Chapter 2

1937 Words
“Happy birthday, sissy!” sabay na bigkas ng mga kapatid ni Karylle nang buksan niya ang pintuan ng condo niya. “Oh my gosh! Thank you,” natutuwang sabi ni Karylle. “Nag-effort pa talaga kayo na puntahan ako dito. “Oo naman. Kami pa ba? Hindi pwedeng walang celebration sa birthday mo. Kaya ito may dala kaming pagkain para pagsaluhan natin dito,” tuwang- tuwa na anunsyo ni Kimberly. “Charran!” sabay na bigkas ni Karrilo at Kyla sabay taas ng mga dala nilang pagkain. Kahit si Kj ay may dala ring supot na galing pang Jollibee. “Happy birthday, tita Karylle. I love you,” cute na cute si Kj habang binabati ang tiyahin. “Owh, thank you, baby. Love na love ka din ni tita,” sagot ni Karylle sabay pisil ng dalawang matambok na pisngi nito. “Tita naman eh. Ang sakit kaya,” reklamo ni Kj. Lahat ay nagtatawanan sa lahat sa sinabi ng bata. “Sorry, sorry,” sabi na lang Karylle. “Halika kayo, pasok. Sorry di pa ako tapos maglinis at mag-ayos dito. Kaya makalat pa.” “Kaya nga kami nandito para matulungan ka naming linisin tong condo mo,” sabi naman ni Kyla. “Talaga? Salamat naman kung ganon. May katulong na akong maglinis dito,” natutuwang wika ni Karylle. “Kaso maalikabok pa sa loob bawal sa mga bata ito baka hikain.” “Ay, oo nga pala,” sabi ni Kimberly sabay baling sa asawa na karga pa bunso nilang si Shekinah. “Sweetie, gala muna kayo. Dalhin mo si Kj at Shekinah. Tawagan na lang kita kapag tapos na kaming maglinis dito.” “Are you sure? Pwede namang magpadala na lang tayo ng pwedeng maglinis dito at sa labas na lang tayo kakain lahat,” suggestion ni Jonathan. “Hindi na kuya. Mabilis lang naman to. Saka, kaya pa naman namin,” si Karylle. “Alright, call me, sweetie, okay?” Bilin ni Jonathan sa asawa. “Sure, sweetie,” sagot ni Kimberly. Tumango lang si Jonathan at hinalikan ng mabilis ang asawa sa labi bago luma likod kasama ang dalawang anak. Napangiti na lang na sinundan ni Kimberly ang asawa. “Ang sweet. Sana all,” tukso ni Karylle sa kapatid. “Sana all ka dyan. Ganyan din ang maranasan mo kapag mag-asawa ka na,” kontra ni Kimberly dito. “Wala naman akong asawa kaya malabo yon,” sagot naman ni Karylle. “Wala nga pero may Kurt,” sabat ni Kyla. “Yun? Yung lalaking yun? Susko, wag na lang,” angal ni Karylle. “Wag magsalita ng tapos, baka magulat na lang kami, kayo na pala,” sabi pa ni Kyla. “Ewan ko sayo, Kyla. Mukhang gutom ka lang. Pasok na nga kayo para matulungan nyo na akong maglinis,” naasar na sagot ni Karylle. Pumasok silang lahat sa loob ng condo ni Karylle. Nilapag lang nila ang dala nila sa mesa at pinagtulungan nilang linisin condo ni Karylle. Inabot sila ang tanghali bago tuluyang matapos ang paglilinis nila ng buong condo. “Ang ganda at medyo malaki pala tong condo mo, te,” may paghanga na wika ni Karillo. Sabay na umupo si Karillo at Karylle sa sofa habang inaayos naman ni Kim at Kyla ang mga pagkaing dala nila sa mesa. “Oo, thanks to tatay Rowaldo, niregaluhan niya ako nito. Birthday gift sa pambawi daw niya sa akin sa mga pagkukulang niya,” sagot ni Karylle. “Panay parinig mo kasi. Lagi mong sinasabi gusto mong lumipat ng tirahan,” sabi ni Kyla. “Hindi ah. Kung tutuusin mas gusto ko kasama kayo. Pero dahil niregaluhan ako nito, grab ko na. Sayang naman kung multo lang ang tumira dito,di ba?” natatawa na wika ni Karylle. “Ewan ko sayo, ate. Tulungan mo nga kami dito para makakain na tayo. Nakakagutom maglinis ng condo mo,” reklamo ni Kyla. Natatawa na lang si Kimberly na pinakinggan ang mga kapatid na nag-aasaran. Ganito talaga ang bonding nila. Asaran, kulitan, at kung ano-ano para. Ang mapikon, talo. “Wait, tawagan ko lang kuya Jonathan nyo ah? Para makapag-celebrate na tayo,” paalam ni Kimberly at lumayo ng kunti sa mga kapatid upang tawagan ang asawa. “So, ate. Anong plano mo ngayong?” tanong ni Kyla kay Karylle. “Plano saan?” tanong ni Karylle. “Ngayon na mag-isa ka na lang dito,” dagdag pa ni Kyla. “Maghanap ng trabaho. Hindi habang buhay na umasa na lang ako kina ate Kim at tatay,” sagot ni Karylle. “Isa pa, 28 na ako ngayon dapat sa ganitong edad may trabaho na ako.” “Pwede ka naman sa kumpanya ni tatay magtrabaho gaya ni ate Kim,” sabat ni Karillo. “Nah, mas gusto kong trabaho yong akma sa pinag-aralan ko,” sagot ni Karylle. “Taray, may pa akma-akma kanang nalalaman ah,” singit ni Kimberly na nakabalik na mula sa pagtawag ng asawa niya. “Syempre, ate. Para saan pa at nag-aaral ako ng law kung di ko naman gagamitin,” rason ni Karylle. “Isa pa gusto kong maranasan ang nasa loob ako ng court ipinagtanggol ang kliyente ko.” “Parang ganito ba ate?” sabi naman ni Kyla at tumayo. “Objection, Your Honor!” Sabay na nagtatawanan ang magkapatid dahil feel na feel talaga ni Kyla ang umaktong lawyer. May pa-demonstrate pa itong ginagawa na mas lalong nagpalala ng tawanan nila. “Gagi! Hindi ganyan. Para kang timang,” natatawa na saway ni Karylle sa kapatid. “Anong parang timang? Possible na ganun ang mangyayari sayo kapag nasa loob ka ng court. Alangan naman umakto kang Maria Clara doon. Edi, talo na agad kayo,” rason ni Kyla. Napailing na lang si Karylle sa kapatid. Nakatikim naman ng tampal si Kyla kay Kimberly. Napahawak naman si Kyla sa batok niya. “Aray, ate. Simula ng nag-asawa ka, naging sadista kana,” reklamo ni Kyla. “Manahimik ka kasi. Ang seryosong usapan tapos haluan mo ng mga kalokohan mo,” sermons n ni Kim dito. Napakamot na lang si Kyla. Maya-maya ay nakarinig sila ng doorbell. “Ako na, baka si kuya Jonathan nyo na yon,” wika ni Kimberly at nagtungo sa pinto. Pagbukas ni Kimberly ng pinto ay may bigla na lang pumutok. Natarantang nagtatakbuhan ang magkapatid patungo sa pinto sa kaba na baka may nangyari sa ate nila. Ngunit confetti lang pala ang pumutok. Ang salarin ay ang mga kaibigan ng asawa ng ate nila. “Anong kaguluhan to, Jonathan? Gusto mo bang atakihin ako?” medyo may bahid na galit ang pagkasabi noon ni Kimberly. “Sorry, sweetie. Ang kulit kasi nila. Sinabi ko namang for siblings’ celebration lang. Pero ayaw nilang maniwala,” rason ni Jonathan. “Wag, mag-alala. May dala din kami. Pandagdag ng celebration!” si Kurt ang nagsasalita noon. “Hindi kayo, invited sa celebration ko,” naka-cross arm na wika ni Karylle sa mga ito. “Come on, gutom na ako,” sabi pa ni Kurt at nauna ng pumasok na akala mo siya ang may-ari condo. Binangga pa niya ang kanang balikat ni Karylle na tila sinasadya nito. Napailing na lang na nagsipasukan ang ibang kaibigan ni Jonathan. Walana ring magawa ang magkapatid kundi hayaan na lang ang mga ito na pumasok. “Hi, I'm John. Nice meeting you, miss Karylle and happy birthday na din,” sabi ng isa nang tumapat ito sa harapan ng huli. Karga rin nito ang bunsong anak nina Kimberly at Jonathan. “Thank you,” sagot ni Karylle. “Buti nagpakarga sayo yan?” tukoy niya sa pamangkin na si Shekinah. “Yes, pogi kasi ako at may crush yata sa akin tong batang ito,” sagot ni John na ikatawa ni Karylle. “I beg to disagree. I'm more handsome than you. Right, babe?” biglang sabat ni Kurt at inakbayan pa si Karylle. Siniko naman si Kurt ng huli sa tiyan dahil upang mapaungol ito sa sakit. “Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yong hawakan ako ng walang pahintulot sa akin.” “Sorry, babe. Nextime, I’ll ask permission, okay?” labas sa ilong na wika nito. Irap lang ang sinagot ni Karylle sa lalaki. Inanyayahan na lang niya ang mga ito na pumasok sa loob. Kahit na halos di pa niya kilala ang iba. May tiwala naman siya sa bayaw niya kaya nakakasiguro siyang walang gagawing masama ang mga ito. Parang wala na nagkulitan ang mga kaibigan ni Jonathan sa loob na syempre pinangungunahan ni Kurt. Parang siya ang may-ari ng condo nito. Feel at home naman ang mga kaibigan nito. “Wala ba kayong mga trabaho? Nagsisiksikan kayo dito ah,” si Kimberly ang nagsasalita noon. “Nandito kasi mga boss ko. Kaya dito rin ako. Unfair naman, dami nilang pagkain tapos ako nagpaka subsob sa trabaho,” sagot ni John sa tanong nito. “Isa pa, hindi pa ako kumain simula kahapon pa. Kaya gutom ako.” “Gago, ang mahal ng bayad ko tapos wala kang kain?” kontra ni Blaze dito. “Oo nga. Saan mo ginagamit yong commission mo galing sa akin?” Tanong naman ni Jonathan dito. “Yung pinaghatian natin doon sa paghahanap kay Mr. Bilibid, wala na rin?” Sabi naman ni Andrius. “Grabe kayo, kailangan talaga isa-isahin?” reklamo ni John sa mga kaibigan. “Ano to? Bilangan ngga naibigay? Hindi niyo na ako mahal?” pag-emote nito. “Gago!” sabay na sigaw ng magkaibigan at pinagtulungan nila si John. Napailing na lang si Karylle. Hindi niya akalain na may ganitong circle of friends ang bayaw niya. Formal na formal kasi itong tingnan kung pagbabasihan ang mga pananamit ng mga ito. “Don't mind them, babe. Mga siraulo lang talaga ang mga iyan,” bulong ni Kurt sa kanya. Napalayo naman si Karylle sa lalaki. “Opps, hindi kita hinawakan.” Sabay taas ng dalawang kamay. “Ewan ko sayo,” sabi ni Karylle at umalis sa harap ng mga ito, kumuha na lang siya ang sariling makakain niya. Ayaw niyang magpaka-stress sa mga ito. Birthday pa naman niya. Gusto niyang mag-enjoy kasama ang mga taong ito kahit ngayon lang niya nakikilala. Napatingin siya sa cellphone niya sa lamesa ang umilaw ito. Senyales na may tumatawag sa kanya. Napangiti siya ng makitang ang kaibigan niyang si Jace ang tumawag. “Hi, Jace,” nakangiting bati niya sa kaibigan. “Hi, girl. Happy birthday,” sagot nito sa kabilang linya. “Oh, thank you. Saan ka ba kasi nagsuot at hindi kita mahagilap. Wala tuloy akong kasama,” sabi Karylle. “Sorry, girl. Busy lang nitong mga nakaraang araw,” sagot nito. “It's okay, tumawag ka naman, eh. Kaya oks na sa akin,” sagot naman ni Karylle. “Thank you. Anyway, tumawag lang talaga ako para batiin ka ang happy birthday, busy lang talaga ako ngayon. Babawi na lang sa sunod ah. Love you, girl. Bye,” paalam nito. “Okay, bye. Love you too,” sagot ni Karylle at nakangiting ibinaba ang cellphone. Pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanya ang madilim na awra ni Kurt. Para may nagawa siyang mali na hindi nito nagustuhan. “What?” Taas ang kilay niya habang tinataning ang lalaki. “Who's Jace?” tanong nito. “Paki mo ba?” balik tanong niya rito. Hindi na nakapag-argumento pa si Kurt dahil sinabayan ito ng work out ni Karylle. Kaya ang planong aalami kung sino si Jace ay nabitin sa ere. Hindi na rin siya nagtangka pang tanungin ulit ang dalaga baka mas lalong mainis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD