Chapter 3: Just a brother nothing more
Hanggang ngayon ay kinakain pa rin ako ng napag-usapan namin ni Jun kanina. Gusto kong matawa na mandiri eh. That can't be, right?
"Shit." napatingin ako kay Jun ng bigla siyang magmadali. Nakatingin siya sa cellphone niya.
"Diyan na si Kuya Jin? " ani ko. Alam ko na kapag ganiyang nagmamadali siya ay nasa baba na ang kuya niya at sinusundo siya. Ayaw kasi ni Kuya Jin na pinaghahantay siya.
"Oo. Sorry bro, next time na lang tayo mag arcade. Mauuna na ako." kumaway lang kami sa isa't isa.
Lagi kasi, kada tapos ng klase ay nag aarcade kami. ‘Yun lang, bago kami makapag arcade ay hinihintay niya munang matapos ang practice ko sa aming club. Nasa archery club kasi ako.
Sinukbit ko ang aking bag at lumabas pero, natigilan ng makitang nasa bungad pa rin ng pinto si Jun. Tila gulat.
"Jun? Anong —"
"Rin!" natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Nasa harapan pala niya si Akio! "Hinanap kita dito sa kaklase mo akala ko umuwi ka na eh."
"Siya ang..." mahinang usal ni Jun. Napalunok ako. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinaharap sa akin.
"Jun, si Kuya Jin nag-aantay na sa iyo sa baba." sa sinabi ko ay mukhang natauhan siya. Binigyan niya ako ng "mag-usap tayo bukas" look bago siya umalis.
Nang tumingin ako kay Akio ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Damn, that serious stare. Mas gwapo siya kapag ganiyan.
"B-bakit?"
"May tinatawag ka pa palang ibang Kuya bukod sa akin." ani niya. Tumaas ang kilay ko.
"Kuya ‘yun ng bestfriend ko si Jun..." turo ko sa dinaanan ni Jun kanina paalis. "...matagal ko na silang kakilala."
Seryoso pa rin siya pero, maya maya pa ay naglakad na pauna sa akin. What the? Anong problema nito?
"Mauna ka nang mauwi kuya, may practice pa ako." ani ko habang naglalakad kasabay niya. Ayun na naman ang tinginan ng mga babae sa kaniya. ‘Wag niyo nalang ako pansinin, display lang ako dito.
"Hihintayin kita."
So, ganito pala yung feeling ng sinusundo ng kapatid. Nakakatuwa. Sobrang saya ko na hindi ko maintindihan. Tapos aantayin ka niya at sabay kayong uuwi. Ganito 'yung magkapatid, diba?
Pero sana pala hindi na lang ako pumayag na maghintay siya sa akin. Ang daming tao sa labas. Kahit ang ibang mga kasama ko sa club ay na starstruck yata sa kaniya. Pero ang mas malala ay hindi ako makapag concentrate dahil kanina pa niya akong seryosong tinitignan. Bawat galaw ko ay pinagtutuunan niya ng pansin. Oi, andaming nakapalibot sa iyo oh. Sila na lang kaya atupagin mo? Naiilang ako.
"Rin. Naku, siya ‘yung transferee, diba? Buong araw siya yata ang laman ng usapan. " ani ng President namin sa club na si Ami. Inaayos ko na ang bow at arrow ko dahil tapos na kami.
"Tch. Bakit naman?" ani ko
"Anong bakit? Ang gwapo gwapo niya! OMG look at that blondiness. Blue eyes. Coolness. Prince type! " kinikilig pa niyang ani habang hinahampas pa ako. "Pero teka, ba't mo siya kasama?"
"Stepbrother ko ‘yan. Anak ng bagong asawa ni Dad." biglang natigilan ang mga nakarinig sa akin. Maya maya pa ay nagsilapitan na sila lalo na ang mga babae.
"OMG! Kyaah~ ang swerte mo Rin!"
Huh? Swerte ako? Bakit naman? Tch! At teka di ako makadaan, hoy!
Nasa ganoon kaming posisyong ng may humila sa akin at itinago ako sa likuran niya. Si Akio.
"Sorry girls. Would you leave my little brother alone?" nakangiti niyang ani sa mga ito. Natulala naman sila.
"Kyaah~ protective kuya. Exactly my type!"
Protective? I see. So that's how it is. Because he is my brother, huh?
Napabitaw ako sa pagkakahawak niya at umalis na doon. Somehow it made me sad. Ganoon ba dapat ang mararamdaman mo kapag pinoprotektahan ka ng kuya mo?
"Rin! " humabol siya sa akin at naglakad katabi ko. "Sorry. Are you mad?"
Galit? Ba't ako magagalit? Wala ka namang ginawa na ikagagalit ko. Ginawa mo lang ang pagiging kuya mo, diba?
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Bahagya ko siyang sinuntok sa balikat. Brothers, right?
"Ba't ako magagalit kuya? Tch. Salamat inalis mo ako doon. I'm not really good with girls. Buti nalang doon ka kanina." iiling iling kong sabi habang natatawa.
Tama. This is how it is. To be brothers. This should be the first step. We should keep this up. Dapat maging masaya ako dito, diba? Tama.
"Because I don't like it." napatigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Ang lungkot niya habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Ha?"
Humakbang siya papalapit sa akin at hindi ko napaghandaan ang pagyakap niya.
"The sight of my little brother with girls, I don't like it." he whispered. It sent shivers down my spine.
Bigla kong naalala ang eksena kanina na may kausap siyang babae. Bigla akong nainis ulit. So pwede ka nga talagang magalit kapag may kasamang babae ang kapatid mong lalaki, ganun? Bakit parang mali?
Bahagya ko siyang tinulak.
"Ano ka ba kuya syempre natural lang ‘yan. Kapag nagkasyota ka or ako diba dapat suportado natin ‘yan? Tapos magtutulungan tayo sa pagporma."
Yeah. That's how it is right. That's what brothers are like right?
"Girlfriend? You plan to have a girlfriend Rin?" he said. Ano ba ang problema doon? Naguguluhan ako sa kaniya.
"Ofcourse! That's the most exciting part of a boys life." taas baba ng kilay kong sabi.
Hindi ko alam pero, si Akio kaya nagkagirlfriend na? Bakit ang sakit isipin? Yeah, he is a playboy right? He must have more than 10 girls before.
"I see. Tama ka nga naman Rin. Girls are fun. I love talking and flirting with them everytime. "
Ah, yeah right? Tch. Nagyabang pa! Nakakainis! Siguro nga nakikipagsex ka pa!
Sex?
Bigla yatang uminit ang mukha ko.
Oo nga baka nga na experience na niya ‘yan. He is a liberated guy after all.
"And have s*x with them?"
The f**k Rin! Isinatinig mo pa talaga.
Nakita ko kung paano siyang natigilan sandali. May kung anong pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Yeah."
Damn! See? He already done it with girls. Eh ano bang paki alam ko. Tch.
"Nice." lang ang tanging naisagot ko.
"Ayaw mo ba nun, Rin?"
"Ha?"
"Me playing around?"
Ayaw? Ayaw ko nga ba? Oo ‘yun ang nararamdaman ko. Pero ano naman kung makipaglandian siya sa babae? Diba ‘yung magsyota lang ang pwedeng makaramdam ng mga ganoong klase ng inis?
"Tch ano ka ba kuya? Excitement mo ‘yan. Kung ‘yan ang nagpapasaya sa iyo gawin mo. Basta ba huwag mo lang buntisin kaagad pakasalan mo muna." natawa ako sa sinabi ko.
Ah. This is how to talk with your brother huh? This is how to joke around with them? Somehow I feel so happy.
"I see. I've got a supportive brother huh?"
Yeah brothers. That's right. We're just brothers.