Chapter 4

2017 Words
I WAITED for him overnight sa pag-aakalang uuwi siya, pero nakatulog lang ako sa paghihintay ay walang Spencer na dumating. And when I woke up the next morning, wala pa rin siya, bagkus ay isang text message na naman ang dumating at sinasabing bukas pa siya makakabalik. And when I call his number, hindi naman niya sinasagot. Nakailang beses din akong tumawag sa kanya pero na-lowbat lang ang phone ko wala akong napala. Two nights, dalawang gabi niya akong iniwan sa hotel room nang mag-isa. At sa loob ng dalawang gabi na iyon ay halos namugto ang mata ko sa kakaiyak. I want to call my grandfather para sana magsumbong, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Napaka-childish ko naman kapag ginawa ko 'yun, kaya pinili kong huwag na lang at hintayin na lang ang pagdating niya para humingi ng paliwanag sa kanya, kung saan ba siya pumunta at kung gaano ba ka-importante ang pinuntahan niya na talagang nagawa niya akong iwan na asawa niya, at talagang sa mismong gabi pa ng honeymoon namin. And now, here I am, suot ang red swimsuit at nakaupo lang sa puting buhangin habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Maraming mga turista sa beach at lahat nag-e-enjoy sa kanilang pagsu-swimming at pagsa-sunbathing, ako lang yata ito ang parang namatayan dahil sa sobrang lungkot at halos hindi na maipinta ang mukha. “Ehem!” Rinig ko ang pagtikhim mula sa likuran ko pero hindi ko ito pinansin, hanggang sa naramdaman ko na ang pag-upo nito sa tabi ko. I know it's a man again, ilang lalaki na ba ang sumubok na makipag-usap sa akin mula kanina pa para lang landiin ako palibhasa ay wala akong kasama. Pero lahat sila ay hindi ko pinatulan at itinaboy ko, dahil isang tao lang ang gusto kong makasama sa mga oras na 'to, at iyon ay walang iba kundi si Spencer, ang asawa ko. “Hi, Miss beautiful!” wika ng lalaking naupo sa tabi ko. Nanatili lang akong nakatingin sa karagatan at hindi man lang ito tinapunan ng tingin. “My name is Axle, but you can call me Ax if you want.” “I'm not interested,” walang gana kong sagot at dumampot ng maliit na bati bago ito ibinato sa mahinang hampas ng alon. “But I am. I'm interested in you. Mula kanina pa kita pinapanood sa malayo, napakaganda mong pagmasdan, kaya lang napakalungkot naman ng mga mata mo. Maaari ko bang malaman ang dahilan?” Ang kulit din ng lalaking 'to. “I'm married, so back off.” “Oh, I'm sorry but I didn't see your husband?” “Ikaw pa ba na hindi naman niya kaano-ano? Ako nga asawa niya hindi ko pa rin siya nakikita magpahanggang ngayon,” mapakla kong sagot at patuloy pa rin ang pagpulot ng maliit na bato. Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita kong ginaya na rin ng lalaki ang ginagawa ko. “Oh, so you mean, you're not married?” “I'm still not interested in you even if I'm married or not.” I heard him sigh. “Oh, that's sad. But you're still my type even if you're not interested in me. Can you tell me your name, please?” “Bakit ba ang kulit mo! Sabi nang ayoko sa 'yo, eh!” I couldn't help myself and yelled at him. Napalingon na tuloy sa akin ang ibang mga turista sa beach dahil sa lakas ng boses ko. Napakamot naman sa batok ang lalaki at mabilis na tumayo na parang napahiya, hindi na makatingin sa akin nang diretso. Naglakad na ito palayo sa akin nang walang lingon-lingon. I didn't even see his face, tanging malapad na likod na lang nito ang nakita ko. Naka-topless lang kaya halatang-halata na maganda ang pangangatawan kahit likod lang ang naabutan ko. Marahas kong ipinilig ang ulo ko at muling binalik ang tingin sa dagat. “Ano naman ang paki ko kung maganda ang katawan niya! Maganda rin naman ang katawan ng asawa ko!” inis kong sambit nang mag-isa at muling dumampot ng bato bago ito ibinato sa maliit na hampas ng alon. Nang sumapit ang tanghali ay saka ako pumasok ng hotel at nagpahatid na lang ng pagkain sa room. Ayokong sa labas kumain dahil alam kong magmumukha lang akong tanga na walang kasama. Nang matapos kumain ay muli kong dinampot ang phone ko at tinawagan ulit ang number ng asawa ko. And good thing dahil sinagot agad sa unang ring pa lang. “Spencer! Honey!” masigla kong bungad nang may ngiti. Pero ang ngiti ko ay unti-unting naglaho nang iba ang sumagot. “Yes? Sino po ito?” It's a woman's voice. Agad na kumunot ang noo ko. “Where's Spencer? I'm his wife. At ikaw, sino ka naman? Bakit na sa 'yo ang phone ng asawa ko?” Saglit na natahimik ang kabilang linya. Napahigpit naman ang hawak ko sa phone at dinambol ng kaba. “Ah, wala kasi rito si Spencer. I mean, narito pero nasa loob pa ng bathroom at naliligo.” Napabuka-sara ang bibig ko. “A-Ano'ng… Ano'ng sabi mo? Sa loob ng bathroom? Who the hell are you! At bakit na sa 'yo ang phone ng asawa ko!” I couldn't help myself but shout. Pero bigla na lang ako binabaan ng babae. I tried to call her again pero hindi na makontak pa. I can't help but panic. The heck! Ano'ng ginagawa ng asawa ko kasama ang babaeng 'yun? Akala ko ba importante at emergency ang pinuntahan niya? Pero bakit may kasama siyang babae at talagang naliligo pa sa loob ng bathroom! Ano 'yun, magkasama sila ng babae sa kuwarto? Sa isiping 'yun ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at inis na itinapon sa pader ang hawak kong phone. Pero agad ko rin itong dinampot at tinawagan ang number ni Lolo. “Oh, Apo? Napatawag ka? Kumusta kayo riyan ni Spencer?” I closed my eyes for a moment at mahinang bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko at maging normal ang boses. “Lo, si Spencer po ba may mga trabaho pang naka-line up? I mean, marami ba siyang trabaho na naiwan diyan?” My grandfather chuckled. “Naman, Apo, huwag mong sabihing gusto mong tambakan ng trabaho ang asawa mo kahit nasa honeymoon kayo? Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa mga trabaho rito, basta magpakasaya lang kayo riyan at nang sa ganoon ay magkaroon ako agad ng Apo sa tuhod.” Nanghihina kong ibinaba ang hawak kong phone. Ibig sabihin ay wala talagang kaalam-alam si Lolo na iniwan ako ni Spencer dito sa hotel nang mag-isa. Hindi ko tuloy mapigilan ang magduda lalo't babae ang sumagot kanina sa kanyang phone, at talagang pinatayan pa ako ng bruhang 'yun. I feel frustrated. Inis akong nahiga sa kama at patapon na binitiwan ang hawak kong phone dahil sa inis. “No. Impossible na nambabae siya, baka katrabaho niya lang 'yun,” pagmamakalma ko sa sarili ko at yumakap na lang sa puting unan. Hindi ako dapat mag-isip ng kung anu-ano. Ang kailangan kong gawin ngayon ay magtiwala na lang at hintayin ang kanyang pagbabalik. Hindi na ako lumabas pa ng room at nagkulong na lang buong maghapon. Nang sumapit ang gabi ay pumasyal lang ako saglit sa lobby at naghintay ng konti bago muling bumalik. 09:56 PM, nakahiga na ako sa kama at balak nang matulog nang biglang bumukas ang pinto, dahilan para mapabalikwas ako ng bangon. At agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita kung sino ang taong pumasok. Finally, he's here now. My husband is back! “Spencer!” Mabilis akong tumakbo at yumakap sa kanya. Hinayaan niya lang ako, ni hindi man lang niyakap pabalik. Kaya naman para akong napahiya na agad ding bumitaw at tumingin sa kanya. “Where have you been? Tinawagan kita kanina pero babae ang sumagot. Sino ba 'yun, ha?” He stared at me. Inaasahan kong katrabaho lang niya ang isasagot niya sa akin. Pero iba naman ang lumabas sa bibig niya. “She's my ex-girlfriend.” Napanganga ako sa nakuhang sagot. “A-Ano'ng sabi mo? Pakiulit nga.” Nilampasan na niya ako at naglakad palapit sa kama. “Dati ko siyang girlfriend, na-ospital kaya pinuntahan ko, wala kasing magbabantay sa kanya. I'm sorry kung hindi ko sinabi agad sa 'yo.” Parang may kung ano'ng sumabog sa loob ko dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay may matulis na bagay ang biglang tumusok sa bandang dibdib ko. “So ibig mo bang sabihin, hindi talaga trabaho ang pinuntahan mo? Iniwan mo ako rito sa hotel para lang puntahan ang ex-girlfriend mo? Siya ang kasama mo sa loob ng dalawang gabi? Gano'n ba 'yun, ha? Magkasama kayo? Magkatabi sa pagtulog? Sumagot ka!” I yelled, I couldn't help it. My eyes started to become blurry. “Yes.” I was shocked by his answer. Hindi ko inaasahan 'to. Hindi ko alam na may ex-girlfriend siya. I thought he was NBSB like me! Pero mukhang mali yata ako ng akala. “Ang sama mo, pinaghintay mo ako sa 'yo! Dalawang gabi at tatlong araw kitang hinintay, tapos nagpapakasaya ka lang pala sa piling ng iba?” He didn't answer me. “Do you still love her?” I couldn't help but ask. Nagsimula na ring gumaralgal ang boses ko. “Is that important? We're married now,” he replied without looking at me. Patuloy lang siya sa paghubad ng kanyang coat at sunod ang kanyang necktie. “Oo! Importante 'yun! Hindi mo ako dapat pinakasalan kung mahal mo pa ang ex mo at nag-aalala ka pa sa kanya!” And he finally faced me. “I just marry you dahil 'yun ang kahilingan ng Lolo mo na hindi ko puwedeng tanggihan!” he shouted back to me. Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa kanyang sagot. Ngayon niya lang ako pinagtaasan ng boses kaya naman medyo nabigla ako. “A-Ano? Is that because of money kaya hindi mo matanggihan si Lolo?” Bumuga siya sa hangin at hindi makapaniwalang tiningnan ako. “Maybe yes, because I'm his employee. But there's a reason behind it kung bakit ako pumayag na pakasalan ka kahit hindi naman kita mahal at wala rin naman akong pagtingin sa 'yo.” I couldn't help myself, tuluyan nang kumawala ang butil ng luha na pilit kong pinipigilan. Ramdam ko pa ang init ng pagdaloy nito sa aking pisngi, pero mas ramdam ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa salitang binitawan niya. It hurts. Damn! “Sa tatlong araw at dalawang gabi na pagkawala mo rito, may nangyari ba sa inyo ng ex-girlfriend mo, ha? Did you sleep with her?” I bit my lip to muffle my sob. “Wala.” Umiwas na siya ng tingin sa akin nang makitang umiiyak na ako. “Walang nangyari sa amin.” Kahit papaano ay kumalma ako ng konti, pero masakit pa rin talaga. Pero hindi. Hindi ako dapat umiyak. Ex-girlfriend lang naman niya iyon at ako na ang asawa niya. If he doesn't love me, then I will make him love me. Nang mahubad na ni Spencer ang kanyang suot na pang itaas at akmang papasok na ng bathroom ay agad ko siyang pinigilan sa braso. And he looked at me na may pagtatanong. “Kiss me. I want you to kiss me.” But when he hears what I say, umiwas siya agad ng tingin. “Kailangan ko pang maligo, amoy pawis ako.” “I don't care, it doesn't matter to me.” Natahimik siya ng ilang sandali. Pero hindi ko inaasahan ang pagbaklas niya sa braso ko. “I'm tired. Matulog ka na, lumalalim na ang gabi.” Parang may malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko nang talikuran na niya ako at pumasok na sa loob ng bathroom. Naiwan akong tigalgal sa aking kinatatayuan. Tears started flowing from my eyes again, rolled down my cheek. Until it rolled down like a stream. My heart aches. My eyes were blind with tears while looking at the closed door of the bathroom where my husband entered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD