam naman ako ng simpatya sa narinig kong kwento nito. Napakabata naman niya. "I'm one of the Deities Reincarnation, Winelimid, the deity of night and dark. I am in the same league as you, an important component for the deities resurrection, but the difference is, your power is greater than anyone else and that's what makes you special. Be thankful, you will have Cedric and the others here in the Deities Hamlet to guide and protect you, unlike me, I just had Laurice, she is my guardian since I was 5, she is also a Limid, she is the only one to guide me, so I can accept that fact that I am not normal." Pagpapatuloy pa niya. How about his families? "The enemies tried to kill my family but strange it is, I learned to control a bit of my power since I was young, I protected them and tried to intimidate the enemy, I showed them what I can do and they musn't to kill anyone in my family, after that, they stopped pursuing me, instead I learned that they thought we're not worth to kill because there is no sign in the birth of Goddess Wanelimid reincarnation, they thought that our existence is invalid, since then, they stopped pursuing me letting me live a not so normal life, some of the elders here in the Deities Hamlet learned about me so they tried to bring me here but I insisted that I can take care of myself," Tumigil muna ito saka tumingin sakin ng napakaseryoso, ako naman ay mataman lang na nakikinig nang bigla itong tumayo at napamulsa. "That was when I found out that they are waiting for the existence of the Deity Wanelimid in our time, they told me to wait for you and to protect you the very instant you unleash the power of the deity, so to make it clear to you, you're here because you need to, not because we want to, so if you went to cry or beg or ask for favor again out of Cedric, you may not want to deal with me. Learn your purpose, do what you need to do, be someone mature and take on the life ahead you. You posses great power, and the people here are also expecting greater from you." Pagkatapos niyang magsalita ay saka na ito umalis, ako ay naiwan lang na nakatanga habang nakaupo rito sa sofa. Isa lang ang malinaw sa buong sinabi niya, na huwag akong maging pabigat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD