Chapter 2: Our step towards brotherly love
Lumipas ang mga araw at ngayon nga ay pasukan na. Dumaan ang ilang araw sa pagitan naming dalawa na medyo hindi maganda. Well, sa parte ko lang siguro, pero sa kaniya ay parang normal lang.
Kapansin pansin ang pag-iwas ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw. At alam kong kahit siya ay pansin iyon pero, siya ay normal pa rin. Nagui-guilty ako dahil sa tingin ko ay ako lang ang may iniisip na kakaiba. Nakakainis. Nakakafrustrate. But, I wanna be close to him.
"Oy, kanina ka pa tulala!" inis akong napatingin sa kakarating lang na si Jun. Seatmate at bestfriend ko simula pa elementary.
Nasa classroom na kami ngayon at hinihintay ang guro namin sa pang unang subject. Napabuntong hininga ako at nanlumbaba. Kanina, habang papasok kami ni Akio sa paaralan ay nakuha na niya kaagad ang atensyon ng mga estudyante lalo na ng mga babae. Well, who wouldn't right? He's a total package.
"Grabe habang papasok ako kanina, ang ingay-ingay sa department ng mga senior." ani ni Jun pagkaupo nito sa kaniyang upuan. Kumuha ako sa kinakain niyang chichirya.
"Hm? Bakit daw?" tanong ko habang ngumunguya.
"Dinig ko may transferee daw eh. Gwapo. May lahi. Hindi na ako magtataka na nandoon lahat ng mga babae. Tsk tsk." iiling iling niyang ani.
Ah. It must be him, huh.
Napalingon ako sa aking gilid. Mula dito ay tanaw ko ang department ng mga senior. Marami ngang nagkukumpulan doon. May mga dumadaan lang, nakiki-usyoso at syempre, ‘yung mga babaeng todo bigay talaga sa pagtingin doon.
Wala sa sariling napangiti ako. Gusto ko silang sigawan lahat at sabihing, “stepbrother ko 'yan!” I feel so proud. Ganito siguro ‘yung feeling ng mga bunso kapag sikat ang mga kuya or ate nila.
Maya maya pa ay nag-umpisa na rin ang klase namin. The usual introduce yourself sa mga transferee. Pero ni isa sa kanila hindi ko napag tuunan ng pansin. Lumalayag ang utak ko sa kung paano nga ba kami magiging magmukhang magkapatid ni Akio? I want to have a proper bond with him as a brother. That tought made me excited.
Oo nga pala!
Napatingin ako sa katabi na noo'y seryoso sa pakikinig sa guro namin. Naalala ko nga pala na may Kuya itong si Jun. Si Kuya Yujin or mas kilalang Jin. Isa siyang abogado. Minsan ay nakikita kong sinusundo niya si Jun at nakikita ko rin siya kapag nagagawi ako sa bahay nila Jun. Tanungin ko kaya si Jun mamaya? Paano kaya sila magtratuhan ng kuya niya?
"Hm?" nagulat ako ng may inilapag si Jun na piraso ng papel sa lamesa ko. Kinuha ko iyon at binuklat.
Kung type mo na ako dahil kanina ka pa nakatitig sa akin, mamaya na natin pag-usapan.
P.S.
Huwag kang mag-alala matatanggap pa rin kita kahit bakla ka. 'Yung feelings mo lang 'yung hindi ko matatanggap. Sorry Rin.
Huh?! Ba't ako nabusted?! And more importantly, sinong may sabing type kita you son of a b***h!
"HAHAHAHAHAHA!" halos hindi na makahinga sa pagtawa si Jun habang nasa daan kami papuntang cafeteria. It is already lunch break.
"Sige mag-usap na lang tayo kapag tapos ka nang matawa ‘jan" inis kong ani.
"Pfft bro, akala ko kasi nabading ka na sa akin, ‘yun pala-pft!" Tch. Mukhang sira. "Pero teka nga ba't bigla bigla kang nagtatanong tungkol sa amin ni Kuya? Don't tell me si Kuya Jin talaga type mo bro?" binatukan ko siya sa sinabi niya.
"Shut the hell up. Hindi sa ganoon okay? Kasi —" natigil ako sa pagsasalita at sa paglalakad ng may napansin ako sa may kalayuan. Sa may puno, sa gilid ng department ng mga senior nakita ko si Akio pero hindi siya nag-iisa.
Sa harapan niya ay isang babae at tila masaya silang nag-uusap. Nakasandal si Akio sa puno habang ‘yung babae ay nasa harapan niya. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ng babae at dinala ‘yun sa labi niya. That scene, how am I supposed to react on that?
Kapag nakita mo ang kapatid mong lalaki na may kasamang babae, ano ba dapat ang i-rereact mo? Matutuwa? Snob lang? Maiinis? Or malulungkot? Sa lahat ng nabanggit ko sa aking isipan, inis ang namayani sa lahat. Maiinis ba dapat ako? Bakit?
"Oh? ‘Yan ba 'yung transferee? Naks, gwapo nga at mukhang playboy."
"Tara."
"Ha?"
"Tara na sa cafeteria. Gutom na ako." hinawakan ko si Jun sa kamay at hinila paalis doon. Kahit ang sarili kong tinig ay hindi ko na makilala. Naalala ko ang sinabi ni Tita Leila bago kami nagkahiwalay. Sorry kong ma iistress ka 'jan kay Akio anak. He's a cassanova to the core. I see so that's how he is. I'm so stupid.
"Ibang level ka na bro ha. Nanghihila ka na, kinikilabutan na ako sa iyo." inis kong binitawan si Jun.
"Magtigil ka nga. Sagutin mo na lang ang tanong ko kanina." even so, I still want to know how to be close to him as his brother ofcourse.
"Tss. Kami ni kuya hindi kami masyadong magkasundo pero, hindi din ibig sabihin noon hindi na kami close. Masyado nga 'yung protective sa akin syempre, ako yung bunso at siya ang kuya."
Protective.
"Paanong protective?" interesado kong sabi.
"Syempre ayaw ‘nun na may uma-away sa akin. Sinasabihan ako na lumaban pag inaapi ako pero hindi 'yung laban na makikipagbasag ulo. How should I put this. Para siyang magulang ko kapag malayo sila Mom and Dad."
I see. So a brother can be your parent, huh? The older one I mean.
"Eh ikaw?" tanong ko.
"Anong ako?"
"Ano ang trato mo sa kuya mo?"
"Hmm. Hindi man halata pero, idol ko ‘yang si kuya. Sinusunod ko pa rin siya kahit nag-aaway kami minsan. Mahal ko ‘yun kahit ganun." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"M-mahal mo ang kuya mo?!"
"Tuleg syempre pamilya ko ‘yun! Hindi mo ba mahal Daddy mo ha?"
Si Daddy? Syempre mahal ko ‘yun. He's my Dad. Pero si Akio? Mahal ko as my family?
Bumilis ang t***k ng puso ko sa isiping iyon. Bakit parang iba?
"Mahal ko si Daddy syempre."
"’Yun naman pala. Eh ba't ka ba biglang nagtatanong niyan? ‘Wag mong sabihing —ah! Diba nagpakasal ulit Daddy mo? May kapatid ka na?"
Napalunok ako sabay tango.
"At hindi mo alam kong paano siya pakikitunguhan?"
Tumango ako ulit.
"I see. Take it easy bro. Magkukusa din ‘yan kapag nagkapalagayan na kayo ng loob. Sa una lang ‘yan syempre bigla bigla kayong naging magpamilya. Kapag nasanay kayo, sinasabi ko sa'yo, hindi niyo na maiisip na hindi pala kayo magkadugo. Hindi ka ba natutuwa sa kapatid mo?" ani niya.
"Hindi. Masaya nga ako dahil hindi na ako mag isa. Na may nakakasama na ako. Gusto ko siyang maging close pero alam mo ‘yun? Nang makasama ko siya sa iisang dorm parang hindi ako komportable. Naiilang ako na hindi ko alam. Bawat galaw niya naapektuhan ako.”
"Anak ka ng..." napatingin ako kay Jun ng gulat siyang napatingin sa akin.
"B-bakit?"
"Don't tell me babae ‘yang kapatid mo bro at na inlove ka kaagad sa kaniya?" ngayon ako naman ang nagulat. Nangatal ang tuhod ko at bumilis ang t***k ng puso ko.
Inlove? Ako? Kay Akio? The f**k that is so gross!
"Tama ba ako bro? Damn, complicated nga ‘yan! Maganda siguro eh. Pakilala mo sa akin, dito ba nag-aaral? Shet, stepsister mo 'yan bro, kahit hindi kayo magkadugo kasal pa rin mga magulang niyo."
No. No. No. That word it can't be. Inlove? Ha! Imposible! Alam kong hindi pwede ‘yun. And more importantly, he is not a stepsister but a stepbrother!