Busy si Kurt sa kakaaral ng mga kasong hawak niya dito sa loob ng malawak niyang opisina. Moderno ang mga kagamitan niya dito sa opisina at sa likod niya ay ang glass kung saan makikita ang malawak at mga nagtataasang building.
Marami siyang mga naging kliyente simo ng itayo niya ang firm. Sino ba naman ang hindi mawawalan ng kliyente kung ang isang Kurt Matthew Villarin ang magiging abogado mo? Magaling, straight to the point, at higit sa lahat may experience na pagdating sa abogasya.
Napaangat siya ng tingin ng marinig niya bumukas ang pinto ng opisina niya. Napangiti siya ng makita si Karylle na pumasok.
“Babe, you missed me already?” umandar agad ang pagiging pilyo niya. Irap ang iginante ni Karylle sa kanya.
“Mr. Turalba is here, attorney. He's ready for his consultation.” Anunsyo ni Karylle.
“Ito naman, masyadong formal to. Just call me by my name, okay?” pakiusap ni Kurt.
“No. Boss kita,” tanggi ni Karylle.
“Oh, come on. We know each other already. Ano na lang sasabihin ng bayaw mo kung hahayaan kitang tawagin ako ng ganun?” Wika naman ni Kurt.
Naparolyo na lang ng mata si Karylle. “Mr. Turalba is waiting.”
Napatango na lang si Kurt. Alam niyang di talaga magpapalatalo ang babae. “Alright, Let him in, babe.”
Napailing na lumabas na lang sa opisina si Karylle. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik ito kasama si Mr. Turalba na sa tingin niya ay nasa late 40s na. Kitang kita sa mukha nito ang pagiging problema at medyo kinakabahan pa.
Tumayo si Kurt upang salubungin ang bago kliyente niya. Sabay abot ng kamay niya. “Mr. Turalba, please, have a seat. Thank you for coming in.”
Tinanggap naman ito ni Mr. Turalba. “Thank you, Attorney …”
“Kurt. Just Kurt,” saway ni Kurt sa kliyente niya.
Si Karylle ay akmang lalabas na ngunit pinigilan lang ito ni Kurt. “Ano?
“Stay. I need someone to take down notes,” utos sa kanya ni Kurt. Tumango lang si Karylle bilang pagsang-ayon.
“Kurt. It's good to finally meet you. I've heard good things about your firm,” pagpuri ni Mr. Turalba kay Kurt. Tumango naman si Kurt.ng marinig yon.
“I appreciate that. Have a seat Mr. Turalba,” ani ni Kurt dito habang sininyasan ito na umupo sa bakanteng upuan. “Now, tell me, what brings you here today?”
Huminga muna ng malalim si Mr. Turalba bago ito nagsasalita. “It’s about my children. Me and my ex-wife are already annulled, at siya ay nakikipaglaban para sa kustodiya. I want sole custody for my children.”
“I understand,” sabi ni Kurt at napatango-tang pa. “This is a very difficult situation. Can you tell me more about the circumstances?”
Ipinaliwanag ni Mr. Turalba ang kanyang sitwasyon, idinetalye ang mga pagkukulang ng kanyang dating asawa bilang isang magulang at ang kanyang sariling pangako sa kapakanan ng kanyang mga anak. Samantalang si Kurt at Karylle ay mariing nakikinig.
“I see. And what about your wife's arguments?” Tanong ni Kurt kay Mr. Turalba.
“Well, gusto niya sa kanya lang ang mga bata kahit gustong sumama sa akin ang mga bata. Hindi na rin niya ako pinayagan makasama man lang sila,” emotional na wika ni Mr. Turalba. Napatango naman si Kurt sa narinig. Napaisip din siya kung ano ang dapat niyang gawin.
“This is a complex case, Mr. Turalba. We need to carefully consider all the factors involved, including the children's best interests,” wika ni Kurt sa lalaki.
“My pag-asa ba ako dito?” umaasang tanong ni Mr. Turalba.
“It's too early to say for sure,” prangka na wika ni Kurt sa lalaki. “ We need to gather evidence, prepare a strong case, and present it effectively to the court.”
“Handa akong gawin ang lahat para makuha ang kustodiya ng aking mga anak,” determinado na wika ni Mr. Turalba.
“That's the right attitude. We'll work together to achieve the best possible outcome,” pag-aasure ni Kurt dito.
“Thank you, Kurt. Pakiramdam ko, medyo nabawasan ng konti ang kaba ko,” sabi ni Mr. Turalba. Ngumiti naman si Kurt dito.
“Kaya nga tayo nandito para mabawasan ang mga dinadala mo,” Now, let's discuss the next steps.”
“Okay,” sagot ni Mr. Turalba.
Saka pa lang kumilos si Karylle at nagbigay ng mga papeles sa kliyente nila.
“Mr. Turalba, here are some forms you'll need to fill out.”
“Thank you,” sabi ni Mr. Turalba at kinuha ang mga papeles mula kay Karylle.
Nagpatuloy ang discussion nila kung ano ang possible nilang gawin para sa kasong ito. Alam nilang hindi ito madali lalo na at may batas talaga na nagtatag ang mga ank ay dapat nasa custody ng ina.
“Karylle, please schedule a meeting with Mr. Turalba's wife's attorney to discuss a potential settlement.” Utos ni Kurt kay Karylle.
“Sure. Noted, sir,” sagot ni Karylle na nagpakunot ng noo ni Kurt ngunit hindi lang pinapahalata sa kliyente nila. Binalingan na lang ni Kurt si Mr. Turalba.
“ Mr. Turalba, we'll keep you updated on our progress. In the meantime, please don't hesitate to contact us with any questions,” bilin ni Kurt dito.
“Salamat, Kurt. I appreciate your time and your willingness to help,” sabi ni Mr. Turalba at nakipag kamay sa huli. Tumayo naman si Kurt at tinanggap ang pakikipag kamay nito.
“It's our pleasure, Mr. Turalba,” nakangiting wika ni Kurt. “We'll do everything we can to fight for your rights and your children's well-being.”
Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na si Mr. Turalba. Naiwan aina Kurt at Karylle sa loob. Kaya naman ay tumayo na rin si Karylle upang makabalik sa cubicle sa labas.
“Where are you going?” Tanong ni kurt sa dalaga.
“Ahm, babalik sa mesa ko. Bakit?” balik yanong ni Karylle.
“Wala ka man lang sasabihin kung paano ko hinahandle ang kliyente ko?” tanong ni Kurt sa kanya.
“Normal lang naman ang ginagawa mo bilang abogado. Wala namang kaibahan non,” sagot ni Karylle.
“What? You're not impressed?” halos hindi makapaniwala ang lalaki sa tinuran ni Karylle.
“Goodness, Kurt. Kahit sino pwedeng gawin yon. Kahit ako kaya kung gawin yon,” naiiling na sagot ni Karylle.
“Yay, I really like the way you called my name,” wika ni Kurt na tila kinikilig pa.
“Gago. Mag seryoso ka nga. Para kang hindi abogado,” saway ni Karylle dito.
Sa gulat ni Karylle ay bigla na lang masa harapan ang lalaki. Hindi niya malaman kung aatras or itulak ba niya dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.
“Do you know what made me come near you three years ago?” Bulong nito sa kanya.
Langhap na langhap ni Karylle ang mabangong perfume nito dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Pati ang mainit na hininga ay ramdam niya gawa ng maykalamigang sild.
“You have tantalizing eyes, a beautiful face, and a body to die for,” bulong pa nito. “Kung di mo lang ako nilayasan sa hotel, hindi lang sana one night stand ang nangyari sa atin.”
“Gago!” natauhan naman si Karylle sa mga sinasabi nito.
Napatawa na lang si Kurt sa reaction ni Karylle. Hinayaan na lang niyang itulak siya ng babae. Mabilis namang umalis sa harapan ni Kurt si Karylle at diretsong lumabas sa opisina nito.
Halos paypayan ni Karylle ang sarili matapos niyang makabalik sa cubicle niya. Pakiramdam niya ay nauuhaw siya sa sobrang pagmamadali. Kinula na lang niya ang tumbler niya at naglakad palapit sa water dispenser upang makakuha ng tubig para inumin.
“Maling firm yata pinasok ko. Parang iba ang natutunan ko dito ah,” bulong niya sa sarili at uminom ng tubig ngunit nagulat na lang siya nang may bigla na lang na kaya ang yumapos sa baywang niya.
“Any ng natutunan mo, babe?” Pabulong na tanong ni Kurt.
Muntik pang maibuga ang inumom niya. “Ano ba?! Mamatay ako ng maaga sayo.”
“Hindi mangyayari yon. Marami pa akong plano para sa atin,” sabi naman ni Kurt.
“Ewan ko sayo!” Bulyaw ni Karylle dito. “Tabe nga, marami pa akong gagawin.”
Sinundan naman ni Kurt ang dalaga sa cubicle nito bagay na mas lalong ikinairita ni Karylle. Parang hindi marunong makiramdam ang lalaki at gusto siyang laging binubweset nito.
“Ano na naman? Marami pa akong gagaein. Alam mo ba yon?” bulyaw ni Karylle.
“Relax, babe. Pagpapaalam lang ako,” natatawa na sabi ni Kurt.
“Ano?!” balik tanong ni Karylle.
“Lalabas ako. Bukas na ang balik ko,” sabi ni Kurt.
“Go. Ikaw naman boss,” sabi ni Karylle.
“Hindi mo ako mamimiss?” tanong pa ni Kurt.
“Hindi. Kaya layas at wag ka nang bumalik,” sabi pa ni Karylle.
“That’s impossible. It's my firm, remember?” Pang-alaska ni Kurt.
Hindi na lang sumagot si Karylle dahil alam niyang hahaba na naman ang usapan kapag sumagot pa siya. Mukhang naintindihan naman ni Kurt ang nais iparating ng dalaga kaya tuloyan na siyang nagpaalam at umalis.
Nakahinga naman ng maluwag si Karylle nang mawala ito. Sa wakas ay may peace of mind siya at makapag-focus sa trabaho niya. Nagawa niya ito ng walang disturbo.
Tinawagan niya ang ex-wife ni Mr. Turalba upang makapag-set ng schedule dito. Sinungitan pa siya noong una pero ganun pa man ay mas pinili niyang magpaka-profissional kaysa ang makipag-debate nito. Nang sa wakas ay pumayag itong makipag-meeting sa kanila para sa kustodiya ng mga bata.