2 YEARS AGO
“AA,” tawag sa akin ni Sagittarius.
“Oh,” sagot ko nang hindi man lang siya tiningnan. Tinatapos ko pa kasi ang assignment ko para wala na akong gagawin mamaya. At siya na lang din ang magiging priority ko.
Nandito kami sa bahay at araw-araw niya akong pinupuntahan dito para magkaroon siya ng oras sa akin. Hatid sundo niya rin kasi ako. Hindi naman sana kailangan, pero palagi siyang namimilit. Who I am to refuse his offer? Ginawa lang naman niya iyon dahil iyon ang sa tingin niya “the best” para sa akin.
“Malapit ka na? Miss na kita?” he said. Alam ko sa tunog ng boses niya, gusto na niyang magpalambing. Kanina ko pa kasi siya hindi napagtuunan ng pansin dahil dito sa ginagawa ko.
Napangiti ako. “Last number na lang, Rius. Laruin mo muna ang mga kapatid ko.”
Bumuntong hininga siya. “Mas malala pa iyon sa iyo, e. Nagpakalunod din ang mga ito pag-aaral.”
“Done,” nakangiti na sabi ko sabay taas ng kamay para mag-streching. Nilingon ko na siya at ang laki ng ngiti niya. “I love you. Thanks for the long patience.”
“W-Wait,” sabi niya.
Tumayo si Sagittarius dahil may tumawag sa cell phone niya. Lumabas na muna siya. Pagbalik niya rito sa loob ng bahay ay may dala na siyang mga pagkain. Hindi na ako nagtaka dahil iyon ang palagi niyang ginagawa sa amin.
“Snacks ka muna.” Nilingon niya ang mga kapatid ko sa sala. “Triplets, may pagkain dito.”
Magkasabay na napalingon ang tatlo sa amin. “Talaga po?”
“Oo, kaya hali na kayo rito,” sagot ko.
“Okay po, Kuya. Salamat sa biyaya,” sagot ng isa sa triplets.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin ang magulang ko. Tiningnan ko si Tatay at hindi maitago sa mukha niya ang pagod. Habang si Nanay ay mukhang malalim ang iniisip. Siguro iniisip nito kung paano pagkasyahin ang sweldo ni Tatay. Iyon kasi ang madalas kong napapansin dito. Bilang panganay, damang-dama ko iyong pagsusumikap nila para sa amin.
“Magandang gabi, Nay, Tay.” Pagmano ni Rius sa magulang ko.
“Salamat, ’Nak,” malumanay na sagot ni Nanay. Itinuturing na rin niyang anak ang kasintahan ko. Malapit kasi ang loob nila rito dahil sa angking kabaitan nito.
“May pagkain po. Kain na muna kayo,” sabi ng boyfriend ko. Napakabait niya talagang tao.
Nagmano muna kaming magkakapatid sa aming magulang bago pumunta sa kusina. Nakahanda na rin ang kanin at ulam doon dahil kanina pa iyon niluto ng mga kapatid ko. Sila iyong klase ng kapatid na ginagawa muna ang lahat ng gawaing bahay bago gawin ang isang bagay na gusto nila. Katulad na lamang ng pag-aaral. Hindi rin sila iyong klaseng tao na inuutusan pa dahil kusang gagawin nila iyon. Ipinagmamalaki ko na sinanay na kami ni Nanay na tumayo sa sariling naming mga paa. Ang palagi niyang pinapaalala sa amin, hindi pwedeng laging umasa sa kanila.
Minuto ang lumipas, natapos na rin kaming kumain ng hapunan. Dumiretso na ako sa lababo para maghugas. Ito kasi iyong itinalaga sa akin ni Nanay simula pa lang noong una. Habang naghuhugas, may guwapong walang sawang tinititigan ako. Sa malagkit niyang titig sa akin, palagi niyang pinapaalala sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa mga mata niya. Sa bawat kurap niya, parang sinabi niyang “mahal kita”.
“Tulungan mo na lang kaya ako?” sabi ko.
“Hindi ako marunong at baka mabasag ko lang iyan. Baka pagalitan ako ni Nanay,” aniya.
“Paano ka matututo kung hindi mo susubukan?” tanong ko. Gusto ko lang na may matutunan din siya.
“Wala talaga akong takas sa iyo,” sagot niya. May kunting reklamo sa boses niya.
Pumunta si Sagittarius sa likuran ko at ginapos ang tiyan ko ng kanyang mga kamay. Ipinatong niya rin ang baba sa balikat ko. Sa bawat paghinga niya, naamoy ko ang mabangong hangin na binubuga niya.
“Akala ko ba, tutulungan mo ako?” tanong ko.
“Lalambingin lang kita. At para lumakas na rin ang loob mo sa paghuhugas,” natatawang sagot niya.
Napangiti na lang ako. “Ang tamad mo talaga.”
“I love you, AA.”
“I love you, too.”
Nang matapos akong magbanlaw, nilingon ko na ang kasintahan ko. Nakayakap pa rin siya sa akin at mukhang wala na siyang balak na pakawalan pa ako.
Ngumuso siya. “Kiss mo ako sa pisngi?”
Napangiti ako sabay halik sa pisngi niya. “Iyan lang muna.”
Napiling-iling siya habang tumatawa. “Alam ko. Maghihintay ako. Kaya ko.”
Iyon ang pinakagusto ko na ugali ni Sagittarius. Iiintindi niya ako. Nire-respeto niya ang mga desisyon ko. Alam kong lalaki siya at sa edad namin ay may pangangailangan din siya. Napapansin ko iyon sa aming pagsasama. May pagkakataon din na sinusubukan niya ako. Pero hindi ako iyong tipo ng babae na kayang ibigay ang sarili nang hindi pa kasal. May Diyos akong sinasamba at malakas ang pananampalataya ko Rito. Mga salita niya sa bibliya ay nakalibing na dito sa puso ko. Hindi ako perpektong tao at nakagagawa rin ako ng masama. Pero hanggang maaari, iniiwasan ko na magkamali kahit sabihin pa nila na room tayo matututo. Alam kong halik lang iyong gusto niya ngayon, pero alam kong doon magsisimula ang lahat. Kapag sinanay ko siya sa bagay na iyon, gagawin niya iyon nang paulit-ulit.
“Thank you. I’m done. Babe time?” tanong ko.
“Babe time,” sagot niya.
Pumunta na muna kami sa sala para magpaalam sa magulang ko na roon muna kami sa kuwarto. Pumayag naman sila bitbit ang isang paalala. Nangako kami ni Sagittarius sa kanila na maaasahan nila kami roon. Kailanman, hindi ko bibiguin ang magulang ko sa usaping iyon.
Pagdating namin sa kuwarto, agad kaming humiga at nagkukuwentuhan. Ganoon ang lagi naming ginagawa, magyakapan sa isa’t isa habang walang sawang magkuwentuhan. Ginawa ko namang unan ang braso niya habang ang kamay niya ay nakahawak din sa braso ko. Hinahaplos-haplos pa niya ako at damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin.
“Alam mo ba, maliit na naman ang grado ko,” sabi ng kasintahan ko.
“Huwag kang magtaka kung bakit ganoon. May ginawa ka ba para lumaki iyon?” tanong ko.
“Wala.”
“So para saan pa at parang pinagkaitan ka ng mundo? Rius, ilang beses kong sinabi sa iyo na mag-aral ka nang mabuti. Tutulungan naman kita roon.”
“Tinatamad kasi akong mag-aral.”
“Paano ka na niyan? Iyong future mo? Yes, you have the wealth but it’s not forever. Ikaw ang magmamana ng lahat ng iyon bilang nag-iisa ka lang nilang anak. Kaya mo bang mawala ang kumpanya ninyo dahil lang sa kulang ka sa kaalaman? You should impart to yourself the importance of knowledge.”
“Sinesermunan mo na naman ako.”
Napabuntonghininga ako. “Para lang naman sa iyo ang sinasabi ko. Hindi sapat iyong gwapo at mayaman ka lang. You must be a man with wit.”
“Paano ko sisimulan?”
“Tutulungan kita. Sasamahan kitang matuto. Alam mo, sa pag-aaral, para ka lang din naman nagsugal diyan. Hindi nga lang manalo o matalo kundi may matutunan o wala. As a gambler, you choose for the best bullet at ikaw lang ang makakaalam niyan. Be a wise man.”
Hinalikan niya ang noo ko. “Thanks, AA.”
“Gusto mo ng mag-aral nang mabuti?”
“Oo, para sa iyo.”
Bumuntong hininga ako. “Huwag mong gawin dahil iyon ang gusto ko. Gawin mo dahil ito ang makabubuti para sa iyo.”
“Oo, na. Para sa akin. Sa future ng company. At sa ating dalawa.”
Bumilis ang pintig ng puso ko kaya niyakap ko siya nang mahigpit. My man always give me the needs of every woman. . . to be loved.
“Sigurado ka ba na tayo hanggang dulo?” tanong ko.
“Sa simula pa lang ay pinili na kita dahil alam kong wala ng pangalawa. Ikaw lang ang mamahalin ko,” seryoso na sabi niya. Damang-dama ko iyong katapatan sa boses niya.
“Thank you,” sagot ko. Sana hindi talaga siya antukin kung paano ako bilang kasintahan niya.
“I love you. Bukas, ipapakilala kita sa magulang ko. Sigurado akong matutuwa sila sa iyo. You’re a decent woman to be proud of. Walang rason para hindi ka nila magustuhan,” aniya.
”Talaga? Sana nga.”
Napangiti ako nang may halong kaba. Natatakot lang ako na baka hindi nila ako magugustuhan. Pero panghahawakan ko iyong sinabi niyang sigurado na matutuwa sa akin ang magulang niya. Kailangan kong maging positibo at hindi na mag-isip ng hindi maganda sa mga bagay na hindi pa nangyari. Overthinking is not healthy.
Ilang minuto ang lumipas, tumunog na ang alarm ko at senyales iyon na tapos na ang babe time naming dalawa. Ganito ka-strict ang magulang ko sa akin.
Bumangon na ang mahal ko sabay pakawala ng malalim na hininga. “Ang bilis ng oras kapag tayo magkasana. Sana makapagtapos na tayo para pwede na kitang pakasalanan.”
Napangiti ako. “Ito naman, kasal agad.”
“Doon din naman mapupunta ang dalawang taong nagmamahalan. Tayo.”
“Can’t wait, Rius. Tara na at ihatid na kita sa labas.”
Kinawayan ko si Nanay nang dumaan siya. Nakita ko siya dahil bukas ang pinto rito sa kuwarto. Iyon kasi ang isa sa mga paalala nila sa amin. Kailangan nakabukas ang pinto kung magsama kami sa kuwarto. Ginagawa namin ni Rius ang mga gusto nila para hindi na sila mag-isip ng kung anu-ano na ginawa namin sa loob. Magulang sila at naninigurado lang sila para sa akin dahil ako iyong babae. Naiintindihan ko naman sila roon at wala dapat akong ikalulungkot doon.
Lumabas na kami ng kuwarto ni Sagittarius. Pinuntahan naman ni Rius ang magulang ko para magpaalam. Nang matapos, sa tatlong kapatid ko naman siya nagpaalam. Ganoon siya kabuti sa pamilya ko.
Tumigil sandali si Cap sa ginagawa niya. Ganoon din ang ginawa nina Ri, at Corn. Tumayo naman sila sa kinauupuan nila para samahan kami sa labas.
Nang nasa labas na kami ng bahay...
“Bye, Kuya. Mag-ingat po kayo,” sabay na sabi ng tatlo.
“Good night, triplets,” sagot ni Sagittarius. Pinisil niya isa-isa ang mga pisngi ng tatlo. Nilingon naman niya ako. “At ikaw, mahigpit na yakap para sa iyo.”
Lumapit na siya sa akin at niyakapa ako nang mahigpit. Pagkatapos, kinarga at pinaupo sa ulo ng kotse niya. Hinalikan pa niya ang noo ko.
“I love you, AA.”
Hinaplos ko ang mukha niya. “Mag-aral ka nang mabuti, okay?”
“Yes, para sa future.”
Ginulo ko ang buhok niya. “Good boy.”
Ibinaba na niya ako sa sasakyan niya. “Mauna na ako.”
“Sige. Mag-ingat ka sa biyahe. Dumiretso ka sa bahay ninyo.”
Napatango siya. “Opo, AA.”
“Yucks si Ate, feeling batas,” panunukso ni Corn.
“Kayo talaga. Pumasok na nga kayo roon,” sabi ko.
“Fine. Bye, Kuya! Mag-ingat ka po,” paalam muli ng tatlo.
Pag-alis ng tatlo, muli akong hinalikan ni Sagittarius sa noo bago pumasok sa sasakyan niya. Nang umilaw na ito, tumabi na muna ako para hindi niya mabangga. Nginitian niya ako bago nagsimula nang tumakbo ang sasakyan.
“Bye, Rius!” sigaw ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.
•••
Nasa school na ako. Pagdating ko sa classroom namin, si Tauros pa lang ang tao. Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa cell phone niya. Nilapitan ko siya at laking gulat ko sa pinapanood niya.
“Tauros!” sigaw ko.
Nagulat siya. “A-Aray ko. Ang sakit mo sa tenga. Problema mo?”
Bumalik na ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko masikmura iyong pinanunood niya. Natakot tuloy ako at baka ganoon din ang ginagawa ni Sagittarius kapag kasama ang best friend niya.
“Bakit ganyan ang pinanunood mo? Nasa school ka kaya!” inis na sabi ko.
Napailing-iling ako nang maalala ang pinanunood niya na may dalawang lalaki na pinagtulungan ang isang babae.
“Nag-aaral kaya ako. Hindi mo know?” pabalang na sagot niya.
“W-What? Mayroon bang subject na ganyan?” irap na sabi ko.
“This is my own version of personal development,” proud na sagot niya.
“Ang barubal nito!”
“Kung makapagsalita ito, gawain din naman iyon ng boyfriend mo!” sagot niya.
“A-Ano!?” sigaw ko. Hindi ko mapigilan na bumilis ang t***k ng puso ko.
“Joke lang. Sinira mo tuloy ang morning lust ko,” gigil na sabi niya.
“Mabuti na lang at hindi katulad mo ang kasintahan ko.”
“Grabe siya. Namamakla naman iyon,” sagot niya sabay dila sa akin. Para talagang bata.
Bumuntonghininga na lang ako. Nasira tuloy ang araw ko sa nilalang na ito. Ang pagkakamali ko, ako ang unang lumapit sa kanya. Sana hindi ko na lang iyon ginawa.
Iidlip na sana ako sa arm chair nang biglang may tumakip sa mga mata ko. Hindi ko namang mapigilang itikom ang bibig ko dahil sa labis na kilig.
“Kapag ang panget kinilig mas pumapanget. Yucks!” kantiyaw ni Tauros.
Alam kong sa oras na ito ay nakangisi siyang tinitignan kaming dalawa ng kaibigan niya. Humalakhak nq ang kasintahan ko na very supportive sa punch line ng best friend niyang siraulo. Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip mga mata at agad na tumayo. Aminado naman akong nagtatampo ako nang kunti roon. OA na kung OA pero naiinis ako.
“Magsama kayo,” sabi ko.
“Kapag ang panget nagtatampo, dapat hayaan. Bye!” hirit ni Tauros.
Humagikgik ang kasintahan ko. Tiningnan ko naman siya nang masama kaya agad niyang tinikom ang bibig niya. Namumula na ang mukha niya dahil sa pagpigil ng tawa.
“Kapag ang panget mainis, ang sarap ihagis,” muling pagbanat ni Tauros.
“Ano?!” pagbabanta ko sa kasintahan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
Napailing-iling na lang ang kasintahan ko dahil sa pagpigil niya ng tawa. Bumuntonghininga ako at aalis na sana pero nang pumutok ang malakas na tawa ni Sagittarius ay napatigil ako.
“Gago ka, Tau!” sigaw ng boyfriend ko habang tumatawa.
Bumalik na lang ako sa daan at niyakap ang mahal ko. Isa pang ugali ko, marupok. Niyakap niya rin ako habang walang tigil sa katatawa.
“Yucks! Panget na nga, marupok pa. Double kill!” sigaw ni Tauros.
“Enough, Tau. Ang sakit na ng tiyan ko,” suway ni Rius.
Wala talaga akong laban sa relasyon na meron ang dalawa. Kapag kasi si Tauros na ang bumanat sa akin, nakikitawa na lang ang magaling kong kasintahan. Hindi man lang ito sinusuway.
~~~