6

1731 Words
“WHO’S THAT GIRL?” tanong ng ina ni Sagittarius nang makita akong kasama ng anak niya. Mistisa ang ina ng lalaking mahal ko. Napakaganda ng mukha nito. Para itong isang artista na nakikita sa isang telenovela. Suot nito ay isang pulang bistida na bagay dito. May kumikinang din itong kuwintas na nakasabit sa leeg nito. Agaw atensyon dito ang lalim ng mga mata nito. Matalim itong tumingin, na para bang ginigisa ka nito sa isipan nito. “Girlfriend ko po, Mom,” sagot ni Sagittarius. “She’s pretty,” nakangiti na sagot ng ina ng mahal ko. “Salamat po,” nahihiyang sabi ko. Hindi ako sanay na puriin ng ibang tao sa harapan ko. Maliban sa pamilya ko na sobrang proud sa akin. “Magalang. Magaling.” Nakatitig lang si Mrs. Fernando. “At isa iyan sa dahilan kung bakit mahal ko siya, Mom,” anang Rius na nagpatibok nang mabilis sa puso ko. “Okay. Anyway, what type of family status she came from?” “Simple lang po ang pamumuhay namin, Mrs. Fernando. Anak po ako ng isang karpintero at housewife naman ang Nanay ko. May tatlo po akong kapatid, triplets. Lahat po sila, lalaki,” nakangiti na sagot ko. “Really? Good,” aniya. Ang sweet niya. Tiningnan ako ni Rius at binigyan ng malapad na ngiti. Napawi naman ang kaba ko. Akala ko talaga hindi magugustuhan nf ina ng mahal ko ang pamumuhay na meron ang pamilya ko. “Umupo ka muna rito, Aa. Magbibigis na muna ako. Mom, please take care of my woman,” sabi ni Rius. “I will,” sagot ni Mrs. Fernando. Hinalikan muna ni Rius ang noo ko bago tumakbo papunta sa itaas ng bahay nila. Nang mawala na siya sa paningin ko, nilingon ko si Mrs. Fernando at agad akong nakatikim ng isang malutong na sampal mula sa rito. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng tama nito. Hindi ko iyon inaasahan dito. Wala sa isipan ko na sasampalin na lang ako bigla. “How could you possibly dream when you are still awake? Ang kapal ng mukha mo!” gigil na sabi ni Mrs. Fernando. Hindi ako makapagsalita. Ito ang kauna-unahang beses na nakatikim ako ng isang sampal. At galing pa talaga ito sa ina ng lalaking mahal ko. “Hiwalayan mo ang anak ko,” maawtoridad na utos niya sa akin. “Mahal ko po si Rius,” sagot ko. Mahal ko ang anak niya at paninindigan ko iyon. “Stop joking kung sino ka man. I don’t even know you at wala akong balak na makilala ka pa. For your information, hindi ko pinangarap na mapunta ang anak ko sa isang katulad mo lang: karpintero ang ama? Housewife ang ina? Mga walang pangarap sa buhay.” Napatulo ang luha ko. “May pangarap po ang pamilya ko para sa amin.” Muli akong nakatikim ng sampal mula sa kanya. “Sumasagot ka pa? Kung may pangarap ang magulang mo sa inyo, hindi nila hahayaan na ganoon lang sila sa buhay. Housewife? Karpintero? Tapos nanganak nang marami? What a shameless uneducated being.” “Huwag niyo pong pagsalitaan nang ganyan ang magulang ko,” sabi ko. “Bakit nasasaktan ka? Binabalaan kita, hiwalayan mo ang anak ko.” “Hind—” “Aa!” pagtawag ni Rius mula sa itaas. Lilingon na sana ako kay Rius pero bigla akong niyakap ng ina niya. Hinimas pa niya ang likuran ko. Sa pakiramdam ko, nagpapanggap siyang pabor sa akin, na gusto niya ako para sa anak niya. “Subukan mong magsumbong sa anak ko at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” bulong niya sa akin. May pagbabanta sa boses niya. Hindi na ako sumagot pa dahil sa takot. Nanginginig ang mga tuhod ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatagpo ng katulad ng ina ng lalaking mahal ko. Nang-aapak siya ng tao, mababa ang tingin niya sa aming mga mahihirap. “Aa? Umiiyak ka,” tanong sa akin ni Rius nang makababa na siya mula sa itaas. Bumuwag sa pagyakap si Tita. ”Kinuwento ko kasi sa kanya iyong pagkamatay ng aso mo. Hindi mo lang sinabi na emotional pala itong maging daughter-in-law ko.” “Mom, hindi ikaw ang tinanong ko. A, totoo ba iyon?” paninigurado ni Rius. Sa tanong niya sa akin, mukhang aware siyang may maitim na budhi ang ina niya. “Oo,” nakangiti na sagot ko na nagpangiti rin sa kanya. Niyakap niya ako. “Alam mo, grabe ang sakit na naramdaman ko nang mawala si babako.” “M-Mabuti nakayanan mo?” Napahagulgol na ako. Ang sakit lang talaga dito sa puso ko na pinagmalupitan ako ng ina ng lalaking mahal ko. Dito ko na lang ilabas ang sakit na naramdaman ko ngayon. Gusto ko lang umiyak dahil sa ginawa sa akin ng ina niya. “Ssshhhh. I’m okay na. It was a year ago.” “Kahit na.” Bumuwag siya sa pagyakap sa akin. “Mom, look what you’ve done. Yakapin mo rin si Aa.” Niyakap ako ng ina niya. “Napakaarte mong pobre ka. Tumahan ka na at baka tirisin pa kita na parang isang kuto,” bulong niya sa akin. Nang dahil sa bulong niya. Pinigilan ko ang sarili na umiyak. Sa mga pagbabanta niya, mapapasunod ka talaga. Ganoon siya ka-powerful. Bumuwag siya sa pagyakap sa akin. “Are you okay, Hijah?” Tumango ako. “Opo.” “Good,” nakangiti na sabi niya. “Aa, sa itaas muna tayo. Ipakita ko sa iyo ang kuwarto ko.” Hinila niya ako bigla nang hindi man lang hinintay ang sagot ko. “Prepare some foods for us, Mom. Thank you.” Nang dumating kami sa harap ng pintuan ng kuwarto niya, piniringan niya ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya. “May surpresa ako sa iyo,” bulong niya. Naririnig ko ang pananabik niya na ipakita iyon. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa akin ang isang malaking frame na may mukha ko. Mukhang gawa ito sa pintura. Iginiya ko ang tingin sa paligida at mayroong mga gamit ng isang artist: paint brush, pintura, at ipa ba. Marunong pala siya sa bagay na ito. Hindi ko iyon inakala. Pero maliban sa ganda nang ginawa niya, agaw atensyon sa akin ang magulo niyang kuwarto. “Nagustuhan mo ba? Ako ang may gawa niyan,” masaya na batid niya. “Maganda. Pero bakit ganito ang kuwarto mo? Ang kalat? Iyong mga damit mo, tapos iyong underwear mo, hindi mo man lang inilagay sa tamang lagayan.” Tinuro ko iyong maliit na mesa. “Mga nagamit mong pinggan, baso, bote ng alak, balat ng chichirya.” Tiningnan ko siya. “Rius, bakit ganyan?” Napangiti siya. “Oo, na. Maglilinis na.” Nagmamadali siyang niligpit ang mga gamit niyang nagkalat. Tinulungan ko na rin siyang ayusin ang higaan niya kasi hindi talaga maayos. Hindi maganda tingnan. Masakit sa mga mata ko. “May walis ka ba?” tanong ko. “W-wait.” Tumakbo siya palabas. Pagbalik niya, may bitbit na siyang walis tambo. “Here.” “Thank you.” Nagsimula na akong magwalis sa loob ng kuwarto niya. Umupo naman siya sa swivel chair niya at nakangiting tinitingnan ako. “Housewife material ka talaga, A.” “Don’t smile like that. Hindi ako natutuwa. Rius, you’re already twenty and you must know how to do the basic household chores.” “Nandiyan naman si Yaya, e. Hindi pa lang siya nakapaglinis kasi nagluluto pa siya. Hindi ko kasi pinapapasukan ang kuwarto ko kapag wala ako rito sa bahay.” Napahinto ako sa pagwawalis. “Hindi naman puwede lagi mong i-asa lahat sa katulong niyo. What’s the purpose of your hands? Simpleng ayos lang ng higaan kapag bumangon ka tuwing umaga, magwalis ka rin at ilagay mo sa tamang lagayan ang mga gamit mo.” “Sermon again.” Ngumuso siya habang pinaikot-ikot ang sarili sa swivel chair. “I’m doing this for you. Ayaw kong maging girlfriend mo lang. I’m more than that. Kung araw-araw kong pagsasabihan ka para may matutunan ka, hinding-hindi ako magsasawang gagawin iyon kahit mapaos pa ako.” “Sorry na.” “Naiintindihan ko dahil lumaki kang nandiyan na lahat sa iyo. Pero hindi sapat iyong wala kang alam sa buhay, Rius.” Lumapit ako sa kanya at hinila siya para tumayo. Nang makatayo siya, agad ko siyang niyakap nang mahigpit. “Mahal lang kita kaya ganito ako.” “Naiintindihan ko. I love you, A.” “I love you you too. Pero speaking of...” Bumuwag ako sa pagyakap sa kanya at pumunta sa harapan nang ginawa niyang obra. “Napakaganda nitong gawa mo.” Nilingon ko siya mula sa gilid ko. “Mahilig ka pala sa pagpipinta?” Napakamot siya sa ulo at mukhang nahihiya pa sa tanong ko. Ang humble niya. “Nakahiligan ko lang simula noong bata pa ako. Salamat dahil nagustuhan mo, A. Kinikilig ako.” Napangiti ako. “Bakit hindi mo i-push ito? You’re an excellent artist, Rius. Ipakita mo sa mundo ang galing mo.” “Nahihiya ako.” “Every talent is a blessing and you are blessed with that talent kaya gamitin mo. Ipagmalaki mo! Be an inspiration of every dreamer.” “Ikaw lang naman ang nagsabi niyan sa akin, e, na magaling ako.” “Bakit ako lang? Ang sagot diyan sa sinabi mo ay dahil itinago mo rito sa loob ng kuwartong ito ang talentong dapat mong ipagsigawan sa buong mundo. Paano nila malalaman ang galing mo?” Kinuha ko iyong phone ko at kinunan ng litrato ang obra ng kasintahan ko. “I will post it.” “Huwag na, A. Nahihiya ako,” sabi ni Rius. “Proud wifey here. Masaya lang akong malaman na may talento ka pa lang ganyan. Aaminin kong wala sa itsura mo na ganito ka kagaling.” Tumawa ako dahilan para maasar siya. Lumapit siya sa akin at inalalayan ng yakap na nagsasabing dito ka lang sa piling ko. “Salamat talaga sa pagpapahalaga mo sa akin,” sabi niya. Damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Hindi na ako sumagot at hinayaan lang na damhin ang pagmamahal niya. Nang maalala ko ang ginawa ng ina niya, bumuntong-hininga na lang ako. Hindi ko kayang hiwalayan ang anak niya. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko na meron siya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD