TAURUS “BIRTHDAY NG TRIPLETS ngayon at pupunta kami doon. May ipapadala ka?” tanong ko kay Rius. Nagsusulat siya ngayon ng isang tula at sigurado ako na para iyon kay Aqua. Yucks! “Pupunta ka? Mabuti ka pa,” malungkot niyang sabi. Maliban sa tono ng pananalita niya ay makikita sa mga niya ang lungkot. “Baka gusto mong sumama?” tanong ko. Siguro ito na iyong tamang panahon para magkaayos na sila. Iyon lamang kung sakali na sasama siya sa amin. “Hindi na. Alam mo naman ang sitwasyon namin. Magpapadala na lang ako ng regalo. May tatlong laptop akong binili doon. Bumili ka na lang din ng letson doon sa As Crispy As Tita.” “Wow! Big time! May communication pa pala kayo?” takang tanong ko. Nakamamangha iyong relasyon na meron siya sa tatlong kapatid ni Aqua. “Hindi lang si Aa ang niligaw