Chapter 6 Deities Hamlet

2629 Words
Tereese' POV Ilang sandali lang pagkatapos ng tagpo namin ni Zentis ay ang pagpasok ni Cedric sa bahay saka naman ako nitong niyayang lumabas. Nakakahiya, pantulog padin 'yung suot ko, panjama at puting damit. Pero nakakahiya naman kay Cedric kung manghihingi pa ako ng damit. Kaya sumunod nalang ako sakaniyang lumabas. Paglabas na paglabas ko ay napapatingin sa'kin ang mga kapitbahay ni Cedric, nauuna siyang maglakad sa'kin kaya't pumwesto nalang talaga ako sa likod niya dahil nahihiya ako. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya. "To the Elders." Napakamaaliwalas sa pakiramdam ng village na ito, magkakakilala kaya sila? Magkaka close? Ano kayang kapangyarihan ng bawat isa sakanila? Patuloy lang sa paglalakad si Cedric, mejo malayo yata ang pupuntahan namin pero sa patuloy naming paglalakad at pagliliko-liko parang napansin kong napakalawak naman pala ng Hamlet na ito. Hanggang sa may nadaanan kaming sadyang napakalaking gate na halos hindi mona tanaw ang nasa loob, nakasarado iyon pero bakit nakakaramdam ako ng malakas na enerhiya doon. "That is the Deities' Academy, inside that is a world you don't want to believe that it actually exist, its area is a big as a village. Diyan nag-aaral ang mga batang Limids, it only opens once a year for newcomers and within the whole year, never na itong magbubukas." Iba't-ibang imagination ang pumapasok sa isipan ko kaya't namamangha ako habang nagkukwento si Cedric, pagkalagpas namin doon ay puro na mga puno ang nadadaanan namin, konti nalang ang mga bahay rito. Tuloy lang sa paglalakad si Cedric hanggang sa tumigil ito, sa isang maliit na bahay, as in maliit na bahay na isang pintuan at bintana lang ang nadoon. Binuksan niya iyon at pumasok, mahirap ba 'yung Elder na sinasabi niya? But everything in my thoughts was not even in the span of what I can see right now. "Woahhhh." Ganyan ang pagkamangha ko sa nakikita ko. Anong nangyayari? Napakalawak ng lugar, napakaganda ng library na ito. Sobrang dami ng libro, ang ganda, may mga hagdan pa sa bawat baitang ng mga libro. Nang biglang may lumapit sa'ming babae na nakasalamin siguro ay mga teenager palang ito. "Master Ced, nasa may History Room po sila." Pagsasalita nito saka napatingin sa'kin, bigla naman itong ngumiti ng malawak. "Ang ganda niyo naman po. Ako si Sabrina, kaya kong magimbak ng mga kaalaman sa utak ko sa loob lang ng ilang segundo kaya't ginawa akong trabahador dito sa Hamlet Library, ikinagagalak ko pong makilala kayo." Pagsasalita nito sa isang cheerful na boses. Ako ay ngumiti lang. "Ang pangalan ko ay Tereese, nice meeting you rin." Sagot ko nalang, para naman itong batang kinikilig saka yumuko at nagpaalam na aalis na. What's with that? "Sumunod ka sa'kin." Sambit ni Cedric. "Kanina pa ako nakasunod." Bulong ko. Nakita ko namang napangisi ito. Gwapo niya talaga. Tumuloy lang siya sa paglalakad, umiikot parin ang paningin ko sa library, madami rin ang mga taong nandito at napapatingin sa'min, 'yung iba ay nasa itaas at tumitingin tingin pa ng mga libro, napapayuko ako dahil sa mga nakatingin sa'kin. Hanggang sa tumigil na sa paglalakad si Cedric sa harap ng isang pintuan saka na ito binuksan, sumunod lang ako sakaniya sa loob at doon bumungad sa paningin ko ang tatlong may katandaang tao na nakaupo sa mga sofa, napatingin ang mga ito sa'min. Napayuko ako bilang paggalang narin nang biglang tumayo ang isa sakanila. "Nararamdaman ko ang malakas na kapangyarihang bumabalot sa iyo." Pagsasalita nito saka lumapit sa'kin. Hindi ako nagsalita ni gumalaw man, so anong irereact ko? Komogokyo panjitaw? "Kamukha niya ang kaniyang Ama." Doon ay parang pumintig ang tenga ko sa narinig, iyong isang matanda kasi ang nagsalita. Bigla naman tumawa ang matanda na nasa harapan ko. "Tama ka, napakawais ni Terri, nakaya niyang itago ang kaniyang anak." Sambit nito. "Ano pa bang aasahan mo sa pinakamalakas na Limid noong kapanahunan niya?" Komento pa nu'ng isa. Nakakacurious tuloy, ka vibes kaya nila si Papa? Makkwentuhan nga sila minsan. "Mukhang hindi siya komportable, bakit hindi muna kayo magpakilala sakaniya." Dinig kong sambit ni Cedric, kung makapagsalita ito ay pawang kasing edad niya lamang ang mga kausap niya. "Ako si Drake Ausina, isang karangalan ang tumayo ngayon sainyong harapan." Nagulat ako nang bigla itong yumuko. "A-ay, huwag na po kayong yumuko, grabe sobrang tanda niyo na po sa'kin para yukuan ako." Pigil ko sakaniya, nakita ko namang tumawa 'yung dalawang matanda. "Ang pangalan ko ay Kristoff Sanchez." "Ako si Rakim Soliman, natural lang na bigyan ka ng paggalang dahil kayong tatlong nina Master Ced, Master Z at ikaw, ang pinakapinuno sa lahi ng Limids, kayo ang mga Deities, kami pinuno lang kami rito sa Hamlet na ito at ang karaniwang tawag saamin ay Pinunong Drake, Pinunong Rakim at Pinunong Tope. Pero si Master Ced ang tawag niya sa'min ay--" "Tanda ang dami mo pang sinasabi, dinala ko siya rito para sa kahilingan niyang gusto muna niyang makasama ang kaniyang Ina kahit saglit lang." Sambit ni Cedric. "Hmm..." Sambit ni Pinunong Drake saka hinimas ang mahaba niyang puting balbas, mahaba pa yata sa buhok ko. "Posible iyon." Sambit nito, para namang nagdiwang ang puso ko sa sinabi nito. "Puwede mong makasama ang Nanay mo ng iilang sandali, oo nalalaman ng mga kaaway kung saan ka nagpupunta, pero kung sino ang mga kasama mo ay hindi nila malalaman kung sino, maaari namin pagtakpan ang aura ng Nanay mo sa aura ng iba para kapag umalis ka na at lilisanin mona siya, ay iba ang aurang hahanapin ng kalaban bilang iyong Ina, sa ganoong paraan hindi nila mapupuntirya ang iyong Ina." Pagsasalita nito. Napangiti naman ako sa narinig ako. Makakapagpaalam pa ako kay Nanay. "NGUNIT, maaari lamang iyon na magtagal ng isang araw, at pinakamahalagang bagay na kailangan mong tandaan ay huwag na huwag kang magpapasugat o mag-iiwan ng bakas ng dugo habang nandoon ka, ang mga Dracules, kaya nilang malaman ang lahat sa pamamagitan lamang ng dugo, kaya't mag-iingat kayo." Sambit nito, tumango naman ako. "Maraming salamat po." Sambit ko, napatango-tango naman ito. "Matagal rin ang hinintay naming panahon upang malaman ang kinaroroonan at pagkakakilanlan mo, kaming tatlong pinuno, kami ang pinakamaraming alam dito sa Deities' Hamlet, wala ka bang ibang gustong itanong sa'min? Dahil pagkatapos niyong dalawin ang Nanay mo, ay doon na mag-uumpisa ang panibagong buhay mo rito, susubukan na nating gisingin ang natutulog na kapangyarihan diyan sa loob mo." Pagsasalita pa nito. Doon naman ako napatigil. May isang confusion sa utak ko ang hindi parin maipaliwanag ng kahit na anong nabasa at narinig ko. "Hindi ba, kasalanan ng mga Diyos kaya sila ay nakulong at isinumpa, it was their fault. Sa nakikita ko, kayo ay nakapanig sa mabuti at ang mga kaaway ay sa masama, bakit gusto niyo silang buhayin muli kahit na alam niyong may kasamaan rin silang taglay? Bakit hindi niyo nalang hayaan ang mga bagay kung ano sila ngayon?" Tanong ko. Nakita kong napatigil ito at parang hindi inaasahan ang tanong ko, tiningnan ko rin ang ibang mga Pinuno, pare-pareho lang sila ng ekspresyon, parang himdi sila handa sa tanong na narinig nila. Nang marinig ko ang mahinang tawa ni Cedric kaya napatingin ako sakaniya. "Gulat kayo 'no." Sambit nito. Ilang saglit lang ay tumikhim si Piununong Drake at tumawa nalang din ng mahina. "You sound like an enemy, but I understand your point." Saad nito at napatango-tango pa. "Kung ano ang nakasaad sa libro ay iyon ang katotohanan, nagsimula ang mundo sa Diyos na si Sapin, kahit na nawala siya at hinati ang kapangyarihan bilang Hari at Reyna, nandoon parin ang kapangyarihan niya, na napasa rin kalaunan sa Tatlong Kambal, ngayon ang tanong mo bakit kailangan silang buhay kahit na may kasamaan silang taglay, this is what our ancestor's answer. The Earth is about to meet its destruction." Nangunot ang noo ko sa narinig, masisira ang mundo? "Matagal nang panahon nang maikulong ang tatlong Diyos na nangangatawan sa kapangyarihang taglay ng mundong ito, malapit na itong masira at maglaho, at para maitigil iyon at mapigilan, kailangang buhayin ang tatlong Diyos upang muling mangatawan sa kapangyarihang pundasyon ng mundong ito." At doon nakita ko ang sagot sa katanungan ko. They wouldn't go as far as this without any valid reason. Tumango-tango nalang ako. "Now I understand." Sambit ko, tumango din ito. "Mabuti naman." Sambit nito. "Puwede na ba iyon? Gusto mo na bang umalis ngayon?" Napatingin naman ako kay Cedric na nagsalita. Tatango na sana ako nang magsalita si Pinunong Drake. "Hindi maaaring ngayon, uutusan ko palang sina Danika na gawin ang dapat gawin sa Nanay mo para sa plano." Pagsasalita nito. Oo nga pala, pawang babalutin rin nila ng enkantasyon si Nanay, napabuntong-hininga ako, kailangan ko talagang maghintay. "Sige, bukas nalang." Sambit ko, tumango naman si Cedric. "Fine, I'm gonna tour you to the whole Deities' Hamlet, let's go." Sambit nito saka na naunang lumabas ng pintuan. Yumuko muna ako sa mga Pinuno bago sumunod paalis kay Cedric. "Gaya ng nakikita mo, ito ang pinaka library ng buong village. Dito mo makikita ang lahat ng librong kakailanganin mo." Napatango-tango ako, this is really amazing. Lumabas na kami ng library at hindi parin ako makapaniwala na sa labas ay mumunting? bahay lamang iyon at sa loob ay pawang mansion ng mga libro. "Nga pala Cedric, nasaan si Zentis?" Tanong ko, curious lang kasi hindi ko na siya nakita. "I wouldn't care that much." Ay. Magkaano-ano ba silang dalawa? Halata naman magkakilala sila pero bakit ganito sila sa isa't-isa. "Cedric matanong ko lang, ang sabi mo dito na ako sa lugar na ito titira, magkakaroon ba ako ng sarili kong bahay?" Tanong ko, patuloy lang kami sa paglalakad ng umiling ito. "Sa bahay ko, doon ka titira." Sagot nito nang bigla itong tumingin sa'kin at ngumiti ng pawang pilyo. What was the smile for? "H-hindi ba parang ang pangit no'n, you and me, in the same roof?" Sambit ko. Nagkibit-balikat lang siya. "Only I and the other jerk will be able to protect you, so it's either you will be under my care or under his care, as for you, dito ka sa Hamlet nababagay." Pagsasalita nito. Tumango-tango nalang ako. Sabagay kung papipiliin ako, kahit na hindi kopa sila kilala masyado, so far ang pipiliin ko ay sa puder ni Cedric, that Zentis is so scary. "Zentis said he is the Deity Winelimid, so you are the Deity Wonelimid, the light and joy, ano bang kapangyarihan mo Cedric? Just Thunder and Lightning?" Tanong ko, umiling naman ito. "I have so much power to unleash but the former Wonelimid is still alive, and I don't know where he is or who he is, I'm still on a mission finding him to tell me how to unleash the full power of a deity or so I'm just hoping. So as for your question, not JUST thunder and lighting, there's so much more but still in progress, maybe soon you'll see." Sagot nito. Oh, so hindi lang iyon ang kaya niyang gawin. Ilang sandali lamang ay dumarami na ang taong nakikita ko sa daan, pero ang mga bahay ay hindi kona tanaw, ang ganda naman no'n. May fountain kasi sa centro, ang daming tao sa paligid, this is just looks like a market. Napapatingin ang mga tao sa'min habang naglalakad. "Bakit parang buong bayan o city na itong village na ito, sa labas ng gate parang ang liit lamang ng espasyo pero sa loob parang isang buong bayan na ang laman nito." Saad ko. "Ganyan ang mahika, it decieves what the naked eye can see, it's beyond the human understanding." Sagot lang ni Cedric. I can't believe this time would come. Dumaan lang kami sa kalye ng buong market, the people minded their own businesses pero may iilang taong napapatingin sa'min at napapayuko. "Tereese, you can call this the little version of a City Mall." Hindi ko namalayan sa patuloy naming paglalakad ay linagpasan na namin ang market, at ang bumungad sa'kin ay isang... Napanganga ako sa malaking building sa harapan ko. "This.. is actually a mall." Bulong ko. "Let's buy you some clothes." Saad lang ni Cedric saka tumuloy sa loob, ako ay sumunod lang at pagpasok ay lalo akong namangha, this is too much to sync in my head. Nagpatianod nalang ako sa buong pangyayari, I didn't ask anything, I was just too amused by this place. Ang dami naming naiikot, lahat ay kilala siya at nagbobow sakaniya, parang siya na rin ang nagshopping at hindi ako, dahil sa huli ay siya lang ang may bitbit ng mga paper bag at siya lang naman ang namili. I just realized that everything ended when we were about to leave the mall, doon lang ako nagbalik sa realidad at pipigilan sana siya para magsalita nang hawakan niya ako sa braso at sa isang iglap lang.... "Ahh!" Napahiyaw ako nang mahilo ako at mapaupo dahil bigla... bigla nalang kaming napunta sa sala ng BAHAY NI CEDRIC! "Anong nangyari? Panaginip lang ba lahat ng iyon?" Tanong ko at pinukpok ang ulo ko. "That is the last thing to show your for today, iyon ang teleportation, hindi mo ba napansin, walang kahit na anong sasakyan ang nandito, we don't use vehicles in here, polusyon lang ang mga iyon, here is your clothes." Pagsasalita ni Cedric saka inilapag sa may single sofa ang mga paper bag. So that was all real? Aalis na sana siya sa sala nang pigilan ko siya. "Sandaleeee!!!" Pigil ko sakaniya saka tumayo dahil talagang napaupo ako doon sa malaking sofa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Tumigil naman ito at humarap sakin. "Aamponin mo ba ako? All the things you showed me, simple lang para maproseso kong kailangan ko ring magtrabaho para sa pamumuhay ko rito, kung titira ako rito, anong puwede kong maging trabaho? Ano? Ano?" Tanong ko. Nakita kong ngumiti lang ito. "You don't have to worry about that, mayaman ako rito." Sambit nito. "Huh? Hindi halata, ano ba trabaho mo rito?" Tanong ko. "Professor ako sa Academy." Sagot naman nito, doon ako napa-wow. "Bakit hindi ka nagtuturo ngayon?" Tanong ko. "Because of you." Sambit nito, nangunot naman ang noo ko. "Am I ruining your life?" Tanong ko. "No, you actually completes it." Sagot nito at kikiligin na sana ako nang maalala kong sa paraang iba ang completes na tinutukoy niya. "So anong gagawin ko rito? Taong bahay? Papaampon lang sa'yo?" Sambit ko. "Well, sort of." Sagot lang nito saka na ito tumalikod. Sayang, hindi ko maisama si Nanay rito, this is just so perfect to be true. Napabuntong-hininga ako saka kinuha nalang ang mga paper bag. "Para naman tayong mag-asawa nito." Mahinang bulong ko saka didiretso na sana sa kwartong ibinigay sa'kin ni Cedric nang bigla siyang sumulpot mula sa kung saan. "You can act like one." Sambit nito na nakapagpatigil sa'kin, ngumiti naman ito at bahagyang tumawa bago umalis. Ako naiwang nakatanga sa harapan ng pintuan, eng heret nemen. Napailing ako, boba Tereese, there is a limitation for your thoughts okay. Binuksan kona ang pintuan at pumasok, but as soon as I stepped in, "Aaaaahhh!!!" I was frozen in my spot when a picture of Zentis rushed into my mind, si Zentis na nakaluhod sa sahigan para itong umiiyak at nagsisisigaw. Napabitaw ako sa mga paper bag at dali-daling lumabas ng kwarto. Bakit parang totoo iyon? "Cedric?!" Sigaw ko, at hinanap siya, bigla naman siyang lumabas mula sa kusina na parang nagmamadali pero para itong napatigil nang makita ako. "You can now see it too.." Sambit nito na parang nagulat at doon na ako binalot ng kaba. "Anong nangyayari?" Tanong ko. "I don't know, but one thing is certain, something happened with that jerk."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD