Chapter 1

1500 Words
Three Years Later “Congrats, ate, kuya. Sa wakas nag-settle ka na di kayo,” bati ni Karylle sa ate Kim at sa asawa nitong si Jonathan na kakasal lang. “Thank you, bhe. Ikaw din pwede ka nang mag-asawa,” sagot ni Kimberly sa kapatid. “Asa ka namang mag-asawa ako. Di pa yata ipinanganak ang lalaki na para sa akin,” sagot ni Karylle sa kapatid. “Ito naman ng bilis mawalan ng pag-asa. Tingnan mo ako nasa 30’s na pero umabot pa rin ako sa ganito,” sabi naman ni Kim sa kapatid. “Magkaiba naman kasi tayo ng tadhana, ate. Nasa harap mo ang sayo s akin nasa Mars pa,” sagot naman ni Karylle. “Ewan ko sayo, gulo mong kausap,” natatawa na lang si Kim sa kapatid. “Mabuti ka kumain ka na. Gutom lang yan.” Natatawa na tumango na lang si Karylle at pumunta sa buffet table para kumuha ng Plato. Mukhang gutom nga siya at kung ano-ano na lang ang pumasok sa isipan. Habang nag-iisip si Karylle kung ano ang kakainin niya sa Dami ng pagpipilian sa table ay bigla na lang may naglagay ng pork chop sa Plato niya. Gulat na napatingin siya kung sino ang may kagagawan nito. “You also need this, so that you will gain more weight,” sabi pa nito at nilagyan ng sandamakmak na kanin ang Plato niya. Kumindat pa ito sa kanya bago siya iniwan na nakapaskil sa pagmumukha nito ang kapilyuhan. Nagsalubong tuloy ang mga kilay ni Karylle. “Gago! Pasalamat siya at kasal ni ate ngayon kundi isaboy ko to sa pagmumukha niya” wika ni Karylle habang pinipigilan ang inis nito. Kilala niya ang mukha ng lalaki. Itong ang nakasiping niya tatlong taon na ang nakaraan. Akala niya ay hindi na niya makikita pa ang lalaki. Wala rin siyang balak na magpakilala dito. Kaya nga umalis siya sa hotel dati kung saan may nangyari sa kanila upang maiwasan na maabotan siya. Kaya gulat siya ng malamang kaibigan din ito ng bayaw niya. Patay malisya lang siya at magpanggap na hindi niya namukhaan nito ngunit sa simbahan pa lang kung saan ang kasal ng kapatid niya ay inaasar naman siya nito. Napailing na lang si Karylle at kumuha ang ilang ulam para may katumbas ang kanin na nilagay ng lalaki. Naghanap ng mauupahan dahil puno kasi ang table kung saan naroon ang sa pa niyang kapatid na si Kyla. Naka-tatlong subo pa lang siyang pagkain nang may umupo sa harapan niya. Nakita na naman niya ang pilyong pagmumukha ng lalaki. “Ano na naman?” Iritableng tanong ni Karylle dito. “I observed, Wala kang kasama kaya samahan na kita para hindi ka mag-isa. Kawawa ka naman,”nakangising sabi ng lalaki. “Pwede ba? Kung ang-aasar ka lang, doon ka sa taong handang sabayan ang mga kalokohan?” naasar na wika ni Karylle. “Saka, sino ka ba? Sa pagkakaalam ko ay hindi tayo magkakilala.” “Really? You don’t remember the night we shared each other nakedness. Tasting each other’s c*m, linking our own skin-” “Stop! Tigil! Okay? Wala akong balak balikan kung anong naganap before. Ang gusto ko lang ay bigyan mo ako ng privacy. Nakakawalang ganang kumain namang nang dahil sa mga pinagsasabi mo,” wika ni Karylle saka tumayo bitbit ang pagkain ngunit bago pa man siya makalakad palayo ay hinawakan na siya nito sa siko. “Alright, I’m sorry. Just continue eating,” sabi ng lalaki. Nakairap na umupo pabalik sa upuan si Karylle at sumubo ulit ng pagkain niya. Hindi na niya inintindi ang lalaking nasa harapan niya. “I’m Kurt,” biglang sabi ng lalaki. “Huh?” sabi naman ni Karylle na hindi agad nakuha ang sinabi ng lalaki dahil busy siya sa kakanguya ng pagkain niya. “I’m Kurt Matthew Villarin,” pagpapakilala nito sa kanya sabay abot ng kanang kamay nito. “So?” nakataas ang kilay ni Karylle habang diniinan ang salitang sinabi niya. “Ito naman. Nagpakilala lang eh,” sabi ito sabay kamot sa ulo nito. “Not interested,” balewalang sabi ni Karylle. “Really?” nakakatawang sagot ni Kurt. “Really.” Nakairap na sagot ni Karylle. Buong akala ni Karylle ay manahimik na ang lalaki ngunit sa pagkakagulat niya ay may bigla na lang na hinlalaki ang lumapat sa gilid ng labi niya. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Karylle. “There's sauce. Nilinis ko lang,” parang wala lang na sagot nito pagkatapos ay bigla na lang na sinubo ang hinlalaki na may bahid na sauce mula sa labi niya. “Bastos!” Hindi mapigilan ni Karylle ang mag-react ng ganun. “What’s wrong with that? I'm just cleaning it,” natatawa na wika ni Kurt. “May tissue or panyo naman, bakit kailangan na kamay mo pa?” Pilosopong wika ni Karylle. “I don't have a handkerchief and the tissue is far from us. So, I do the easiest way,” sagot nito sabay kindat sa kanya. “Iwan ko sayo. Alis nga disturbo ka sa pagkain ko,” pampaalis ni Karylle sa lalaki. “Sweetie, you need a companion and I’m willing to be with you,” sabi pa ng lalaki. “For your information, sanay akong mag-isa. Mag-sa ako dito sa Manila sa loob ng tatlong taon kaya wag mong sabihin na kailangan ko ng makakasama kasi isang malaking kalokohan yan.” Mariing wika ni Karylle. “Ahuh. Kaya pala kung saan lang kita nakita noong gabing yon dahil mag-isa ka lang dito.” Sa sinabing yon ng lalaki ay otomatikong nag-iba ng mode ni Karylle parang may napindot sa loob niya na nagsindi ng galit niya. “So, sinabi mong parewara ako at basta na lang bibigay sa inyo?” “It’s not what I mean-” Hindi na natapos ni Kurt ang sasabihin dahil sinabayan ito ng tayo ni Karylle at naglalakad palayo sa table. Saktong may nakita siyang bakante sa table ng mga kapatid niya kaya doon pumunta. Pabagsak na nilagay niya ang plato niya at umupo sa upuan. “Sinong kaaway mo?” Nagtataka na tanong ni Kyla. “Wag mo lang akong pansinin aat gutom ako,” sagot na lang ni Karylle. “Asus, ang sabihin mo, nailang ka kasi may gwapo kang katabi kanina habang kumakain ka,” tukso ni Kyla sa ate niya. “Manahimik ka nga. Isa ka pa,” asar na sagot ni Karylle. Natatawa na lang si Kyla. Sa halip na manahimik ay mas lalong tinukso ang kapatid. “So, tell me, anong pinag-uusapan nyo? Kasi sa tingin ko ay magkakilala kayo.” “Wala. Okay? Wala, wala, wala.” Final na sagot ni Karylle. “Eh, bakit parang inis na inis ka?” tanong naman ni Kimberly na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila. “Hindi naman ah. Gutom lang ako,” sagot ni Karylle. “Okay, sinabi mo eh,” sagot ni Karylle at umupo na rin sa mesa para makipag-usap sa iba mga kapatid. Nakakatawang naiiling na lang si Kyla sa kapatid. Gusto pa sana niyang tuksuhin pa ito ngunit baka mas lalong maasar pa ito. Nananahimik na lang siya at kumain na lang din. Hinayaan na lang niya ang kapatid na kumain ng kumain. Di nagtagal ay lumapit sa pwesto nila ang bayaw nilang si Jonathan kasamaang mga kaibigan nito. Parang balewala lang kay Karylle ang presensya ng mga kasama nito lalo na si Kurt na kanina pa nagpapansin. “Sweetie,” tawag ni Jonathan sa asawa. “Kilala mo na naman mga kaibigan ko di ba?” “Hi, guys. Sana nag-enjoy kayo sa mga pagkain dito,” sabi naman ni Kimberly. “Don't worry, Mrs. McKinney, enjoy na enjoy kami,” sagot ni Kurt. Napaismid na lang si Karylle narinig. “So, maari bang makilala ang mga kapatid mo?” “Oo naman, this is Kyla ang youngest namin and this Karylle, kasunod ko.” Pagpakilala ni Kimberly sa mga ito. “Hello, ladies, I'm Kurt,” pagpapakilala din ni Kurt kahit halatang wala sa mode ang isa. Ngunit sadyang makulit lang talaga ito at kinuha pa ang kamay ni Karylle upang makipag kamay with matching kiss sa likod ng palad pa. Umismid na lang si Karylle sabay irap sa ginawa ng lalaki. Napailing naman ang mga kaibigan ni Kurt sa kanya ginawa. Si Jonathan na inakbayan pa talaga si Kurt para kunwari warningan ito. “Bro, bayaw ko yan ha?” sabi nito sa lalaki. Natawa naman ang mga kaibigan sa sinabi ni Jonathan. “I know, bro. I'll keep that in mind,” sagot ni Kurt. Mas lalong nagtatawanan ang magbabarkada dahil sa sagot na iyon ni Kurt. “Good. Asahan ko yan,” sabi ni Jonathan. Napailing na lang si Karylle sa sinabi ng bayaw niya. Hindi na siya ng komento pa baka kung ano pa ang masasabi niya. Hinayaan lang niyang magkadyawan ang magkakaibigan na akala mo wala siya sa harap ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD