PROLOGUE

917 Words
“Ron Ron, 'yung Lolo mo! 'Yung Lolo mo nahulog!” humahangos na sigaw ng isang nuebe anyos na batang babae pagkapasok sa loob ng tahimik na classroom kung saan iilan pa lang ang mga estudyante sa loob dahil nga break time pa. “Puwede ba, Angela! Huwag ka nga maingay, hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko, eh!” masungit na sagot ng batang lalaki at muling pinagpatuloy ang pagdu-drawing sa kanyang notebook. “Ano ka ba, totoo ang sinasabi ko! Nahulog 'yung Lolo mo! Nakita mismo ng dalawa kong mga mata!” Pero hindi na kumibo pa ang batang lalaki at nag-fucos na lang sa pagdu-drawing. Napasimangot na lang ang batang babae at inis pang napapadyak. “Hays! Bahala ka na nga diyan, ayaw mo namang maniwala, eh! Napagod pa ako sa kakatakbo papunta dito!” Muli na itong tumakbo paglabas ng classroom. Napangiti naman ang batang lalaki nang matapos ang ginuguhit nitong isang two story house sa kanyang notebook: ito ang dream house ng kanyang Lola. Birthday na kasi nito sa makalawa kaya naman pinag-aaralan niyang mag-drawing ng magandang bahay para iregalo dito. Pangarap kasi talaga nito na magkaroon ng magandang bahay tulad ng iba. Mula nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya ay naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang grandparents. Ang kanyang Tatay naman ay nasa malayong lugar na at wala nang pakialam pa sa kanya dahil nga may sarili na itong pamilya. Kaya naman ang kanyang Lolo Jasento na lang ang bumubuhay sa kanila sa pamamagitan ng pagtatrabaho nito bilang isang construction worker, foreman kasi ito at masipag din, kaya kahit 71-year-old na ay kumakayod pa rin ito para sa pamilya. Nang matapos ang klase ng hapong iyon ay masayang umuwi ang batang lalaki habang kumakanta-kanta pa sa daan at panay ang tingin sa hawak na notebook kung saan naka-drawing ang two story house.Ngunit nang malapit na ito sa kanilang munting bahay ay hindi mapigilan nito ang magtaka nang makitang maraming tao sa labas: ang iba ay nakatayo pa sa bungad ng pinto habang nakasilip sa loob. Tumakbo ang batang lalaki at nakipagsiksikan pa para makapasok. Pagkapasok ng bata sa loob ng kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang Lola na tahimik na umiiyak habang nakaupo sa wheelchair nito at nakaharap sa puting kabaong. May sakit kasi itong diabetes kaya naka-wheelchair na lang, putol na ang isang paa nito. Lumapit ang bata at sinilip kung ano ang nasa loob at kung bakit ba umiiyak ang kanyang Lola, ngunit ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang makita ang kanyang Lolo na nakahiga sa loob: halos hindi na makilala ang itsura nito dahil talaga namang basag ang mukha. “Apo, wala na ang iyong Lolo! Iniwan na niya tayo!” umiiyak na sabi ng kanyang Lola at niyakap siya. Napaiyak na rin ang batang lalaki habang nang makita ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang Lolo. Kinabukasan ay agad din nila itong inilibing at hindi pa pinatagal pa. “Paano ba 'yan, Mare, ano na ang desisyon mo ngayon? Magsasampa ka ba ng kaso sa amo ng asawa mo? Aba eh, na aksidente si Jasento sa kanyang trinatrabahuhan, at ang balita ko ay sinadya daw siyang itulak kaya nahulog sa building na iyon. Kaya dapat magbayad sila, makapag-areglo, kasi ganoon naman dapat sa batas natin, 'di ba?” Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa matandang biyuda. “Wala naman akong kakayahan para magsampa ng kaso sa kanila, Mare, wala akong laban. Kahit magsampa man ako ng kaso ay alam kong wala ding mangyayari at baka mapasama pa ako at ang aking Apo.” Saglit pa itong napatingin sa batang lalaki na ngayon ay mahimbing na natutulog sa isang maliit na katri. “Kaya minabuti kong hayaan na lang, diyos na ang bahala. Kung darating man sila dito para makipag-areglo ay mas mabuti, pero kung hindi naman ay ayos lang.” Napabuntong hininga na lang ang kaibigan ng matanda na si Aleng Ema. Lumipas ang tatlong araw ay 'yung batang lalaki na lang ang nag-aasikaso sa kanyang Lola. Bago pumasok sa school ay pinag-iigib niya muna ito ng tubig pampaligo nito at ipinagsasaing muna, dahil nga minsan ay nahihirapan na rin itong kumilos. May kapansanan kasi ito, dahil hindi lang isang paa nito ang putol kundi pati na rin ang isang braso. “Alam mo ba, ang balita ko ay tinulak daw talaga si Jasento kaya nahulog sa mataas na building na iyon! At ang nakakagulat pa ay kamag anak daw ng kanilang boss ang nagtulak!” “Oo nga, Mars, iyon din ang balita ko! Talagang 'yan ang hirap sa mga mayayaman, parang balewala lang sa kanila kahit makapatay, palibhasa marami silang pera, kaya kahit makagawa ng krimin ay hindi pa rin napaparusahan!” “Tama ka, Mars. Kawawa talaga si Jasento, ni wala man lang ni isang dumating para makipag-areglo. Eh mayaman naman ang kanilang boss, pero talagang walang awa, palibahasa ay sinadya nilang ihulog si Jasento sa building na iyon. Baka may nalaman siyang isang sekreto kaya sinadya siyang ihulog!” Iilan lang iyon sa mga haka-haka na naririnig ng batang lalaki mula sa kanyang mga chismosang kapit-bahay. Lumipas ang mga araw ay wala ni isa ang pumunta para makipag-areglo. Wala ding nangyaring pag-iimbestiga ukol sa pagkahulog ng matanda sa building na pinagtatrabahuhan. Ang Lola ng batang lalaki ay nagpakamatay, walong araw matapos ang libing ng asawa. Naiwang mag-isa ang batang lalaki, hanggang sa pinuntahan na lang ito ng mga DSWD at dinala sa isang bahay ampunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD