“Mr. Turalba, good to see you again,” bati ni Kurt ng makapasok sila sa conference room. “Please, have a seat.”
“Good morning, Kurt,” ganting bati ni Mr. Turalba. “Kinakabahan ako sa meeting na ito.”
“I understand. This is a significant step in the process. We're going to work through this together,” ani ni Kurt bago binalingan si Karylle. “Miss Martinez, would you please get us some coffee?”
“Sige po. Walang problema,” sagot ni Karylle at tumalikod na upang makapunta sa pantry para gumawa ng kape sa kanila.
“Now, Mr. Turalba, diretsohin na kita,” panimula ni Kurt. “Ms. Garcia's attorney has sent us a counter-proposal. It's not entirely unfavorable, but it does require some adjustments.”
Napangiwi naman si Mr. Turalba sa narinig. Halos mapabintong hininga na lang siya. “Hindi ko masyadong maintindihan. Ano ba ang mga adjustment na tinutukoy nila?”
“Una, paghatian ang mga anak nyo. Nag-suggest sila na paghatian na lang sila,” sagot ni Kurt sa kliyente niya.
“But I thought we had a good agreement in place?” Kinakabahan na wika ni Mr. Turalba.
“We did, but Ms. Garcia's attorney is understandably trying to get the best deal for her client. This is a negotiation, Mr. Turalba. We need to be prepared to compromise.” Sagot naman ni Kurt. Napabunyong hininga na lang si Mr. Turalba.
“Gusto ko lang matapos to. Pagod na akong makipag laban para sa karapatan ko,”
“I understand. And I assure you, this meeting is a step closer to finalizing the settlement,” sabi ni Kurt dito.
Ilang saglit lang ay muling pumasok si Karylle dala ang tatlong tasang kape. Tig-isa silang tatlo ni Kurt at Mr. Turalba.
“Here's your coffee, Mr. Turalba,” ani ni Karylle dito.
*
“Thank you, Karylle,” pasasalamat ni Mr. Turalba dito na tinanguan lang ni Karylle.
“Now, let's review the counter-proposal. I've highlighted the key differences,” sabi ni Kurt matapos sumipsip sa kapeng dala ni Karylle.
Kinuha ni Kurt ang mga document na nasa attache case at nilagay sa mesa. Sinimulan niyang i explain kay Mr. Turalba ang mga document. Isa-isa niyang inilatag ng maigi ang sitwasyon at kung ano ang dapat gawin para sa ikabubuti ng kaso nila.
“Ultimately, Mr. Turalba, the decision is yours. Do you want to accept their offer, counter with our own revisions, or proceed with the trial?” Sabi ni Kurt dito.
Napabuga na lang ng hangin si Mr. Turalba. “Pwede pag-isipan ko muna? Pwede bang makahingi ng ilang araw para dito?
“Of course Mr. Turalba. Nandito lang kami. Karylle will be available to answer any questions you may have,” sagot ji Kurt dito.
“Thank you, Kurt. I appreciate your patience,” pasasalamat ni Mr. Turalba dito.
“It's our job, Mr. Turalba. We're here to help you through this process,” sagot ni Kurt.
Ilang saglit pa at nagpapaalam na si Mr. Turalba na hinayaan lang nina Kurt at Karylle. Kinuha nito ang mga gamit niya at umalis na ng conference room. Naiwan sila Kurt at Karylle dahil pinag-uusapan pa nila ang tungkol sa kaso.
“I think we're making progress. Ms. Garcia's attorney seems open to a settlement.” Sabi ni Kurt kay Karylle.
“Yeah, pero kailangan pa rin natin na paghandaan kung ano ang susunod nilang hakbang. Alam mo naman may mga taong pabago-bago ang isip,” sagot ni Karylle dito.
“Absolutely. Keep Mr. Turalba, updated, okay?” Utos ni kurt kay Kurt.
“Okay. Akong nang bahala noon. And we'll be ready for the meeting with Ms. Garcia's attorney,” sabi ni Karylle
“Good. Now, let's get back to work,” sabi ni Kurt at sumilay na naman ang pilyong ngiti nito. Bagay na ikinailing ni Karylle.
“Talagang babalik na tayo sa trabaho,” may diing wika ni Karylle at tumayo na sa kinauupuan niya.
Kinuha niya ang mga mug na kinapehan nila kanina at dinala sa lababo ng nasa pantry area. Hinugasan na rin niya ito para hindi sipa mag-iwan mg hugasin.
“We have janitors to do that,” sabi ni Kurt na nasa na niya.
“Kaya ko naman. Basic lang to,” sagot ni Karylle.
“Hindi mo trabaho yan,” sabi pa ni Kurt.
“At hindi ko rin trabaho maging assistant mo?”
“Of course, it's part of your training, babe,” sabi ni Kurt at mas lalong lumalapit kay Karylle. Napaismid lang Karylle dito.
“Tabi ka nga, paharang-harang ka,” sabi na lang ni Karylle kay Kurt.
Siniko pa niya ito upang makapunta siya sa may lagayan ng mga baso para ilagay ang mga hinugasan niyang mug.
Natatawa na lang si Kurt sa inakto ng dalaga. Halatang ayaw patulan kapilyuhan niya. Pero dahil sadyang makulit ang isang Kurt ay hinapit niya ang dalaga sa baywang.
“Ano ba?! Kanina ka pa ah?” Iritableng reklamo ni Karylle. “Kapag ito may makakakita sa atin ewan ko na lang sayo.”
Sa inis ni Karylle ay iniwan niya ang boss niya sa pantry area. Nauna siyang lumabas at naglalakad papuntang elevator bitbit ang mga document na naglalaman ng files ng kliyente nila.
Ngunit sa halip na babalik sa opisina sa 6th floor ay pinindot niya ang button pababa. Bahala na ang boss niyang babalik mag-isa sa opisina.
Nasa 3th floor na nang bumukas ang elevator at may pumasok na isang empleyado na babae. Binati ito ni Karylle bilang paggalang.
“Good morning din,” sagot nito. “Ahm, bago ka pa lang dito?”
“Opo, mga 3 tatlong araw na po,” sagot ni Karylle.
“Great, I'm attorney Bustamante but you can call me Ceanna,” nakangiting pakilala nito sa kanya.
“Ako naman si Karylle, legal assistant ni Attorney Villarin,” pagpapakilala din ni Karylle.
“I see, nice meeting you,” sabi pa nito.
“Nice meeting you din,” nakangiting sagot ni Karylle.
“Nga pala, where are you going?” Curious na tanong nito.
“Magpapahangin lang,” sagot ni Karylle.
“Stress ka ba kay boss?” tanong nito.
Tumango na lang si Karylle dito. Alangan namang sabihin niya na na stress siya dahil sa kamanyakan nito.
“Well, that's him. It's attorneys’ nature. Kahit naman ako ganun din. I don't want to see errors lalo na when it comes to clients and cases. Kasi isang pagkakamali… Patay ka,” sabi nito atay pa action pa talaga na mamamatay. “And besides, Kurt has a high standard when it comes to women kaya malamang hindi ka niya type kaya ganun na lang siya ka strict sayo.”
Muntik pang mapataas ang mga kilay ni Karylle sa sinabi nito. Akala pa naman niya ay pwede niya itong maging kaibigan. Pero mukhang isa pa ito sa magiging problema niya dito lalo na kapag malaman nito iba ang trato sa kanya ni Kurt.
“Ibig sabihin, ganun din siya sayo?” tanong ni Karylle sa babae. Naningkit ang mga mata ng babae sa tanong ni Karylle.
“No. Except me. He treated me like his buddy,” kumpansang sagot nito.
“I see–” sagot ni Karylle.
Dadagdagan pa sana niya ang sasabihin niya ng bumukas ang elevator. Nasa ground floor na pala siya. Hindi na rin nakapagsalita pa nang maunang lumabas sa kanya ang babae na hindi man lang nagpaalam sa kanya.
“Bastos ah, yung siya ang unang kumausap pero siya ang nag-walk out,” napailing na lang na lumabas ng elevator si Karylle.
Diretso lang ang lakad niya hanggang sa makalabas siya sa firm nila. Naghahanap siya ang pwedeng makakainan. Ngayon pang kasi niya nararamdaman ang gutom. Nalala niyang hindi pala siya nakapag breakfast sa condo niya dahil na late siya ng gising.
Na-miss tuloy niya bigla ang mga kapatid niya. Lalo na ang bunso nilang si Kyla, masarap at mahilig itong magluto ng pagkain lalo na pag may stock naman sila sa ref. Kahit simpleng ulam lang di siya nagugutom ng nasa poder pa siya ng mga kapatid.
Ngayon, may pambili nga siya wala namang time magluto at isa pa hindi marunong magluto ng mga lutong bahay. Tanging delata, mga prito-prito at itlog lang ang kaya niyang lutuin.
Napabuga na lang siya ang hangin ng may nakita siyang chowking sa may di kalayuan kaya doon na lang siya pumasok para maka-order ng makakain niya. Mas mabilis kasi pag dito siya kaysa Mang inasal na nasa tapat lang nito.
Habang sarap na sarap siya pagkain ng chowpan na order niya ay nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya kaya kinuha niya ito at tiningnan ang tawag. Napaikot na lang siya ang mata nang makitang si Kurt ang tumawag.
“What?” Mataray na tanong niya dito.
“Where are you?” Balik tanong nito sa kanya. Halatang iretable ito sa kabilang linya.
“Kumakain,” simpleng sagot niya.
“Without telling me?” taong pa nito.
“Kailangan pa ba? Hindi naman kita nanay para magpaalam pa,” rason niya dito.
“Yes, it's needed. You have to tell me everything or whatever plans you make,” bwelta nito sa kanya.
“Bahala ka buhay. Disturbo ka sa kain ko.” Yun lang at pinatayan na niya ito ng tawag.
“Asa naman siyang sasabihin keep kung nasaan ako. Tatlong araw palang ako bilang assistant niya pero kung maka demand akala mo pag-aari niya ako. Pwest, bahala siya. Basta ako kakain nang magkalaman naman ang tiyan ko.” Mahinang monologue ni Karylle sa sarili.
Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain ng chowpan. Nag-order pa siya ng lawraut at halo-halo. Balak niyang mag-trip ngayon lalo na at stress siya sa amo niyang Kurt.