ISANG LINGGO ANG lumipas mula nang makaharap ko ang ina ni Rius. Pero kailanman, hindi sumagi sa isipan ko ang sinabi niyang hiwalayan ko ang anak niya. Dahil walang matinding rason para gawin ko iyon sa taong mahal ko. Nagmahalan kaming dalawa at walang mali roon. Maghihiwalay lang kami kung pareho kaming mawalan ng pagmamahal sa isa’t isa o hindi kaya niloko niya ako. Hindi dahil sa gusto niya lang.
Nandito ako sa gymnasium para suportahan ang laro ni Rius kasama ang mga barkada niya. May nagkayayaan kasi silang estudyante sa ibang department para magpatigasan sa larong baskeball. Katabi ko si Tauros na kasalukuyang nagpahinga. Naririnig ko nga ang paghahabol nito ng hininga. Mukhang napagod talaga dahil kanina pa ito nagbibigay ng puntos sa kupunan nila.
Inabutan ko siya ng tubig. “Uminom ka muna.”
“Thanks.” Bigla tumayo si Tauros. “Woahhhh! Go, Raiiii!”
Paglingon ko, napatalon na ang kasintahan ko. Sa saya na meron sa mukha niya, maaaring nakabigay siya ng puntos. Tiningnan niya ako at ang lapad ng ngiti niya.
“I love you,” bigkas niya. Nababasa ko iyon mula sa bibig niya.
“I love you, too!” sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ipagsigawan ang pagmamahal ko sa kanya.
“Yucks!” anang Tauros na nasa gilid ko.
“Pikit,” sagot ko.
“Ang gross ninyong couple. Yucks. Yucks. Yucks.”
Bumuntonghininga na lang ako at hindi na siya pinansin. Nakahiligan na kasi niyang mang-asar. At kung papansinin ko siya, hindi rin ako titigilan. I have no choice, kaya ako na lang ang susuko. Mag-adjust sa ugali niya.
“Substitution, Ref!” sigaw ni Tauros nang buong lakas.
Nang pumasok na sa laro si Tuaros, si Sagittarius ang pinalitan niya. Inihanda ko na ang tuwalya’t tubig para pagdating ng kasintahan ko sa kinaroroonan ko, iaabot ko na lang ito. Nakangiti na ito habang papalapit sa akin habang nakabuka ang mga kamay nito. Maaaring gusto nitong magpayakap.
Inirapan ko siya dahilan para mapatawa siya. Noong una pa lang, alam niyang hindi ako magpapayakap dito sa unibersidad.
Nang dumating na siya sa kinatatayuan ko, inabot ko na sa kanya ang tubig at tuwalya.
“Thanks, Aa. Ang galing ko kanina. Nakita mo ang huling puntos na nagawa ko?” tanong ni Rius. Ang saya ng mukha niya.
Umiling ako. “Hindi nga. Inabutan ko kasi ng tubig ang kaibigan mo. Ang pagtalon mo lang ang naabutan ko.”
“Ano ba iyan. Para sa iyo pa naman iyon. Alam mo namang hindi ako shooter, pero nandito ka to support me, kaya trying hard ako.”
“Makapuntos man o hindi, you’re my best player. Pakatandaan mo iyan. You are excellent to me dahil mahal kita,” sabi ko.
“Ako’y kinikilig,” aniya habang gumiling-giling.
Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa tigas ng katawan niya. Balikat lang yata ang gumagalaw. Pero bakit ko ba pinagtawanan ang kasintahan ko? Pareho lang naman kaming dalawa.
Iniligay niya sa leeg ko ang hawak na tuwalya. “Umupo na muna tayo, A.”
Tumango ako at agad na umupo. Ganoon din ang ginawa niya.
“Thank you roon sa post mo, A. Until now, they keep sharing my artwork. Hindi ko inaasahan iyon. I received thousand of appreciations which is new for me. Aside from my look, they now admire me because of my talent.”
“As I’ve said, you’re an excellent artist. Ipagpatuloy mo lang iyan at malayo ang mararating mo.” I wanted to encourage him.
“Salamat. Thank you for being my motivator.”
Napangiti na lang ako. Ang saya ko para sa kasintahan ko. It’s been a week nang in-upload ko sa social media iyong artwork niya at nagkaroon ito ng massive reactions from others. Ang buong akala nila, itsura lang ang panlaban ng kasintahan ko. Pero hindi nila inaasahan na biniyaan din ito ng bukod tanging talento. At gusto na malaman ng mga tao iyon. My future husband indeed a man with more than just a pretty face.
Minuto ang lumipas, natapos na ang laro nila at umuwi na silang nakasimangot. Nasa gilid ko si Tauros na kanina pa putak nang putak. Kung naging pistula lang ang bibig niya, magkakaroon ng Tauros m******e sa rami ng sibilyan na binawian ng buhay. Ang isyu niya, dinaya raw sila ng referee kaya natalo sila.
“Can you shut up, Tauros! Hindi mo ba napansin, ikaw lang ang nagrereklamo?” suway ko. Naiinis na ako sa inasal niya. Para kasi siyang bata na pikon kapag natalo. Wala man lang sportsmanship.
“Isa pa ito, akala mo kung sino ang naglaro. Player ka ba?” sagot niya.
“I am not a player, pero I witnessed the game. As far as I remember, ilang palya ba ang tira mo sa 4th quarter?” Inirapan ko siya.
“Boom!” sabay na kantiyaw ng tatlong lalaki maliban sa kausap ko na tinaasan ako ng kilay. Mukhang napikon sa totoong sinabi ko.
“Grabe ka sa akin. Nakita mo rin namang walang silbi ang tatlo, ’di ba? Pinagpawisan ngunit wala namang mga ambag. Hiyang-hiya sa pagsisikap ko para manalo kami sa laro,” sagot niya.
“Booooo!” sabay na sabi ng tatlong kaibigan niya.
“Kung makapagsalita ito, sportmanship lang naman ang kailangan mo. Hindi sa lahat ng laro, kayo dapat ang panalo. Kung makapanumbat ito, akala mo kung sino.”
“Tama. Tama,” pagsang-ayon ng tatlo.
“Bleh! Panget ka naman!” inis niyang sabi.
“Sa tingin mo, mahuhulog ba si Rius sa akin kung panget ako?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Inakbayan ako ng kasintahan ko. “Agreed, mahal ko.”
“Yucks. Ang gross niyo talaga,” sabi ni Tauros.
“Hindi ka naman makatanggap ng pagkatalo. Parang kang bata riyan. Be mature enough to accept a simple defeat.”
“Oo na. Hays! Babawi na lang kami sa next game.”
“At siguraduhin mong sa oras na iyon, you will know how to accept defeat,” paalala ko.
“Ang dami mong sinasabi,” inis na sabi niya.
Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon ko sa kasintahan ko. Pagdating namin sa parking lot, nagpaalam na kami ni Rius sa kanila. Pinagbuksan na ako ng sasakyan ng mahal ko at pinapasok. Sumunod naman siya.
“I’m tired,” panimula ni Rius nang makaupo na siya.
“Magpahinga ka na lang muna sa bahay,” suhestiyon ko.
“Gagawin ko talaga. Tara na?”
Nang dumating kami sa buhay, agad siyang dumiretso sa kuwarto ko. Itinanggal niya ang vest ng uniporme niya at isinabit sa likod ng pinto.
“Matulog ka muna at gagawin ko muna ang assignments natin,” sabi ko.
“Ako na ang sasagot sa akin. Para saan pa iyong effort mong turuan ako?” Tumakbo siya papunta sa higaan ko at tumalon. “A, magsusumikap akong makapagtapos nang may nalalaman. Iyon din naman ang gusto mo, tama ba?”
Napangiti ako. “Sige, bilib na talaga ako sa pagsusumikap mo.”
“Para sa sarili ko, sa future, at sa iyo. Gagawin ko ang best ko,” positibo na sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. “Sleep well, my man.”
“I love you.” Ipinikit na niya ang mga mata niya habang nakangiti.
Kumuha na ako ng damit sa cabinet at nagbihis sa banyo. Paglabas ko, humihilik na ang kasintahan ko. Napangiti na lang ako kasi alam kong nagpapansin lang siya.
Lumabas na ako ng kuwarto at pinuntahan ko ang mga kapatid ko sa sala. Sa mga oras na ito, nanunood lang sila ng TV at walang ginawang gawaing bahay.
“Wala tayong bigas, Ate. Wala akong masasaing,” anang Cap.
“Hindi rin ako makapagprito, Ate. Wala ng mantika,” ani Ri.
†Ikaw? Ano ang wala?” tanong ko kay Corn.
Nagkibit-balikat lang siya kaya kinurot ang pisngi niya. Ang guwapo lang ng tatlong kapatid ko. Nakagigigil.
“Huwag kayong mag-aalala, bibili ako,” sabi ko.
Bumalik ako ng kuwarto at kinuha ang wallet sa bag ko. Pagtingin ko, may laman na itong tatlong libo. Tiningnan ko si Rius habang hindi mapigilan na mangilid ang luha sa mga mata ko.
“Thank you,” sabi ko.
Mukhang nilagyan niya naman nang walang pasabi ang pitaka ko. Palagi ko siyang pinapaalahan na hindi niya responsibilidad ang problema namin dito sa bahay, pero makulit talaga siya. Ang palagi niyang sinasabi, gusto niya lang tulungan ang pamilya ko. Kaya hinahayaan ko na lang ang kabutihan ng loob niya sa amin. Darating din ang araw, makakabawi ako sa kanya.
Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa pinaka-unang tindahan mula sa aming bahay. Bumili na ako ng bigas, mantika, at iba pang kailangan sa bahay. May traysikel na huminto sa tapat ng tindahan, lumabas si Nanay mula sa loob. Sinalubong ko siya at kinuha ang bitbit niya.
“Ano iyan? Saan ka galing ng perang binili riyan?” tanong ni Nanay nang makita ang binili ko.
“Sa tangi ko po,” sagot ko.
“Batang ito talaga, namalengke lang ako.”
“Hayaan niyo na po. Kilala mo naman si Rius. Tara na po para makapagahinga na kayo sa loob.”
Pagdating namin sa bahay, agad tumayo ang mga kapatid ko sa kinauupuan nila at dumiretso sa kusina. Agad nilang isinuot ang tatlong kulay itim na apron na binili pa talaga ni Nanay sa kanila.
“Si Rius?” tanong ni Nanay nang hindi niya masilayan ang pigura ng mahal ko.
“Natutulog po. Napagod kasi sa laro,” sagot ko.
“Sige, magpapahinga na rin muna ako.”
“Okay po, Nay.” Nilingon ko ang mga kapatid ko. “Kayo na bahala rito, puntahan ko muna ang Kuya Rius ninyo.”
Tumango ang tatlo kaya pumunta na ako sa kuwarto. Pagdating ko roon, mahimbing ng natutulog ang mahal ko. Dahil wala akong magawa, kinuha ko muna ang laptop niya at doon gumawa ng takdang-aralin.
Pagbukas ko sa laptop niya, agad akong napangiti nang makita ang lawaran naming dalawa. Kahit paulit-ulit ko siyang tingnan, hindi pa rin ako nagsasawa.
Pinindot ko na ang web para mananaliksik sa aking takdang-aralin ngunit isang hindi kaaya-ayang website ang bumungad sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko habang tinitingnan ang kasintahan ko. Sa inosente niyang mukha, nanunood din pala siya nang ganoon. Pumasok tuloy ang isipan ko ang posibleng ginawa niya. Napailing-iling na lang ako kung bakit ko inisip iyon. Nilipat ko na ito sa Gooogleee at ipinagpatuloy ang dapat na gagawin ko.
Oras ang lumipas, natapos ko na ang pinagkaabalahan ko pero mahimbing pa rin sa pagtulog ang mahal ko. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Siya namang pagmulat ng mga mata niya. Bumungad sa akin ang kulay tsokolateng mga mata niya. Napangiti siya at agad inalalayan ako ng isang halik sa noo.
“Ang sarap sa pakiramdam, na sa pagbuklat ko ng aking mga mata, isang magandang binibini ang aking nakikita,” aniya.
“Thank you. Bumangon ka na at maaaring nakahanda na ang pagkain sa mesa. Kumain na tayo.”
“Kainin kita?” tanong niya. Ang lapad ng ngiti niya.
“Bibig nito. Marunong kang magtiis,” sabi ko.
“Ginagawa ko sa mga sandaling ito.”
Kinurot ko ang pisngi niya. “Ano iyong pinanunood mo roon sa laptop mo?”
“Nakita mo?”
“Kadiri ka, Rai. Burahin mo naman pagkatapos mong manood.”
“Nagmamadali kasi ako kanina.”
“Tsk!” Kinurot ko ulit ang pisngi niya. “Nagbibinata na talaga ang mahal ko.”
“Matagal na naman, e. Hinihintay ko na lang ang oras na iyon. Ang maihatid kita sa altar. Pagkatapos, iyon na. Puwede na.”
Napatawa na lang ako sabay tapik sa kanya. Nauna na akong bumangon at sumunod naman siya. Dumiretso siya sa pinto at isinuot ang vest niya.
“Si Nanay, nandito na?” tanong niya habang inaayos ang botones niya.
“Oo. Rai, salamat doon, ah?”
Tumango lang siya. Alam kong alam niya kung para saan ang pasasalamat ko sa kanya. Natatakot tuloy ako na malaman ng magulang niya ang ginagawa niya, maaaring iba ang iisipin niyon. Ipinakilala na ng ina niya sa akin ang ugali niya: matapobre. Para sa kanya, wala kaming puwang sa mundo. Nasa itaas siya at nasa ibaba kami.
“Ate, Kuya, kakain na raw,” anang Corn.
“Yes, boy,” sagot ni Rius.
“Kuya, nakita ko sa pic, may guitar ka. Puwedeng humiram po? Lately, nakahiligan ko po ang music at gusto kong tumugtog ng gitara. But sadly, wala kaming ganoon,” sabi ni Corn.
“Corn, huwag kang ganyan. Rius, don’t mind him,” sabi ko.
“Bibilhan kita bukas, gusto mo?” sabi ni Rius.
“Hihiram lang naman po. Hindi naman ako humihingi, e. Kaya huwag na lang po kung ganoon,” sagot ng kapatid ko.
“No, you need to push your passion.” Tiningnan ako ni Rius. “Iyon ang sinabi ng Ate mo sa akin. Gawin mo ang gusto mo at ipakita sa mundo ang galing mo.”
Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa sobrang saya. Isinasapuso niya talaga lahat ng mga sinabi ko. Hindi niya iyon hinayaan na lumabas lang sa kanyang kabilang tenga. At iyon ang isa sa mga nagustuhan ko talaga sa kanya. He is a good listener.
~~~