Chapter 1

1875 Words
Chrissa Shen “Happy birthday!” “Happy birthday, Shen!” “Happy birthday, Chrissa Shen Mishova!” sunod-sunod na bati sa akin ng mga kaibigan ko. Isa-isa nilang itinaas ang kanilang mga basong may wine. Napangiti naman ako at Itinaas din ang hawak ko. Pinagbangga namin ang aming mga baso at sabay-sabay na tinungga ang laman nito. Today is my 24th birthday, at dito din sa hotel na pag-aari ni Lolo ginanap ang celebration. Marami ang mga bisita at halos karamihan ay mga kasosyo din ni Lolo sa negosyo. Moments later, the emcee spoke and called me to give a speech. I immediately stood up and went up on stage. While speaking into the microphone, I simply looked around, but no matter where I looked, my eyes still could not find the person I wanted to see. Hindi ko mapigilan ang malungkot. Hindi na naman yata siya a-attend sa birthday ko, tulad last year wala din siya dahil nasa business trip siya that time. But I hope—darating siya ngayon, dahil buo na talaga ang desisyon ko, magtatapat na ako sa kanya sa mismong araw na ito. After giving a short speech, I went back to the table where my friends were. "Hey, why are you frowning?" my friend Halle asked me with a raised eyebrow as I sat down. “It's your birthday today, pero bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nasa lamay!” maarteng sabi naman ni Jessy at sumimsim pa ng kaunting champagne sa kanyang glass. “Don't mind me, girls. Wala lang talaga ako sa mood today.” I smiled at them. I'm not in the mood right now because the person I'm waiting for isn't here yet. Makalipas ang ilang minuto ay tumugtog na ang musika ng violin. Some of the guests stood up and invited their partners to dance, ganoon din ang ilan sa mga kaibigan ko. “Shen, wanna dance with me?” Patrick asked me, one of my male friends. “I'm sorry but I'm not in the mood to dance. Si Avie na lang ang yayain mo, Pat.” I heard him sigh, wala na itong nagawa kundi yayain si Avie na agad namang tumayo at pumayag. Naiwan naman kami ng kaibigan kong si Bea sa mesa. Muli kong inabot ang aking glass at sumimsim muli ng champagne. "Chrissa, look, ang hot niya! Omg, Kilala mo ba siya?” pagtapik ni Bea sa braso ko makalipas ang ilang sandali. Bahagya namang kumunot naman ang noo ko at sinundan ng tingin ang kanyang sinasabi. At gano'n na lang ang pagliwanag ng mukha ko at pagsilay ng ngiti sa labi ko nang makita ang lalaking kausap ni Lolo kasama ng ilang business man. He's here! Ang lungkot ko ay biglang napalitan ng sigla, tila ako nabuhayan. Finally, dumating din siya! Thanks god! “Just wait here, Bea, lalapitan ko lang si Kuya Spencer!” masigla kong paalam sa kaibigan ko bago ito iniwang mag-isa sa mesa. “Hoy, ipakilala mo naman ako sa kanya, besty!” pahabol pa ni Bea pero hindi ko na nilingon pa. Malapad akong napangiti at bahagya pang kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang kilig sa katawan ko. Shit. He's so handsome with his black expensive tuxedo. Napaka-cool niyang tingnan kahit nakatalikod! Pagkalapit ko ay mahina akong tumikhim, dahilan para mapalingon sina Lolo at ng kanyang mga kausap. “Oh hi birthday girl, what's the problem?” my grandfather asked me. “Wala naman, Lo. Gusto ko lang sanang hiramin 'tong secretary mo saglit.” Kumapit ako sa braso ng lalaking nakatayo sa tabi ni Lolo at tumingala rito. “Can I dance with you, Kuya Spencer? Kanina pa kita hinihintay, eh. I thought you weren't coming, but it's good that you came." I sweetly smiled at him. “I'm sorry for being late. May inasikaso lang akong importante kaya nahuli ako ng dating,” pormal niyang sagot, ni wala man lang kangiti-ngiti. Hindi ko naman mapigilan ang bahagyang mapasimangot. Hays, napakapormal talaga ng lalaking 'to kahit kailan! “So, puwede mo ba akong isayaw?” I asked him again, smilingly. But instead of answering me, Kuya Spencer looked at my grandfather. “Chairman, puwede ko bang isayaw ang apo niyo?” Napanguso na lang ako. Seriously? Isasayaw lang ako pero kailangan niya pa talagang humingi ng permiso kay Lolo? Hays naman lalaking 'to, nasubrahan naman yata sa pagka-gentleman! Napatawa naman si Lolo. “Of course, Hijo. Ikaw pa ba, alam mo namang malaki tiwala ko sa 'yo.” Napangiti ako ng malapad sa pagpayag ni Lolo, inaasahan ko na talaga. Of course, Kuya Spencer is his favorite secretary. Mas may tiwala pa nga siya kay Kuya Spencer kumpara sa mga kamag-anak namin na nasa kompanya niya rin nagtatrabaho. “Thank you, chairman.” Kuya Spencer wrapped his arm around my waist and led me closer to the people who were dancing. I call him Kuya hindi dahil sa favorite secretary siya ni Lolo o kaya nakakatanda siya akin, tinatawag ko siyang Kuya ay para lang mapalapit ako sa kanya at maging close kami sa isa't isa. Pero kahit ano yatang gawin kong pagpapapansin sa kanya ay hindi pa rin naaalis ang pagkapormal niya sa akin kapag kausap ako, ganoon din si Lolo. Ang tingin niya kasi sa akin ay apo lang talaga ng boss niya, nakakainis sa totoo lang. Almost six long years ko na siyang crush, pero parang hindi naman niya iyon alam. He has no idea that I like him, palibahasa ay may pagkamanhid siya at puro trabaho lang yata ang laman ng isip. Hindi ako magtataka kung bakit paborito siya ni Lolo. Actually, hindi lang siya basta paborito ni Lolo, kundi parang totoong pamilya na talaga ang turing sa kanya. “Kuya Spencer…” I called him. Kasalukuyan niya na akong isinasayaw. “Hmm?” He looked at me, parang nagising sa malalim na iniisip. “What's wrong?” Mahina akong tumikhim. “Uhm… k-kasi, Kuya, may importante sana akong sasabihin sa 'yo.” “Sure. And what is it?” “Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Kuya!” Hindi ko inaasahan ang kanyang marahan na pagtawa sa sinabi ko. Shit. Kahit simpleng pagtawa niya lang ay napatulala na ako dahil sa kanyang kakisigan. Iba talaga ang karisma niya, ibang-iba ang dating sa akin. “I will accept that as a compliment. Thank you!” He smiled at me, tipid lang iyon pero sapat na para magwala ang puso ko. Iwan ko ba kung bakit ang lakas ng impact niya sa akin. Feeling ko tuloy ay pinakulam niya ako kung bakit ako in love pa rin sa kanya after all this years. “And oh, I almost forgot.” Gamit ang kanyang kamay ay may dinukot siya sa kanyang suot na tuxedo, at nang makuha ay huminto siya sa pagsayaw sa akin—kaya napahinto din ako. Iniyapos niya ang dalawang braso sa leeg ko, ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagdampi ng malamig na bagay sa balat ko. Nang kapain ko ang leeg ko ay isang necklace ang nahawakan ko. “It's my gift. Happy birthday!” Kuya Spencer smiled at me after putting the necklace on my neck. But this time ay napakatotoo na ng kanyang ngiti, hindi na tinipid. Sa sobrang tuwa ko ay mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya pisngi. “Thank you, Kuya!” I smiled at him after giving him a kiss. “Ang ganda! Sobrang nagustuhan ko 'to!” Napahaplos pa ako sa necklace. Mukhang mamahalin. “I'm glad you like it.” Muli na niya akong isinayaw habang naroon pa rin ang munting ngiti sa kanyang labi. In fairness, ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganito, palagi lang kasing tipid ang ngiti niya at bihira pa. Ngumingiti lang yata siya pag nagdi-dinner kaming tatlo sa bahay at nabibiro si Lolo gamit ang kanyang mga korneng jokes. “Kuya Spencer, do you have a girlfriend now?” I asked him. I Need to know. I hope wala siyang girlfriend, dahil talagang magwawala ako pag meron man. Saglit siyang natigilan sa tanong ko at sandaling napatitig sa akin bago mahinang umiling. “No. I don't have one.” Tila tumalon ang puso ko sa tuwa. Buti naman kung gano'n. Ang suwerte ko! “Kuya, may sasabihin sana akong importante sa 'yo.” This is it, magtatapat na ako sa kanya. Wala na 'tong atrasan pa! “That I'm handsome?” He laughs. “Is that it, huh? Iyon na naman ba ang gusto mong sabihin?” Nakangiti pa rin siya sa akin. His smile was very neat, it made him more handsome and attractive. I nodded at him, smilingly. “Yes, you're handsome. And I like you, Kuya!” Sa wakas nasabi ko rin. Sandaling nawala ang ngiti sa kanyang labi, pero agad ding bumalik. “Of course you like me because I'm your Kuya.” Oh god! No way! “It's not what I mean… I like you, hindi bilang isang Kuya . . . kundi bilang isang lalaki.” I swallowed while looking at his brown eyes. “Gusto kita, S-Spencer…” Natigilan siya, tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi. Ramdam kong na-tense siya sa pag-amin ko, iniwas na niya na rin ang tingin sa akin. I bit my bottom lip. “Ang totoo niyan ay m-matagal na kitang gusto… I'm in love with you at first sight.” Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin dalawa. He didn't answer me, ni hindi na niya ako tiningnan pa pero patuloy naman siya sa pagsayaw sa akin. Parang gusto ko tuloy lumubog sa hiya. Basted na ba ako agad? Ramdam ko ang paghapdi ng mga mata ko. s**t! Naiiyak yata ako! Hindi 'to maaari! Para itago ang luha ko ay agad kong isinandal ang ulo ko sa kanyang malapad na dibdib. “You okay?” he asked me. Parang nagkaroon bigla ng lambing ang kanyang boses. I closed my eyes for a moment. No! Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya! I'm sure mapapahiya ako! Ang dami pa namang tao dito sa hotel! Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at sandaling kinurap-kurap ang mga mata ko para bawiin ang luha na gustong kumawala. Kaya ko 'to. Kayang-kaya ko! Tinapangan ko na ang sarili ko, nag-angat na ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata na ngayon ay nakatitig pala sa akin. “K-Kuya Spencer, ikaw ba wala kang naramdaman sa akin kahit k-konti? W-Wala ka bang pagtingin sa akin bilang isang babae? Don't you see me as a woman, Kuya?” He swallowed. Pero bago pa siya makasagot sa tanong ko ay hindi ko inaasahan ang malakas na pagtikhim mula sa likuran ko. “Spencer hijo, it's my turn to dance with my princess.” Parang gusto kong mapapadyak sa inis nang marinig ang boses ni Lolo. Hays! Kaya naman imbes na sagutin ni Kuya Spencer ang sagot ko ay itinigil na lang nito ang pagsasayaw sa akin. “Sure, chairman.” Ibinigay na ako nito kay Lolo. Napasimangot na lang ako. Seriously, kung nagkataon na kaibigan ko lang 'tong si Lolo ay baka pinagkurot-kurot ko na hanggang sa umiyak. Hays, naman matandang 'to, napaka-wrong timing naman! Masyadong panira ng moment!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD