Maya-maya ay nakarinig ng katok mula sa labas sina Karylle at Kurt kaya naman ay dali-daling umupo si Karylle sa upuan na nasa harapan lang ng working table ni Kurt.
Samantalang si Kurt ay kinuha ang ilang documents at nagkunwaring.may binabasa. Hindi na nagawang sumagot pa ni Kurt kung sinoman ang nasa labas dahil kusang bumukas ang pinto at iniluwa yon ni Ceanna.
“Hello Kurt,” bati nito sa lalaki. Hindi man lang pinansin si Karylle na nasa loob din ng opisina.
“Yes, atty. Roboza? May kailangan ka?” Seryosong tanong ni Kurt dito.
“Nothing. Gusto ko lang na may kausap,” sagot ni Ceanna.
Napataas naman ang kilay ni Karylle sa narinig. Sarap sagutin ng pilosopo ang babaeng to pero na lang siya nagsalita.
“About what?” Tanong ni Kurt dito.
“Ahm, hihingi sana ako ng advice sayo tungkol sa kasong hinawakan ko,” sagot nito sa binalingan si Karylle na nanahimik lang sa upuan. “Karylle, can you give us some coffee? Medyo mahaba pa ang pag-uusapan namin.”
“Sure,ma’am,” labag sa loob na tumayo si Karylle upuan niya.
Naghihintay siya na pigilan siya ni Kurt ngunit hindi naman kaya lumabas na lang siya sa opisina upang makapunta sa pantry area.
“Akala ko ba naman gusto niya akong kasama sa loob pero may dumating lang na iba parang nabaliwala na ako?” murmur ni Karylle habang nagtitimpla ng kape.
Na-tempt siyang damihan ang asukal sa kape para kahit paano makaganti naman siya ngunit naisip niya na baka may malalang sakit ang mga ito at siya pa ang maging dahilan pag may mangyaring masama sa mga ito kaya hindi na lang niya ginawa. Konsensya pa niya pag ganun.
Nilagay niya sa tray ang dalawang baso a tinimpla niya saka binuhat para makabalik na sa opisina ng boss. Pansin niyang sobrang dikit ang dalawa pagpasok niya. Kaya tumikhim siya upang agawin ang atensyon nila.
“What?” Iritabling tanong ni Ceanna na tila kasalanan pa niya kung bakit na disturbo sila.
“Ito na po ang kape nyo,” sabi ni Karylle.
“Oh, thanks,” pekeng wika ni Ceanna. “Pakilagay na lang dyan and then you can go out now.”
Napatanga na lang si Karylle sa sinabi ng babae. Kung makapag sabi ito na you can go out ay parang siya ang boss at hindi si Kurt. Ganun pa man ay sumagot pa rin siya. “Okay po.”
Akmang lalabas si Karylle ang pigilan siya n8 Kurt. Parehong napatingin si Ceanna at Karylle sa kamay ni kurt na nakahawak sa siko ng huli. “Stay, kailangan kita dito.”
Kita ni Karylle kung paano napangiwi si Ceanna. Kaya may pagkakataon siya g inisin ito. “Sure, babe.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Ceanna at napanganga pa dahil sa pagtawag nito. Kalaunan ay unti-unting naningkit ang mga mata niya habang nakatingin kay Karylle.
Napatawa naman ng lihim si Karylle. Akala yata ng babaeng ito ay masisindak siya nito. Pwest, nagkamali siya ang akala. Buti na lang hindi nag-react si Kurt ng tawagin niya itong ‘babe’.
“Anyway, let's try your coffee. Baka masyadong matabang,” sabi nito. Ngunit bago pa man siya makuha ang isang baso ay nauna nang kumuha si Kurt.
“Why is it only two cups? Where's yours?” tanong ni Kurt kay Karylle.
“Ah, magtimpla lang ako mamaya ng para sa akin,” sabi naman ni Karylle.
“Don't bother. Let's share mine, babe,” sabi ni Kurt sabay kindat kay Karylle. Sumimsim pa talaga ito ng kape.
Halos mapa bungisngis si Karylle lalo na at nakita niya reaksyon ni Ceanna na mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito. Mas lalo pa itong naasar ng pasimsimin ni Kurt si Karylle ng kape.
“Love the taste, babe. Try it,” sabi ni Kurt at iniumag ang tasa ng kape kay Karylle.
Sumimsim naman si Karylle ito na tela kinikilig pa. Gulat na lang sila ang makar8mig ng kalabog. Binaba pala ni Ceanna ng malakas ang tasa niya. Buti na lang at hindi nabasag.
“Oh, sorry. I forgot, may client pa akong naka schedule ng meeting ngayon. I have to go, see you around, Kurt,” sabi nito at mabilis ang lakad na lumabas sa opisina ng huli.
Napatawa na lang ang dalawa sa gawi nito. Kalaunan ay napailing na lang si Karylle at sinimulang ligpitin ang mga tasa ng kape. Balak niya itong idaan sa pantry bago siya babalik sa cubicle niya.
“What are you doing?” tanong ni Kurt sa kanya.
“Nagliligpit?” Patanong na sagot ni Karylle.
“Why?” tanong ni Kurt.
“Anong why? Alangan naman hayaan ko lang ang mga ito na magkalat sa working table mo?” Sagot naman ni Karylle.
“It's not your work,” sabi ni Kurt.
“Ewan ko sayo,” sabi na lang ni Karylle at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nang matapos ay walang salitang lumabas siya sa opisina na walang paalam sa binata. Buti na lang at hindi na siya pinigilan pa ng binata kaya tahimik ma siyang nakabalik sa cubicle niya matapos ibalik ang mga tasa sa pantry area.
Sinimulan na niyang gawin ang mga trabaho niya. Pinag-aral din niya ang mga kasong hawak ng boss niya para may idea naman siya paano ito matulungan. Hindi naman ito mahirap sa kanya dahil napag-aralan naman niya ito.
Hindi niya namalayan ang oras at uwian na pala. Kung hindi niya napansin si Kurt na nasa harapan niya ay hindi niya malaman na malapit ng mag-alas saiz.
“Sorry, di ko namalayan. Uuwi kana ba? Pwede kang mauna. Uuwi na rin ako,” sabi ni Karylle dito.
“You’ll go with me, tonight,” sabi nito sa kanya.
“Huh?” napatanga na lang si Karylle.
“Remember our deal?” nakangising paalala nil sa kanya.
“Ngayon ba yon? Pwedeng bukas na?” Pakiusap ni Karylle.
“It's start now,” sabi pa nito.
“Ano!” Hindi makapaniwala na wika ni Karylle.
“Come on, keep your things. We’ll leave now.” Utos sa kanya ng lalaki.
Wala nang magawa si Karylle kondi ang ligpitin ang mga gamit niya. In off na rin niya ang computer bago tumayo dala ang handbag niya. Gulat pa siya ng kunin ito Kurt.
“Ako na,” sabi ni Karylle dito.
“Let me. Minsan ko lang to ginawa,” sabi nito.
“May bag ka naman eh,” reklamo ni Karylle.
Ngunit hindi siya pinakinggan ni Kurt. Hanggang sa elevator ay pinag-aagawan nilang dalawa ang bag ni Karylle. Kaya nang makarating sila sa ground ay nasaksihan ng lahat kung paano sila nagkukulitan. Bumukas ba naman ang elevator nang hindi nila namalayan.
Tudo yuko at hindi ng pasensya si Karylle sa mga katulad niyang empleyado ngunit itong kasama niya ay cool na cool pa rin. Na tila hindi man lang naapektuhan kahit nakita ng lahat ang pinaggagawa nila.
Nahihiyang naunang lumabas si Karylle sa elevator. Di na niya pinilit pang kunin ang bag niya na hawak pa rin ngayon ni lalaki. Dederitso sana siya siya sa exit ng muli siyang hilain ni kurt patungong parking area.
Agad siya nitong idiniposeto sa front seat ng sasakyan na may pag-iingat na hindi siya masagi ang ulo niya sa bobong ng sasakyan saka ito umikot patungo sa driver's seat.
Sinamantala naman yon ni Karylle para ikabet ang seatbelt niya. Mahirap na baka ito naman ang magkabet nito kung alam naman niya kung paano gawin. Hindi naman ito ang first time niyang makasakay ng sasakyan dahil may kotse ang ate niya pati ang tatay niya.
Marunong nga siyang mag-drive ng sasakyan dahil pinag-aral din siya ng ate Kim niya ling paano mag-drive ng sasakyan. Kaya alam niya ang safety gears sa pagmamaneho ng sasakyan para iwas sa panganib pag nagkataon.
“Ready, babe?” tanong ni Kurt sa kanya.
“Okay,” tanging sagot ni Karylle.
Hindi na siya nagtanong pa kay Kurt kung saan sila pupunta. Bahala na ito kung saan siya dalhin. Wag lang talaga itong gumawa ng masama or kalokohan dahil kapag mangyari iyon ay talagang labanan niya ito saang korte man sila makarating.
“You're hungry?” Tanong ni Kurt sa dalaga.
“No,” sagot ni Karylle kahit na nakaramdam na siya ang konting gutom.
“But I'm starving. Let's eat first,” sabi nito at iniliko ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.
Matapos maipark ang sasakyan ay sabay silang dalawa na lumabas. Hindi na nagulat si Karylle nang makitang nasa tabi na niya ang binata. Para itong kabuti na bigla na lang susulpot sa harap, gilid o likod niya.
Let's go,” sabi ni Kurt at hinawakan ang kamay ni Karylle.
“Okay,” sagot ni Karylle at sumabay ng lakad sa lalaki.
Tuwang-tuwa naman si Kurt dahil pumalag ang babae. Hanggang sa makarating sila sa loob ng restaurant ay hawak kamay pa rin silang dalawa.
“Good evening, ma’am, sir,” bati ng isang waiter na nakaabang sa pintuan nito.
“Table for two, please,” sabi ni Kurt.
“This way, ma’am, sir,” sagot nito at ina-assist sila patungo sa isang table na pang dalawahan.
“Thank you,” wika ni Kurt dito. Tumango lang ang waiter bilang pagsang-ayon sa sinabi ni kurt.
Hinila ni Kurt ang isang upuan at sininyasan si Karylle na umupo dito. “Have a seat, babe.”
Nag-aalangan man at pinili ni Karylle ang umupo doon sa ini-offer ni Kurt na upuan sa kanya. Ayaw naman niya itong ipahiya lalo pa at nasa gilid lang nila ang waiter.
“Thank you,” sagot Karylle.
“Welcome, babe,” bulong nito sa kanya bago umikot at umupo sa kabilang upuan paharap sa kanya. Ngumiti na lang si Karylle dito.
“Ma’am, sir, here's the menu,” sabi ng waiter matapos makaupo si Kurt. Waring hinihintay lang makaupo para sila bago magbigay ng menu list.
Mahal ang mga pagkaing nasa menu ngunit pumili pa ni Karylle ang om-order dahil alam niyang tatanungin at pipilitin pa rin siya ang lalaki na mamili kung ano ang gusto niya.
Matapos sabihin sa waiter kung ano ang gusto nila ay umalis na ito para asikasuhin ang mga order na. Habang naghihintay ng makakain nila ay hindi maiwasan ni Karylle igala ang mga paningin.
Sobrang romantic ng lugar. May mga tumutugtog pa na mga violinista at ang gagandang pakinggan choice ng kanta nito na nababagay sa pagiging romantic ng lugar.