Chapter Eight

2427 Words

Alam ni Ben na halos siya na lang ang gising ng mga oras na iyon. Napatingin siyang muli sa orasan at nakita niyang pasado alas dos na ng madaling araw. Inis niyang itinabon ang unan sa kanyang mukha at pagkatapos ay inalis din iyon. Inis siyang bumangon at naupo sa gilid ng kanyang kama habang nakatitig sa kawalan. Nang makita niya si Brenda ngayon, hindi niya maintindihan kung anong damdamin ang lumukob sa kanya. Pilit niyang kinakapa ang pagmamahal na naramdaman niya noon para sa babae pero wala na siyang maramdaman para dito. Ang tanging nasa puso niya ay galit at pagtapak nito sa pride niya dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Akala ng lahat ng tao kaya wala siyang nagiging nobya ay dahil sobrang apektado siya sa pagkawala ni Brenda. Oo. Ilang panahon din niyang ininda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD