“BOO!” KANTIYAW NI Taurus kay Kessica. Hindi talaga akma sa edad niya ang ugali niya.
“You are so imposible, Taurus! Tsk!” reklamo ni Kessica.
Nilingon ako ni Taurusm “Pero Panget, please don’t tell it to Reyessa, ha? Malalagot ako sa mga magulang ko.”
“Sana inisip mo iyan bago ka gumawa ng kalokuhan,” inis na sabi ko.
Napakamot ako sa ulo. “Nangangati na kasi ako. At aaminin kong nagsasawa na ako kay Reyessa. Pagkatapos, hindi ko sukat akalain na may lintang kusang lalapit sa akin, kaya sinunggaban ko na... bawal tumanggi sa grasya, ’di ba?”
“Stupid ka talaga, Taurus Alta Monte!” singhal ko. Tumalikod na ako matapos sabihin iyon para umalis. He did not deserve my time.
“Pssst! Ihahatid na kita,” aniya.
“No thanks,” sagot ko habang hindi siya niligon.
“Panget, delikado sa daan. Baka may makita kang multo,” aniya. Ano ako? Bata? Para takutin niya sa nang ganyan?
Hindi na ako nag-aksaya ng oras para sagutin siya at umalis na talaga ako. Wala rin namang patutunguhan ang pinag-uusapan naming dalawa. Magkakasagutan lang kami. Wala namang kaming pag-uusap na hindi kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Basta ang isyu sa akin ngayon, mali iyong ginawa nila at dapat na iyong matuldukan. Babae ako at alam ko kung gaano kasakit masaktan ng dahil sa pag-ibig.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na ako sa bahay. Nadatnan ko naman sina Nanay at Tatay na nag-uusap nang napakaseryoso. Wala man akong narinig, pero nakita ko iyon sa mga mata nila. Ako iyong taong malakas makiramdam.
“Magandang gabi, Nay, Tay,” pagbati ko. Nagmano agad ako nang makalapit sa kanila.
“Bakit ngayon ka lang, Aqua?” tanong ni Tatay. Kahit natagalan ako sa pag-uwi, nanatili pa rin siyang kalmado.
“May ginawa lang pong group project,” pagsisinungaling ko. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin sa kanila na umiiyak ako sa gilid ng isang bangin dahil natanggal ako sa scholarship. Ayaw ko ng dagdagan ang problema nila.
Napatingin ako kay Nanay at humugot siya nang malalim na hininga. Mukhang malaki-laki talaga ang problema nila ni Tatay. Iginiya ko ang tingin sa paligid at nakita ko sa kusina ang tatlo kong kapatid. Nakaupo sila roon habang may kanya-kanyang hawak ng libro.
Muli kong nilingon si Nanay. “Ano po ba ang problema, Nay?”
“Puputulan na tayo ng kuryente at tubig sa susunod na araw. Wala pa akong pambayad.” Nagsimula ng mangilid ang luha niya na agad din tumulo. “Kung hindi lang ako nagkasakit noong isang buwan, hindi sana tayo lubog sa utang.”
“Nay, gagawa po ako ng paraan. Susubukan kong manghiram sa kaklase ko.” Nilingon ko si Tatay. “Magpahinga na po kayo. Alam kong pagod na po kayo. Bilang panganay ninyo, gagawa po ako ng paraan. Magtulungan na lang tayo.”
“Pasensya ka na, Nak, kung ito lang ang makakaya namin,” sabi ni Nanay.
“Nay, we are contented and happy. Wala kaming reklamo. Buo lang tayo? Masaya na ako. Ginawa nibyo naman ang lahat sa amin ng mga kapatid ko,” sabi ko. Gusto kong iparamdam sa kanila na hindi sila nagkulang sa amin.
“Salamat, anak.”
“Sige na po at mauna na ako sa itaas.”
Nagsimula na akong humakbang palayo sa mga magulang ko. Kinagat ko naman ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang luhang nagbabadiyang tumulo sa mga mata ko.
Nilingon ko ang mga kapatid ko. “Triplets, matutulog na ang ate. Good night.”
“Good night po, Ate,” magkasabay na sagot ng tatlo.
Nang makarating na ako sa kuwarto, doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nandito sa puso ko. Hindi naman sana kami masamang tao, pero bakit ganitong buhay ang ipinagkaloob ng Diyos sa amin? May trabaho naman ang magulang ko pero bakit kulang pa rin? Ginawa naman nila ang lahat para mabuhay kaming magkakapatid pero bakit salat pa rin?
Saan ba kami nagkulang?
Nang makatapos na akong magbihis, sinubukan ko ng umidlip para naman makapagpahinga ang isip ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para mangutang. Sana may magpahiram pa sa akin.
•••
UMAGA NA AT maaga akong dumating sa unibersidad. Pagdating ko sa classroom, tila gumaan ang pakiramdam ko nang makita si Sagittarius sa gilid ng bintana. Hawak niya ang gitara niya habang nakasabit ang headphone sa leeg niya.
Sa totoo lang, lalo siyang gumuwapo sa magulo na buhok niya. Pero pinakamaganda sa kanya, iyong mga mata niya na nangungusap, katamtaman na kapal ng kilay, matangos na ilong, magandang hugis na labi, at ang umiigting na panga niya.
Napahinto siya nang masilayan ako at seryosong tinitigan ako. Nginitian ko siya pero hindi man lang siya gumanti. Nagbabakasali lang naman akong pansinin na niya. Muli na siyang nagpatugtog sa hawak na gitara niya at nakikinig na lang ako sa kanya habang palihim na nasasaktan.
Hanggang kailan siya ganyan? Tsk!
Magsisimula na sana akong maglakad papunta sa upuan ko nang may dalawang kamay na dumapo sa balikat ko. Hindi pa naman siya nagsalita, pero alam ko na kung sino siya. We are classmates since first year dahil block section kami kaya gamay ko na ang amoy ng isang f*ckboy.
“Taurus, bitawan mo nga ako,” sabi ko. Akala niya suguro ang gaan ng malaking mga kamay niya.
“Sabihin mo munang Rius mahal pa rin kita,” sabi ni Taurus.
Napatigil muli si Sagittarius sa pagkuskos ng gitara niya at napatingin siya sa kinatatayuan namin ni Taurus. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa malalim na titig niya.
“No toques a mi chica,” sabi ni Sagittarius.
Agad akong tinulak ni Taurus. “Edi ’wag! Grrr!”
“A-Aray! Taurus naman! Pero ano ba ang sinabi niya?” mahina na tanong ko.
“Bawal at baka kiligin ka pa,” sagot ni Taurus sabay irap sa akin.
Tiningnan ko si Sagittarius pero abala muli siya sa gitara niya. Ano kaya iyong sinabi niya?
Pumunta na muna ako sa upuan ko. Pagkaupo ko, tumabi sa akin ang so-called f*ckboy ng campus.
“Ano ba! Umalis ka nga!” inis na sabi ko. Umagang-umaga naninira ng araw.
“Please don’t tell it to Reyessa, okay?” sabi niya.
“She needs to know. Babae ako! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng nasasaktan,” sagot ko.
Tumawa siya nang malakas. “Rius, nagpaparinig si ex! Bilhan na natin ng napkin ito, oh! Oops.”
Hinampas ko siya. “Umalis ka nga! Nababaliw ka na!”
“Panget, pretty please? ’Wag mong sabihin kay Reyessa ang nakita dahil nalalagot ako nito. Alam mo kasi, anak ng business partner ng family ko iyong girlfriend ko. Ipinagsundo lang kaming dalawa for pete’s sake. Paano kung malalaman nilang niloloko ko ang anak nila? Pagsasabihan nila ang magulang ko, ’tapos ano? Ako naman ang pagagalitan ng magulang ko. At alam mo ano ang mangyayari? Liliitan nila ang allowance ko, babawiin ang kotse, mawawalan ako. Kaya please?” mahabang litanya niya.
“No! She needs to know. Hindi makaturungan ang ginawa mo. Ipagdasal mong hindi ko siya makita mamaya dahil sa oras na mag-krus ang landas naming dalawa, humanda ka sa batas ko.”
“Bleh!” Pagbelat niya sabay hampas sa arm chair ko.
Napangiwi na lang ang mukha ko sa inasal niya. Parang talaga siyang isang batang sumpungin. Muli niya akong dinilaan at imbes na mainis ako, napatawa na lang ako sa kanya.
Minuto ang lumipas, nagsimula na ang klase. Gaya nang dati, nakikinig lang ako. Ako kasi iyong klase ng estudyante na tahimik sa klase kahit alam ko ang sagot. Hindi ako iyong tipo na kayang makipagsabayan sa mga magagaling para maglabas ng point of view sa lesson na itinuturo which is I admired from Tauros. He excels in academics kahit balahura ang ugali niya. Siya iyong lalaki na nababasa mo sa isang cliche na fiction novel. Iyong lalaking akala mo mukha lang ang puhunan? Pero hindi mo alam na magaling din pala sa ganoong bagay.
“Ms. Dela Fuentes, ako ang guro at hindi si Mr. Taurus Alta Monte,” sabi ng professor.
Nagsigawan ang lahat at napuno ng panunukso sa silid-aralan. Hindi ko pala namalayan na nakatitig na ako sa lalaking iyon. Nakahihiya!
“Ngiiii. Gusto niya ako!” pagmamayabang ni Taurus.
Napatayo ako sa kinauupuan ko. “Talaga lang, ha?”
“Dalawang rason lang naman kung bakit tayo napatitig sa tao: una, may dumi sa mukha? In my case, mas malinis pa ako sa batis. Pangalawa, natitipuhan. Ngiii! Si Panget, gusto ak—”
Hindi natapos ni Taurus ang sasabihin nang binatukan siya ni Sagittarius. Ang unang lalaking minahal ko. Ang unang lalaking naging kasintahan ko. Ang lalaking nagbigay sa akin ng inspirasyon.
“Aray ko! Grabe naman, Rius, selos agad! Ang panget kaya ng ex mo para patulan ko,” sabi ng abnormal na si Taurus.
Tiningnan ako ni Sagittarius. “She’s damn pretty.”
Napakagat-labi na lang ako nang marinig muli ang salitang iyon sa kanya. Para ba akong na paralisa. Hindi ako makagalaw.
“Joke,” dugtong niya sa sinabi niya.
Nagtawanan ang lahat at nanguna na rito si Taurus na parang baliw. Ang pinakamasayang nilalang kapag pinagtawanan ako.
“Tama na iyan,” sabi ng professor.
Napaupo na lang ako nang bitbit ang sama ng loob. Nakaiinis talaga ang Sagittarius na iyon! Hindi ko alam kung ano talaga sa mga sinasabi niya ang totoo o hindi. Magaling talaga siyang manlinlang gamit ang kanyang salita. At aminado akong, doon niya ako nabihag.
“Ngiii! Si Panget, umaasang pretty,” kantiyaw ni Taurus.
“Gusto mo talaga akong simulan?” pananakot ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo sabay nguso. “Grabe siya. Hindi mabiro.”
Inirapan ko na lang at ibinaling ang atensyon sa professor namin. Nandito ako sa paaralan para mag-aral nang mabuti kaya gagawin ko ang nararapat na ginagawa ng estudyante: ang makinig para matuto.
Tanghali na at nandito ako sa cafeteria. Kasama ko ang dalawang kaibigan ko. Hindi ko talaga alam kung anong salita ang una kong sasabihin para mangutang sa kanila.
Bumuntonghininga ako. Kaya ko ito! Magsasalita na sana ako nang biglang...
“May pangbayad na ba kayo sa papalapit ng exam?” tanong ni Kayi.
“Wala nga rin ako,” malungkot na sagot ni Yarika.
Napatingin silang dalawa sa akin at hindi ko mapigilang tumulo ang luha sa mga mata ko. Sila na lang ang tanging pag-asa ko. Pero katulad ko, walang-wala rin sila.
“Kailangan mo na rin bang magbayad? Kainis kasi talaga iyong Selyarikris na iyon! Nang dahil sa kanya, nawala iyong scholarship mo!” inis na sabi ni Kayi.
“May kasalanan din naman ako. Kung pinigilan ko lang ang sarili ko, hindi mangyayari iyon. May mali siya, pero may mali rin ako,” litanya ko.
”Kung may pera lang kami. Pahihiramin ka namin. Pero katulad mo rin kami, Aqua,” sabi ni Yarika.
“Naiintindihan ko. Maghahanap na lang ako ng paraan,” sagot ko.
Matapos naming kumain, lumabas na kami ng cafeteria. Nang makita ko si Reyessa kasama ang fake best friend niyang si Kessica, naisipan kong sabihin sa kanya ang nakita ko kagabi.
Nang magtama ang mga mata namin ni Kessica, nakita ko ang takot sa mukha niya. May ibinulong siya kay Reyessa, dahilan para tumalikod silang dalawa.
“Reyessaaa!” sigaw ko.
Napahinto si Reyessa at napalingon sa akin. Kahit si Kessica, bakas ang kaba sa mukha na lumingon din sa akin. Dahan-dahan na akong lumapit papunta sa kanila. Napatigil lang ako nang may humarang, si Taurus. Bakas din sa mukha nito ang kaba.
“Aqua, please,” seryoso sabi ni Taurus. Ito iyong unang beses na makita ko siyang ganito.
“No. Buo na ang desisyon ko. Tabi,” sabi ko.
“Please?”
Hindi ko siya pinansin at dumaan lang sa gilid niya pero hinawakan niya ako sa braso. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya.
“Bitawan mo ako,” inis na sabi ko.
“Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Magpapaalila ako sa iyo,” aniya
“Bitaw,” maawtoridad na sabi ko.
“Bibilhan kita ng mga damit. Lahat ng gusto mo.”
“Bitaw,” sabi ko muli.
“Magiging boyfriend mo ako this whole school year.”
“Bitaw o isigaw?” pagbabanta ko.
Binitawan niya ako dahilan para sinimulan ko na ang paghakbang muli.
“Babayaran kita,” sabi niya.
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niya. Sa sitwasyon namin ngayon, kailangan ko ng pera. Pero paano si Reyessa? Paano ang konsensya ko? Paano ang prinsipyo ko?
No! Reyessa needs to know!
Nang muli kong sinimulan humakbang...
“Babayaran ko ang whole school year fees mo plus 50,000 cash. Just keep it a secret kung ano ang nakita mo kagabi. Deal?” sabi ni Taurus.
Nagsimulang ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Nalilito na ako. Ano ang gagawin ko? Isusuplong si Taurus sa kasintahan niya o ang sitwasyon ng pamilya ko?
Sa mga oras na ito, nakikita ko ang sarili ko kay Robinhood. Gumagawa ng masama para tumulong sa kapwa. Mali ang gagawin kong ilihim ang nalalaman ko, pero pamilya ko ang pinag-uusapan dito. Family is my life. Family is everything.
Hinarap ko si Taurus. ”I’ll take it.”
Unti-unting lumapad ang labi niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya. Bumuntong hininga siya at lumapit papunta sa akin. Niyakap niya ako.
“Salamat,” aniya.
Hindi sumagi sa isipan ko na dahil lang sa isang ungol, mabibugyan ng solusyon ang problema sa buhay ko.
“Salamat sa ungol mo, Tau,” sabi ko sa isipan ko habang gumanti nang mahigpit na yakap sa kanya. Masaya lang ako. Sobra.
“What’s the meaning of this?!” pagsulpot ng iritableng boses ni Reyessa. Nakalimutan ko ang presensya niya sa paligid.
“Babe, ’wag kang magselos. Nag-usap lang kami tungkol kay Rius.”
“Y-Yes,” nauutal na sagot ko. Dinagdagan ko naman ng panibagong kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan. Ang sama ko!
“Akala ko kung ano na. Anyway, ano ang kailangan mo sa akin, Aquarius?” tanong sa akin ni Reyessa.
“Hinanap ko lang si Taurus at nandito na pala siya, so wala na akong kailangan sa iyo. Salamat sa pagpansin.”
“Okay,” sagot ni Reyessa. Tiningnan niya si Taurus. “Babe, let’s s*x at the library. I miss every inch of you. I want you.”
“Sure.” Inakbayan ni Taurus ang girlfriend niya.
Habang humahakbang sila palayo sa akin, nilingon ako ni Taurus. Nabasa ko naman sa bibig niya ang salitang “Salamat”. Tumango lang ako bilang sagot ko sa ginawa niya.
Nilingon ko na si Kassica at inirapan. Napatakbo naman siya dahil sa takot. Kilala niya ako at alam niyang matapang akong babae. Wala kasi sa bokabularyo ko ang salitang magpapa-api sa mas nakaangat sa buhay. Para sa akin, lahat ng tao sa mundo ay pantay-pantay.
~~~