1

1170 Words
AQUARIUS ISANG TAHIMIK NA gabi at nandito ako sa gilid ng isang matayog na bangin. Malayang tinitingnan ang ganda ng buong siyudad. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit na nandito sa puso ko. Para sa akin, ito ang tamang lugar sa mga taong nasasaktan na katulad ko: walang makakakita at walang manghuhusga. Kanina ko lang nalaman na tinanggal ako sa scholarship ng unibesidad na pinapasukan ko. Ipinaglaban ko lang naman sana ang karapatan ko bilang isang tao. Pero once a rule always a rule. Tinanggal pa rin nila ako. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin ang masakit na desisyon ng administrasyon kahit labag sa karapatang pantao ko. Dahil sa galit ko kanina, sinabunutan ko ang isa sa mga kaklase ko. Pinagtawanan niya kasi ang ama ko nang malaman niya na isa itong karpintero. Walang anak ang gustong pagtawanan ang trabaho ng magulang. Nabuhay kami nang may prinsipyo dahil doon. Ano ngayon kung isang karpintero ang ama ko? May nakatatawa ba roon? Oo, payal lang ang pamumuhay namin pero kinakaya naming mabuhay nang walang tinatapakang tao. “Urghhh! Life is totally unfair!” sigaw ko sa sobrang inis. Hindi ko matanggap na maliitin nila ang Tatay ko. Kung makatawa silang mga mayayaman ay parang nakatatawa kaming mga mahihirap. Hindi ba nila naisip na kung walang karpintero, wala silang bahay? Wala silang matutulugan! Kung tutuusin, mga talentado ang mga karpintero. Isipin mo, sila iyong walang pinag-aralan pero sila iyong may likha ng mga magagandang istraktura na nakikita natin sa buong paligid. Napatigil naman ako sa pag-iisip nang maalalang nanganganib na ang edukasyon ko. Paano na ako? Alam kong hindi kaya ng magulang kong tustusan ang pag-aaral ko. Huling taon ko na sa kolehiyo. Pero paano ako makapagtapos nito? May tatlo pa akong kapatid na pinapaaral ng magulang ko. Matatalino ang mga batang iyon kaya ayaw kong may isa sa kanila ang huminto. Kung ipagsabay ko na lang kaya ang pag-aaral at trabaho? Maaaring kaya ko rin iyon. Sana. Bumuntonghininga na lang ako at tumingala sa maliwanag na buwan. Ang laki nito ngayon—full moon. Ang ganda lang tingnan. “Moon, tulong naman, oh,” sabi ko sabay tulo ng luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito. Hindi ako iyakin, ’no! “Ahhh!” ungol ng isang lalaki. Hindi ko alam kung anong klaseng ungol iyon. Maraming klaseng ungol. Napalingon ako sa likuran ko. “Moan?” tanong ko sa sarili ko. Ibinalik ko ang tingin sa buwan. “Moon. Same pronunciations but different meaning and spelling. Ano nga ang tawag doon?” Inaalala ko pa iyong inaral ko sa english subject namin noon. “Ah! Homophone.” “Ah! Ah! Ah! Faster! Harder! Ahhh!” sigaw ng isang babae. Yuck! Napangiwi na ang mukha ko sa tunog na narinig. Akala ko, makikita ko rito ang katahimikan. Hindi pala. Muli akong napalingon kung saan nanggaling ang tunog. Hindi ba sila nangangati? Sa likod pa talaga ng matataas na damo nila iyon ginawa? Hindi ba uso sa kanila ang hotel? Motel? O kahit sa bahay na lang nila? Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon. “Urghhhh!” sigaw ng lalaki. Para itong isang kalabaw sa sigaw niya. Umaalingawngaw pa ito. Hindi ko inaakala na makarinig ako ng ungol sa lugar na ito. Wala namang masama sa ginagawa nila, pero may tamang lugar para doon at malamang hindi rito iyon. Aalis na sana ako pero hindi ko magawa nang makita ang lalaking kalalabas lang sa likuran ng mataas na damuhan. Ito ay si Tauros at suot pa niya ang uniporme ng unibersidad namin. Pero hindi na ako nagtaka na sa kanya galing iyong malakas na ungol na iyon. He was well-known as a campus fuckboy, but the problem was that she had a girlfriend. “Panget?” sambit niya. Hindi ba siya nahiya na star witness ako sa ginawa niyang kababalaghan ngayong gabi? Parang wala lang siyang nakita, ha? “Excuse me? Mahirap lang kami, oo, pero titigan mo ako... who you si Alyssa Soverano,” taas kilay na sagot ko. “Taurus, help! I can’t walk!” sigaw ng babae na hindi ko pa nakita ang mukha. Pero pamilyar sa akin ang boses niya. Tiningnan ko ang mukha ni Taurus at napangiti lang siya sa narinig niya. Hindi ba siya naawa sa babaeng kalandian niya? Iiwan niya lang nang ganoon. Nilingon ako ni Taurus. “Too big for her. How sad,” proud na sabi niya sa akin. “Kadiri ka talag! Tulungan mo kaya iyon,” sabi ko. “Tsk!” reklamo niya. Nilingon niya ang damuhan. ”Faster harder ka pa, hindi mo naman pala kaya. Matuto kang bumangon,” sagot niya nang may kunting inis sa babae. “But I’ve said, I couldn’t walk. You overused me, don’t you?” “Really? Hiniling mo iyon sa akin kaya nagpaka-dyini ako sa malanding katulad mo. Wish granted from master Taurus.” Napanga-nga na lang ako sa sagot ni Taurus. Ang sama niya talaga! Matapos siyang paligayahin ng babae, sasabihan niya lang nang ganoon? Napatakip naman ako sa bibig nang makita ang babaeng gumapang na parang isang lasing—si Kessica. Ito ay ang babaeng matalik na kaibigan ng girlfriend ni Taurus. Ang sama nilang dalawa! Nang makita ako ni Kessica, para siyang nakakita ng multo... “A-Aquarius?” Napalingon ako kay Taurus nang humalakhak ito ng malakas. Kinunan pa niya ng video ang gumagapang na si Kessica. Nakapaimoral talaga! Kailan kaya siya titino? “Itigil mo nga kyan,” suway ko. Bilang isang babae, hindi ko gusto ang ginawa niya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa siya ginagawa niya. “Pang-siyam ka na siguro sa babaeng napilayan ko, Kessica.” Nilingon niya ako. “Gusto mong pang-sampu?” “It won’t happen. Periodt. You’re not my type. . . not even,” sagot ko. “Hindi rin naman kita type. Panget ka kaya,” sagot niya. “Tauros, my p*ssy is still bleeding,” sabi ni Kessica. “May regla kitang tinira, ’di ba? Tumayo ka nga riyan. Hindi ka na talaga makakatikim sa akin,” sagot ni Taurus. Agad napatayo si Kessica na parang wala lang nangyari. Bumuntonghininga na lang ako. Hindi ako makapaniwala na makakita ng babaeng katulad niya. Ganoon ba siya katakam sa lalaking nasa gilid ko? Tinitigan ako ni Kessica. Dahil sa liwanag ng buwan, nakikita kong masama ang tingin niya sa akin. Mukhang gusto niya akong abuhin. “Wala kang nakita,” maawtoridad na sabi ni Kessica. May pagbabanta sa boses niya. “Meron,"”sagot ko sabay alis palayo sa kanila. I need to go. Mukhang hinahanap na ako ngayon sa bahay. Sa pagkakatanda ko, dalawang oras na akong nandito sa bangin. “Aquariusss! Wala kang nakita or else—” Hinarap ko siya. “Or else what? Tinatakot mo ako? Suntukan na lang kaya? Nang mawasak ko iyang bungo mo nang pinung-pino.” “Ang sadista mo talaga!” sigaw niya. Napangiti ako. “Dahil. Wala. Sa. Inyo. Ang. Batas,” dahan-dahan na sabi ko para maintindihan niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD