Kinabukasan ay agad akong kumuha ng private investigator para ipahanap ang babaeng nasa litrato. And in just one hour, nakatanggap na ako ng email galing sa private investigator, naibigay nito agad ang information ng babae. And I was surprised. Hindi ko inaasahan na isa palang empleyado sa kompanya ni Lolo, isang Marketing Coordinator. Ibig sabihin lang nu'n ay araw-araw silang nagkikita at magkasama ni Spencer dahil sa iisang kompanya lang sila nagtatrabaho. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan.
Call me selfish, yes I am. Kahit hindi ako mahal ng asawa ko ay ayoko pa rin magkaroon ng kahati sa kanya. Kaya gagawin ko ang makakaya ko mawala lang sa landas niya ang babaeng 'yun.
“Good morning, Ma'am!”
“Good morning, Ma'am!”
Kabila-kabilaan ang bumabati sa akin pagkapasok ko ng building ni Lolo, ang Mishova Holdings.
I just gave them a fake smile. Wala akong ganang ngumiti ngayon dahil masama pa rin ang loob ko. Nang magising ako kanina ay wala na ang asawa ko sa tabi ko. Nakakainis lang, ni hindi man lang siya nag-sorry kahit nakita naman niya akong umiiyak dahil sa kanya.
Pagdating ko sa harap ng opisina ni Lolo ay huminto ako at huminga muna ng malalim bago hinawakan doorknob. Marahan kong binuksan ang pinto.
“Good morning, Chairman!” masigla kong bati nang nakangiti at agad na niluwagan ang bukas ng pinto.
Pero ang ngiti ko ay unti-unting nawala nang makita kung sino ang kausap ni Lolo, walang iba kundi si Spencer. Nakaupo silang dalawa sa may couch at nagkakape, parang may masaya silang pinagkukuwentuhan dahil parehong may ngiti sa kanilang labi nang mapalingon sa akin.
“Oh, Apo! Buti naman at dumalaw ka. Halika rito, samahan mo kami ni Spencer magkape,” aya sa akin ni Lolo, mababakas ang tuwa sa kanyang mukha nang makita ako.
But when I looked at my husband, mabilis nitong iniwas ang tingin sa akin.
Napangisi naman ako nang may maisip. Talaga lang, ha? Well, tingnan natin kung balewala pa rin ako sa 'yo kapag nasa harap tayo ni Lolo.
Marahan akong naglakad palapit sa kanila. Pero imbes na sa couch ako maupo ay mas pinili kong kumandong sa mga hita ni Spencer at agad na iniyapos ang aking mga braso sa kanyang leeg. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang guwapong mukha dahil sa ginawa ko.
“Good morning, asawa ko. Share na lang tayo sa kape,” malambing kong sabi nang may ngiti sa labi. It was a fake smile. Kailangan ko lang talagang ngumiti dahil nasa harap kami ni Lolo, ayoko naman sumimangot at baka mapaghalataan pa kami na may pinag-awayan.
“Naku naman, Apo. Hindi ka na nahiya sa akin na Lolo mo.” Napailing na lang sa akin si Lolo at muli nang humigop sa kanyang kape.
Pero hindi ko inaasahan ang pagyapos ni Spencer ng kanyang isang braso sa baywang ko. “Good morning, Honey.” And he smiled at me.
I was shocked by his warm smile. It looks real, but I know it's not.
Hanggang sa inilagay na niya sa kamay ko ang kanyang coffee cup. “Hati na lang tayo rito sa kape, asawa ko.” Marahan pa niyang hinawi ang buhok na kumalat sa mukha ko at inipit ito papunta sa likod ng aking tainga.
And I'm speechless. I don't know what to say, but my heart raced so fast that I couldn't control it.
Natauhan lang ako nang marahan na marahan na tumawa si Lolo.
“Hay naku, kayo talagang mga bata kayo.” My grandfather stood up, naglakad na ito papunta sa may table at naupo sa kanyang swivel chair. “Oh siya, dalhin mo na yang asawa mo sa loob ng opisina mo, Hijo. Doon na lang kayo magkape, baka maka-istorbo pa ako kapag dito kayo sa loob ng opisina ko.”
“I will, Chairman. Thank you.” My husband finally stood up. Napakapit na lang ako sa kanyang leeg nang buhatin na niya ako at dinala palabas ng opisina ni Lolo.
I can't help but smile. How sweet he is. Ang sarap palang magpabuhat sa kanya.
Tulad ng utos ni Lolo ay dinala nga ako ni Spencer sa loob ng kanyang opisina. Pero pagkapasok namin ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang babaeng naghihintay sa loob na may yakap pang folder.
“Spencer!” Agad na lumiwanag ang mukha ng babae pagkakita sa asawa ko, pero mabilis ding naglaho ang ngiti nito nang mapatingin sa akin.
Hindi ako maaaring magkamali dahil ito lang naman ang babaeng ex-girlfriend niya. This b***h! Ang sarap sabunutan!
“Huwag na huwag mo akong ibababa, buhatin mo lang ako kung ayaw mong magwala ako rito sa loob ng opisina mo,” mariin kong babala kay Spencer at tiningnan ito ng seryoso.
Pero agad nitong iniwas ang tingin sa akin at ibinaling naman sa babae. “Yes, Mitch? Ano 'yun?”
Napaismid ako. Wow ha, ang gaan ng boses niya kung makipag-usap sa babaeng 'to.
Pero buti naman at nakinig siya sa akin, hindi niya talaga ako ibinaba. Napangisi ako nang makita ang panibugho sa mga mata ng babae. She was jealous, and it's obvious.
“Ah k-kasi ito na 'yung mga papeles na kailangan mo,” walang gana nitong sagot at inilapag na ang mga hawak na folder sa ibabaw ng table bago ito nagmamadali nang lumabas na parang nagdadabog.
My smile widened. I won!
Paglabas ng babae ay saka ako ibinaba ni Spencer sa pagkakabuhat at naglakad na ito palapit sa kanyang table. Hindi na niya ako pinansin pa dahil pagkaupo sa kanyang swivel chair ay isa-isa nang tiningnan ang mga folder, ni hindi na ako tinapunan pa ng tingin na akala mo'y wala na ang presensya ko. But it's okay, masaya pa rin ako dahil sinunod niya ang gusto ko kanina.
Nakangiti akong pumuwesto sa likod ng kanyang inuupuang swivel chair. And I hugged him from behind.
Napatigil naman siya sa pagbuklat ng folder dahil sa pagyapos ko sa kanyang leeg.
“Asawa ko, ano'ng gusto mong kainin for lunch?” malambing kong tanong nang nakangiti at sinilip ang kanyang guwapong mukha. “Ipag-order na kita. Pero kung gusto mo, sa restaurant na lang tayo kumain, gusto kasi kitang makasabay, eh.”
“I'm busy, baka hindi kita masabayan sa lunch. Mamaya na lang siguro for dinner, maaga akong uuwi sa bahay, doon mo na lang ako hintayin.”
Biglang nagliwanag ang mukha ko sa kanyang sagot. Akala ko ire-reject na naman niya ako, pero buti naman hindi.
“Sige. At dahil hindi naman ako marunong magluto, mag-oorder na lang ako. Okay lang ba 'yun sa 'yo?”
“Hmm..” He nodded.
Lumapad ang ngiti ko. “Okay, asawa ko. Hintayin na lang kita sa bahay.” And I kissed him on the cheek. Napatikhim lang siya sa ginawa ko.
Nakangiti akong lumabas ng kanyang opisina. But of course, hindi ko pa rin puwedeng palampasin 'yung bruha na 'yun.
Kaya naman muli akong pumasok sa loob ng opisina ni Lolo.
“Hey, young lady, dinala ka lang ni Spencer sa kanyang opisina ay parang sumigla ka na,” puna sa akin ni Lolo pero sa mga papeles ang tingin nito.
“Lolo, gusto kong tanggalin mo sa trabaho 'yung babaeng Michelle Gomez ang pangalan.”
Sa sinabi ko ay napatigil si Lolo sa kanyang ginagawa at napaangat ng tingin sa akin.
“Inaakit niya kasi si Spencer, Lo. Kahapon magkasabay silang nag-dinner, and I'm jealous because of that. Ang dami pa namang malalanding babae sa panahon ngayon, 'yung tipong kahit alam nang may asawa ay inaahas pa rin. So ayokong dumating sa punto na maakit ng babaeng 'yun ang asawa ko. Kaya naman hinihiling ko sa 'yo na tanggalin mo na siya ngayon din mismo sa araw na ito!”
Bahagyang umawang ang labi ni Lolo sa sinabi ko, pero kalauanan ay isang marahan na halakhak ang pinakawalan.
I frowned. “At ano naman ang nakakatawa, Lo? I'm serious!”
“Ano ka ba namang bata ka, wala ka bang tiwala sa asawa mo? At isa pa, kawawa naman 'yung tao kung tatanggalin sa trabaho nang wala namang mabigat na dahilan.” Napasatsat pa si Lolo sa akin na may kasamang pag-iling.
Tiwala? Oo wala talaga akong tiwala sa asawa ko lalo na't ex-girlfriend niya ang bruhang 'yun!
“Ano ka ba naman, Lo, paano naman magiging kawawa 'yun eh marami namang ibang trabaho na puwede niya aplayan. Kaya sige na please, tanggalin mo na lang po siya. Ayoko ng hindi ako kampanti kapag wala sa tabi ko ang asawa ko. Palibhasa kasi lalaki ka kaya hindi mo naintindihan ang feelings ko, eh! Kainis ka, Lo!”
My grandfather sighed. “Oo na, sige na.”
Lumiwanag ang mukha ko sa narinig. “Talaga, Lo? Pero baka naman ilipat mo lang siya ng department at hindi naman talaga tatanggalin, ah? Hmm.. Malaman ko lang na gano'n lang ang gawin mo, talagang hindi na kita na papansinin pa at bibisitahin dito sa loob ng isang taon.”
My grandfather chuckled. “Hay naku namang batang ito. Oo na, tatanggalin ko na at hinding-hindi ililipat ng department. Basta ipatatanggal ko mamaya sa hapon. As you can see, I'm busy right now, Apo.”
Sumilay ang mala-demonyo kong ngisi. “Oh sige, aasahan ko 'yan!” Mabilis na akong lumapit kay Lolo at humalik sa pisngi nito. “The best ka talagang matanda ka! Sige alis na ako. Love you!”
Napatawa na lang si Lolo sa akin at napailing-iling.
Nakangisi akong lumabas ng building at sumakay na sa kotse ko. At dahil maaga pa naman para umuwi ay dumaan muna ako sa coffee shop ng kaibigan ko at nakipag-chismisan. Nang sumapit ang 05:00 PM ay saka ko naisipang umuwi at agad na tumawag sa paborito kong restaurant para magpa-deliver.
06:45 PM nang dumating ang mga inorder kong pagkain, kaya agad kong inihain sa table ang mga ito. Matapos i-set up ang dinner ay mabilis na akong umakyat ng kuwarto at nagbihis ng isang red cocktail dress. Pero hindi pa nakapaglagay ng makeup nang marinig ko na ang pagdating ng sasakyan sa garage. Kaya naman mabilis ko na lang sinuklay ang buhok ko at nagpahid ng kaunting lipstick sa labi. Nang makitang okay na ay nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto.
“Spencer, asawa ko!” Nagliwanag ang mukha ko nang makita ang asawa ko paakyat na ng stairs. Kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na akong bumaba ng hagdan para salubungin itom
Pero nang sandaling nakalapit na ako sa kanya ay kasabay nito ng pagsinghap ko sa gulat nang marahas niyang hinaklit ang braso ko, muntik na akong mahulog sa hagdan kundi lang ako mabilis na nakabalanse.
“Ikaw ba, ha? Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit natanggal si Michelle sa trabaho!?” Napapitlag ako sa lakas ng boses niya, tila galit na galit.
I couldn't help myself. “Oo, ako ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho! Dahil ayokong umaaligid pa siya sa 'yo! Nagseselos ako, Spencer!” I shouted back.
Saglit na bumuka-sara ang kanyang bibig na tila hindi makapaniwala sa sagot ko, hanggang sa patapon na niyang binitiwan ang braso ko.
“Damn it! Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo, ha?! Nawalan siya ng trabaho dahil lang sa walang kwenta mong pagseselos na 'yan, Chrissa Shen!”
Walang kwentang pagseselos? Ouch!
“Asawa kita kaya natural lang na magseselos ako lalo na't hindi mo lang siya ex-girlfriend kundi mahalaga pa siya sa 'yo! Dapat nga pabayaan mo na lang 'yung babaeng 'yun eh, itapon mo na lang siya na parang isang basura dahil kasal na tayo! Ako na ang asawa mo! Sa akin ka na dapat mag-alala, hindi na sa iba!”
“I can't do that to her. Mas mahalaga pa rin siya sa akin kumpara sa 'yo!”
Nagsigawan na kaming dalawa.
And again parang dinurog ang puso ko sa sigaw niyang iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang humapdi ang mga mata ko at nanlabo na naman.
I looked at him. “Ba't ganyan ka sa akin? May nagawa ba akong mali sa 'yo para ganituhin mo? Hindi ba puwedeng magpanggap ka na lang na mahalaga ako sa 'yo, ha?” I asked as tears flowed down my cheek. “Dapat kahit kunwari lang, ipakita mo na may konting halaga pa rin ako sa 'yo, dahil pumayag kang pakasalan ako kahit hindi mo naman talaga ako mahal!”
Ilang sandali siyang napapatig sa luhaan kong mga mata, hanggang sa mabilis na niyang iniwas ang kanyang tingin.
“Pasensya ka na pero kailangan kong umalis ngayon. I need to comfort her, bukas na ako uuwi.”
Umawang ang labi ko. “What? Comfort? At paano naman ako?”
“Comfort yourself then.” And he turned his back on me.
Naiwan akong nakatayo sa mataas na palapag ng hagdan habang nakatingin sa kanyang papalayong likod. Para akong pinangatugan ng tuhod na muntik ko nang ikadulas kundi lang ako nakakapit sa handrail ng stairs.
And again, I cried alone. Naiwan akong umiiyak sa loob ng bahay nang mag-isa.
Gusto ko pa sanang tawagan ang mga kaibigan ko para maglabas ng sama ng loob pero agad akong kinain ng pride ko. Ayokong malaman nila na ganito kami ni Spencer. Ano na lang ang iisipin nila sa akin? Ayoko namang kaawaan nila ako.
Sumapit ang 12:30 AM ay walang Spencer na bumalik. Talagang iniwan niya ako para lang puntahan ang ex-girlfriend niya.
I tried to find him. Kahit hating gabi na ay pinilit kong magmaneho ng kotse sa pagbabakasaling mahahanap ko siya sa labas kahit na alam kong malabo.
Hanggang sa nalamayan ko na lang ang sarili kong nasa loob na ng isang private club at umiinom na ng mapait na alak habang umiiyak.