PRESENT DAY Pagdating ko sa classroom, hindi ko pa rin mapigilan ang kilig na nararamdaman ko. Kahit malamig ang pakikitungo sa akin ni Rius, alam kong pinapahalagahan niya pa rin ako. Iginiya ko ang tingin sa paligid pero hindi ko na siya nakita. Saan na kaya nagpunta ang taong mahal ko? Nang makita kong papasok si Tauros ng classroom, agad akong napatayo para sugurin siya. Masyado pa akong bata para makalimutan ang ginawa niya sa akin kanina. Ipinahiya niya ako sa maraming tao at hindi ko papalampasin iyon. He needs to be punished. Wala naman siyang kamalay-malay na papunta ako sa kanya dahil babad siya sa cell phone niya. Nang makarating ako sa tapat niya, tumikhim ako. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Kung makatitig siya ay parang wala siyang ginawa sa akin. "Ba