3

1842 Words
“PANGET, GISING NA! Sino ba ang amo rito? Ako o ikaw?” sigaw ng isang lalaking tawagin na lang natin sa pangalang demonyo. “Oo na. Ano ba! Tsk!” tamad na sagot ko. Inaantok pa talaga ako. Pagmulat ng mga mata ko, ang pigura ni Taurus agad ang nakita ko. Nakabalot lang naman siya ng tuwalya at ibinida ang walong bukol sa tiyan niya. Nakapamewang pa siya na para bang ang cool niyang tingnan. Nandito na pala ako sa mansion nila Taurus nakatira. Ako ang humiling na maging katulong niya bilang pasasalamat ko sa kabutihan na nagawa niya. Nang dahil sa binayad niya, bayad na namin ang aming kuryente’t tubig. Fully paid na rin ako sa pinapasukan naming university. Ang tanging hinintay ko na lang, ang matapos ang school year na ito nang walang iniisip pa na bayarin. Noong una, ayaw niya sa hiniling ko. Pero ako ang nagpupumilit sa kanya. Hindi ko kayang walang gawin dahil malaki ang naitulong niya. Tinatanaw ko iyon ng utang na loob sa kanya. Para sa akin, hindi sapat iyong itikom ko lang ang bibig ko. Sa palagay ko, paglilingkuran siya this whole school year will be enough kahit papaano. Mas gagaan ang pakiramdam ko kung gagawin ko iyon sa kanya. Sa totoo lang, ayaw ng magulang ko sa ideya ko, pero pinilit ko sila. Total hindi naman mabigat ang trabaho ko rito. At isa pa, hinahayaan ako ng magulang ni Taurus na umuwi tuwing weekends. Kaya mayroong pa rin talaga akong oras para sa pamilya ko. Noong una, akala ko talaga na masama ang ugali ng pamilya niya. Ganoon naman kasi ang nakikita kong ugali ng mga mayayaman sa pelikula. Pero nagkamali ako roon. Mabuti silang tao. Kahit papaano, napukaw ako sa katotohanan na hindi lahat ng may gintong kutsara sa hapagkainan ay masasama. Maliban na lang kay Taurus na sakit ng ulo ko. Ang pamilya Alta Monte ay may charity para sa mga anak ng kapos sa buhay. Dahil mahal ko ang mga kapatid ko, kinapalan ko ang mukha ko na isali sila. Hindi naman nagdalawang-isip na pumayag si Madam kaya may matatanggap kaming pera buwan-buwan sa kanila. Malaking tulong na rin iyon sa pag-aaral ng mga kapatid ko. “Hoy! Bumangon ka na!” sigaw muli ni Taurus. Hinawakan niya ang paa ko. “Ayaw mo talaga?” “Oo na sabi! Grrrr!” sigaw ko sabay bangon. “Titigan mo ang katawan ko. Ang ganda, ’di ba?” pagmamayabang niya sa akin. “Nothing special. As plain as white. As hell as you,” sagot ko. “Feeling mo!” IInihagis niya ang uniporme niya sa qkin nang may inis. “Plantsahin mo ’yan. Pagkatapos mo, pumunta ka na agad sa baba at sabay na tayong kumain.” “Oo na,” tamad na sagot ko. “Galit ka? Hahampasin kita,” pagbabanta niya. Inirapan ko lang siya at hindi na sinagot. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit matagal akong nakatulog. Pinilit niya kasi akong samahan siyang manood ng movie. Wala naman akong hilig doon. Parang sira lang! Pipilitin ba naman ako na tumawa sa pinapanood namin. Binilisan ko na ang pagligo. Nang matapos ako, agad akong nag-ayos. Ginawa ko na rin iyong inutos niya sa akin. Bago ako lumabas, tiningan ko muna ang buong kuwarto kung malinis ba ito. Sa mansion ng Alta Monte, may sarili akong kuwarto. Pagmamay-ari ito ng kapatid ni Taurus na nandoon sa America nag-aaral—si Kuya Virgo. Ayaw kasi ni Taurus na doon ako sa maid’s room matulog dahil “Special monay” raw ako ng best friend niyang si Sagittarius. Isang linggo na ako rito sa mansion nila at kahit papaano, nakikita ko ang pagiging anak ni Taurus sa magulang niya. Siya iyong uhaw sa atensiyon. Madalas ko kasing napapansin na mas ipinagmamalaki ng magulang niya ang kapatid niyang si Virgo sa mga bisita na pumupunta sa mansion nila. Hindi man lang siya magawang banggitin. Naaawa nga rin ako minsan kasi nakikita ko iyong lungkot sa mga mata niya. Pumunta na ako sa kusina. Pagdating ko roon, nandoon ang magulang niya kaya bumalik ako sa daan. Nahihiya lang akong sumabay sa kanila na kumain. “Panget! Halika na!” tawag ni Taurus. “Aqua, sumabay ka na sa amin,” sabi ni Madam. Napalingon ako muli sa kanila. Nahihiya kasi akong tanggihan si Madam. Napakabait niya sa akin para magpapilit pa ako sa kanya. Kaya sinusunod ko talaga lahat ng mga gusto niya. “Sige po, Madam,” sagot ko. Nang makaupo ako sa tabi ni Taurus, agad kong inihanda ang kubyertos ko. Naghanap na rin ako ng pwedeng kainin. ”Bantayan mo maigi ang batang iyan, Aqua. Huwag kang matakot sa kanya. Kapag may umaaligid na babae riyan, sabihin mo agad sa akin,” maawtoridad na utos ni Madam. “Mom, nasa hapagkainan tayo,” sabi ni Taurus. “Then? Sinigurado ko lang na maganda ang future ng company sa tulong ng pamilya ni Reyessa. Kaya don’t do anything na ikasisira sa relasyon namin ng pamilya niya. Am I understood, Taurus?” sabi ni Madam. Kapag kausap ni Madam si Taurus, nag-iiba iyong ugali niya. Siya iyong inang tataliin ka sa leeg, mapasunod ka lang. She controls her son’s life. Kaya minsan, napa-isip ako kung bakit ganoon ang ugali ni Taurus. Parang isang unggoy na pinalaya sa hawla nang ilang taon kapag nasa labas ng mansion nila. Dahil dito sa loob, isa siyang masunuring tuta. Nang namayani ang katahimikan, sinimulan ko na ang pagkain. Sa aking pananaliksik, tahimik kumain ang mga mayayaman. Dapat walang magawang tunog ang anumang kurbiyertos na ginamit kapag inaalayan na ng pagkain ang kanilang tiyan. At ginagawa ko ito ngayon. Hindi ko ito mundo at nakitira lang ako kaya ako na ang gumawa ng paraan para kumilos sa naaayon. Nang matapos kumain ang magulang ni Taurus, umalis na sila. Napangiti naman ako dahil solo ko na ang mga ulam. Hindi na ako mahihiya na magdagdag pa ng kakainin. “Wala na sila. ’Wag ka ng umaarteng mayumi riyan. Lamunin mo na ’yan lahat,” sabi ni Taurus. Inirapan ko lang siya at binilisan na ang pagkain. Sa isang linggo na pagsasama namin ay mas nakilala niya ako. Kaya alam ko na alam niyang nagpapanggap lang ako na mahinang kumain kapag nasa harapan ng magulang niya. Nahihiya kasi akong kumain nang malakas sa harapan nila. Una, boss ko sila. Pangalawa, katulong ako ng anak nila. Pangatlo, hinahayaan nila akong sabayan sila. “Ano?” sabi ni Taurus. Napatingin ako kay Taurus nang magsalita siya. May kausap siya sa telepono at bakas sa mukha niya na seryoso siya. Nang makita niya akong tinitingnan siya, ibinababa niya ang tawag at tinaasan ako ng kilay. “Kayang kong gumulpi ng tsismosa hanggang sa mawalan ito ng mabahong hininga,” pagbabanta niya sa akin. “Subukan mo,” sagot ko. Nakipagtitigan ako sa kanya nang masama. “Isang kanta ko lang... Boom! Iyak!” “Tinatakot mo ako?” tanong niya. “Oo, kung natakot ka. Natakot ka ba?” Mas tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi,” paninigurado niya. “Fine. Madali akong kausap.” Pabiro akong tumayo kaya agad niya akong pinigilan. “Opo. Hindi ka naman mabiro.” Binigyan ko siya ng nakaiinis na ngiti. Gusto ko lang maasar siya sa akin. Hindi puwedeng ako lang palagi ang asar talo sa amin dalawa. Nang matapos kaming kumain, dumiretso na kami papunta sa sasakyan niya. Umupo ako sa tabi niya. Katulad ng ginagawa niya araw-araw, tinanggal niya ang suot na vest niya at inilagay iyon sa hita ko. Sa pagsasama namin araw-araw, ang pagiging “Acting gentleman” niya ang nagustuhan ko sa kanya. Maiksi kasi ang palda ng uniform namin kaya ginagawa niya iyon. Ang sabi niya sa akin, nakasisilaw raw. Pero ramdam ko namang, she protected me dahil dating kasintahan ako ng best friend niya. “Thank you,” sabi ko. Napa-ismid lang siya at hindi na nagsalita pa. Pinaandar na rin niya ang sasakyan niya. Nang maramdaman ko na tumakbo na ito, umidlip na muna ako sandali. Inaantok pa kasi talaga ako. ••• NAPAMULAT ANG MGA mata ko nang maramdamang luminlindol. Bumungad naman sa mga mata ko ang kulay asul na kalangitan, makapal na kulay abong ulap, at nakasisilaw na sinag ng araw. Nasa langit na ba ako? Iginiya ko ang tingin sa paligid at may nakita akong mga estudyante na nakatingin sa akin. Kumpirmado na wala ako sa langit at nasa paaralan ako. Pero bakit may bakas ng pagtataka sa mukha nila? At bakit parang tumatakbo ako? Napatigil ako sa pag-iisip kung nasaan ako nang marinig ang malademonyong paghagikgik ng aking amo. Napabangon ako sa hinigaan ko at napasigaw nang malamang isinakay niya ako sa stretcher. Ano ako? Pasyente? “Taurusss!” inis na sigaw ko sabay talon mula sa stretcher. Nanlaki ang mga mata niya. Makikita mo rito ang pagkamangha sa ginawa ko. Tumalon kasi ako na parang isang miyembro ng assasin. Ginamit ko ang kanang kamay ko bilang pantukod sa bakal ng stetcher at hinayaang lumipad ang katawan na parang isang eroplanong papel. “Ikaw!” sigaw ko. “Bleh!” Pagdila niya sabay takbo. Dahil nakatakong ako, hindi ko siya mahabol. Taos puso ko ng tinanggap ang pagkatalo ko. Napatigil naman ako sa pagtakbo habang hinahabol ang sariling hininga ko. Hinimas-himas ko rin ang aking dibdib habang hindi mapigilang umiling-iling. Kainis talaga ang nilalang na iyon! Wala na talaga siyang ibang ginawa sa mundo kung hindi ang asarin ako. Hahakbang na sana ako para umalis nang biglang may kamay na pumasok sa bulsa ng saya ko. Nilingon ko kung kaninong kamay iyon at nanlaki ang mga mata ko na mula iyon kay Sagittarius—my Rius. Katulad nang dati, malamig pa rin ang tingin niya sa akin. Nang itinanggal niya ang kamay niya, kinapa ko ang bulsa ko para malaman kung ano iyong inilagay niya. Kinuha ko naman ito para tingnan. Nang makita ko kung ano iyon, naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Hiya at kilig ang naramdaman ko nang makitang sanitary napkin ito. “Rius,” pagtawag ko. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. “Kabuwanan mo ngayon. Solo quiero protegerte. Todavía me preocupo por ti.” Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya, alam kong pabor iyon sa akin. Nakita ko iyon sa mga mata niya kung paano siya tumitig sa akin. “Salamat,” nakangiti na sabi ko. “Te amo,” sagot niya sabay talikod. Hindi ko mapigilang mapangiti. Maraming beses na niya akong kinausap ng lengwahe ng magulang niya pero tanging “Te Amo” lang ang aking naintindihan. Ang salitang matagal kong hiniling na marinig muli sa kanya. “I love you, too!” sigaw ko sa isipan ko. Napabuntonghininga na lang ako. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Kung alam niya lang sana ang totoong rason kung bakit ko siya hiniwalayan. Hindi sana ganito ang pakikitungo niya sa akin. Pero natatakot lang ako. Ayaw ko siyang malayo sa akin. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD