8

2501 Words
NASA KALAGITNAA KAMI ng klase nang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Tumayo ako at nagpaalam na lumabas. Maaaring mahalaga ito dahil sa ganitong oras tumawag. Nang makalabas ako ng classroom, kinuha ko na ang phone sa bulsa at tiningnan ang tumatawag. Unregistered number ito kaya nagdadalawang-isip akong sagutin. Pero baka ang pamilya ko ito at nakihiram lang ng phone sa kakilala nila kaya sinagot ko pa rin. “Hello?” panimula ko. “Pumunta ka sa pinakaunang restaurant mula riyan sa university ninyo. We need to talk at exactly 12 noon,” sabi ng isang babae. “Okay po,” sagot ko. Ibinababa na ni Mrs. Fernando ang tawag. Sa boses pa lang niya, alam ko na kung sino. Kailangan ko bang matakot sa kanya? The answer is no. Papatunayan ko sa kanya kung gaano ako katapang para ipaglaban ang pagmamahal ko sa anak niya. Kaya haharapin ko siya kahit ano man ang mangyari. Hindi ko siya aatrasan. Bumalik na ako sa classroom. Pagka-upo ko... “Ano ang problema mo?” tanong sa akin ni Rius. Kahit hindi ko sinabi sa kanya, nararamdaman niyang may mabigat akong problema na dinadala. “Nothing,” sagot ko. “Tell me, A,” giit niya. Nilingon ko siya. “Sssh. Wala nga.” Ngumuso siya. “Bahala ka. Magtatampo talaga ako.” “Para kang bata, Rai. Makinig na tayo sa klase at mamaya na tayo mag-usap, okay? I love you.” “Fine. I love you more.” Oras ang lumipas, nandito na kami sa cafeteria para kumain. Inilabas ko na ang baon ko. As always, kinuha iyon sa akin ni Rius at ipinalit sa in-order niya. “Rai, stop acting gentledog. Para kang hindi malibog sa inaasal mo,”suway ni Tauros. Tiningnan ko si Tauros. “Tumahimik ka nga.” “Kinikilig ka naman sa kakornehan ninyong dalawa. Babae nga naman, marupok,” aniya. “Pinagsasabi mo?” “Tau, pikit. Bakit hindi mo na lang lambingin si Reyessa?” sabi ni Rius. “No thanks.” Tiningnan ko na lang sina Aries at Gemini na tahimik na kumakain. Wala talaga silang pakialam sa ingay namin. May sariling mundo ang dalawa. Naghiwa si Aries ng steak at inabot niya iyon sa bibig ni Gemini. Nakita ko ang pagngiti ni Gem bago ibinuka ang bibig niya. Nang matikman niya ito, tiningnan niya si Aries. Napangiti ang dalawa habang nagtinginan sa isa’t isa. “Pst!” pagtawag ni Tauros kay Rius. “Oh?” sagot ng kasintahan ko. “BL,” natatawa na sabi ni Tauros. Napansin din niya pala ang sweetness ng dalawang kaibigan nila. “Inggit ka? Tayo rin kaya,” pang-aasar ng kasintahan ko. “G*go ka! Tusukin ko kaya iyaang mukha mo nito.” Ipinakita pa ni Tauros ang hawak na tinidor. Isip-bata talaga. Nabaling ang tingin niya sa akin. “Gusto mo?” Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Narinig ko na lang ang paghagikgik ng kasintahan ko nang masaksihan nitong naiinis ako sa kaibigan nito. “Rai, after this ay may pupuntahan lang ako. Babalik lang ako agad,” pagpapaalam ko. “Sasamahan na kita.” “Take your time with your friends. As I’ve said, babalik lang ako agad. No need to worry about me.” “Okay. Ingat ka. Pero ayaw mo bang magpahatid? Baka mapagod ka?” aniya. “Malapit lang naman ang pupuntahan ko.” “Sige,” sagot ni Rius. Tiningnan niya si Tauros. “Ano? Game? Babawi tayo.” “Babawi tayo. Tatambakan natin sila!” pagmamayabang ni Tauros. Nagsisimula na naman si Tauros sa mga salita niyang ang taas ng lipad. Iyon ang problema sa kanya, pinapangunahan ang isang bagay. Kaya kapag kasalungat sa gusto niya ang sagot, ang daming sinasabi. “Huwag muna maglaro pagkatapos nating kumain, Rai. Magpahinga ko muna ng mga sampu o labinlimang minuto. Alagaan mo ang sarili mo. We only live once, don’t forget to take care of yourself,” paalala ko. “Ang dami mong alam,” sabi ni Tauros. “Tama naman kasi ang mahal ko. I love you, A,” sabi ni Rius. “A? Yucks. Ganito na lang Rai, maglaro na lang tayo nang marami kang mailalabas na A.” “A, oh. Si Tauros,” pagsumbong ng kasintahan ko. “Iba ka sa kanya. Wala akong dapat na ipangamba,” sabi ko. Tiningnan ko si Tauros at inirapan. Nakangiti lang siya habang tinitingnan din ako. Hindi na ako nakipagsindakan ng tingin sa kanya at nilingon ko na si Sagittarius. “Rai, mauna na ako,” paalam ko. “Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Ayaw mong magpahatid sa akin?” tanong muli ni Rius. Napangiti ako. “Hindi na. Salamat sa pag-aalala. I love you.” “Yucks again,” pagpaparinig ni Tauros. “Okay, ingat ka. I love you more,” sabi ng kasintahan ko. “Salamat. Mauna na ako sa inyo,” pagpapaalam ko. Nagmadali na akong lumabas papunta sa restaurant na sinasabi ng ina ni Rius. Malapit lang ito sa unibersidad namin kaya nilakad ko lang ito. Hindi rin nagtagal, dumating na ako roon. Nadatnan ko ang ina ni Rius na umiinom ng juice. Nakasuot siya ng formal na damit, maaaring papunta o galing siya sa kanilang kumpanya. Lumapit na ako sa kanya at napatigil siya sa pag-inom. Tiningnan niya ako. “You’re two minutes late,” seryoso na sabi niya. “Sorry. Good afternoon po, Ma’am,” sabi ko sabay upo. “Hindi magiging maganda ang afternoon ko kung ikaw ang kaharap ko,” aniya sabay spray sa akin ng alcohol. Dahil nakita ko na may binabalak siya kanina, agad akong yumuko para hindi malagyan ang mga mata ko. “I need to disinfect you. Poor person is close to te word dirty. Mahirap na at baka mahawaan ako sa iyo. Mabuti na lang hindi nagkasakit ang anak ko sa kadidikit mo sa kanya,” aniya. Nagsimula na naman siya sa pang-iinsulto sa akin. Tiningnan ko na lang siya habang ang sama ng tingin niya sa akin. Parang kakainin niya ako nang buhay. Pero hindi ako nagpapatinag sa kanya. Nanatili pa rin akong kalmado. “Ano po ba ang kailangan mo, Ma’am?” pormal na tanong ko. “As simple as hiwalayan mo ang anak ko. Ang tigas ng ulo mo,” gigil na sabi niya. Napangiti ako. “Hindi ko po magagawa iyon. Mahal ko po siya.” “Hindi mo magagawa dahil mayaman siya. Hindi mo magagawa dahil balak mong pagkaperahan ang anak ko, tama ba?” “Kung iyan po ang iniisip niyo sa akin, wala na po akong magagawa roon. Malinis po ang intensyon ko sa anak ninyo,” sabi ko. Kahit alam ko na hindi siya maniniwala sa sasbihin ko, sinabi ko pa rin ang totoo. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” sigaw niya. “Iba po ang salitang kapal sa nagmamahal. Mauna na po ako,” pinal na sabi ko sabay tayo. Nang makatalikod ako... “Hindi mo magugustushan ang gagawin ko,” pagbabanta niya. Napalingon ako sa kanya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang may passport at ticket siyang ipinakita sa kamay niya. Nakita ko rito ang buong impormasyon ng kasintahan ko. Nanginginig ang tuhod ko, parang nanghihina ako. Mukhang alam ko na ang binabalak niya. “Ipapatapon ko ang anak ko sa Spain kung hindi mo siya hihiwalayan. Ina ako at naninigurado na hindi mapunta sa isang katulad mo lang ang anak ko,” aniya. Agad nagsipatakan ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi maiyak sa pagbabanta niya. Nasasaktan ako sa posibleng mangyari. Papalayain ko na ba talaga ang lalaking mahal ko para hindi siya tuluyang malayo sa akin? “Huwag niyo pong gawin iyan,” pagmamakaawa ko. “Gagawin ko ang gusto ko para sa anak ko. Simple lang naman ang hinihiling ko bilang isang ina at iyon ay ang hiwalayan mo ang anak ko. Marami akong pangarap sa kanya,” aniya. “Oo, hihiwalayan ko po ang anak niyo. Pero huwag niyong isipin na dahil natatakot ako sa inyo o nasindak ako sa isang tao na ang babaw ng tingin sa katulad namin. Hihiwalayan ko ang anak mo dahil mahal ko siya at ayaw ko siyang malayo sa akin,” sabi ko. Tumalikod na ako at pinunasan ang luhang nagsipatakan mula sa mga mata ko. Nang humakbang ako... “Stop,” maawtoridad na sabi niya. Nang lumingon ako, tinapunan niya ako ng juice na ininom niya kanina. Hindi pa siya nakuntento at tinapon sa akin ang menu sa mesa. Natamaan ang noo ko pero hindi ko na ito ininda. “Salamat dahil nagising ka na sa panaginip mo,” sabi ni Mrs. Fernando. Lumapit siya sa akin at sinampal ako nang ikalawang beses. Humagulgol lang ako at hinayaan na lang ang sariling umiyak. Hindi ako puwedeng gumanti dahil hindi ako pinalaki ng magulang kong maging ganoon. Kahit masama ang ugali niya, gagalangin ko pa rin siya dahil ina siya ng lalaking mahal ko. Nang makaalis na siya, napaupo na ako sa sahig at napahawak na lang sa dibdib ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Pinagkaitan lang naman ako ng pagkakataon na sumaya sa piling ng lalaking mahal ko. Papalayain ko na ito kahit ayaw ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko simulan. Napakabait ni Rius para saktan ko. Pero ayaw kong malayo siya sa akin kaya susundin ko ang gusto ng ina niya. May lumapit sa aking isang crew at tinulungan akong tumayo. Hinimas niya ang likuran ko. “Nasaksihan ko ang nangyari. Ang sama ng ginang na iyon,” wika ng isang babae. “Salamat sa pag-aalala, pero mauna na ako,” sabi ko. “Magpalit ka muna. May ekstrang damit ako sa locker. Basang-basa ang uniporme mo.” “Hindi na kailangan. Uuwi na lang ako sa bahay. Salamat.” Nang makalabas na ako sa restaurant, hinayaan ko na ang aking mga paa kung saang direksyon ako dalhin. Napagdesisyunan kong hindi na muna papasok dahil hindi ko pa kayang harapin si Sagittarius. Dahil hanggang sa hindi ko pa siya makita, hindi ko pa masasabi sa kanya ang masakit na katotohanang papalayain ko na siya. Sa mga oras na ito, kailangan ko munang mapag-isa. Gabi na at hindi ko namalayan ang takbo ng oras dahil kanina pa ako nakatingin sa malayo. Nandito ako sa isang bangin at tahimik na nakatayo. Nagpaalam na ako sa magulang ko na huwag silang mag-aalala sa akin. Si Sagittarius naman ay kanina ko pa hindi sinasagot ang tawag. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero wala akong tapang na harapin siya ngayon. Masasaktan lang ako kapag makita siya. “A!” sigaw ng isang lalaki. Paglingon ko, ang mahal ko. Tumakbo siya papunta sa akin. Makikita sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Nang makarating siya sa kinatatayuan ko, niyakap niya ako nang mahigpit. “Ano ang nangyari sa iyo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Pinag-aalala mo ako,” garalgal na ang boses niya. Humagulgol ako sa sobrang sakit dito sa puso ko. Iyong pagiging maaalahanin niya sa akin ang unang mamimiss ko sa kanya. Sa sandaling ito, hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niya. Ang sakit. “Tingnan mo ako? Sabihin mo sa akin? Ano ang problema mo? Financial ba? Bibigyan kita.” “Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Rai? Kunting iyak lang, pera agad?” tanong ko. Wala na akong ibang maisip na pwede gawing dahilan. Magsisinungaling ako para mapanatili lang siya sa tabi ko kahit wala ng kami. “N-No. Gusto ko lang tumulong.” “H-Hindi, e. Ang liit ng tingin mo sa akin. Hindi ba puwedeng ikaw ang problema ko kaya ako nagkaganito?!” sigaw ko. Ayaw kong sigawan siya, pero kailangan. Natulala siya sa ginawa ko at naiintindihan ko iyon. Ito ang kauna-unahan naming away. “A-Ano?” takang tanong niya. “Ikaw ang problema ko!” Humugot ako nang malalim na hininga. “Nagsasawa na ako. Nababagot na ako sa iyo. Ihinto na natin ito. Ayaw ko na. Inaantok ako sa iyo!” gigil na sabi ko. Pero itong galit na ito ay hindi para sa kanya. Ito ay para sa tadhanang hindi sumang-ayon sa relasyon na meron kami. “B-Bakit? Ano pala ang gusto mo?” Tumulo ang luha niya. Ang sakit makita siyang nagkakaganito pero mas masakit ang malayo siya sa akin nang dahil sa hindi ko sinunod ang gusto ng ina niya. “Ang palayain mo ako. Hindi na kita mahal,” sabi ko. “You’re lying. Mahal mo ako! Hindi mo ito magagawa sa akin. A, nasasaktan ako. Please, don’t do this.” Lumuhod siya sa harapan ko. “Sabihin mo sa akin ang ayaw mo, magbabago ako para sa iyo? Sinusubukan ko naman maging best partner mo, e. Naglilinis na ako ng kuwarto. Sinubukan ko ng mag-aral nang mabuti. A, nangako ka sa akin na tayo hanggang dulo.” Iniwas ko ang tingin sa kana. “I don’t need to explain anything. Everything you heard from me is enough. I want to end this relationship. I’m done with you, Rai.” “A, please...” Niyakap niya ang mga tuhod ko. “Huwag mo akong iwan. H-Hindi ko kaya.” “Buo na ang desisyon ko, Rai. Matagal ko na itong gustong sabihin sa iyo. And finally, nasabi ko na rin. I hope you understand me. Nagsasawa lang talaga ako sa iyo.” Tumayo siya. “Bakit parang biglaan ang lahat? Ano ba ang nangyari sa iyo, A? Okay naman tayo kanina, ha?” “I need to go,” sabi ko. Nang magsimula akong humakbang, hinawakan niya ang braso ko. Paglingon ko, umiiyak lang siyang tinitingnan ako. Nagmamakaawa ang tingin niya sa akin. Dinudurog niya ang puso ko. “Hindi ko kaya, A. Ikaw lang ang buhay ko,” aniya. “Kayanin mo dahil kaya kong mabuhay na wala ka sa buhay ko,” sagot ko. Patawarin mo ako, Rai. I love you. Napangiti siya pero alam kong nasasaktan siya sa sinabi ko. Nakikita ko iyon sa luhang nagsipatakan sa mga mata niya. "“Fine. Tatanggapin ko, pero may hiling ako, kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo muna akong makasama ka. Bukas, lalayo na ako sa iyo. Dahil mahal kita, rerespetuhin ko ang gusto mo. Basta huwag ka lang umalis mag-isa mula rito. Ihahatid kita kahit sa huling pagkakataon. Baka mapahamak ka.” Nagpipigil ako sa sarili ko na humagulgol muli sa harapan niya. Ako ang nakipaghiwalay sa kanya kaya kailangan kong magpanggap na matatag sa harapan niya. “Sige,” tanging salita na lumabas sa bibig ko. Patawad mahal ko. Darating din ang araw na maiintindihan mo ako. Pero sa ngayon, wala kang dapat malaman na ang ina mo ang dahilan ng lahat na ito. Ginawa ko lang ang lahat ng ito dahil mahal kita. Sana hihintayin mo ako kahit wala munang tayo. Pangako ko sa aking sarili, ikaw ang magiging wakas ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD