HUMINGA ako ng malalim at inihanda na ang hapunang niluto ko sa mesa dahil alam kong sa mga oras na ito ay pauwi na si Ace mula sa opisina. Ilang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nilulubayan nang sinabi ni Nanay tungkol sa Lola ko at sa Lolo ni Ace. Hindi ko alam na may gano’n pala silang nakaraan at kung iisipin ay parang napakasakit nga ng pangyayari. Hindi lingid sa akin ang katotohanan na karamihan sa mga kamag-anak at pamilya namin ay hindi nagka-anak, sabi nila ay nasa dugo na raw namin. Pilit ko itong iwinawaksi sa isipan ko pero parang isang multo na ayaw akong lubayan. Nitong mga nakaraang araw ay maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Ace at walang nagbago, bukod sa lagi siyang parang tulala at parang mas nais subsob sa trabaho, ramdam ko na may p