TAURUS NASA KALAGITNAAN KAMI ng traffic ni Aqua at papauwi na kami mula sa selebrasyon na ginanap sa bahay nila. Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya. Kanina pa siya walang imik simula nang binanggit ni Tita ang salitang buntis. Sigurado akong iniisip na niya ang posibleng resulta sa ginawa nila ni Rius nang gabing isinuko niya ang kanyang sarili. Dumating na kami sa bahay at ganoon pa rin ang kalagayan ni Aqua. Kailangan ko na ba siyang kausapin tungkol sa nalalaman ko? Natatakot kasi ako sa posibleng gawin niya. “Good night, Panget,” sabi ko. Tumango lang si Aqua at dumiretso na sa kuwarto niya. Napabuntonghininga na lang ako bago tumalikod. Bumungad naman sa harapan ko ang iritableng mukha ni Mommy. At alam ko kung ano ang dahilan nito. Sigurado akong nagsumbo