Matapos kumain sa romantic restaurant na iyon ay muling nag byahe sina Kurt at Karylle. Nasa labas na sila ng kamaynilaan ngayon. Buti na lang at sabado bukas, walang pasok.
“Saan ba ang punta natin?” di na napigilan ni Karylle ang magtanong.
“To my resthouse. This is our deal right, babe? Ang sumama ka sa akin sa resthouse ko,” sagot ni Kurt.
Napatango na lang si Karylle dahil naalala nga niyang napilitan na sumang-ayon siya sa gusto nito. Kung di lang siya natakot na may makakita sa kanila ay nunka siyang sasang-ayon dito.
“Are you okay?” tanong ni Kurt sa dalaga
“Oo,” tanging sagot ni Karylle.
“You're quite,” puna ni Kurt sa kanya.
“Pagod lang siguro,” sagot ni Karylle.
“Tired of what?” tanong pa ni Kurt at humarap pa sa kanya habang mag-drive. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Karylle sa ginawa ng lalaki.
“Hoy, ano ba? Sa daan ang tingin wag sa akin. Kitang gabi na eh,” saway ni Karylle na ikatawa ni Kurt ng malakas.
“Babe, kabit pipilit pa ako, alam ko ang daan,” sabi ni Kurt. “And besides, sa langit naman ang punta natin kaya no worries.”
“Gago! Idamay mo pa ako,” sabi ni Karylle.
Muntik pa siyang mapasobsob ang biglang magpreno si Kurt. Napasigaw pa siya sa lakas ng impact non. Buti na lang at naka seatbelt siya kaya hindi siya nauntog.
“Ano ba? Magpapakamatay ka ba?!” Sigaw ni Karylle.
Sa galit niya ay binaklas niya ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Sobrang dilim ng paligid. Hindi pa naman siya sanay sa madilim. Kaya natatakot siya. Kahit naman laki siya sa hirap hindi naman niya naranasan ang mawalan ng ilaw.
Hahakbang sana siya ngunit naunahan siya ng panic niya lalo pa at nakarinig siya ng kalabog. Pakiramdam niya ay may hihila sa kanya anytime.
“Ahhh!” Sigaw ni Karylle ng maramdaman na may humawak sa kanya.
“Shhh. It's just me,” bulong ni Kurt na mas lalong nagpatayo ng mga balahibo ni Karylle.
“Gago ka talaga. Gusto mo talagang patayin ako?” Sikmat ni Karylle dito.
“I'm sorry, I was just kidding,” depensa n8 Kurt dito.
“Pag ako mamatay, multohin talaga kita.
“Wag naman. Mamahalin pa kita,” sabi ni Kurt.
“Ewan ko sayo,” sabi ni Karylle at pinag-cruz arm pa ang dalawang braso sa dibdib.
Ramdam na din kasi niya ang ginaw dahil malamig ang panahon. Nagulat na lang si Karylle nang may tux na bumalabal sa likod niya.
“Para hindi ka ginawin,” inunahan na siya ni Kurt sa balak niyang magreklamo.
“Thank you,” sabi na lang Karylle.
“Welcome, babe. Sorry for what happened. I swear, hindi na mauulit,” sabi ni Kurt.
Tumango na lang si Karylle at tumalikod sa lalaki. Ngunit sa pagtalikod niya ay namangha siya sa view na nakikita niya sa ibaba. Ang ganda ng mga city lights plus may parola pa na nagbibigay ilaw sa kabilang isla.
“Wow,” namamangha na wika ni Karylle.
“You like it?” tanong ni Kurt dito.
“Ang ganda,” manggang sabi ni Karylle.
“Yeah, that's right,” sabi ni Kurt.
Napalanghap si Karylle ng hangin. Ngayon lang niya napansin na sariwa ang simoy ng hanggang nalanggap niya. Nakakawala ng stress kay hindi niya napigilang mapasigaw matapos maibuga ang hanging nalanghap.
Napapikit at idinipa pa niya ang mga kamay sa sobrang kapreskohan ng hangin. Napabuka lang siya ang mga mata ang maramdaman ang mga braso ni Kurt na yumakap sa baywang niya. Idinantay pa nito ang panga sa balikat niya.
“Kurt,” sita ni Karylle dito.
“Let's stay like this for a while, please,” sabi nito sa kanya.
Aangal pa sana si Karylle ngunit ramdam niyang pagod ang lalaki. Kaya naman ay hinayaan na lang muna niya ang posisyon nila.
“You know what, babe. I really liked you the first time I saw you at the bar,” sabi nito sa kanya. That's why I really want to be you during that time.”
“Kaya dinala mo ako sa hotel?” tanong ni Karylle.
“Yes, and the rest is history. But something came up. May hearing ako kaya pinuntahan ko muna ngunit pagbalik ko wala ka,” sabi ni Kurt.
“Sino ba namang babae na maghihintay pa kung pinamukha mo sa kanya na isa siyang bayaran?” sikmat naman ni Karylle sa mahinang boses.
“Bayaran? I never thought of you that way,” sanlala ni Kurt.
“May cheke, Kurt. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?” sabi pa ni Karylle.
“I know, pero sana naghintay ka pa rin,” wila naman ni Kurt.
“No. Hindi ko ugali ang maghintay,” sabi ni Karylle. “Isa pa, malay ko bang babalik ka? Kasi ang alam ko, pagkatapos ng pagsawaan ng lalaki ang babae ay itatapon na lang niya ito na parang basura.
“Well, not me. And I will never do that to you, babe. That's a promise.” Pangako ni Kurt.
Hindi na sumagot pa si Karylle. Speechless siya sa sinasabi nito. Hindi niya alam kung paano sagutin ang binata. First time niyang makaranas na may nangangako sa kanya. Hirap tuloy siyang paniwalaan ito. Pero aminado siya nararamdaman siyang kakaiba sa mga sinasabi nito.
“Come on, let's go inside. Malamig na dito sa labas,” sabi ni Kurt sa kanya at inalalayan siya na makabalik sa loob ng sasakyan.
Hindi na kumontra pa si Karylle lalo na at pansin niya medyo kakahoyan na yon. Delikado makatambay doon lalo pa at masyado ng gabi. Baka may biglang susulpot na kung ano.
Nagsimula na ulit na magmaneho si Kurt. Naging tahimik na ang byahe niya hindi katulad kanina na medyo maingay pa si Kurt. Nakaramdam tuloy ng boredom si Karylle.
“Malayo pa ba tayo?” basag ni Karylle sa katahimikan.
“Malapit na, babe,” sagot ni Kurt sa kanya.
Tumango lang si Karylle bilang pagsang-ayon. Maya-maya ay iniliko nito ang sasakyan papasok sa isang kanto. Hindi sure ni Karylle kung saan sila pero nakarinig siyang hampas ng alon. Marahil ay malapit sa anyong tubig ang resthouse nito.
Bumusina si Kurt ang makarating sila sa isang white gate. Ilang minuto ang hinintay nila at may nagbukas nito. Pansin ni Karylle na may katandaang na lalaki ito.
“Sir Kurt, ginabi yata kayo ngayon,” sabi ng matandang lalaki na siyang nagbubukas ng gate.
“Medyo traffic sa daan, Mang Karyo,” magalang na sagot ni Kurt matapos maipark at makalabas sa sasakyan.
“Ah, akala namin ni manang Liling mo, hindi ka muna uuwi dito,” sagot ng matanda.
“Pwede ba naman yon? Halos di na nga makabisita si daddy dito tapos di ko pa kayo uuwian?” pabirong sagot ni Kurt.
“Ikaw talagang bata ka. Hanggang ngayon maloko ka pa rin,” natatawa na wika ng matanda.
“Nagbago na po ako, Mang karyo,” wika ni Kurt na napakamot pa ng batok. “Nga pala, si Karylle po.”
“Hello po, Mang Karyo,” bati ni Karylle.
“Abay, napakagandang bata. Saan mo napulot to?” biro ni Mang Karyo. Namumulang napailing naman si Karylle sa sinabi nito.
“Napulot ko sa opisina, Mang Karyo,” pabiro ring sagot ni Kurt.
Nagtawanan ang dalawang lalaki na tila sila lang dalawa at wala sa harapan nila ang babaeng pinag-uusapan nila. Napailing na lang si Karylle sa dalawa. Maya-maya ay may lumabas naman na matandang babae.
“Narito kana pala, hijo. Kanina pa naghihintay ang pagkain. Lumalamig na yon. Bakit kasi ngayon ka lang?” sermon ng matandang babae.
Medyo na-guilty naman si Karylle sa nangyari. Nag-iinarte pa kasi siya sa daan at may palabas-labas sa kotse pa siyang nalalaman ayan tuloy ginabi sila masyado.
“Pasensya na, manang Liling. Traffic sa daan eh,” sagot na lang ni Kurt. “Si Karylle po pala.”
“Mano po, manang Liling,” sabi ni Karylle sabay kuha ng kamay ng matanda at nagmano.
“Kaawaan ka ng Diyos, anak.” wika ni Manang Liling pagkatapos au binalingan si Kurt. “Halina kayo sa kusina para makakain kayo. Iinitin ko lang ang ulam para sa inyo.”
Tumango na lang ang dalawa. Gustuhin man nilang tumanggo dahil nakakain na sila sa daan ay hinayaan na lang ang matanda na pagsilbihan sila. Ayaw naman nilang ma offend ito. Nag-effort pa naman na ipagluto sila dahil alam nitong darating sila.
Nag-enjoy naman sila sa pagkain ng mga luto ni Manang Liling. Sobrang sarap papa nitong magluto to the point na naging magana ang pagkain nilang dalawa ni Kurt.
“Manang, kain din po kayo,” pag-aya mi Karylle dito.
“Hindi na, anak. Tapos na kami niang Karyo mo,” sagot nito sa kanya.
“Sigurado kayo? Marami pa naman ito,” sabi pa ni Karylle.
“Oo, nak. Busog na din naman ako,” sabi pa nito. Tumango na lang si Karylle sa sinabi nito.
Napag-alaman niyang mag-asawa pala sinanMang Karyo at Manang Liling. May mga anak sila ngunit nagsipag-asawa na lahat kaya sila na lang mag-asawa ang magkasama ngayon.
Mayordoma si manang Liling dito samantalang guard or driver naman si mang Karyo pag kinakailangan lalo na kapag nandito ang ama ng binata. Matagal na silang nanilbihan sa pamilyang Villarin kaya naman ay hindi na rin sila umalis pa sa pagserbisyo para sa pamilya nito.
“Thank you, manang. Ang sarap mo pong magluto,” sabi ni Karylle habang tinulungan ang matanda sa paglilinis ng kusina.
Nag-volunteer siyang maghugas ng pinagkainan nila ngunit hindi siya pinagbigyan ng matanda kaya naman ay pinunasan na lang niya ang lamesa.
“Salamat at nagustuhan mo, anak,” sabi ni manang Liling. “Buti na lang at hindi ka katulad ng ibang babae na mapili sa pagkain. Nakikain na nga lang nanlait pa.”
“Sino, nang?” curious na tanong ni Karylle.
“Di ko kilala. Basta abogada din tulad ni Kurt,” sagot ni Manang Liling.
“May ibang dinala ai Kurt dito?” Tanong pa ni Karylle.
Malakas ang loob niyang magtanong dahil sila na lang dalawa ni Manang Liling dito at nasa taas na si Kurt.
“Wala naman. Kaso sinundan siya dito may ikukunsulta daw. Kaso ng offeran ko ng makakain tudo lait,” sabi pa ni Manang Liling. Dini-describe nito ang babae kung paano ito lumakad, magsalita at manamit.
Napatango na lang si Karylle sa sinabi nito. Base sa sinabi nito parang alam na niya kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na lang siya nag-usisa pa baka sabihin masyado siyang tismosa.
Mahirap na baka mas lalong sumama ang impression ng matanda sa babae kapag dinugtungan pa niya. Nagpaalam na lang siyang pumunta sa sala upang hintayin makabalik si Kurt mula sa taas.