Ginanap ang engagement namin ni Kuya Spencer sa isang five star hotel na pag-aari din ni Lolo. Gusto pa nga sana ni Lolo na six months pa bago ako ipapakasal kay Kuya Spencer, kaso umangal ako at gusto kong makasal na kami agad as soon as possible. Napakadesperada ko, yes, but I don't care.
And today is the day.
After three weeks of preparation, sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ito na 'yun, ikakasal na ako. Ikakasal na ako sa lalaking gustong-gusto ko.
Mahina akong bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. I feel nervous in my chest. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba at saya.
Humigpit ang hawak ko sa bouquet nang marinig ang unti-unting pagbukas ng pinto.
This is it. Sa wakas, matutupad na rin ang isa sa mga pangarap ko. Magiging akin na rin siya! Magiging akin na rin ang lalaking matagal ko nang gusto!
Nang tuluyan nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan ay agad na bumungad sa akin ang mga nakangiting guest na lahat ng tingin ay napunta na sa akin. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang tingin namin ng lalaking nakatayo sa pinakadulong bahagi ng red carpet: suot nito ang kanyang black tuxedo—na talaga namang bumagay sa kanya at mas lalong kinalabas ng kanyang kakisigan. Mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko.
He just stared at me. Wala akong mabasang ano mang emosyon sa kanyang mukha basta nakatitig lang siya sa akin—na para bang ayaw na niya akong mawala sa kanyang paningin.
Ang puso ko ay mas lalong nagwala.
“You're too beautiful, Apo,” ngiting sabi sa akin ni Lolo. Pasimple pa nitong pinunasan ang luha gamit ang panyo na kinuha sa loob ng bulsa ng tuxedo nito.
“Thanks, Lo!” I smiled at my grandfather, kumapit na ako sa braso nito. Nagsimula na kaming maglakad ni Lolo sa aisle.
Pati ang mga kamay ko na may hawak sa bouquet ay ramdam ko ang panginginig sa sobrang nerbiyos.
“C’mon young lady, relax…” My grandfather chuckled, mukhang napansin ang panginginig ng kamay kong may hawak na bouquet.
“Nakakakaba pala ikasal, Lo!” mahina kong bulong na kinahalakhak naman ni Lolo.
“Kung nagbago na ang isip mo, aba eh puwede ka namang umatras.”
“No way. Hindi ako aatras, 'no!” Ngayon pa ba ako aatras kung kailan ikakasal na ako? No way. Isa 'to sa mga pinakainaasam-asam ko, at ngayon nangyari na ay wala na itong atrasan pa.
Mahina akong bumuga ng hangin at pinakalma ang sarili ko. Ngumingiti na lang ako at tumingin sa groom ko na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nakakatunaw ang klase ng kanyang titig, feeling ko ay nangangatog pati mga tuhod ko. Ganito pala talaga 'pag sobrang excited ikasal. Damn!
“Please take care of my princess, hijo.” Binigay na ni Lolo ang kamay ko kay Kuya Spencer.
“I will, chairman.”
“Oh come on, drop that chairman word, sabi ko naman sa 'yo, Lolo na rin ang itawag mo sa akin.”
“Okay, L-Lo… I promise to take care of your granddaughter for the rest of my life.”
Hindi ko mapigilan ang kiligin sa narinig. s**t. Ang sarap pakinggan ng kanyang sinabi.
Humarap na kaming dalawa sa altar at nakinig sa pari. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko, pero siya ay napakaseryoso pa rin talaga at kung ngingiti man sa akin ay tipid lang.
“Chriss Shen Mishova, do you take Spencer Salvador to be your husband—”
“Yes Father, I do!” mabilis kong sagot sa pare. Napatikhim na lang ito at napangiti sa akin. Kinuha ko na ang singsing at sinuot sa daliri ng groom ko. Parang pinamulahan pa ako ng mukha nang magtama ang tingin namin.
“Spencer Salvador, do you take Chrissa Shen Mishova to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?”
“I do.” Kinuha niya na ang singsing at hinawakan ang kamay ko. He looked at me, directly into my eyes. “I, Spencer Salvador, take you, Chrissa Shen, for my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.” Sinuot na niya ang singsing sa daliri ko matapos bigkasin ang mga katagang iyon.
Parang tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Finally, he's mine now.
“I now pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride.”
Hindi ko na hinintay pang halikan niya ako at ako na mismo ang yumapos sa kanyang leeg at humalik sa kanya, tumingkayad pa ako para lang maabot ang kanyang labi. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa bigla kong paghalik sa kanya. Saglit lang at bumitaw din ako agad. Nagpalakpakan naman ang mga guest, pero sa mga kaibigan ko ay may nalalaman pang hiyawan.
After the wedding ay kabila-kabilaan na ang pag-congratulate sa amin.
Nang nasa kotse na kami para pumunta na sa reception ay tahimik lang si Kuya Spencer na parang may malalim na iniisip. Kaya naman hindi na ako nakatiis pa.
“K-Kuya, ayos ka lang ba?” mahina kong tanong. But he didn't answer me. Sa lalim ng kanyang iniisip ay tila hindi niya yata ako narinig.
“Kuya…”
“Kuya Spencer!”
“Huh?” Bigla siyang napatingin sa akin. “What's the matter?”
Napasimangot ako. “Wala naman. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, eh. May problema ba?” Kakatapos lang natin ikasal pero napakaseryoso mo pa rin.
I heard him sigh.
“I'm sorry, may iniisip lang ako. But can you please stop calling me Kuya? You know, we are married now.”
I bit my bottom lip. s**t! Kinilig na naman ako. Oo nga pala dapat hindi ko na siya tawagin pang Kuya dahil mag-asawa na nga pala kami.
“O-Okay. Spencer.” Ugh! I love it. I love calling his name!
He just gave me a warm smile, and then bumalik na ulit siya sa pagiging tahimik.
Napanguso na lang ako. Akala ko pa naman ay kakausapin na niya ako para hindi maboring sa biyahe. Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko? eh talagang ganito na siya kapormal sa simula pa lang Talagang hindi siya 'yung klase ng malaking madaldal o makulit, kaya minsan ang boring niyang kasama. But no, hindi siya puwede maging ganito lagi. Now that we're married, sisiguraduhin kong maaalis na ang pagkapormal niya sa akin.
Pagdating sa reception ay nagbigay lang kami ng konting speech na pagpapasalamat para sa mga guest dumalo, and after that ay agad din kaming nagpaalam kay Lolo para sa pumunta na sa aming honeymoon.
Sa Palawan ang napili naming place for our honeymoon, at 'yung private helicopter din ni Lolo ang aming sinakyan. And of course, si Spencer ang nagmaneho, my one and only favorite pilot.
Gusto ko sana sa ibang bansa kami mag-honeymoon, but he suggested na sa palawan na lang kami. And of course pumayag naman ako. Mas gusto ko kapag siya ang nagsa-suggest, eh paminsan-minsan niya lang naman gawin, and I'm happy that he suggested the place for our honeymoon.
At dahil hapon na nang umalis kami ay medyo gabi na nang dumating kami ng palawan.
“Mauna ka nang maligo, ako na ang mag-aayos ng mga gamit natin,” my husband Spencer told me pagkapasok namin sa loob ng hotel room namin. Siya rin ang nagbitbit lahat ng mga bagahe namin papunta sa loob ng room.
“No. I'm the wife here kaya dapat ako ang mag-ayos ng mga gamit natin. Sige na, ikaw na ang maunang maligo.”
“Okay.”
Napangiti ako. Buti naman hindi na siya nakipagtalo pa.
Pagkapasok ni Spencer sa loob ng banyo ay agad kong binuksan ang mga maleta namin at nilabas ang mga dapat ilabas at inayos sa closet.
“I can't believe this, I'm his wife now,” mahina kong pagbungisngis habang pinipilian siya ng bihisan. Inamoy-amoy ko pa ang kanyang damit, sobrang bango!
Makalipas ang ilang minuto ay rinig ko na ang pagbukas ng pinto ng bathroom na kinalingon ko rito. Hindi ko mapigilan ang mapatulala. Damn! He's hot! Naka-topless lang at tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa baywang. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang guwapong mukha at sa kanyang mabatong katawan. Pakiramdam ko ay tumulo ang laway ko dahil lang sa pagtitig sa kanya.
Mabilis akong umiwas ng tingin at tumayo na. “S-Sige, maliligo na rin ako!” Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at patakbo na akong pumasok ng bathroom.
Agad kong hinubad ang suot kong wedding gown, halos nangalay pa ang mga kamay ko bago ko naibaba ang zipper nito.
Mabilis akong naupo sa loob ng ng bathtub na may mga rose petals nang nakalagay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa isipin na siya ang naghanda ng pampaligo ko. Ang sweet din pala niya kahit na napakatahimik.
“Hmm… Ang sarap sa pakiramdam.” Sumandal ako sa bathtub at pumikit para ma-relax ang katawan ko, dahil medyo nakaramdam din ako ng pagod dahil sa haba ng biniyahe namin.
Sa kakapikit ko ay hindi ko na namalayan ang pagkaidlip ko. Kaya naman nang maalimpungatan ako ay agad akong nataranta at mabilis na naligo.
Suot ang white bathrobe ay excited akong lumabas na ng bathroom.
Pero paglabas ko ay walang Spencer na bumungad sa akin, tanging isang sticky note lang ang nakita kong nakadikit sa puting unan.
‘May pupuntahan lang ako saglit. I'll be right back.’
Napasimangot na lang ako sa nabasa. Saan naman kaya siya pupunta? Ni hindi niya man lang ako hinintay.
Pero ang pagsimangot ko ay agad na napalitan ng ngisi nang may maisip.
Tama, mas mabuti nga umalis muna siya para pagbalik niya ay…
Mabilis akong tumayo at hinanap ang bagong bili kong red nighties. Binili ko nga pala 'yun para suotin sa mismong honeymoon namin, muntik ko nang makalimutan.
Hindi ko mapigilan ang mapabungisngis sa harap ng salamin nang makita ang reflection ko. Talaga namang kitang-kita ang kaluluwa ko sa nighties na 'to, tamang-tama lang para sa honeymoon.
“Well, let's just see, Spencer, my husband.” I smirked at the mirror in front of me. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto.
He's here!
Mabilis akong lumapit sa pinto at nakangiti itong binuksan. Pero ang ngiti ko ay unti-unting naglaho nang iba ang bumungad sa akin, isa sa mga hotel crew.
“Ma'am, here's your food.”
Napatingin ako sa food cart. I sighed. “No, I didn't ordered that. Baka nagkamali ka lang ng room. Sa labas kami kakain ng asawa ko, eh.”
Napakamot naman sa batok ang lalaking crew at napasilip pa sa number na nakadikit sa pinto bago muling tumingin sa akin. “Ah pero, Ma'am, 'yung asawa niyo po ang nagsabi na hatiran kayo ng pagkain dito. Spencer Salvador po ang tumawag, at dito po sa room 106 pinapahatid ang pagkain.”
“Ah g-gano'n ba… S-Sige. I'm sorry, hehe.” Sinabayan ko pa ng alanganing pagtawa bago kinuha dito ang food cart. “Thanks.”
Napasimangot na lang ako at bumalik sa kama. Sumandal na lang ako sa headboard habang naghihintay sa kanyang pagbalik. Pero lumipas ang halos tatlong oras ay nangawit lang ako sa kakahintay, hanggang sa isang text message ang nag-pop up sa phone ko.
Husband: I'm sorry, may emergency akong pinuntahan. Please don't wait for me. Bukas pa ang balik ko.
Para akong nanlumo sa nabasa.
Emergency? Ano'ng klaseng emergency naman kaya 'yun at talagang nakuha niya akong iwanan sa mismong gabi ng honeymoon namin? Damn!
Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa pagka-disappointed.