MATAMAN akong pinagmasdan ni Yumi at tinaasan ng kilay. Ngumisi naman ako sa kanya kaya pinaikot niya ang mta mata niya. “Sana pumayag ka na, para sa inyong dalawa rin naman iyon e.” umiling ako. “Natatakot ako, Mi.” “Ewan ko sa ‘yo. Pero wala pa ba talaga?” tanong niya na ang tinutukoy ay kung nagdadalang-tao na ba ako. “Wala pa nga eh, atsaka sabi ni Ace ayaw raw niyang lagi akong nakaharap sa laptop kasi mukha raw akong stress nitong mga nakaraang araw.” Sagot ko naman. “Buti naman, halos mapuno na ang bookshelf ko ng mga libro mo. Buti sana kung binibigay mo ng libre, eh binibili ko pa dahil ayaw mo ‘kong bigyan ng complimentary copy.” Reklamo niya na ikinatawa ko. “Para sigurado na may bumili kahit isa lang kung sakaling walang magkaroon ng interes.” Sagot ko naman sa kanya.