“Why is my dear Princess frowning?” puna ni Lolo sa akin habang isinasayaw ako.
Paanong hindi ako sisimangot, eh binulabog niya lang naman ang pagtatapat ko.
“Never mind, Lo. Nga pala, what's your gift for me? Can I make a request?” Lihim akong napangisi ng may maisip.
Oo nga pala, may kasabihan tayo; na kung hindi mo makuha sa santong dasalan, puwes kunin mo na lang sa santong paspasan, para ano man ang kalabasan ay walang sisihan, at least ginawa mo ang iyong kakayahan, kaysa naman magmaktol at umuwing luhaan.
My grandfather chuckled. “Say whatever you want, young lady; you know Grandpa can't say no to you, ano man ang hilingin mo.”
“Kung gano'n, Lo, ipakasal mo na lang ako kay Kuya Spencer. I want him. I want him to be my husband!”
Napahalakhak si Lolo, dahilan para mapatingin ang ibang guest sa amin.
I frowned. “Ano'ng nakakatawa, Lo? Don't tell me hindi ka papayag? Akala ko ba ano man ang hilingin ko?”
Napasatsat si Lolo. “Kawawa naman ako kung mag-aasawa ka na, Apo. Maiiwan akong mag-isa niyan, at talagang si Spencer pa ang napili mo. Akala ko ba Kuya ang turing mo sa kanya?”
“I just call him Kuya para lang mapalapit sa kanya.” I pouted. “Pero gusto ko talaga siya, Lo. I liked him from the first time I saw him. Siya ang gusto ko maging asawa.”
“You're too young to get married.”
“I'm already twenty four, Lo!”
“Exactly, you're just twenty four, masyado ka pang bata para mag-asawa. Saka na lang pag thirty eight ka na. ”
Literal na nanlaki ang mga mata ko. Thirty eight? Damn! No way!
“Lo, ano ka ba naman! Baka menopause na ako nu'n! Thirty eight talaga? Ayoko, hindi ako papayag!” Hindi mo mapigilan ang mapapadyak at dunod-sunod na umiling. “Ayokong tumandang dalaga, 'no! Kaya sige na po, Lo. Ipakasal mo na lang ako sa favorite secretary mo. Ayaw mo nu'n, magkakaroon ka na ng apo sa tuhod kung sakaling mag-asawa ako. At isa pa, doon din naman ang pupuntahan ko, Lo! Kaysa naman mag-asawa ako ng iba, mas mabuting doon na lang sa taong lubos mong pinagkakatiwalaan!”
Saglit na napatitig sa akin si Lolo, pero kalauanan ay isang buntong hininga ang pinakawalan.
“Iba na lang ang hilingin mo, Apo. Sa nakikita ko kay Spencer ay parang bunsong kapatid lang ang turing sa 'yo. At isa pa, baka may girlfriend na 'yun.”
Tsk. Problema ba kung may girlfriend na siya? Asawa nga naaagaw eh, 'yun pa kaya girlfriend lang.
“Pero siya po ang gusto ko, Lo. Wala akong pakialam kung may girlfriend man siya at walang pagtingin sa akin ni katiting, alam ko namang mamahalin niya rin ako bilang asawa niya kapag naikasal na kami. Kaya sige na, Lo, pumayag ka na po sa hiling ko. Akala ko ba ibibigay mo lahat ng gusto ko?”
“Pero, Apo—”
“No more buts, Lo. Sige ka, lalayasan talaga kita kapag 'di ka pumayag. Hindi ako magpapakita sa 'yo habang buhay!”
My grandfather took a deep sigh na para bang suko na. “Fine. I will talk to him later.”
Namilog naman ang mga mata ko sa narinig. Sa sobrang tuwa ko ay agad akong napatalon at yumakap kay Lolo.
“Thank you so much, Lo! You're the best talaga! The best Grandpa in this world!”
“I know…” My grandfather laughed.
Mula nang mamatay ang parents ko sa isang aksidente ay si Lolo na ang nagpalaki sa akin. And for me, he is the best Lolo in the world. Ang suwerte ko lang na siya ang naging Lolo ko. Lahat ng gusto ko ay agad niyang sinusunod.
Nakangiti akong bumalik sa table namin ng mga kaibigan ko.
“Oh buti naman hindi ka na nakasimangot ngayon?” maarteng puna sa akin ni Bea.
“Don't mind me guys, I'm just happy because it's my birthday today. Ang mas mabuti pa ay uminom na lang tayo.” Mabilis kong dinampot ang glass na naglalaman ng champagne. “Cheers?”
Kanya-kanya namang pinagdampot ng mga kaibigan ko ang kanilang baso at Itinaas. “Cheers!”
Habang nagkukuwentuhan ang mga friends ko ay palihim namang nakamasid kay Kuya Spencer ang mga mata ko.
“Sana magka-boyfriend ka na, Shen!” wika ng kaibigan kong si Avie bago tinungga ang kanyang baso.
Napangisi naman ako. Magka-boyfriend? Nah, mas gusto ko asawa agad para sa akin na talaga.
Inalog-alog muna ang hawak kong baso bago sumimsim ng kaunting champagne. “Of course. Soon, iimbitahan ko kayo sa kasal ko, maybe this month, I'm not sure, puwede rin next month. Basta malapit na ang kasal ko.”
Napabaling lahat ng tingin ng mga friends ko sa akin.
“But you don't have a boyfriend, kanino ka naman magpapakasal?” Si Halle na nanlalaki ang mga mata sa akin.
"When did you have a boyfriend?” Kenneth asked with a frown.
“It's a secret,” I replied with a smile. “Basta ikakasal na ako soon. Don't worry guys, makilala niyo rin naman ang groom ko sa mismong araw ng kasal namin.”
Napaawang ang labi ng mga kaibigan ko na parang hindi makapaniwala sa akin.
“Nah, you're just kidding, Shen! Baka lasing ka lang kaya mo nasabi 'yan? Eh wala ka namang boyfriend, 'no!” Avie laughed.
“No, I think she's serious. But who's the lucky guy?” Patrick asked, curiously.
Pero imbes na pansinin ang kanyang tanong ay mas pinili kong tumayo at parang nataranta nang makita ang paglabas ni Kuya Spencer. Saglit pa akong napapikit nang makaramdam ng pagkahilo, parang sandaling umikot ang paningin ko dahil sa bigla kong pagtayo.
“Maiwan ko muna kayo, guys. Enjoy your drinks, I'll be right back!” paalam ko sa mga kaibigan ko bago sila tinalikuran.
Rinig ko pa ang pagtawag ni Lolo pero hindi ko na nilingon pa. Kahit parang umiikot na ang paningin ko ay pinilit ko pa ring humabol palabas ng hotel. Parang nataranta pa ako nang hindi ko na makita si Kuya Spencer, pero buti na lang pagdating ko sa parking lot ay sakto namang pasakay pa lang siya sa kanyang sasakyan.
“Kuya!”
Napahinto ito sa akmang pagbukas ng pinto ng kanyang kotse at agad na napalingon nang marinig ang pagtawag ko.
“Kuya, I'm coming with you!” I ran closer to him, but because I was dizzy, I didn't expect to fall.
Napangiwi ako sa pagbagsak ko sa matigas na semento, buti na lang hindi ang mukha ko ang tumama, 'yung dalawa kong braso at dalawang tuhod. Ang sakit lang!
“Chrissa!” To the rescue naman si Kuya Spencer, napatakbo ito sa akin at agad akong inalalayang tumayo. “Are you okay? May masakit ba sa 'yo?” may pag-aalala nitong tanong at taranta pang hinawakan ang mga braso ko at tiningnan ang silo ko, nang makitang nagalusan ay isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at tiningnan ako. “Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na tumakbo ka! Ayan tuloy nagalusan ka na!”
Medyo nagulat naman ako sa kanyang pagsigaw. Damn! He looks mad! But why?
“Sasama ako sa 'yo—I mean… ihatid mo na ako sa bahay, Kuya… g-gusto ko na kasing magpahinga.”
He closed his eyes for a moment, isang buntong hininga ulit ang kanyang pinakawalan. “I'm sorry. Nasaktan ka ba? Masakit ba, ha? May masakit sa 'yo? Gusto mong dalhin kita ospital?”
“No, Kuya, I'm okay!” I smiled at him. “Let's go, ihatid mo na lang ako.” Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at nagmamadali nang pumasok sa loob ng kanyang kotse.
Ramdam ko ang pagkirot ng paa ko, mukhang na-sprain pa yata.
Pumasok na rin si Kuya Spencer sa driver seat, at nang tingnan ako nito ay agad kong umiwas at ibinaling na lang ang tingin sa labas.
“Nakapagpaalam ka na ba sa Lolo mo na uuwi ka na?”
I just nodded at him, kahit na ang totoo ay hindi naman. I just want to be with him, gusto kong sabihin ulit sa kanya na gusto ko siya. Gusto kong marinig ang sagot niya. Tamang-tama lang ang timing ko dahil walang tao sa mansyon ngayon kahit mga katulong, nasa hotel silang lahat dahil nga birthday ko.
Habang lulan ng sasakyan ay panay naman ang paghikab ko, medyo umiikot pa rin ang paningin ko dahil sa pagkahilo. Sumandal na lang ako sa aking upuan at pumikit, hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulog ko.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang paghiga ko sa malambot na kama. When I opened my eyes, si Kuya Spencer ang bumungad sa akin; kasalukuyan akong kinukumutan.
“Kuya…”
Sandali siyang napaangat ng tingin sa akin nang marinig ang pagtawag ko.
“Matulog ka na, mamaya na lang ako uuwi kapag dumating na ang Lolo mo at ng mga katulong.”
“No, just stay here in my room!” mabilis kong pagpigil sa kanyang kamay nang aalis na. “May mga tanong ako sa 'yo at gusto kong sagutin mo muna bago ka lumabas.”
Napahinto naman siya at mahinang bumuntong hininga. “Bukas na lang kapag hindi ka na lasing—”
“No, I'm not drunk!” mabilis kong depensa na sinabayan ng pag-iling. “Oo, nakainom ako pero hindi naman ako lasing. Malinaw pa rin kitang nakikita at naririnig. Kaya ngayon gusto kong marinig ang sagot mo…” Napalunok ako. “Puwede ko bang malaman kung… a-ano ang tingin mo sa akin bilang isang babae? K-Kasi Kuya… gusto kita… hindi bilang isang Kuya, kundi bilang isang lalaki. Gustong-gusto kita, Kuya.”
Namayani ang ilang sandaling katahimikan.
Pero makalipas ang halos ilang segundo ay hindi ko inaasahan ang pagbaklas niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso.
“Matulog ka na,” matapos niyang sabihin iyon ay saka niya ako tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko.
Medyo nasaktan ako sa hindi niya pagsagot. I know, ayaw niya sa akin. Halata naman, eh.
I couldn't help but cry. I can't stop my tears from falling.
Sa edad na twenty four ay ito ang unang beses na nagtapat ako sa isang lalaki, at talagang basted pa. It hurts—yes!
I cried overnight.
Nang magising ako kinabukasan ay medyo tanghali na, at talagang pagang-paga ang mata ko dahil sa kakaiyak magdamag. Inayusan ko na lang ang sarili ko at nagsuot ng shades para hindi makita ang pamamaga.
Pagbaba ko ng kuwarto ko ay nadatnan ko si Lolo sa sala; nakaupo sa couch at nagkakape habang may binabasang magazine. Agad naman akong lumapit dito.
“Hi, Lo, good morning!” I kissed him on the cheek bago naupo sa kabilang couch.
“Nakaayos ka, saan na naman ang punta mo?” tanong ni Lolo pero sa hawak na magazine ang tingin.
“Wala naman, Lo, gusto ko lang talaga maging pretty. And by the way, what happened last night, Lo? Si Kuya Spencer, nakaalis na ba?”
Ibinaba ni Lolo ang hawak na magazine at tiningnan ako. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago nakuhang magsalita.
“I already talked to Spencer about the marriage proposal.”
Napalunok ako. “And the answer is?”
Bigla akong kinabahan lalo na nang muling bumuntong hininga si Lolo, 'yung klase pa naman ng buntong hininga na tila bigo.
No way! Talagang iiyak na ako sa harap ni Lolo kapag hindi pumayag ang lalaking 'yun.
“So, what's his answer, Lo? Pumayag ba siya… or?”
Shit! Nati-tense ako!
“The answer is…” My grandfather looked at me, directly into my eyes. Parang gusto pa talaga akong binitin.
“Ano po? Come on, tell me now, Lo! Did he agree?”
Seriously, kung naging kaibigan ko lang 'to si Lolo ay baka matagal ko nang binatukan. Aba eh, mas malupit pa sa announcer ng Miss Universe kung mambitin!
“Yes, he agreed to marry you!”
I was shocked. He agreed? Literal na nanlaki ang mga mata ko at biglang napatayo mula sa aking kinauupuan.
“OMG! Yes! Yes!” tuwang-tuwa kong sigaw dahil sa sobrang tuwa. Napatalon-talon pa ako na akala mo'y nanalo sa lottery.
Parang kagabi lang iniyakan ko pa siya, pero kapalit naman pala ng pag-iyak ko ay saya. Hindi ako makapaniwala na pumayag siya sa alok na kasal ni Lolo.
“Thank you so much, Lo! Sobrang the best ka talagang matanda ka!” patalon-talon kong sabi at nag-thumbs-up pa kay Lolo
Napailing-iling na lang si Lolo sa akin pero hindi naman maitatago ang ngiti sa labi.
Sa wakas, matutupad na rin ang isa sa mga pangarap ko; ang makasal sa lalaking gusto ko! And it was no other than Kuya Spencer, my grandfather's favorite secretary!
I'm super excited!
Finally, he will be mine soon!