Pumasok si Karylle sa opisina ni Kurt nang makatanggap siya ang tawag mula sa receptionist sa baba na nasa conference room na daw si Mr. Turalba.
Nadatnan niyang tutok sa mga papeles ang lalaki. Seryoso talaga ito pagdating sa trabaho pero pagdating sa kanya para itong walang isip kung aasarin siya.
“What is it, babe?” tanong nito sa kanya. Napakurap naman si Karylle ng marinig ang boses nito.
“Nandito na si Mr. Turalba, sir. He's waiting in the conference room,” sagot ni Karylle.
“Good. Let's get this done. This settlement needs to be finalized before the trial date,” sagot ni Kurt. Tumango naman si Karylle sa sinabi nito.
“Naipadala ko sa abogado ni Ms. Garcia ang draft agreement. We're just waiting for their response,” imporma no Karylle.
“Good Job, babe. Bilis mong matuto ah. Hindi na kailangan na sabihan kung ano ang dapat gawin,” pagpupuri ni Kurt dito.
“Hindi naman kasi ito trabaho ko kaya basic lang to sa akin,” sabi ni Karylle. “Kung sana nilagay mo ako sa tamang pwesto edi sana hindi ganito kadali.”
Natatawa na lang si Kurt sa reklamo ni Karylle. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Kung tutuusin ay pwede niya itong bigyan ng kaso na pwede nitong hawakan gusto niya ito na nasa tabi lang niya.
“Soon, babe. Ililipat din kita, hmm?” Sabi ni Kurt sabay hapit sa baywang ni Karylle palapit sa kanya.
Napahawak naman si Karylle sa braso nito upang hindi siya ma out of balance. “Ano ba, Kurt. Baka may makakita.”
“Wala naman. Tayo lang ang nandito,” husky na sabi niya.
“Manyak mo talaga-”
Hindi natapos ang sasabihin ni Karylle dahil lumapat na ang labi ni Kurt sa labi niya. Napasinghap pa aiyaang kagatin nito ng ibabang labi niya. Ginamit naman itong pagkakataon ni Kurt upang makapasok ang dila niya sa loob.
Napaungol na lang si Karylle dahil sa init na hatid nito. Yung kamay niya na nasa braso ay nasa batok na ngayon habang sinasabayan ang lalaki sa ginawa. Nawala sa isip niya na may naghihintay na kliyente sa conference room.
Binuhat siya ni Kurt at pinaupo sa table nito ng hindi man lang hiniwalay ang mga labi niya. Halos mapahiga siya kakaliyad habang patuloy na naglaplapan ang mga labi nila.
Bumaba ang halik ni Kurt sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay unti-unti ng pumasok sa loob ng blouse niya at tinumbok ang dibdib niya. Garterize pa naman ang bra niya kaya kahit hindi na i unclaps sa likod ay kaya nitong pasukin ng kamay nito.
“Ahhh, Kurt…” daing ni Karylle.
“That's right, babe. Moan my name,” paos na sabi ni Kurt.
Patuloy lang si Kurt sa pagsipsip sa leeg niya hanggang sa maalala ni Karylle na naghihintay si Mr. Turalba sa conference room.
“s**t!” Bulala niya.
“Why?” tanong ni Kurt sa kanya.
Sa inis ni Karylle ay tinampal ni Kurt sa braso nito. Napaaray naman ang huli dahil medyo may kalakasan ang pagkatampal niya.
“Gago ka ba? May kliyente naghihintay sa conference room!” Sigaw ni Karylle.
Napa halakhak naman si Kurt nang ma-realize ito. Muntik din niyang makalimutan si Mr. Turalba. Paano ba naman, nakakawala sa katinuan itong kasama niya.
“Alis kaya dyan. Mag-ayos pa ako,” bulyaw ni Karylle.
Umalis naman si Kurt sa ibaba ng dalawa. Tinulungan pa niya itong makatayo ng tuwid. Inayos naman ni Karylle ang sarili. Mabuti na lang at may parte sa loob na salamin ang wall. Hindi na niya kailangan lumabas pa upang ayusin ang sarili.
Pulang-pula siya ang ma-realize na pwede pala niyang makita ang sarili na nakipag ano sa boss niya sa pamamagitan lang ng pagtingin sa salamin dito.
“What are you thinking, babe? Your face is so red, hmmm?” tukso ni Kurt sa likod niya.
“Wala, masyado mainit,” sabi ni Karylle dito.
Ipinagpatuloy na lang ni Karylle ang pag-aayos ng damit niya. Ngunit sayang makulit talaga ang lalaki ay pumapaloob na naman sa kamay nito sa kamay nito sa loob ng blouse niya.
“Ano ba, Kurt. May kliyente na naghihintay sa conference room,” saway ni Karylle sabay tampal ng kamay niya.
Natatawa na inalis naman ni Kury ang kamay niya sa loob. Siya pa ang nagpapatuloy sa pag-aayos ng damit ng babae.
Si Karylle naman ay pigil ang hininga na hinayaan ang lalaki sa ginagawa. Nang makitang ayos na ang damit niya au ang buhok naman niya ang pinagdiskitahan nito.
Sinuklay nito ang buhok ni Karylle gamit ang mga daliri niya. Tinali pa niya ito gamit ang panali na nasa palapulsohan ng dalaga. Nang matapos ay ang sarili naman niya ang inaayos ni Kurt.
“Babe, can you please fix my tie?” Lambing ni Kurt sa babae na ngayon ay nakaupo na sa isang upuan kaharap ang working table niya.
“Alam mo naman paano ayusin yan,” sagot ni Karylle.
“Please?” pakiusap pa ni Kurt.
Wala nang magagawa si Karylle kundi ang tumayo at ayusin ang necktie ng lalaki. Hindi naman talaga malaki ang ayusin kailangan lang papahigpitan ang tie. Masyado lang talagang OA ang lalaking ito.
Kung pwede pa lang mas higpitan pa niya kaso baka masipa siya palabas ng firm. Mawalan pa siya ng trabaho. Hirap pa naman ngayon na maghanap ng trabaho.
“Done,” sabi ni Karylle.
“Thanks, babe,” sabi ni Kurt sa kanya.
“Let's go. Kanina pa naghihintay si Mr. Turalba sa conference room,” sabi ni Karylle.
“That can wait,” sabi naman ni Kurt.
“That can wait ka dyan. Napaka unprofessional mo,” puna ni Karylle sa lalaki.
“Yes u make me unprofessional,” sagot sa kanya ni Kurt.
“Gago! Tara na nga!” Sabi ni Karylle at tatalikod na sana ng hapitin siya ni Kurt sa baywang. Halos pa pasinghap na lang siya sa ginawa nito.
“I told you before na kapag may ipapangalan ka sa akin na kung ano ay papatunayan kong ganon ako?” Pilyong wika ni Kurt sa kanya.
“Pwede ba saka mo nanyan patunayan kapag natapos mo ng kausapin si Mr. Turalba?” nakataas ang kilay na bulyaw niya sa lalaki.
“Sure, babe. I'll do it later,” natatawa na binitiwan siya ni Kurt.
Napailing na lang si Karylle at nauna nang lumabas sa opisina nito. Sumunod naman sa kanya si Kurt na dala ang attache case kung saan naglalaman ng mga papeles tungkol sa kaso ng kliyente niyang si Mr. Turalba.
Diretso na silang dalawa sa elevator papunta sa 4th floor kung saan ang conference room. Ang firm ni Kurt ay may anim na palapag kaya mataas din ang building na ito. Bawat floor ay naglalaman ng iba’t-ibanh legal department maliban sa 4th floor at 6th floor kung saan ang opisina ni Kurt.
“Good morning, sir,” bati ng mga empleyado ng huminto ang elevator sa 5th floor.
“Morning,” nakangiting bati rin ni Kurt. “Get in.”
Nagkatinginan naman ang mga ito kanya-kanyang pasok ng mga empleyado na naghihintay sa labas. Napaisip tuloy si Karylle kung wala bang ibang sumabay sa lalaki kapag nasa loob ito.
Wala pa kasi siyang matatandaan na may kasama itong iba tuwing nasa elevator ito, maliban sa mga executive at kliyente nito.
Nang bumukas ang elevator ay nauna nang lumabas si Kurt. Sumunod naman si Karylle sa lalaki pero bago magsara ang elevator ay rinig pa ni Karylle na napabugs ng hangin ang mga empleyado sa loob.
“Ganyan ka na sa mga empleyado mo?” di maiwasang tanong ni Karylle dito habang naglalakad.
“About what?” balik tanong ni Kurt dito.
“You're making them uncomfortable,” sagot ni Karylle.
“No. Sila lang naman nag-isip ng ganun,” sagot ni Kurt.
“Weeh, sa nakikita ko sa nakila kanila ay parang natatakot silang kumilos. Parang isang maling galaw lang nila kakainin mo silang buhay,” sabi pa ni Karylle.
“What about you? Nakakot ka ba sa akin?” Tanong ni Kurt at humarap sa kanya. Hindi pa ito nakuntinto, halos tawirin ang pagitan nila.
Napaatras naman si Karylle sa nangyari. At dahil isang dakilang pilyo itong ai Kurt ay humakbang pa ito palapit sa kanya dahilan upang paatras ng lakad si Karylle . Hanggang sa wala na siyang maatrasan pa dahil semento na ang nasa likod niya.
“Ano ba, Kurt. Hanggang dito ba naman ganyan ka,” reklamo ni Karylle.
“I’m just testing you if you're afraid of me,” bulong ni Kurt sa kanya. Tinapat pa nito ang magkabilang palad bawat gilid ni Karylle.
“Hindi ako takot sayo. Nasa trabaho tayo kaya dapat umakto ka ng tama. Boss ka pa naman,” sermon ni Karylle.
Umayos naman ng tayo si Kurt. “Right, we're at work. Sorry I forgot everything kapag kasama kita,” labas sa ilong na sabi nito.
Napairap na lang si Karylle at naunang ng maglakad patungo sa conference room kung saan naghihintay si Mr. Turalba. Sumunod naman sa kanya si Kurt na parang walang nangyari.