SAGITTARIUS “RAI, ’WAG NG sumobra,” suway sa akin ni Taurus. “Bakit ayaw na sa akin ni Aa? Ilang taon akong nagtiis dahil nirespeto ko iyong desisyon niya. Pero hindi ko na kaya dahil siya pa rin ang laman ng puso ko. Hindi ba niya sinabi sa iyo na mahal pa niya ako?” I asked. Siya ang palaging kasama ng babaeng mahal ko. Maaaring may sinabi ito tungkol sa akin. “Wala, e.” Napailing na lang ako habang walang tigil sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. “Ayaw na nga niya talaga sa akin.” “Marami pa namang babae, Rai. Try to explore. Kung kayo talaga, kayo,” sabi ni Taurus. “Ipaglaban mo siya, Rai,” sabi sa akin ni Aries. “Agreed. Maybe she needs space. But it wasn’t enough to surrender,” sabi ni Gemini. “It’s been a year,” giit ko. “What if mag-girl hunting na lang tayo ngayong ga