Chapter 3

1648 Words
“Miss Martinez, kindly wait for the final instruction from the HR,” imporma ng isang empleyado na nag-assist kay Karylle nang magpasa siya ng requirements para sa trabaho niya. “Thank you po,” sagot ni Karylle dito. Tumango lang ito at iniwan na siya sa couch na nasa lobby ng firm kung saan siya nag-apply bilang isang lawyer. Tahimik na naghihintay lang si Karylle ng susunod na gagawin. Napangiti siya ang maisip na sa wakas ay may trabaho na siya. After kasi ng makapasa siya sa bar exam ay first time niyang maghanap ng trabaho. Yes, may trabaho siya dati noong nag-aaral siya ngunit hindi naman siya ang personal na nag-apply noon, trabaho yon ng kapatid niyang si Kimberly, pinalitan lang niya matapos umalis patungong Negros ang mga ito. Kaya ngayon, another achievement ang na-accomplish niya at ito ay ang pagkakaroon niya ang bagong trabaho na akma sa napag-aralan niya. “Miss Martinez,” napatuwid ng upo si Karylle ng marinig ang pangalan niya na tawagin ng babaeng nag-assist sa kanya. “Yes po,” sagot niya. “Follow me,” utos nito sa kanya at tumalikod na. Huminga ng malalim muna si Karylle bago sumunod sa babae. Pumasok sila sa elevator na siyang ipinagtataka niya dahil nasa first floor lang ang HR office. “Excuse me, saan tayo pupunta?” di na mapigilan ni Karylle ang magtanong sa babae. “Sa opisina ni attorney Villarin. Siya ang magbibigay ng assignment sa iyo,” sagot nito. “Ah okay,” tanging sagot na lang ni Karylle. “He is also the owner of this firm. So better watch your words when you face him,” seryosong wika ng babae. Napatango na lang si Karylle sa sinabi nito. Hindi na siya muling nagtanong pa. Pero sa isipan niya ay napaisip siya kung anong klaseng employer ito. Sana nga lang ay hindi strict at perfectionist kondi ay mapasagot talaga siya. Siya pa naman ang babaeng kapag nasa katwiran ay talagang ilalaban niya. Kasi, para saan pa at nag-law pa siya kung hahayaan niyang palampasin ang mga maling bagay. Amaze na nakatingin si Karylle sa paligid matapos nilang makalabas sa elevator. Kanina pa niya napansin na hindi basta-basta ang mga design ng building. Talagang pinag isipan kung sino mang nag-disenyo dito. “We're here,” sabi ng babae. “Oh, okay,” tanging sagot ni Karylle dito. Napatingin siya sa harap kung saan may cubicle na sa tingin niya ay para sa isang secretary. May empleyado rin na nakaupo dito ngunit pansin niyang parang nagliligpit ito ng mga gamit. “Hello, Miss Ligaya. May lakad ka ba? Ang aga pa ah?” Bati ng babaeng kasama niya. “Nope. Ilipat ako sa ibang department dahil may papalit daw sa akin na secretary ko,” sagot ng huli at napatingin kay Karylle. “Really? Sino? Wala namang nag-apply na secretary,” sabi naman ng babae. “I don't know, sabi now daw mag-start,” sabi pa nito at napabuntong hininga. “Sayang di ko na makikita ang kagwapuhan ni attorney araw-araw.” Parehong napa hagikgik ang dalawa matapos ang sinabi. Animoy sobrang gwapo ng boss nila. Bagay na ikinailing ni Karylle ng tahimik. Hindi lang niya pinahalata baka siya ang balingan ng mga ito. “Anyway, nasa loob na ba si attorney?” tanong ng babae. “Yes, nasa loob lang siya waring may hinihintay lang. Pinaka-cancel din kasi niya ang appointment ng klenyente ngayong umaga,” sagot ni Miss Ligaya. “I see. So, shall we?” Sabi nito na ang tinutukoy ay kung pwede na ba silang pumasok sa loob. “Sure,” sagot nito. Tumango at tumalikod lang ang babae sa kausap. Tahimik na sumunod lang si Karylle dito. Pansin niyang inayos nito ang blouse at palda. Medyo kita na ang cleavage at itinaas ng konti ang skirt bago tuluyang kumatok. Napailing na lang si Karylle sa nakita. Sa isip ay mukhang nagpa-impress ito s magiging boss niya. Napaismid na lang si Karylle at bago pa niya mapataas ang dalawang kilay niya ay may narinig siyang boses sa loob. “Come in,” familiar ang boses nito para kay Karylle pero agad din niyang inalis sa isipan ang naisip. Binuksan ng babae ang pinto at pumasok sa loob. Sumunod naman si Karylle sa babae. May nakita siyang lalaki na nakaupo sa mesa habang nakaharap sa glass wall sa likod ng working table nito. Familiar din sa kanya ang pigura nito. “Good morning, attorney,” bati ng babae sa pinalambing na boses na siya ikakunot ng noo ni Karylle. Masyadong malambing ang boses na sa tingin niya ay sinasadya nito. “Yes?” sagot ng lalaki. Tumayo at humarap sa kanila. Halos mapatras si Karylle ng makita nito kung sino ang lalaki. Umupo ito sa swivel chair nito. “Right, I almost forgot. Today is your first day. Right?” “Ah, oo,” tanging sagot na lang ni Karylle. “So, attorney, saan natin siya ilalagay?” tanong ng babaeng kasama nila at lumapit sa table ng lalaki. Yumuko pa ito at itinapat ang mga kamay sa table ng lalaki. Kulang na lang tumuwad para makita ang makita ng lalaki ang cleavage nito. Napakamot na lang ng palihim si Karylle dahil kitang-kita niya ang maitim na panty nito mula sa likod dahil sa sobrang iksi ng suot. “Here.” Sagot ni Kurt. “She will be my assistant from now on.” “What?!” magkapanabay na wika ng dalawang babae. “What do mean na dito siya?” tanong ni Fatima. “What about Ligaya?” “She will be transfer to other department,” parang walang na sagot ni kurt. “But-” hindi na nasagot ni Fatima ang sasabihin dahil pinutol na ito ni Kurt. “Miss Gonzales, you have no right to question me about what to do. I'm the boss here, not you. So, get out.” Utos ni Kurt sa babae. Wala nang magawa ang babae kundi ang sundin ang amo nito. Gustuhin man niyang magtanong pa ay hindi niya magawa dahil pinapalabas na siya ng amo. Naiwan si Karylle na puno din ng katanungan sa isip. “Lawyer ang ina-applyan kong trabaho. How come maging assistant mo ako?” Nakataas ang kilay na wika ni Karylle. Ngumiti lang si Kurt at tumayo mula sa kinauupuan niya. Naglakad ito sa harap ng working table nito at patayong umupo nito. Hina Halukipkip naman si Karylle sa mga braso niya. “Babe, hindi ka naman permanent na assistant kita. Malay mo in the future, hindi na assistant ang posisyon mo sa buhay ko,” pilyong wika ni Kurt. “No. Ayoko maging assistant mo.” Final na wika ni Karylle. “What do you want? You want to be my wife?” sabi pa nito. “Wife your face. Trabaho ang gusto ko. Trabaho na akma sa kurso ko.” Wika pa ni Karylle na tamang pinagdidiin salitang trabaho. “Be my assistant first and later on, mapunta ka rin sa trabahong gusto mo. Besides, wala pang bakante. Isipin mo na lang na training tong pagiging assistant mo sa akin,” sabi naman ni Kurt. Naningkit naman ang mga mata ni Karylle sa narinig bagay na ikatawa ni Kurt ng malakas. Halatang hindi naapektuhan kahit ano pa mang pagmamaldita niya. “Babe, come on. Isipin mo lang na this will be your stepping stone in becoming a lawyer soon,” sabi ni Kurt. “You know, you can learn something from me.” Napaismid na lang si Karylle sa narinig. Gusto niyang mag-walk out at hindi na babalik pa sa firm na ito. Ngunit naisip niya na mukhang tama din ito. Marami pa siyang kailangan matututunan. “Alright, deal. But make sure na ililipat mo ako sa kung ano talaga ang trabaho ko dito,” sabi ni Karylle. “Good,” nakangiting sagot ni Kurt at inilahad ang kanang kamay kay Karylle. “Welcome to my firm.” Ismid lang ang isinagot ni Karylle sa lalaki. Wala na siyang pakialam kahit sabihing wala siyang respeto dito. Ginusto niya, pagtitisin niya. “Alright, I send you to your table,” sabi ni Kurt kay Karylle. “No need. Kaya ko,” sabi ni Karylle at tumalikod sana ngunit nagulat na lang siya ng biglang maglanding siya sa hita ng lalaki. “Ano ba?!” “Babe, let me do it for you, okay?” sabi naman ni Kurt. “Bitawan mo nga ako. Ikaw lang yata ang kilala kong abogado ay may-ari ng firm na manyak!” Sikmat ni Karylle dito. “Manyak pala ha? Then, I'll show it to you,” sabi ni Kurt sa kanya. At bago pa makahuma si Karylle ay lumapat na ang labi ng lalaki sa labi niya bagay na ikalaki ng mga niya. Habol ang hininga niya ng pakawalan nito ang labi niya. “Remember this, babe. Whatever names you call me, I make sure that I give justice to it. Kapag sinabi mong manyak ako, mamanyakin din kita,” bulong nito sa kanya bago siya pakawalan. “Gago!” sabi ni Karylle. Natatawa naman si Kurt. “Don't worry, sayo ko lang gagawin yon.” “Hmmp,” yun na lang ang siganot ni Karylle at nag-walk out na sa opisina ng lalaki. Diretso siya sa cubicle na nasa harap ng opisina nito. Wala na si Miss Ligaya. Malamang nasa department na ito kung saan ang bagong assignment niya. Padaskol na umupo siya doon. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganun-ganun na lang siya babastusin ng boss niya. Kaka simula pa lang pero kita na agad niya kung anong klase ng ugali meron ang amo niya. Napailing na inaayos na lang niya mga gamit niya sa desk. Simula ngayon dito na siya magtatrabaho. Dalangin niyang may isang salita ang boss niya at ililipat agad siya sa oras na may bakanting posisyon na para sa abogado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD