5

1928 Words
HABANG NAGLALAKAD SA pathway ng university, bigla akong niyakap nang patalikod ni Sagittarius. Hindi ko alam kung bakit siga nagkaganito, pero naiilang ako dahil nasa likuran ko siya. Alam kong malambing siya sa akin, pero hindi ito ang tamang lugar para gawin niya ito sa akin. Nasa unibersidad kami at aaminin kong hindi maganda tingnan. Maraming estudyante ang makakikita at hindi iyon isang magandang halimbawa. “Rius, bitaw,” mahina na sabi ko. “May tagos ka, Aa. I just want to protect you,” bulong niya. Nagsitayuan ang mga balahibo ko matapos malaman ang katotohanan kung bakit siya ganito ngayon. “Sorry. Marami ba?” nag-aalala na tanong ko. Paano kung may ibang nakakita maliban sa kanya? Paano kung ipagkalat nila? “Tama lang. Ihahatid na muna kita sa restroom,” aniya. Napakasarap lang sa pakiramdam na magkaroon ng kasintahan na katulad niya. Ang swerte ko. “Salamat,” napangiti na sagot ko. Nang dumating na kami sa tapat ng pintuan ng restroom, tinanggal niya ang vest ng kanyang uniform at itinali iyon sa bewang ko. Pagkatapos, iniwanan niya ako ng halik sa pisngi. Sinigurado niya talagang walang tao bago ginawa iyon dahil alam niyang ayaw ko iyon. “Sa loob ka lang muna. May bibilhin lang ako,” sagot ko. Matapos kong magpasalamat sa kanya, tumakbo siya na parang isang kalahok sa track and field. Napangiti naman ako nang unti-unti na siyang nawala sa paningin ko. Napakasuwerte ko lang na dumating siya sa buhay ko. Napakamaalaga niya. Akala ko nga ay hindi niya papansinin ang babaeng katulad ko na nasa payak lang na pamumuhay. Pero hindi siya ganoong klase na lalaki. Hindi siya tumitingin sa estado ng buhay. Pumasok na ako sa loob ng banyo at doon hinintay ang kasintahan ko. Habang wala pang ginagawa, inaayos ko na lang muna ang sarili ko. Minuto ang lumipas, nakita ko na sa salamin ang pigura ng kasintahan ko. Nakatayo siya sa labas at naghahabol sa hininga niya. Bukas kasi ang pinto dahil ipinagbawal na isara ito. Nilingon ko si Sagittarius at nilapitan. Hinawakan ko pa ang pisngi niya na namumula. Pinagpawisan na rin siya dahil sa pagmamadali niya. “I bought you something.” Inabot niya sa akin ang bitbit na paper bag. “Ano it—.” Hindi ko na natapos ang sasabihin nang makita ang laman sa loob. “Salamat.” Pumunta na ako sa isang kuwarto ng restroom. Kinuha ko na iyong binili niya. Isang bagong saya at napkin. Ang nakatatawa, apat na pakete ang binili niya. Sa aking palagay, dahil wala siyang alam tungkol dito kaya marami ang binili niya para sigurado. Iba-iba ang brand. May with wings at wala. Nakatutuwa. “Ang cute,” natatawa na sabi ko. Nang matapos na akong magbihis, agad na akong lumabas ng kwarto. Ayaw kong paghitayin ang mahal ko. Kanina ko pa siya inabala, nahihiya na nga ako. “Salamat,” walang sawa na pagpapasalamat ko. Hindi ko lang mapigilang na hindi magpasalamat sa kabutihang ginawa niya sa akin. “Balik na tayo sa classroom?” tanong niya. “Sure,” sagot ko. Pagdating namin sa classroom, dumiretso na kami sa dalawa pang kaibigan ni Rius: sina Gemini at Aries. Sa apat na magbabarkada, silang dalawa iyong mas malapit sa isa’t isa. Nadatnan naming nakahiga ang ulo ni Gemini sa balikat ni Aries habang si Aries ay nakasandal ang ulo sa ulo ni Gemini. Tinutukso sila lagi na lihim na magkasintahan ni Tauros pero wala silang pakialam doon. Sila iyong mga tao na hindi pinapatulan ang mga walang kuwentang banat ng kaibigan nila. “Hey,” bati ni Rius na nagpamulat sa mga mata nila. “Hi,” sagot ni Aries na umayos ng upo. “Saan si Tau?” tanong ni Gemini. Inayos niya rin ang sarili niya. Kasama namin ni Sagittarius kanina si Tauros sa pananghalian pero umalis din ito. May pupuntahan lang daw ito. Hindi na rin namin tinanong ng kasintahan ko. Mukhang nagmamadali kasi ito base sa kilos nito. “May lakad,” tipid na sagot ng kasintahan ko. Umupo kaming dalawa sa harapan nila. Napangiti naman ako nang makitang hinawakan ni Gemini ang kamay ni Aries habang minamasahe. Ang sweet lang nilang magkaibigan. Nakipagkuwentuhan na silang tatlo at masaya naman akong nakikinig sa kanila. “Ano? Basketball tayo mamaya?” pag-aya ni Aries. NBA ang pinag-uusapan ng tatlo kaya nagkayayaan. Mahilig kasing maglaro ang magkakaibigan ng bastketball sapagkat ito iyong isa sa mga hilig nila. “Hindi ako puwede mamaya. Ipakilala ko na si Aa sa parents ko,” sagot ng kasintahan ko na nagpabilis ng t***k ng puso ko. “W-What?” sabay na sigaw ng dalawa. Napatitig ako sa dalawa at the same time ay napa-isip kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Masama bang ipakilala ako ni Rius? Nagmahalan naman kaming dalawa. At isa pa, hindi naman kami lumagpas sa estado ng pagiging isang magkasintahan. Tiningnan ako ni Gemini. “Goodluck, Aqua.” “Nawa’y hindi ka pabayaan ng Diyos mo kung meron man,” sabi ni Aries. Napatingin nang masama si Gemini kay Aries. “Bibig mo.” “That is my point of view. Hope you don’t mind,” seryosong sagit ni Aries. “Then respect us who believe in God.” “B*tthurt?” irap na sagot ni Aries. “Will you stop actin’ like a cry baby?” hiling ni Gemini. “Sssh. Stop. Nagsimula na naman kayo,” pag-awat ni Rius. Nagtitigan nang masama sa isa’t isa sina Gemini at Aries kaya napaawat na ang kasintahan ko. Sa kanilang apat na magbarkada, sina Gemini at Aries ang pinakamalapit sa isa’t isa ngunit sila rin dalawa ang madalas na mag-away. Sa napapansin ko, palaging pinaparangalan ni Gemini si Aries ngunit sarado ang tainga nito kaya napupunta sila sa pagsasagutan. Minsan nga, hindi nila mapigilan ang sarili na magpisikalan. Mabuti na lang na nandiyan sina Tauros at Rius na handang umawat sa dalawa. “Kausapin mo iyang kaibigan mo,” sagot ni Aries. “Paanong ako? Ikaw ang nagsimula?” “As I’ve said, that was my pointbof view. Ang sabi mo, respeto? So respetuhin mo rin ang sinabi ko. Naiintindihan mo rin ba iyon?” inis na sabi ni Aries. Bumuntonghininga na lang si Gemini at humiga muli sa balikat ni Aries. “Sorry,” sabi ni Gemini. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa dalawa. Ang maganda sa kanila, matapos nilang magsagutan ay nagkakabati rin agad. “Sinetch itey na nagbabaitan pero ang totoo, may itinatagong kati sa katawan?” malakas na tanong ni Silyakris sa silid-aralan. Napalingon kami sa kanya sa harapan ng pisara. Nakaupo siya sa mesa at nagbigay ng kanyang blind item sa araw na ito. Si Silyakris iyong babaeng umaastang pagmamay-ari niya ang mundo. Iyon ang napansin ko. Sa simula pa lang ng klase, ganyan na ang ugaling ipinapakita niya sa amin. Ang ultimate role niya rito sa classroon ay iyong magbibigay ng blind item na hindi namin alam kung sino ang pinaparinggan. Pero pakiramdam ko, isa lang din sa kaklase namin dahil sa bawat bigkas niya ng salita, may halong panggigigil. “Sinetch itey na humiling sa akin ng paisa pero hindi ko tinira?” bungad ni Tauros na nagpatawa sa mga kaklase namin. Kakarating lang niya sa classroom. Humagikgik si Sagittarius sa banat ni Tauros kaya sinuway ko. Ayaw ko lang nagpainitan siya ni Silyakris. “Sorry. Si Tau kasi,” sabi ni Rius. “Excuse me?!” inis na sigaw ni Silyakris. Nakataas ang kilay niya at parang bumubuga na ang ilong sa galit. Makikita mo iyon sa mukha niya. “Wala akong sinabing pangalan pero kusang sumagot ang pinaringgan,” natatawang sabi ni Tauros. “You will pay for this! My father is a policeman!” sigaw ni Silyakris. “I don’t care, eh, eh, eh, eh, eh! Bleh! Hindi ko pinaisa! Wawa pempem,” sagot ni Tauros na parang isang bata. Gosh! Napailing-iling na lang ako sa inasal ni Tauros. Para talagang babae ang ugali niya. Hindi nagpapatalo. At hindi ko rin alam kung bakit siya biglang nagkaganyan. Hindi naman sana siya inaway ni Silyakris. “Rius, tama na,” pagsuway ko. Hindi na kasi napigilan ng kasintahan ko na tumawa. “Sorry. Si Tau kasi,” sagot ni Sagittarius. “You don’t need to laugh like that. Napapahiya na nga ang tao dahil sa ginawa ng kaibigan mo, tuwang-tuwa ka pa. Paano kung ako ang nasa katayuan ni Silyakris? Makakatawa ka ba nang ganyan?” sabi ko. Tumahimik na siya. “Sorry.” “Hope you understand me, Rius,” sabi ko. “Oo naman. Sorry na.” Inakbayan niya ako sabay kurot sa aking pisngi ko. “Ang strict talaga ng girlfriend ko.” “That is your punishment for loving me.” “Ikaw nga talaga ang batas. Pasalamat ka at mahal na mahal na mahal kita.” Umupo sa harapan namin si Tauros. “Ang galing kong makipag-away, ’no?” “Masaya ka roon? You degrading, insulting, and make fun of someone. Is that an act to be proud of?” irap na sabi ko. “Ipinagtanggol nga lang kita,” sagot ni Tauros. “What? Inaano ba ako?” taas kilay na tanong ko. “Manhid ka ba? Ikaw ang pinariringgan nila.” “I did not hear my name. So paanong ako iyon? And besides, hindi ako makati para saluhin ang sinabi niya. Unless kung iyon ang tingin mo sa akin. Iyon ba, Tauros?” “Ipinagtanggol na nga lang kita. Ikaw pa iyong galit. Tsk! Pagsabihan mo nga ang monay mo, Rius.” “I'’m not asking for it, Tau. Gaya nang sabi ko, wala siyang binanggit na pangalan ko,” paliwanag ko. Sana maintindihan niya ako. “Pero narinig kong pinag-usapan ka nila kanina. Naiinis ako kasi malapit ka na rin sa akin. Hindi ako papayag doon,” sabi ni Tauros. “Sabihin na nating pinag-usapan nga nila ako. Kung magagalit ako sa pinagsasabi nila, parang sinabi ko na rin na ako iyon. I know myself at kilala niyo rin ako. Hindi ako ganoon. At isa pa, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba sa akin. Basta’t ’wag lang dumating sa punto na madamay na ang pamilya ko. Kung mangyari iyo, wala na akong sasantuhin,” mahabang litanya ko. “Kaya ka nga dapat magalit ka dahil hindi ikaw iyon,” giit ni Tauros. Iba rin! “Ibahin mo ako. Hindi ako ganoon kababaw na tao. Ibahin mo ang prinsipyo na natutunan ko sa pamilya ko,” sagot ko. Hindi ko talaga ikahihiya ang tinuro ng magulang ko sa amin. “Sana all. Ang OA ng statement mo. Yucks!” Tumayo na siya sabay hampas sa arm chair ko. “OA.” Humagikgik ang kasintahan ko sa banat ng best friend niya sa akin. Palagi na lang! Wala talaga akong laban dito. His best friend’s humor always win over his love to me. How sad. “Happy?” tanong ko sa kasintahan ko. Umiling siya. “Sipain ko siya mamaya.” “Magsama kayo,” irap na sabi ko. “’Wag ka ng magtampo. Ipapakilala pa naman kita sa parents ko after class.” Napangiti ako. Muntikan ko ng makalimutan. Ipapakilala na pala niya ako mamaya. Pero ano iyong reaksyon kanina nina Gemini at Aries? Gusto ko sana silang tanungin tungkol doon pero nagkasagutan na sila sa mga oras na iyon. Nilingon ko ang dalawa sa likuran namin at muli nang nakapikit ang mga mata nila. Wala talaga silang pakialam sa bangayan sa paligid. At isa iyon sa ugaling nagustuhan ko sa kanilang dalawa. . . unbothered. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD