“So, kumusta naman ang buhay may asawa? Exciting ba? Masaya?” tanong ng kaibigan kong si Halle.
Narito kami ngayon sa isang coffee shop magkakaibigan para maka-bonding ang isa't isa, It's sunday by the way. Dalawang araw na rin ang lumipas mula nang makabalik kami ni Spencer galing sa honeymoon namin na wala naman nangyari, pinaiyak niya lang ako.
“Oo nga, beshy, magkuwento ka naman sa amin. Ano nangyari sa honeymoon niyo? Sobrang saya ba?” si Jessy na parang kinilig pa.
Hinampas naman ako sa braso ni Avie. “My gosh, Shen! Napaka-blooming mo ngayon! Ganyan ba talaga kapag naging asawa si crush at nadiligan ang inosenteng rosas?”
Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Pinilit ko naman ngumiti para hindi mapaghalataan.
Ano'ng nadiligan? Eh wala nga kaming kissing scene sa honeymoon namin, crying scene meron pa.
“Of course, masayang-masaya. Ikaw ba naman maikasal sa lalaking crush mo, siguradong maiiyak ka talaga sa sobrang tuwa at saya.”
“Ay sus!” Mahina akong siniko ni Jessy. “Nakakainggit ka naman, beshy! Sana ako rin makatuluyan ang crush ko. Kaso malabo yata dahil may jowa na 'yun, kainis lang talaga!”
“Eh di agawin mo. Asawa nga naaagaw, jowa pa kaya?!” mabilis na sagot ni Avie.
Muling nagtawanan ang mga kaibigan ko at nag-apiran pa. Pinilit ko na lang sarili kong makitawa sa kanila.
Nang matapos ang kuwentuhan namin ay agad na nagyaya ang mga kaibigan kong mag-shopping. 07:12 PM nang matapos ang bonding namin at kanyan-kanyang sakay na kami sa aming sasakyan para umuwi na.
Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay inihinto ko na ang sasakyan sa garage ng bahay namin ni Spencer. Ito ang bahay na niregalo sa amin ni Lolo bilang mag-asawa. Gusto pa sanang magpadala ni Lolo ng mga katulong pero agad akong tumanggi, mas gusto ko kasing masolo ang asawa ko kahit may iba pa siyang mahal. Ano naman ngayon? Eh hiwalay na rin naman silang dalawa, ang mahalaga ay pumayag pa rin siyang pakasalan ako. Ibig sabihin ay malaki pa rin ang chance na maibaling niya sa akin ang pagmamahal niya sa Ex-girlfriend niya dahil ako na ang makakasama niya sa araw at gabi, mukha ko na ang makikita niya. I will accept this as a challenge.
Pagkapasok ko ng bahay ay agad kong binuhay ang ilaw. Katahimikan ang bumungad sa akin.
“Hays. Ang lungkot naman ng bahay na 'to, parang walang kabuhay-buhay.” I let out a deep breath. Umakyat na lang ako ng kuwarto.
Pagkatapos magbihis ay muli rin akong bumaba at dumiretso ng kitchen para magluto ng dinner. Actually, hindi naman ako marunong magluto, pero ngayon gusto kong i-try. I want to cook for him. Mula nang magtalo kami nung gabing iyon ay pakiramdam ko mas lalong lumayo ang loob niya sa akin. Pinapasin niya rin naman ako pero 'pag may tinatanong lang siyang importante. Tumatabi rin siya sa pagtulog, pero ni yakapin ako ay hindi niya magawa. Basta pagkahiga niya kama ay maya-maya humihilik na. And I was so disappointed. Ipagpalagay nang hindi nga niya ako mahal, pero hindi ba ako kaakit-akit at gano'n na lang kung tulugan niya? Nakakainis sa totoo lang, pero ano nga ba ang magagawa ko, eh ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan. I will do anything to make him fall in love with me.
At dahil hindi naman ako marunong magluto ay tinawagan ko na lang ang isa sa mga friend kong Chef na si Austin. I need his help. Ayokong pumalpak sa unang pagkakataon sa pagluluto, baka lalong ma-turn off sa akin ang asawa ko.
“Yes, Shen baby?” malambing na sagot ng kaibigan ko sa tawag ko.
“Austin, are you busy right now?”
“No, baby, why?”
Napangiti ako, buti naman at hindi busy ang kumag na 'to.
“Can you come here to my house, please? Turuan mo ako magluto, hindi kasi ako marunong, eh. Ipagluluto ko sana ang asawa ko para sa dinner namin mamaya.”
Saglit na natigilan ang kaibigan ko sa kabilang linya. Medyo kinakabahan naman ako, mahirap pa naman kumbinsihin minsan ang mukong na 'to.
“Nariyan ba ang asawa mo ngayon o wala?” tanong nito makalipas ang ilang sandaling pananahimik.
“Wala, nasa trabaho pa. Pero maya-maya ay narito na 'yon. Kaya sige na please, tulungan mo na ako, Austin baby…” Nilambingan ko pa ang boses ko.
I heard him sigh, 'yong klase ng buntong hininga na parang suko na.
“Sure, just tell me the address para makapunta na ako.”
“Yes!” Napatalon-talon na ako sa tuwa. “Sige, ite-text ko sa 'yo agad! Basta bilisan mo ang pagpunta, ha? Gusto ko pagdating ng asawa ko rito ay luto na lahat ng mga pagkain at naka-ready na ang dinner namin.”
“Tsk. Oo na!” masungit na sagot ng kaibigan ko at binabaan na ako ng phone.
Napanguso na lang ako. Talagang napakasungit ng mokong, hays!
Agad kong itinext sa kanya ang address ng bahay namin ni Spencer.
Wala pang limang minuto nang may nag-doorbell na. Pagbukas ko ng gate ay nakasimangot na mukha ng kaibigan ko ang bumungad sa akin.
“Wow, ang bilis mo naman yata?”
Umingos si Austin sa akin. “Tsk. Sabi mo bilisan ko, tapos magtataka kung bakit narito ako agad?”
“Napaka-impossible kasi na dumating ka agad, feeling ko tuloy nariyan ka lang sa paligid mula kanina pa. Hays, tara na nga lang at baka dumating na ang asawa ko.” Hinila ko na ang kanyang braso papasok at muling sinara ang gate.
Pagdating sa loob ng kitchen ay agad kong inilabas ang mga gagamitin kong sangkap sa pagluluto.
“So, ano'ng putahe ang mga lulutuin natin?” tanong ni Austin na agad na tinupi hanggang siko ang manggas ng suot na puting polo.
Agad naman akong umiling. “No, Austin, ako ang magluluto, hindi ikaw! Turuan mo lang ako kung paano ang tamang proseso.”
Napamaang si Austin sa akin, pero agad din nagkibit-balikat. “Okay.”
“Kare-kare at sisig ang gusto kong lutuin ngayon, 'yun kasi ang paboritong ulam ni Spencer.”
“Okay go, chop the onion and garlic first.”
Kaya naman mabilis akong kumilos at agad na binalatan ang sibuyas at baywang. First ko rin 'to gawin kaya medyo mahirap. Inuna ko muna ang bawang at hiniwa ng maliliit. Pinanood lang ako ni Austin habang nakasandal sa upuan at nakahalukipkip pa na akala mo'y judge sa isang cooking competition.
“Alam mo, nakakapagtampo ka. Hindi ka talaga pumunta sa araw ng kasal ko.”
“Tsk. Sabi ko naman sa 'yo busy ako dahil may competition kami. Binati naman kita, 'di ba? Don't tell me 'di pa sapat 'yun?”
Napasimangot na lang ako at nag-fucos na lang sa pag-slice ng mga sangkap.
“Garlic, done!” proud kong anunsyo nang matapos hiwain ang lahat ng bawang. Napailing na lang si Austin sa akin.
Sinunod ko naman ang mga sibuyas. Matagumpay kong natapos ang isa, pero pagdating sa isa ay napasinghap na lang ako nang biglang dumulas ang kutsilyo sa hintuturo ko.
“Ouch!” Nabitawan ko ang kutsilyo at sibuyas.
“s**t! Ba't kasi 'di ka nag-iingat!” bulyaw ni Austin sa akin at agad akong dinaluhan. Mabilis nitong inagaw sa akin ang kamay ko at sinipsip ang lumabas na dugo.
“Oh my god, are you a vampire!” bulalas ko, pero sinamaan lang ako nito ng tingin at agad na dinala ang kamay ko sa lababo at hinugasan ang sugat.
“Sige na, ako na lang ang magluluto. Lagyan mo na lang ng band aid yang sugat mo para hindi magka-infection.”
“Ano ka ba, hindi puwedeng Ikaw ang magluto. Kaya ko naman, maliit na sugat lang 'to—”
“Sige, aalis ako ngayon din kapag magmatigas ka pa.” He gave me a serious look.
“B-Basta huwag mong sabihin kay Spencer na ikaw Ang nagluto, ah? Tatamaan ka talaga sa akin.”
“Tsk. Oo na, sige na alis na.”
Wala na akong nagawa kundi lumabas ng kitchen at umakyat ng kuwarto ko para hinanap ng band aid. Maliit lang naman ang sugat pero medyo mahapdi pa rin talaga. Matapos kong lagyan ng band aid ang nasugatan kong daliri ay agad din akong bumalik ng kusina.
Pagkapasok ko ay nakasuot na si Austin ng epron at seryoso nang nagluluto. Naupo na lang ako sa upuan at pinanood siya. Tiwala ako sa kanya pagdating sa lasa ng pagkain, talaga magaling siyang chef, in fact nakailang beses na siyang nanalo sa cooking competition. So I'm sure magugustuhan ni Spencer ang mga luto niya kapag natikman.
“Alam mo, Shen, kung ako ang pinakasalan mo, eh di sana hindi ka na magtitiyaga pa magluto, dahil ako na mismo ang magluluto araw-araw para sa 'yo.”
Napamaang ako sa narinig. What the f**k! Seriously?
“Eww yuck! Gago, kadiri! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Gosh! I can't imagine you being my hus— oh god, iisipin ko pa lang ay kinikilabutan na agad ako!” napapangiwi kong sagot na tila diring-diri talaga, dahilan para sumama ang tingin sa akin ng kaibigan ko.
“Tsk. Ang arte naman ng babaeng 'to, kung makapag-react akala mo naman may nakakahawa akong sakit!”
“Ano ka ba, hindi gano'n ang ibig kong sabihin, 'no! The heck! You're my best friend tapos magiging asawa kita? Kadiri kaya 'yun!”
Austin rolled his eyes on me. “Tsk. Iwan ko sa 'yo!” Hindi na ako nito tinapunan pa ng tingin at nag-fucos na lang sa pagluluto.
Makalipas ang ilang minuto ay nang sa wakas naluto na rin ang mga pagkain. Tinulungan pa ako ni Austin na mag-set up ng dinner table bago ito nagpaalam na umuwi na dahil gabi na. Tamang-tama naman dahil wala pang sampung minuto nang marinig ko na ang sasakyan ni Spencer sa garage. Kaya naman mabilis akong lumabas ng bahay.
“Hi honey!” masigla kong bati at tumakbo palapit sa kanya. Yumapos ako sa braso niya pagkalapit. “Nakapagluto na ako ng dinner natin,” I said as I smiled at him.
Pero saglit niya lang ako tinapunan ng tingin nang walang kangiti-ngiti, at hindi ko inaasahan ang pagbaklas niya ng kamay ko sa kanyang braso.
“Kumain na ako, mag-dinner ka na lang mag-isa,” malamig niyang sagot bago ako tinalikuran at pumasok na ng bahay.
Naiwan akong mag-isang nakatayo sa may garage. I bit my bottom lip to stop myself from crying. Hindi ako puwedeng umiyak!
Mabilis akong tumakbo at humabol sa kanya papasok ng bahay. Naabutan ko siyang paakyat na ng stairs.
“Kailangan mo akong sabayan kahit tapos ka nang kumain! Ako ang nagluto nu'n, eh!”
Napahinto si Spencer sa pag-akyat at nilingon ako. Nakakunot na ang kanyang noo nang humarap sa akin.
“Paanong ikaw? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka naman marunong magluto dahil buhay prinsesa ka na simula pa lang. So please stop lying to me, ayoko sa mga taong sinungaling.”
I couldn't stop myself from crying. Tuluyan nang uminit ang mga mata ko at nagsimula nang lumabo. Pero bago pa lumabas ang luha sa mga mata ko ay tinalikuran na ako ni Spencer at pinagpatuloy na ang pag-akyat. Ni hindi na niya ako nilingon pa.
Tahimik akong umiyak at pumasok na lang sa loob ng kusina. Niligpit ko na lang ang mga nakahandang pagkain habang mahinang humihikbi. Hanggang sa biglang nag-vibrate ang phone ko sa ibabaw ng table na kinatingin ko rito. Napapunas ako ng luha gamit ang likod ng aking kamay at dinampot ang phone bago binuksan ang dumating na email.
Pero sa pagbukas ko ng email ay para akong sinampal ng sampung beses nang bumungad sa akin ang isang litrato na kuha sa isang fancy restaurant. Si Spencer nagdi-dinner kasama ng isang magandang babae. At base sa suot ng asawa ko ay parang kanina lang nangyari dahil ang suot niya sa litrato ay 'yun din ang suot niya ngayon.
Nanginig ang kamay kong may hawak sa phone. Kinain ako ng matinding selos. So ibig sabihin mas pinili niyang mag-dinner kasama ng iba kaysa sa akin na asawa niya? Damn! It hurts so much!
Nagmamadali na akong lumabas ng kusina at umakyat ng kuwarto. Pagpasok ko ay saktong papasok na sana si Spencer sa loob ng bathroom pero agad na napahinto nang makita ang pagpasok ko at napabaling ang tingin sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya at huminto sa harap niya.
“Gusto kong ipaliwanag mo 'to!” Itinaas ko ang phone at pinakita sa kanya ang litrato. “Sabihin mo sa akin kung bakit may kasama kang babae? Ito ba 'yung mahal mong ex-girlfriend, ha? Sumagot ka!”
Nanatili siyang seryoso habang nakatitig sa luhaan kong mga mata. Hanggang sa unti-unti nang kumunot ang kanyang noo.
“Yes, she's my ex-girlfriend. At para sabihin ko sa 'yo ay wala kaming ginagawang masama kundi kumain lang nang magkasabay, kaya ano'ng problema mo? Bakit? Bawal na ba akong kumain kasama ng iba?”
Hindi ako makapaniwala sa kanyang sagot.
“Oo! Kasi ako ang asawa mo! Sa akin ka dapat sumabay, hindi sa iba!” I shouted, pumiyok na rin ang boses ko.
“You're insane,” he said sarcastically.
At bago pa ako muling makapagsalita ay pumasok na siya ng bathroom at malakas na sinara ang pinto at ini-lock pa. Ni hindi man lang niya binigyang pansin ang pag-iyak ko, tila hindi man lang siya naapektuhan.
Sa inis ko ay malakas kong naihampas sa nakasaradong pinto ang hawak kong phone bago mabilis na tumakbo papunta kama sa kama at nagtalukbong ng makapal na kumot. Yumakap ako sa malambot na unan at isinubsob ang mukha ko roon. I couldn't help myself, malakas na akong humagulgol
I swear, hahanapin ko talaga ang babaeng 'yun bukas na bukas din.