Monday. Pasukan na ulit sa trabaho. Nagmamadali si Karylle dahil late na siyang nagising. Napagod din kasi siya sa byahe. Kahapon lang pa siya nakabalik mula sa resthouse ni Kurt nasa ay noong nakaraang araw pa.
Paano ba kasi, iniwan lang siya ni Kurt doon sa resthouse nito. May biglaang lakad daw ito kasama ang barkada.
Ang sabi, babalikan lang siya nito ngunit hindi man lang nangyari. Kaya naman ay sobrang galit ng hindi siya binalikan nito. Buti na lang napakiusapan niya si Mang Karyo na ihatid siya kahit sa terminal man lang ng bus.
“So the slut is here.”
Gulat na napatingin si Karylle sa harapan niya ang harangin siya ni Ceanna pagkapasok niya sa lobby ng firm.
“Tabi.” Malamig na sabi ni Karylle.
“Wow, matapang kana ngayon?” Nag-uuyam na tanong nito.
Napataas naman ng kilay si Karylle. “So?”
Nakangisi at nakahalukipkip naman si Ceanna sa harap niya. “Lete guess, dinala ka ni Kurt sa resthouse niya?”
“Tapos?” Parang wala lang na sagot ni Karylle dito.
“I bet, dinala ka niya tapos iniwan lang din?” Tanong ni Ceanna na tila sigurado sa sinabi.
“I bet too, ganun din ang ginawa niya sayo matapos mo siyang sundan sa resthouse niya?” balik tanong ni Karylle sa babae.
Halos manglaki ang mga mata ni Ceanna ng sabihin niya yon. Lalo na at ramdam niyang nasa kanila ang atensyon ng lahat na narito sa labi.
“Walang reaction?” Nakakatawang tanong pa ni Karylle. “Bago ka kasi mangpuna ng iba siguraduhin mong wala silang mapuna sayo kasi sa totoo lang nakakahiya. At least ako, isinama papunta doon. Ikaw, sumunod papunta doon. For what? Para makuha ang atensyon niya?”
“You! Ang lakas ng loob mong sagot sagutin ako?! Do you know who I am?” Galit na tanong ng babae sa kanya.
“Bakit sino ka ba?” Balik tanong ni Karylle dito.
“Ako lang naman ang—”
Hindi na nagawang tapusin pa ni Ceanna ang sasabihin niya nang makitang papasok si Kurt sa lobby. Napatingin din si Karylle dito at naningkit ang mata na tiningnan si Kurt.
“Oh, f**k!” tanging wika ni Kurt ng makita siya. Marahil ay naaalala nito na dinala siya nito sa resthouse ngunit iniwan lang siya.
Taas ang kilay na tumalikod na lang aiya at nag-martsa papunta sa elevator. Wala siyang balak kausapin ito. Hindi rin ito nakahabol pa dahil hinarang na rin ito ni Ceanna.
Solo ni Karylle ang elevator dahil walang nagtangkang sumabay sa kanya. Kaya naman mabilis siyang nakarating sa top floor kung saan ang opisina niya. Agad niyang binuksan ang monitor sa harap niya upang masimulan ang trabaho. Maya-maya ay dumating naman si Kurt sa opisina. Hindi sana iti papansinin ni Karylle ngunit inutusan siya nito.
“Bring me a coffee to my office, please,” pakiusap nito sa kanya.
“Okay, sir,” sagot ni Karylle kahit ayaw niya.
Tumayo siya at pumunta sa pantry area upang ipagtimpla ito ng kape. Nang matapos ay diretso na siya sa opisina ni Kurt para ibigay ang kape na utos nito. Balikan na lang niya ang planner pata sa schedule ng lalaki ngayon.
“Sir, ito na po ang kape n’yo,” sabi ni Karylle dito.
“Please, put it here,” sabi nito at itinuro pa kung saan niya ilagay ang tasa ng kape.
Naglakad naman si Karylle palapit sa lalaki para ilagay ang kape sa gilid ng mesa nito. Ngunit halos napasigaw siya nang bigla na lang siyang hilain ni Kurt matapos niyang mailapag ang kape sa mesa niya. Napakandong siya sa mga hita nito.
“Are you mad, babe?” malambing na tanong nito at pinulupot pa ang mga braso sa baywang niya upang hindi siya makawala.
“Bitaw, Kurt,” utos niya sa lalaki.
“Ayaw,” parang batang sagot nito. “Galit ka eh.”
“Alangan namang matuwa ako matapos mo akong iwan doon,” sermon ni Karylle dito.
“Sorry, I forgot na nasa resthouse ka. Nagkayayaan ang barkada,” sabi nito.
“Wala akong paki. Bitawan mo ako.” Utos pa ni Karylle at nagpupumiglas pa.
Ang pagpupumiglas niya ay nawala namg kabigin siya nito paharap at halikan sa labi. Inayos pa nito ang pagkakandong niya at mas lalong pinalalalim ang halik. Gustuhin mang mag protesta ni Karylle ay hindi niya magawa dahil nadala na rin siya sa halik nito.
“Still mad?” Tanong nito pagkatapos ng halikan nila.
“Ewan ko sayo,” sabi naman ni Karylle at umalis sa kandungan nito.
“Sorry na. Di na maulit,” sabi nito.
“Talagang hindi na maulit dahil hindi na ako sasama pa sayo,” bwelta ni Karylle dito.
Inaayos niya ang damit niya at naglakad palabas ng opisina. Hindi na niya pinakinggan ang pagtawag nito sa kanya. Nailing na lang siya matapos makaupo sa upuan.
“Nababaliw na yata ako. Bakit baka bilis kung madala sa halik niya,” murmur niya.
Tinapik-tapik pa niya ang magkabilang pisngi niya upang magising sa kabaliwan. Pinili na lang niya g tapusin kung anong dapat tapusin nang sa ganun ay mawala sa isipan niya si Kurt.
Mag-alas diez na ng lumabas mula sa opisina nito si Kurt. Buong akala niya ay pagtripan na naman siya nito ngunit may inibilin lang pala.
“Babe, alis muna ako. Punta ako sa kumpanya ni daddy. Doon muna ako mag-duty. Ikaw muna bahala dito ah? Alam m9 naman ang gagawin since abogado ka rin naman,” bilin nito sa kanya.
“Okay,” sagot ni Karylle.
“And also,” sabi pa ni Kurt na parang sadyang ibinitin ang sasabihin.
“Don't miss me too much,” sabi nito sabay kindat sa kanya.
“Bakit naman kita mamimiss? Ano ba kita?” Sikmat ni Karylle dito.
“Your partner in bed,” sabi nito.
“Gago!” SigAw ni Karylle at binato niya ito ng flower vase na plastic flower ang laman na nasa harapan lang niya.
Buti na lang at nakalayo na ito sa kanya kaya hindi ito naabot ng itinapon niyang base. At dahil babasagin ang vase ay nabasag ito. Napabuntong hininga na lang si Karylle at tumayo upang linisin ang nagkapera-perasong base. Mahirap na baka may dumating at nakatapak ng bubog nito. Dagdag problema pa yon.
Muling bumalik si Karylle sa trabaho hanggang sa makaramdam siya ang gutom. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang mag alas una na. Kaya naman pala nagutom siya dahil nalipasan na siya ang kain.
Naisipan niyang bumaba sa cafeteria ng firm sa may ground floor. Nagmamadali siyang bumaba dahil parang nag rambulan na ang mga bulate sa tiyan niya.
Habang namimili siya ang kung anong gusto niyang kainin ay pansin niyang nag bulong-bulongan ang mga crew sa cafeteria. Dina sana niya papansin ito ngunit rinig niya ang pangalan ni Kurt.
“Kaya naman pala inilipat sa ibang department si Miss Ligaya dahil yung pinalit sa kanya ka-ff ni sir Kurt,” sabi ng isang medyo may pagka chubby na crew. Napakunot ang noo ni Karylle dahil hindi niya ma-gets yung “ff” na tinutukoy nila.
“Talaga? Mas maganda siguro kaya humaling si sir Kurt sa kanya,” sagot naman ng kausap niya.
“Anong silbi ng ganda mo kung wala kang dilikadeza,” sabi naman ng babaeng chubby.
“Ahem,” hindi na napigilan ni Karylle ang tumikhim upang makuha ang atensyon nila.
Nanlalaki ang mga mata ang mga ito ng makita siya. Nagsikohan pa ang mga ito na para bang sinasabi na lagot sila.
“Hi, alam nyo ba na may batas para sa mga taong gumagawa ng kwento kahit hindi naman totoo?” Nakataas ang kilay ng dalawang kilay ni Karylle habang tinatanong yon sa dalawa.
“Ahm, m-ma’am, nag-uusap lang po kami,” na-uutal na wika ng isang crew.
“Talking about who? Me and atty. Kurt?” tanong ni Karylle sa kanila.
“H-hindi po, ma’am. Hindi po kayo ang pinag-uusapan namin,” sanlala mg isa.
“Gawin nyo pa akong bingi ngayon?” pa-supladang tanong ni Karylle sa kanila.
“Hindi po, ma’am,” mas lalong kinakabahan ang dalawang crew. Pati ang ibang crew ay napatingin na rin sa gawi.
“Alam nyo bang paninirang puri ang ginawa nyo? Pwede kayong makakasuhan ng libel dahil sa mga sinasabi nyo na walang turuhanan. Gusto nyo ba yon?” tanong pa niya.
“Hindi po, ma’am. Sorry, sorry,” humihingi pa ng tawad ang dalawa.
“Sa susunod, pag-isipan n’yong mabuti ang mga salitang lumalabas mula sa bibig nyo. Dahil kapag makarinig ko pa ulit ito ay totohanin ko ang sampahan kayo ng kaso,” banta ni Karylle sa kanila.
Tumalikod na lang si Karylle sa kanila. Nawala ang gutom na nararamdaman niya kanina, napa-away pa siya ng crew sa cafeteria. Humakbang siya para sana maka-alis sa lugar na iyon nang pumasok si Ceanna kasama si Ms. Ligaya pa ang receptionist na hindi pa niya kilala hanggang ngayon.
“Kinakanti ka lang ni Kurt, masyado ng mataas ang tingin mo sa sarili mo?” nang-uuyam na tanong ni Ceanna sa kanya.
Naparolyo na lang ng mata si Karylle at lalagpasan na lang sana niya ang mga ito. Wala siyang balak makipagsagutan nito. Ngunit parang naghahanap talaga sila ng away dahil hinawakan siya ni Ceanna sa siko at pabalibag na ibinalik paharap sa kanya.
Sa sobrang lakas ng pagkahila nito kay Karylle ay nawalan ng balance ang huli. Tumama ang noo niya sa edge ng mesa dahilan upang dumugo ito.
“Aray ko po,” nakangiwing wika ni Karylle.
Hindi na niya magawa pang ipagtanggol ang sarili dahil nakaramdam na siya ng hilo. Ngunit bago sa tuluyang mawalan ng malay ay dumadagundong ang isang malakas na tinig na tila sobrang galit sa nangyari. Hindi na rin niya namalayan ang mga ibang nangyari dahil tuluyan na siyang inagaw ng dilim.