Chapter One

1728 Words
Flashback Marahang hinalikan ni Joseph ang mapulang labi ni Moira at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. Ngiti na puno ng pagmamahahal. Ngiting nagbibigay ng kasiguraduhan na kahit anong pagsubok ang humarap sa kanilang dalawa ay kakayanin nila basta lagi silang magkasama. Napangiti ako ng isulat ang huling bahagi o ang wakas ng nobelang ginagawa ko. Bata pa lang ako ay pangarap ko ng maging isang manunulat, ito ang kinahiligan kong gawin at ito rin ang gagawin kong trabaho pagdating ng panahon. “Laptop na naman ang kaharap mo,” napatingin ako sa kaibigan kong si Yumi. Kasalukuyan kaming nasa isang fast food chain sa harap ng Tarlac State University na pinapasukan namin. “Tapos ko na ang nobela ko, susubukan kong ipasa sa isang publishing company at sana magustuhan nila.” Nakangiti kong sagot. Inirapan at sinimangutan lang ako ni Yumi. “Ewan ko sa ‘yo ha? Masyado kang nawiwili sa mga nobelang ginagawa mo na puro happy ending.” Inilapag niya ang pagkaing in-order niya tapos ay umupo sa harap ko. Fourth year college na ako sa TSU sa kursong Information Technology. Hindi ko alam kung bakit itong kurso ang kinuha ko samantalang mas hilig ko ang magsulat. Pero alam ko na hindi naman ito magiging problema kung sakaling ipagpatuloy ko ang pagsusulat ng nobela pagdating ng panahon. “Wala namang problema sa happy ending ‘di ba? Atsaka maraming mambabasa ang mas gustong makabasa ng nobela na may happy ending.” “Alam ko. Pero hindi ba kung gagawa ka ng kwento ay dapat makatotohanan?” Mataman ko siyang tinignan bago tumango. “Oo.” “Iyon naman pala. Ilang nobela na ba ang naka-save diyan sa laptop mo at ipinabasa mo sa akin? You’re only showing the good sides of life but how about the bad sides? Minsan subukan mong gumawa ng tragic ending at magiging mas makatotohanan pa ang kwentong gagawin mo.” Marahan akong humalakhak sa sinabi niya. “Sinasabi mo ba na gawan ko kayo ng kwento ng ex-boyfriend mong babaero na nabuntis ang kapit bahay nila?” sinimangutan ako ni Yumi at binato ako ng isang piraso ng french fries. “Pwede rin. Makatotohanan ang kwento. Tapos patayin mo na siya sa ending para naman kapag may babaerong makabasa ay magtanda sila.” Humalakhak ako at umiling. Taga Cabanatuan si Yumi at nagpasya na dito magaral sa Tarlac sa hindi ko malamang dahilan. Kapag tinatanong ko siya ang tanging sinasagot niya lang ay ‘Wala lang’ o hindi kaya naman ay ‘Gusto ko lang’. Samantalang ako ay dito na ako lumaki. “Hi, pwedeng makisabay?” Sabay kaming napatingin ni Yumi sa lalaking nagsalita. Si Ace. Kababata ko si Ace at dating kapit bahay, noong mga bata kami ay madalas kaming maglaro kasama ang iba pa naming mga kaibigan ngunit natigil ang lahat ng lumipat sila ng matitirhan. “Ace, sige umupo ka na.” nakangiti kong sagot. Tumango naman siya at ngumiti sa amin ni Yumi. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti at nagtaas pa ng kilay. Napailing na lang ako at bumaling kay Ace. “Kumusta Ace?” tanong ko. “Ayos lang. Ikaw? Si Tita Martha at Tito Arnold kumusta rin? Atsaka si Boyet?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga magulang ko at ang nakakabata kong kapatid. “Ayos lang din naman sila. Wala ka ng pasok?” umiling naman siya. “Katatapos lang naming maglaro ng basketball. Oo nga pala, punta ka sa birthday ko sa makalawa ha?” saglit akong nag-isip at umiling. “Huwag na lang siguro. Baka hindi ako payagan nila Mama.” “Ipagpapa-alam kita, susunduin na lang kita sa inyo. Sumama ka na rin Yumi.” “Sige.” Sa pagkakatanda ko ay mas matanda ng dalawang taon sa akin si Ace. So if I’m twenty years old, basically he’s twenty-two. Naalala ko rin kung gaano siya katamad pumasok noong mga bata pa kami kaya dalawang beses siyang huminto. “Twenty-three ka na sa makalawa?” humalakhak siya bago uminom ng soft drinks. “Ang sama mo, Heart. Twenty-two pa lang.” marahan akong tumango at ngumiti ‘Pasalamat ka gusto kita,’ napatingin ako sa kanya ng marinig ko siyang bumulong ngunit hindi ko naman marinig. “Ano?” tanong ko na nakakunot ang noo. “Wala,” nakangising sagot niya, “Si Nico ba nanliligaw pa rin sa ‘yo?” kapagkuwan ay tanong niya. Natawa naman ako at agad na umiling. “Hindi ‘no. At kung sakaling oo wala siyang pag-asa.” Ang tinutukoy niya ay ang isa sa mga kaibigan namin noong mga bata pa kami ‘Mabuti naman,’ bulong na naman niya pero hindi ko narinig. “Ano?” tanong ko ulit. Marahan naman siyang humalakhak pero agad na umiling. “Wala. Sabi ko mauuna na ako. Baka hinahanap na ako ni Mama.” Tumango na lang ako at ngumiti. Pinanuod ko siyang tumayo at naglakad palabas ng kainan, ngunit bago siya tuluyang makalabas ay tumingin siya sa akin, ngumiti at kinindatan pa ako. Nabigla ako sa ginawa niya at may kung ano sa parte ko ang nagwala pero hindi ko na lang binigyan ng pansin. Gwapo si Ace kaya alam ko na kahit sinong babaeng liligawan niya ay mapapasagot niya. Tingin ko nga ay kahit mga artista o modelo ay kayang kaya niyang pasagutin lalo na at mayaman din naman ang pamilya niya. Ang Lolo niya na si Jose Fuentebella ay ang may ari ng Fuentebella Hardware na kilala dito sa kabuuan ng Tarlac maging sa iba’t ibang lugar sa maynila, at dahil sa matanda na ito alam kong si Oscar na ang namamahala na ama naman ni Ace at alam ko na darating ang araw na siya ang magpapatuloy sa nasimulan ng kanyang ama dahil siya ang panganay na apo. “Ang lakas ng tama sa ‘yo ni Ace, ‘no?” bigla akong bumalik sa realidad nang magsalita si Yumi. Malawak din ang ngisi niya. “Ano bang sinasabi mo? Kaibigan ko lang si Ace.” Sagot ko naman kahit na sa totoo lang ay may parte sa akin ang gustong maniwala na may gusto nga sa akin si Ace at hindi ko alam kung bakit. “Kaibigan mo nga pero ang tanong kaibigan ka lang din ba sa kanya?” hindi ako sumagot, “Alam mo Heart, ikaw ang magaling gumawa ng istorya sa ating dalawa kaya dapat ay alam mo na ang mga ganitong bagay. Halata naman sa mga tingin niya sa ‘yo na tinamaan siya eh,” Dagdag pa niya. “Guni-guni mo lang iyon.” Sagot ko naman. “Ewan ko sa ‘yo. Maganda ka naman, pero bahala ka. Huwag kang maniwala kung ayaw mo,” “Halika na nga, baka hinahanap na ako nila Nanay at Tatay.” Sagot ko at tumayo na. “Sige Heart, kita na lang tayo bukas. Ingat ka,” ngumiti ako at tumango kay Yumi pagkatapos niyang halikan ang pisngi ko. Magkaibang daan ang tinahak namin ni Yumi. Agad naman akong naglakad papunta sa may sakayan ng jeep upang makauwi na. Akmang sasakay na ako ay napahinto ako at muntikan nang mapatalon sa gulat ng may bumusinang sasakyan mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Ace na nakasilip sa bintana ng sasakyan, nakangiti sa akin at kumaway. “Hatid na kita, Heart!” Bigla akong namula sa isinigaw niya. Tumingin ako sa paligid at nakita ang ilang mga matang nakatingin sa akin. Marahan naman akong umiling at ngumiti. “Hindi na, hindi mo naman madadaanan ang sa amin eh.” Ang alam ko ay sa St. Michaels Subdivison sila nakatira ngayon at lalayo lang siya kung ihahatid pa niya ako sa San Rafael kung saan kami nakatira. “Ayos lang. Wala naman akong gagawin.” Marahan akong naglakad papunta sa sasakyan niya para makasakay. Pagkapasok ko sa loob ay tipid akong ngumiti sa kanya na sinuklian naman niya. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa labas kasi wala naman akong alam na sabihin. Samantalang napapansin ko naman na pasulyap-sulyap siya sa akin. “Darn. I’m feeling nostalgic,” tugon ni Ace ng mapansin kong ipinasok na niya ang kanyang sasakyan sa barangay namin. Tumingin siya sa akin at ngumiti “Nakakamiss maglaro kasama kayo. Naalala mo ba noong mga bata pa tayo?” napangiti ako at mabilis na tumango. “Oo. Napanuod ko nga rin noong tinutuli na kayo eh.” Marahan akong humalakhak nang mamula siya. “Baka naman kasi gusto mo lang akong silipan noon.” Nakangising tugon niya. Humalakhak naman ako. “Hindi ah. Napadaan lang talaga ako sa court noon at hindi ko naman alam na may libreng tulian pala. Nakita ko tuloy kung paano ka umiyak.” Napailing siya at hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. “Eh noong hinabol tayo ng aso ni Mang Karding kasi sinusungkit natin ang bunga ng mga bayabas niya?” Humalakhak ako at agad na tumango. “Naalala ko rin. Nadapa pa nga ako noon at muntikan ng makagat pero binato mo yung aso kaya tumakbo ito palayo.” Sagot ko nang nakangiti. Inaalala ang mga nangyari noong mga bata pa kami. “Nalala mo ba noong nagtataguan tayo sa may damuhan kasama ang mga kaibigan natin tapos hinalikan kita?” bigla akong natahimik sa itinanong niya. Pero agad din akong napangiti at agad na tumango. “Oo tapos sinapak ko si Nico habang umiiyak kasi akala ko siya ang humalik sa akin dahil madilim.” Humalakhak na naman kaming pareho at napailing. Iginarahe ni Ace ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay namin at sabay kaming lumabas dito. Malawak pa rin ang ngiti niya. “Nakakamiss ‘no?” tanong niya. Marahan akong naglakad at bahagyang lumapit sa kanya at tumango. “Oo nga eh. Ang bilis pala ng panahon.” Sagot ko naman. “Eh ako na-miss mo ba?” natigilan ako sa itinanong niya at napatitig sa kanya. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, “Ang bilis nga ng panahon. Naalala mo ba ang sinabi ko sa ‘yo bago kami lumipat ng bahay?” bigla akong natahimik. Naglakad papalapit sa akin si Ace at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Pabilis na ng pabilis ang t***k ng puso ko dahil sa titig na ibinibigay niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD