Kabanata 21

1092 Words
"Ginoong Zinc?" "Ginoong Zinc?" Nasaan ka, Ginoong Zinc? Pumasok si Fate sa kwarto ni Zinc. "Ginoong Zinc, nasaan ka?" Pero wala siyang nakitang Zinc o bakas man lang nito. Maayos na nakatupi ang kumot at ang mga unan ay nasa gilid. Ang mga libro ay nasa shelf at animo'y walang gumagalaw. Isinara ni Fate ang pinto at nagdesisyon na magluto ng almusal. Kaninang umaga pagkagising ni Fate ay wala siyang nahanap na Zinc. Maayos naman ang pakikitungo nito kagabi pagkauwi nila, nag-good night pa nga ito sa kanya. Wala namang problema, pero bakit siya umalis ng walang paalam? Nilagay ni Fate ang niluto niyang hotdog at itlog sa mesa. Kumain siya kahit na wala siyang gana. Alam niya kasi kapag ginutom siya ay mawawalan siya ng malay. Kailangan niya pa namang mahanap si Zinc ngayong araw. Baka kung saan ito napunta. Tinakpan niya ang natirang pagkain. Baka kapag umalis siya at dumating si Zinc ay gutom ito at gustong kumain. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pupunta siya sa Bean in book. Baka nandun si Zinc. Ang sabi niya kahapon kay Zinc ay magtatrabaho siya doon ngayong araw pero nawawala si Zinc kaya uunahin niya munang hanapin ito. "Oh Fate, nandito ka pala! Tamang-tama, marami tayong customers ngayon kailangan ng manager ng mga servers!" nginitian ni Fate ang katrabaho niya. Marami ngang customers na pumapasok ngayon at kahit gaano man niya kagusto na magtrabaho ay hindi niya magagawa. Mas kailangan niyang mahanap si Zinc. Ngayon pa na may kaba nang namumuo sa kanyang dibdib. "Nagpunta ba dito si... Ginoong Zinc?" "Ha? Wala. Hindi iyon pumupunta dito kapag huwebes. Bakit mo hinahanap?" "Ah. Wala. May... kailangan lang ako sa kanya..." "Ah. Hindi ka ba papasok ngayon?" Nagkibit balikat si Fate. "Hindi ko alam. Pero sana ay makabalik na ako bukas." Umalis si Fate at nagtungo naman sa lugar kung saan nagtatrabaho si Zinc. Wala si Pisces ngayon kaya iba ang sekretarya ni Zinc. Sana alam niya pa rin kung nasaan si Zinc. Hindi nahirapan si Fate na makapasok. Kilala naman na kasi siya ng mga guwardya. May mga iilan ding mga empleyado na bumati sa kanya pagpasok. Akala nga ng mga ito na nandito siya dahil babalik siya sa kanyang dating trabaho. Nang makapunta siya sa opisina ni Zinc ay sarado ito. Tapos ang sunod niyang nakita ay si Cattleya, ang bago nitong sekretarya. Masama ito. Napapikit si Fate. Kung hindi magkasama si Zinc at si Cattleya, ibig sabihin ay umalis si Zinc hindi dahil sa kanyang trabaho? May isang kwento kasi si Zinc na kapag umaalis siya dahil sa kanyang trabaho ay lagi niyang kasama si Pisces dahil secretary niya ito. Pero taliwas iyon sa nangyayari ngayon. Hindi pinalagpas ni Fate sa kanyang mga mata si Cattleya. Napatingin din naman ito sa kanya kaya nilapitan niya na rin ito. "Magandang umaga, nandito ba si Ginoong Zinc?" hindi maitatago ang pangangatal ni Fate sa kanyang boses. Lumapit si Cattleya sa kanya, nakataas ang kilay. Mas lalo pang ikinagulat ni Fate ang inasta ni Cattleya sa kanya, naglakad ito ng dahan-dahan palibot kay Fate. "Hindi ba't kayo ang laging magkasama?" Cattleya crossed her arms. Bumuka ang bibig ni Fate pero agad din naman niya itong isinara. "Bakit hinahanap mo siya dito?" "Kasi pagkagising ko kaninang umaga, wala siya. Hindi ko siya mahanap." "Umalis siya nang hindi nagpapaalam sayo?" Tanging tango lamang ang naisagot ni Fate dito. "Kung ganun, hindi pa kaibigan ang turing sayo ni Zinc. Kasi hindi siya aalis nang hindi nagpapaalam sayo. Lalo pa ngayon na nakatira kayo sa iisang bahay? Malabo naman iyon." "Hindi ba siya pumasok dito?" Lumitaw ang ngisi ni Cattleya. "Hindi siya pumasok dito. Ni hindi nga siya dumaan eh." "Saan naman kaya pumunta iyon?" bulong ni Fate sa kanyang sarili na narinig naman ni Cattleya. "Malay mo baka nilayasan ka na." Kumunot ang noo ni Fate. "Hindi niya magagawa iyon." Masaya kami kagabi. Nararamdaman kong unti-unti ng nagbabago si Zinc at nagiging mabait na siya kaya walang dahilan para umalis siya. "Baka may ginawa ka na naging dahilan niya para umalis." dahil sa sinabi ni Cattleya ay biglang nanumbalik ang lahat ng alaala ni Fate kasama si Zinc nung magkasama sila sa parke kagabi. Wala siyang masamang sinabi dito maliban na lang sa... Kung bumalik si Luna at piliin ka niya, papayag ka ba? Kung bumalik si Luna at piliin ka niya, papayag ka ba? Kung bumalik si Luna at piliin ka niya, papayag ka ba? Pagkatapos kong tanungin iyon kay Zinc ay naglaho ang kanyang mga ngiti. Tila bomba ang aking tanong para siya ay magulat at matulala. Hindi kaya... hindi kaya...? May nagtutulak kay Fate para isipin na posibleng sinundan ni Zinc si Luna sa kung nasaan man ito ngayon. "May naisip ka na pero hindi mo kayang tanggapin." "Uuwi na ako. Kung pupunta man dito si Zinc ay pakisabi na lang na hinahanap ko siya. Salamat." "Nag-uusap pa tayo, hindi ba? Huwag kang bastos." Natigil si Fate sa paglalakad. Tila lumipad ang lahat ng kanyang iniisip at napunta ang atensyon kay Cattleya. "Anong... anong ibig mong sabihin?" "Alam mo kung ako sayo? Dapat tigilan mo na si Zinc. Hindi kayo bagay. Hindi ka niya gusto," pagdidiin ni Cattleya. Kumunot ang noo ni Fate. "Ha?" "Huwag kang magmaang-maangan. Alam mong wala siyang mapapala sayo kaya bakit ka nga ba niya tutulungan? Harapin mo ang totoo. Isipin mo nga, ang mga tao ay oportunista at wala silang mabuting gagawin sayo nang walang kapalit." Lalong naguluhan si Fate sa sinasabi ni Cattleya. Ayon sa pahayag nito ay ang mga tao ay masasama. Paano nito nasasabi ang ganon gayong isa rin naman itong tao? "Mawalang-galang na. Baka hindi mo alam ang sinasabi mo kaya naman hanggat maaga pa ay aalis na ako. Kung sakaling maparito man si Ginoong Zinc ay pakisabing galing ako dito. Iyon lang, salamat." Bumaba na siya at umalis sa trabaho ni Zinc. Bumalik siya sa Bean in book para magtrabaho. Baka naman may pinuntahan lang si Zinc at babalik din ito kaagad. Hapon na at naging kaunti ang pumapasok na mga tao nang manakit ang dibdib niya. Parang may humihigop sa katawan niya at nagmumula ito sa kanyang dibdib. Nilabas niya ang hour glass na nakasabit sa kanyang kwintas. Napakagat siya sa ibabang parte ng kanyang labi. Paano na ito? Mas bumibilis ang pagkaubos ng mga buhangin. Mas napapabilis na rin ang mga bilang ng araw ng pananatili ko dito sa mundo ng mga tao. Kailangan ko ng bilisan. Kailangan ko ng hanapin ng mas mabilis si Kin. Pero kailangan ko ring hanapin si Zinc.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD