Isusubo sana ng pagkain si Karylle nang may ibang sumubo sa pagkain nia. Gulat na napatingin siya kung sinong may gawa noon. Napasimangot siya nang makita na si Kurt ang salarin.
“Hindi mo talaga ako kayang bigyan ng peace of mind noh?” pilosopo na wika ni Karylle dito.
“No, babe. Baka kasi ma-miss mo ko kaya sinundan na lang kita dito,” bali walang sagot nito sa kanya.
“Kaya nga ako umalis doon para kahit paano magkaroon ako ng time mag-isa,” bwelta ni Karylle.
“Don't worry, babe. I'll give you peace of mind habang kaharap mo ako,” sagot naman ni Kurt sa kanya.
Napaismid na lang si Karylle at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala na siyang pakialam kung nasa harap niya ang lalaking to. Mukhang itong lalaking to ay ipinanganak upang bwesetin lang siya.
“Anyway, babe. Would you like to go out with me?” Maya-maya ay tanong ni Lurt sa kanya.
“No, thanks. Matulog na lang ako kaysa sumama sayo,” sagot ni Karylle.
Akmang kukunin niya ang kukunin niya ang halo-halo niya nang maunahan siya ni Kurt ito ang naghalo ng mga laman sa loob ng nito. Magrereklamo sana siya nang itapat nito sa kanya kutsara na may laman nito.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Karylle.
“Feeding you?” Patanong rin na sagot ni Kurt.
“Ano ako? Bata?” Balik tanong ni Karylle.
“Yes. You're my baby,” sagot ni Kurt na may lambing ang boses nito. Naparolyo la lang ng mata si Karylle. “Come on, eat this or I'll kiss you?”
Sa takot na hahalikan nga siya ay isinubo ni Karylle ang halo-halo. Para namang batang pinagbigyan si Kurt dahil sa laki ng ngiti nito. Muli itong kumuha ng halo-halo na akala niya ay isusubo mula sa kanya ngunit halos manlaki ang mga mata niya ng isubo nito yon.
“Kutsara ko yan, bakit mo ginagamit? May laway ko na yan?” Reklamo ni Karylle .
“So? I'll already taste your saliva too. So nothing so nothing to be ashamed of,” may kalakasan wika nito kaya napatingin tuloy si Karylle sa paligid.
“Hinaan mo boses mo ,baka kung anong sabihin nila,” reklamo ni Karylle.
“Paki ko ba? Mas mabuti nga yon para alam nila na akin ka,” sagot nito.
“Nakakainis,” bulong na lang ni Karylle.
Kinuha na lang niya mula kay kurt ang bowl ng halo-halo at sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo.
“Dahan-dahan. Hindi ka naman maubusan niyan. Pwede pa rin ipag-order kung maubos mo yan,” saway ni Kurt sa dalaga ngunit irap lang ang sinagot ni Karylle.
Hindi na muling nagsalita pa si Karylle hanggang sa matapos niya kainin ang lahat ng in-order niya. Kinuha niya ang folder na dala-dala niya at tumayo na sa kinaupuan.
Naglakad siya palabas ng Chowking na tela walang kasama. Gusto niyang makaalis sa harap ng binata kahit ngayon lang ngunit hindi pa man siya nakalabas ay napatigil siya dahil lakas ng boses ni Kurt.
“Babe, wait for me!” sabi nito.
Napatingin tuloy si Karylle sa mga tao sa loob at parang gusto na lang niyang lumubog na lang siya dahil sa kahihiyan. Halos lahat ay napatingin sa kanila ni Kirt na ngayon ay nasa harap na niya.
“Let's go,” sabi nito at kinuha ang kamay niya at pinagsalikop.
Hinila siya nito palabas ng Chowking. Pinili naman na kunin ito ni Karylle ngunit mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. Kahit ng papasok na sila sa firm ay hindi pa rin nito binitiwan ang kamay niya na mas lalong kinakahiya ni Karylle.
“Kurt, let it go. Pinagtitinginan na tayo ng mga empleyado mo,” reklamo ni Karylle.
“I don't care. I'm the boss here,” sagot nito sa kanya.
Halos takpan na lang ni Karylle ang mukha niya dahil pinagtitinginan sila ang mga empleyado. Lunch break na kasi at halos lahat ng empleyado ay papalabas marahil ay para kumain din sa labas.
Ramdam ni Karylle na nasa kanila ang lahat ng mga mata. Kahit nong bumukas ang elevator ay halos mapatutok ang mga mata ng mga nasa loob ng elevator sa mga kamay nilang magkahawak. Awkward na nagsiyukuan ang mga empleyado empleyado bago nagkanya-kanyang labas mula sa elevator.
Nang wala ang tao sa loob ay muli aiyang hinila papasok ni Kurt sa loob ng elevator. Hindi pa rin nito binitiwan ang kamay ni Karylle.
“Kurt, wala ng tao. Pwede mo ng bitiwan ang kamay ko,” sabi ni Karylle ngunit isinandal lang siya ni Kurt sa dingding nito. “Anong ginagawa mo?”
“You know that most things I hate the most are demanding of me what I should do?” bulong nito sa kanya.
“Ah, hindi naman ako nag-demand,” nauutal na sagot ni Karylle. Sino ba namang hindi mautal kung sonrang lapit na nila sa isa’t-isa. Kunti na lang at maglapat na ang mga labi nila.
“Then, why are you demanding and to let go of your hands?” Bulong na tanong pa nito.
“Kasi nakakahiya. Baka kung ano pang isipin ng mga empleyado mo,” sagot ni Karylle.
“Kinakahiya mo ako?” tanong pa nito.
“Hindi pero–”
Hindi na natapos ni Karylle ang sasabihin ng lumapat ang labi nito sa kanya. Halos napasinghap siya sa ginawa nito na naging dahilan upang makapasok ang dila nito sa loob niya. Hinapit pa niya ang baywang niya kaya nama ay napakapit siya sa balikat nito.
Nakaliyo ang sensasyong hatid noon kaya naman ay napakapit soya sa braso nito. Mas lalo pa nitong pinalalalim ang halik dahilan upang mawala si Karylle sa sarili. Ramdam niya ang init. Kung hindi lang nila narinig ang tunog ng elevator ay hindi sila matigil sa ginagawa.
Buti na lang at diretso sa 6th floor ang elevator at walang nangahas na sumakay mula sa ibang floor kasya sigurado si Karylle na walang ibang nakakakita sa kababalaghang ginawa nila.
Pulang-pula ang mukhang naunang lumabas si Karylle sa elevator. Diretso siya sa kanya ng cubicle at di na pinansin pa ang nakasunod lang na si Kurt. Pag-upo niya ay umupo din si Kurt sa mesa niya.
“Bakit ka nandito? Nandoon ang opisina mo?” sita ni Karylle dito.
“I'm bored,” sagot nito.
“Wow, galing ah. Bored ka na niyan?” pilosopong tanong ni Karylle dito.
“I’m suddenly alone in my office. Can you please be with me in my office?” Lambing niyo sa kanya na ikakunot ng noo ni Karylle.
“Attorney Villarin,” wika ni Karylle at talagang diininan ang pagbigkas ng pangalan nito. Sayo ang building na to, ang opisina na to. Ilang taong kang mag-isa lang sa opisina mo. Tapos ngayon ay bored na bored ka? Pinagloloko mo ba ako?”
“No. Of course not,” sagot nito. “It just that, nasanay akong kasama ka.”
“Gago! Balik ka sa opisina mo. Go!” Sabi ni Karylle at tumayo sa kinauupuan nito.
Pinatalikod niya siya si Kurt at itinulak pabalik sa opisina nito. Ngunit hindi siya hinayaan ni Kurt na hindi siya kasama sa loob. Bigla na lang itong humarap sa kanya at hinila siya papasok.
Ngunit dahil sa lakas ng pagkahila nito sa kanya ay pareho silang na out of balance. Kaya ang nangyari ay pareho silang natumba sa sahig. Ang masaklap pa ay nadaganan niya ito.
Nanlaki ang mga mata ni Karylle ng ma-realize kung ano ang sitwasyon nila. Lalo na at ramdam niyang may bumubukol sa may tiyan niya. Aalis sana siya sa ibabaw nito nang hapitin nito ang baywang at binaliktad ang posisyon nila.
Si Karylle na ngayon ang nasa ilalim at si Kurt ang nasa ibabaw. Mas lalong nailang si Karylle sa posisyon nipa ngayon.
“K-kurt, baka may pumasok,” nauutal na saway ni Karylle dito.
“And so?” tila baliwala lang kay kurt ang posisyon nila.
“Nakakahiya,” sagot ni Karylle. Halos mapapikit si Karylle dahil mas lalong inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “K-kurt…”
“Hmmm,” ani ni Kurt. “I really like the way you panicked, babe.”
“Kurt, alis na,” pagmamakaawa ni Karylle.
“Sure. But in one condition,” bargain ni Kurt sa kanya.
“Ano?” Sabi na lang ni Karylle para matapos na.
“Come with me to my resthouse tonight,” sabi nito.
“Ano namang gagawin ko doon?” tanong ni Karylle. Kibit balikat lang ang sinagot ni Kurt kaya umiling si Karylle. “No. Hindi ako sasama sayo.”
“Then, we’ll stay like this forever,” pilyong sagot ni Kurt.
“Kurt-”
Hindi natuloy ang sasabihin niya ang makaramdam sila ng mga yapak na papalapit sa opisina ng huli.
“Kurt, alis na may paparating,” kinakabahan na wika ni Karylle.
“Say yes first or else, makikita nila tayo na ganito,” sagot naman ni Kurt.
“Oo na, oo na. Kaya alis ka dyan bilis,” sabi ni Karylle.
“Sure,” sagot ni Kurt at umalis sa ibabaw niya.
Tinulungan din siya nitong makatayo at inayos ang sarili na tila walang nangyari. Napasuklayna lang ng buhok si Karylle gamit ang mga kamay niya sinipat niya ang sarili sa salamin na nandito sa opisina kung ayos lang ba ang mga ito.
Mahirap na, baka maging issue sa firm at sabihing kaya siya nakapasok dahil sa lalaking ito or mas worst kung may kumalat na hindi maganda na nakakaapekto sa trabaho niya.
Saktong natapos sila sa pag-aayos ang pagdating ni Ceanna kasama ang dating secretary ni Kurt na si miss Ligaya. Binati naman ito ni Karylle ngunit parang dedmalang ang dalawa nito. Hindi na lang din nagsalita pa si Karylle at tumayo sa tapat ni Kurt kahit sininyasan siya ni Ceanna na lumabas.